"ANG ELEMENTO NG APOY! Part 1"
ANG NAKARAAN,
Habang papatakas Sina Aira, Joshua at Liam. Di nila inaasahan na makakaharap nila ang kapatid ni Aira na si Via na nasa panig na ngayon ni Hex.
Napuruhan niya Sina Aira at Liam ngunit nakaligtas ito dahil sa tulong ng diwatang si Magindara. Samantala si Joshua naman ay nasa isang sumpa na kakagawan ni Via. At sunod-sunuran ang Prinsepe ng Lakur kina Hex at Via.
ANG KARUGTUNG...
"Mag focus ka Sam! Kelangan mong ilabas ang enerhiya na nangagaling dyan sa kamay mo. Dito~ "Sabi ni Zandro sabay turo sa kanang kamay ni Sam.
Samantala, sina Selena, Victoria at Nuno naman ay nakatingin kina Sam at Zandro.
"Alam mo Mahal na Prinsesa! Naikwento ni Sam saakin na naging sila ni Zandro noong nasa mundo sila ng mga Tao. " Sabi ni Nuno.
"Alam ko nuno, sinabi Yan sakin ni Zandro. Noong inutusan ko syang bantayan si Samuel sa Mundo ng mga Tao! Ngunit may nararamdaman din akong kakaiba ~" Sabi ni Selena sabay titig kay Sam.
"Kanino mahal na Prinsesa kay Zandro? Sa tingin mo nasa ilalim pa din sya ng kapangyarihan ni Hex?" Tanong ni Victoria.
"Hindi si Samuel! Kilala ko ang titigan nila ni Xavier. Parang katulad ng kay Prinsepe Husua." Sagot ni Selena.
"Sa tingin mo? May nanaramdamang espeysyal si Samuel kay Xavier?" Tanong ni Nuno.
"Hindi ko alam, pero buhay na nila Yan. At Sana Hindi maging dahilan ang namumuong pagtitinginan na yan sa isang sigalot dito sa Jamais." Sabi ni Selena.
Nang biglang natumba si Sam at nakapatong si Zandro sa ibabaw.
Tyempo namang dumating si Xavier.
Tumakbo ito patungo kay Sam at inalalayan itong tumayo.
Ilang sandali pa ay nag apoy ang mga kamay nina Xavier at Zandro.
At mukhang mag aaway ang dalawa.
Akmang aawat si Sam ngunit tumilapon lang ito papalayo sakanila.
Na agad namang tumayo si Selena.
"Itigil nyo yan!" Sigaw ni Selena.
Hindi parin nakinig ang dalawa at mas umapoy pa ang paligid ng kanilang kinatatayuan.
"Hindi ba Kayo makikinig saakin?" Galit na sabi ni Selena at huminahon ang dalawa.
"Ngayon magpaliwanag kayo? Ang utos ko. Sanayin ninyo si Samuel sa Elemento ng Hestia.ngunit anong ginawa nyo? Nag aaway kayo? Hindi na kayo bata! Hindi na kayo ang mga batang Prinsepe na binabantayan ko noon! Kung mag aaway man lang kayo. Umalis kayo dito at ako ang mag tuturo!" Sermon ni Selena.
"Patawad Binibini!" Sambit ni Xavier.
"Ako rin Pinuno!" Dagdag ni Zandro.
"Mas mabuti pa Prinsesa Selena. Ang iinit ng mga ulo ng mga to!" Sabi ni Sam. Nagulat nalang si Sam ng biglang tuminis ang kanyang boses.
"Prinsepe? Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Selena.
Samantala sa Kastilyo ng Harte.
Pinuntahan ng Lambana si Joshua.
"Nasaan kaya ang Prinsepe Husua!" Habang iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid nang biglang may dumating na mga kawal ni Hex.
"Naku! May mga kawal!" Sabi ng lambana at nagtago ito sa ilalim ng mesa.
Pagkaalis ng mga kawal ni Hex ay nakita niya si Joshua.
"Prinsepe Husua!" Sabi niya at agad niya itong sinundan papasok sa isang silid.
Balik sa Lakur...
"Ang buhok mo mahal na Prinsepe biglang humaba" Sabi ni Selena.
"Nuno, Pinunong Selena! Anong nangyayari sakin?" Tanong ni Sam na ngayon ay boses babae na ito.
Nagkaroon na din ito ng dibdib na katulad sa babae.
Tinitigan sya nina Xavier at Zandro.
"Anong tinitingnan nyo? Tumalikod kayo!" Sigaw ni Nuno at agad namang tinakpan ni Victoria ng kumot si Sam.
"Mahal na pinuno anong nangyayari? Bakit ako naging babae?" Umiiyak na sabi ni Sam.
"Maari na kayong tumingin mga ginoo!" Sabi ni Nuno.
Agad nilapitan ni Xavier si Sam at niyakap.
"Ayus ka lang ba?" Tanong nya. Si Zandro naman ay natulala sa kanyang nakita.
Tuluyan na naging babae si Sam.
"Nuno may Alam ka ba sa ganitong klaseng kababalaghan?" Tanong ni Selena.
"Maitanong ko lang Selena! Hindi ba anak ni Anya at Gerald ay lalaki? Ikaw mismo ang nag alaga sakanya noong sanggol sya. Sigurado kaba na lalaki ang Anak ng Reyna Anya?" Tanong ni Nuno.
"Oo Nuno! Sigurado ako! Sandali magpatuloy kayo sa pag sasanay at may pupuntahan ako!" Sabi ni Selena.
"Sasamahan na kita Mahal na Prinsesa!" Sambit ni Victoria.
"Hindi na Victoria, samahan mo nalang si Nuno dito baka naman mag away ang dalawang Prinsepe!" Sabi ni Selena at agad itong naglaho.
"Victoria, may kasarian na din ako ng katulad sa babae. Ano bang nangyayari talaga? Isinumpa ba ako?" Umiiyak na sabi ni Sam.
"Hayaan nyo Mahal na sugo. Alam kung pagbalik ni Prinsesa Selena ay may kasagutan na tayo sa nangyari sayo!" Sabi ni Victoria.
Balik naman sa lamabanang pinuntahan si Joshua.
"Prinsepe Husua!" Sigaw ng Lambana.
"Sino ka?" Tanong ni Joshua.
"Si Rosa po ito!" Sagot ng Lambana.
"Hindi Kita Kilala umalis kana! Bago pa Kita tirisin!" Sabi ni Joshua.
"Ang sama mo! " Galit na Sabi ni Rosa at inikut-ikutan nya si Joshua at binudburan nya ng gintong pulbo ang kantawan nito.
"Ang kulit mo ah! Ito ang bagay sayo!" Hinampas ni Joshua si Rosa gamit pamaypay na hawak nya. Tumilapon sa malayo si Rosa.
"Bumalik kana sa Lakur!" Sambit ni Rosa habang nanghihina ito dahil sa pinsalang natanggap.
"Hindi ka dapat nag tungo dito!" Sabi ni Joshua nang akmang tatapakan na ang lambana biglang lumabas ang ispirito ni Joshua.
"Hindi kita papayagan na gawin mo Yan! " Sabi ng ispirito ni Joshua.
"Umalis ka dyan!" Sigaw ng Itim na Husua.
"Umalis kana dito Rosa, iligtas mo ang sarili mo!" Sabi ng ispirito ni Joshua.
"Wag kang makialam!" Sigaw ng itim na Husua.
Agad namang tumayo ang lambana at naghanap ng halaman sa loob ng Kwarto. Tyempo namang may nakita syang halaman.
"Ang halaman ng Reyna Anya. Ito ang ibinigay ko sakanya noon!" Sabi ni Rosa at lumapit sya dito ay nag usal ng kakaibang salita. Mula sa katawan ng halaman ay nagbukas ang isang maliit na lagusan na agad namang pumasok si Rosa.
"Bwesit! Ako parin ang mananalo Husua. Saakin na ang katawan mo!" Sigaw ng Itim na Husua.
Samantala sa Kanlurang bayan ng Andromeda.
"Sa wakas nagising kana Prinsepe Liam! Mabuti na lamang ay naagap pa kita." Sabi ni Magindara.
"Nasaan ako?" Tanong ni Liam.
"Nasa Andromeda ka pa din. Dito ang aking tahanan!" Sabi ni Magindara.
"Teka si Aira!" Pag aalalang Sabi ni Liam.
"Ligtas si Aira. Nasa kaibigang diwata ko sya ngayon!" Sagot ni Magindara.
Sa lugar kung saan, inaalagaan si Aira.
"Habagat! Hindi ako pwdeng tumunga-nga dito at walang gagawin!" Sabi ni Aira.
"Aira, wag kang mag aalala. Sa oras nang gumaling kana ay hindi Kita pipigilan na umalis. Sa ngayon ligtas ka dito sa tagong parte ng Aera. Tanging sentro ng Aera Lang Ang nasira. Pero magpagaling ka muna!" Sabi ng Diwatang si habagat.
Habang si Selena naman ay nagtungo sa isang kaibigan na diwata.
"Maligayang pagdating sa Kanlaon Selena. Kaibigan anong maililingkod ko sayo?" Ngiting Sabi ng diwata.
"Magayon!" Ngiting sambit ni Selena sa diwata.
Itutuloy....