下載應用程式
10.52% His Sweet Peculiar Wife is a Bit Fierce / Chapter 8: Chapter 8

章節 8: Chapter 8

Pagkasakay nila sa kotse ng binata ay agad na tinanong ni Mira si Sebastian tungkol sa nangyari.

"Bakit mo naman sinisante ang secretary mo, hindi mo na dapat ginawa iyon."

"Do you find me ruthless?" Balik na tanong ng binata at umiling lang ang dalaga.

"Hindi naman sa ganon, pero nakakaawa naman siya, paano kung may pamilya siyang pinapakain?" Sambit ni Mira habang nilalaro sa mga daliri niya ang cover ng cellphone niya.

"Maybe you are right but I don't need a person who can't follow basic instructions. Pasalamat siya at walang nangyari sayo, dahil kung hindi..." Hindi na tinapos ng binata ang kanyang sasabihin dahil ayaw din naman niyang matakot sa kanya ang dalaga.

Weird.

But for the first time in his life, he manage to control his speech. Dati rati ay wala siyang pagaatubili sa pagbitaw ng masasakit o masasamang salita pero ngayon, pakiramdam niya ay isang malaking kasalanan ang magsalita ng masama sa harapan ni Mira.

He felt like a dem*n in front of an angel.

Nang marating na nila ang mansyon ay agad naman sumalubong sa kanila ang nag-aalalang si Lorna. Halos maiyak ito sa kaba at pangangaral kay Mira. Humingi naman agad ng paumanhin si Mira dito hanggang sa huminahon na ang ginang.

"Naghanda na ako ng hapunan, alam kung gutom ka na. Kumain na kayo para maaga kayong makapagpahinga. " Turan ng ginang at sumunod naman sila sa hapag para makakain na.

Matapos kumain ay sabay na silang pumanhik sa taas. Itinuro naman sa kanya ni Sebastian ang magiging permanenteng kwarto niya. Katabi lamang ito ng kwarto ng binata. Lubos naman iyong ikinatuwa ni Mira dahil naiilang na din siyang manatili sa kwarto nito.

Agad na naningkit ang mga mata ni Sebastian ng makita ang kasiyahan sa mukha ng dalaga. Pakiramdam niya ay tila ba ayaw nito ang makasama siya at nakaramdam siya ng kaunting pagkainis dito.

"Mira, come here." Tawag nito sa dalaga. Walang pag-aatubili namang lumapit sa kanya ito na bahagyang ikinangiti niya.

"Bakit?" Tanong nito at walang anu-ano'y hinatak niya ito papalapi sa kanya at tinitigan ang maliit nitong mukha.

"May problema ba Sebastian?" Tanong ng dalaga na halatang nagulat sa kanyang ginawa.

"Wala naman, napansin ko lang na labis ang pagkatuwa mo na hindi ka na matitulog sa kwarto ko. Parang gusto ko tuloy na doon ka na ulit manatili." Wika ng binata at biglang nag-init ang mukha ni Mira nang unti-unting lumapit ang mukha ng binata sa kanya. Nang halos isang hintuturo na lamang ang layo nito sa mukha niya ay halos himatayin naman si Mira sa sobrang kaba. Nang mapansin ni Sebastian ang labis na pamumula ng mukha nito ay natawa lamang siya at tinapik ang ilong nito.

"You look cute when you blush like that, Mira. " Sambit pa ng binata at napasimangot lang si Mira dahil sa panunukso nito. Halos mawalan na siya ng ulirat sa kaba pero heto siya at tawang-tawa sa kanyang ginawa.

Para tuloy gusto niya itong hampasin ngunit bigla naman siyang napaisip nang mapatingin siya sa laki nito at sa liit ng kaniyang mga kamay. Siguradong siya lang din ang masasaktan.

"Rest for the night, may banyo na ang kwartong ito kaya hindi mo na kailangang lumabas. Kapag may kailangan ka, alam mo naman kung nasaan ang kwarto ko. Kapag nag bago ang isip mo, welcome ka pa ring bumalik doon ." Pakindat na wika ni Sebastian bago tatawa-tawang nilisan ang kwarto ng dalaga.

Kinagabihan, habang nasa kailaliman si Mira ng kanyang pagtulog ay bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa isang masamang panaginip. Muli na namang nanumbalik sa kanya ang mga pangitaing nakita niya kay Gunther ngunit sa oagkakataong iyon ay si Sebastian naman ang kanyang nakita. Sumidhi ang sakit sa kanyang sentido ay pilit niyang iwinawaglit ito sa kaniyang isipan.

Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang kwarto ng binata. Binuksan niya ito at nakita niyang nakabukas ang ilaw at walang tao roon. Napatingin siya sa oras na nasa grandfather clock at nakita niyang mag-aalauna na ng madaling araw.

Muli siyang naglakad at hinanap ito sa loob ng study room subalit wala ring tao roon. Biglang tumahip ang kaba sa kanyang dibdib nang hindi niya mahagilap si Sebastia sa buong bahay.

Paano kung nagkatotoo ang kanyang panaginip ? Paano kung may masamang nagyari dito? Paano na siya?

Sa kanyang pag-aalala ay bigla niyang naalala ang kanyang cellphone. Mabilis siyang bunalik sa kwarto at kinuha ang cellphone upang tawagan ito.

Halos limang beses na paulit-ulit siyang tumawag ngunit walang sumasagot sa telepono nito. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha at naging hysterical na din siya habang muling dinadial ang number ng binata. Sa pagkakataong iyon ay may sumagot na sa tawag niya ngunit nang marinig niya ang boses nito ay hindi iyon si Sebastian.

"Hello, kasama mo ba si Sebastian?" Tanong niya. Napakaingay ng background nito kaya hindi niya alam kung narinig ba nito ang tanong niya.

"Are you sister-in-law? Yeah he's here." Sagot nang kausap niya at doon lang siya nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig na naroroon ito at nasa maayos na kalagayan.

"Salamat..."

"Wait, Sis, bakit hindi ka pumunta dito, Sebastian is wasted at hindi ko alamn kung paano makakauwi ang isang to. Why don't you come here, sunduin mo siya."

"Ha? Hindi ko alam ang papunta diyan eh."

"No worries, ipapasundo kita, just wait for a while." Wika pa nito bago ito nawala sa linya. Lumipas ang limang minuto ay may dumating na kotse sa harap ng kanilang bahay. Itim na kotse iyon at bumaba doon ang isang lalaking nakaitim.

"Good morning po Ma'am, ako po ang inutusan ni Sir Carlos na sunduin kayo. " Wika pa nito. Agad naman siyang sumama rito sa pag-aalala na baka hindi na kaya ni Sebastian. Pagdating sa isang bar, agad siyang nailang dahil sa kanyang suot na pajama. Inihatid siya ng lalaki sa loob at ramdam na ramdam niya ang pagtitinginan ng mga tao sa kanya.

"Ma'am hanggang dito na lang ako, pumasok na po kayo dito sa kwartong ito. Nariyan sa loob si Sir Carlos at Sir Sebastian. " Wika pa ng lalaki ay tumango na siya. Medyo nahihilo na din siya sa lakas ng ingay sa buong lugar at sa dami mg taong nagsasayawan doon. Amoy na amoy din niya ang mga alak at sigarilyomg humahalo na sa hangin doon. Pagkapasok sa kwarto ay agad niyang narinig ang mga tawanan ng mga kalalakihan sa loob. Napakadilim sa kwartong iyon at ang tanging liwanag na nakikita niya ay sa may bandang mesa na nasa gitna ng kwarto.

Doon ay nakita niya si Sebastian habang prenteng nakaupo at umiinom ng alak. Hindi naman ito mukhang lasing dahil nakakapagsalita pa ito ng maayos. Kabaligtaran nga dahil ang dalawang lalaking kasama nito ay halos mahiga na sa sofa.

"Oh, she's here. Hi Sis." Tawag sa kanya ng isang binata at base sa boses nito ay ito amg nakausap niya sa telepono. Napatingin naman ss kanya si Sebastian at halatang nagulat ito sa kanya. Agad itong tumayo at lumapit sa kanya.

"Why are you here?" Tanong nito at bahagyang tumingin sa relo nito sa kamay. "Madaling araw na bakit ka magpunta dito at paano?" Dagdag na tanong nito at matalim na napalingon kay Carlos na noo'y tumatawa.

"Oh, I told Henry to bring her here." Wika pa nito habang halos gumapamg na ito sa sofa para lang titigan si Mira.

"I know na why you are so over protective bro. She's an angel while you are the opposite. Bagay nga kayo." Pabiro pa nitong wika.

"D*mn you Carlos. Alam mo ba kung anong oras na? This is a bar, paano kung mapahamak si Mira?" Paasik na wika ni Sebastian at biglang umayos ito sa pagkakaupo. Leo smiled at raised his glass to Mira.

"Cheers Sis." Wika pa nito. Sebastian rolled his eyes and grab Mira's hand. Dinala niya ito sa isang tahimik na parte ng kwarto at inusisa.

"Bakit gising ka pa? You were already sleeping when I left." Nagtatakang tanong ng binata. Marahang humawak naman si Mira sa braso nito at agad na naramdaman ni Sebastian ang panlalamig ng kamay ng dalaga kaya muli na naman siyang napam*ra. Sa pagkakataong iyon at parang nais niyang batukan si Carlos dahil sa kat*ngahan nito.

"Nagising ako dahil akala ko may masamang nangyari sayo. Naalala mo yung sinabi ko tungkol kay Gunther? Nanaginio ako at ikaw ang nakita ko. Hinanap kita sa buong bahay at wala ka. Tumawag ako pero hindi ka sumasagot. Akala ko..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis na siyang niyakap ng binata.

"Ssshh. It's alright. I'm safe. Sorry for not telling you ahead. Biglang nagkaayaan ang barkada at natutulog ka na kaya hindi na kita nasabihan." Pag-aalo niya rito. Napapikit naman si Mira dahil sa init ng katawan ng binata. Tuluyan nang napawi ang takot na kanina pang umuusig sa kanyang dibdib.

"Bro, inom pa tayo. " Tawag ni Carlos at napalatak si Sebastian.

"Oo nga naman, ngayon lang ulit nangyari ito. Mira why don't you join us?" Pag-aaya pa ni Leo.

"No, uuwi na kmi. She needs to sleep." Sagot ni Sebastian at rinig na rinig nila ang malalakas nitong tawa habang papalabas ng kwartong iyon.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C8
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄