下載應用程式

章節 65: CHAPTER 66

" TUNAY NA KAPANGYARIHAN KO!"

PREVIOUSLY...

Ikinuwento ng mga bantay ang nangyaring pag Lusob ng mga kasamahan ni Sitan sa Kanlaon. At dahil doon napagdesisyunan ni Jenna na Lusubin mag-isa ang Kanlaon.

Habang si Mang Gaspar naman ay Inilahad nya kay Jenna ang Lihim ng Libro nya.

RIGHT NOW...

Sa Kanlaon.

" Nandito nako! Nasaan kaya ang mga diwata nakakulong?" Sabi ni Jenna habang iginala nya ang kanyang Mga mata sa Paligid.

Habang sina Sitan at ang Apat na Gabay diwata ay nasa isang Silid.

" Nararamdaman kung nandito na ang tagalipong si Jenna." Sabi ni Sitan Habang nakaupo sa Isang Upuan ni Bulan.

" Makakaharap ko na din ang nagmamagaling na babaylan. Anong nais mong mangyari panginoon?" Tanong ni Bea.

" Kayo ang na ang Bahala.. isa pa Kelangan kung magbalik sa Ating Kuta. Wala akong Tiwala kay Miguel!" Sabi ni Sitan at tumayo na ito.

" Ngunit Mahal na reyna Alice maari ba naming kunin ang kanyang Kapangyarihan?" Tanong ni Nica.

" Well, isa din naman yan sa iyong mga Specialties.. Go ahead. Para mawalan na ng Tinik ang Landas na tatahakin ko. " Sabi ni Sitan at naglaho ito.

" Lagot na, bakit ba kasi nag tungo pa sya dito.. napakadelikado ng kanyang Buhay." Sabi sa isip ni Faith. Nang Biglang tinapik sya sa Noo ni Diosca.

" Ayus ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo!" Sabi ni Diosca.

" Ah ganun ba? Hahaha! Wala nagugutom lang ako." Sagot ni Faith.

" Alam mo faith.. napaka Weird mo talaga!" Sabi ni nica sabay titig ng matalim kay faith.

" Babasahin nanaman nya ang iniisip ko. " Sabi ni Faith sa kanyang isipan at mabuti nalang ay agad nyang pinalitan ang laman ng kanyang isipan. Bago pa mabasa ni Nica ang kanyang isipan.

" Oo nga.. nako Puro ka pagkain!" Sabi ni nica ng makita nyang pagkain nga ang iniisip ni faith.

" Ang galing naman ng kakayahang nakuha mo sa manggagaway!. " Sabi ni Diosca kay nica.

" Ang astig nga..!" Sagot ni Nica.

" Tama na ang daldalan. Nararamdaman kung nandito na sya!" Sabi ni Bea.

" Kung ganun trabaho ko nato! Bibigyan natin sya ng konting Pag-asa!" Sabi ni nica at nag palit anyo ito. Ginaya nya ang anyo ng diwatang si Magayon.

" Ikaw kawal Lumapit ka nga saakin.." Utus ni nica sa isang kawal na nagbabantay.

" Opo.. ano po ang iuutus nyo?" Tanong ng isang Kawal. Hinawakan ni nica ang Mukha ng kawal at sa isang Iglap ay naging kawangis nya ang kawal.

" Anong ginagawa mo?" Tanong ni Bea.

" Pansamantalang ang kawal na Yan ang substitute ko. Dahil may acting workshop pa akong gagawin. May sasalubungin ko pa ang Mahal kung tagalipon." Sabi ni Nica.

Samantala Balik tayo kay Jenna kung saan patungo ito sa nasabing Silid kung saan ikinulong ang mga diwata.

" Tiyak na ang panalo natin! " Sabi ng isang kawal.

" Bakit mo naman nasabi yan ?" Tanong ng isang kawal.

" Nasakop na ng panginoong sitan ang kanlaon. At nakakulong na ang mga Pesteng Diwata sa Silid ng Amoral. " Sagot ng isang Kawal.

Narinig Lahat ni Jenna ang paguusap na yun nung naka Invisibility mode sya.

" Wala bang nakaligtas sakanila Kahit isa." Sabi ni Jenna habang dahan dahan syang naglalakad sa isang pasilyo. Nang Biglang may Humila sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito?" Sabi ng isang Pamilyar na boses.

" Teka nga bitiwan moko!" Sabi ni Jenna.

" Jenna napaka maldita mo talaga.. ako to si Magayon. At anong ginagawa mo dito? Mag isa ka lang !" Sabi ng diwatang si Magayon.

" Sabi ko na nga ba.. kayo nga po yan diwatang magayon. Kayo po bakit kayo nandito? Di ba kayo na huli ?" Tanong ni jenna.

" Sa kasamaang palad. Hindi ! Dahil sa sandaling mangyari ang paglusob ay Wala Ako sa Kanlaon. Nasa Bundok Ako ni Makiling.." salaysay ni Magayon sakanya.

" Teka Mahal Na diwata.. Anong Gagawin natin? " Sabi ni Jenna.

" Halika ka Alam ko kung saan naka kulong ang iba pang Diwata.." Sabi ni Magayon. At sumunod naman sa paglalakad si Jenna sakanya. Wala syang kaalam-alam na ang diwatang Magayon na kanyang kasama ay isa palang huwad.

Samantala Di mapakali si Faith sa kanyang kinauupuan.

" Faith ano nanaman ba ang problema Mo? " Tanong ni diosca.

" Ah eh. Di ko gusto ang Lugar na ito!" Sabi ni Faith.

" Di gusto? Bakit Mo naman nasabi Yun? Dagdag na Sabi ni Bea.

" Para akong sinasakal ng lugar naito!" Palusot ni Faith. Hindi nila Alam na nag-aalala sya kay Jenna.

" Baka namamahay ka lang? " Sabi ng kawal na kanina ay ginawang kawangis ni nica.

" Hanep ah? May papel ka talaga?" Sabi ni Faith.

" Aba syempre. Substitute yata Ako ni Miss Nica." Sabi ng kawal.

" Whatever.. gusto kung mapag-isa. Or ano kaya kung itorture ko ang mga diwata.?" Sabi ni Faith.

" Sali Ako!" Sabi ni diosca.

" Nako! Hindi ang bilin ni panginoong Alice. Wag gagalawin ang mga Diwata." Sabi ni Bea.

" Edi wow. Matutulog nalang Ako. Napagud ako sa 3 days Exodus natin." Sabi ni Faith at agad syang nagtungo sa kanyang silid.

Samantala kina Jenna naman ay binaybay nila ang Daan patungo sa mga nakakulong na diwata.

" Teka Teka Mahal Na diwata. Mag invisibility mode na tayo?" Sabi ni Jenna.

" Anong ibig mong Sabihin?" Naguhuluhang Sabi ng huwad na diwata.

" Naalala ko.. Di ka Pala nakakaintindi masyado ng pang millennial words. Si diwatang Gassia lang Pala ang nakakaintindi sa ganung Uri ng lenguahe. " Sabi ni Jenna sabay kamot sa ulo.

" Kapal naman ng mukha ng babaeng to. For your Information Alam ko ang mga uso no? Sayawan Kita ng K-pop dyan!" Sabi sa Isip ni nica na nasa anyo ni magayon.

" Bakit Po kayo nakatulala.? May iniisip Po ba kayo? " Tanong ni Jenna.

" Oo Meron pero mag iingat ka dahil may parating na kawal. " Sabi ng huwad na magayon. At ilang sandali pa nga ay may tatlong kawal ang patungo sa kanilang kinalalagyan.

" Humanda sila..." Sabi ni Jenna nang kukunin na sana nya ang kanyang Libro ngunit pinigilan sya ng huwad na diwata.

" Wag gagawa ka lang ng eksena. Malalaman ng mga kalaban natin na nandito tayo. Di natin maililigtas ang iba pang Diwata kung mahuhuli din tayo. " Sabi ng huwad na diwata.

" Sabagay Tama ka Anong Gagawin natin?" Sabi ni Jenna.

" Ikaw mag invisibility mode ka o ano bang tawag mo sa mahikang iyan. At ako naman mag tatago." Sabi ng huwad na diwata. Agad namang naglaho si Jenna habang ang huwad na diwata ay nagtago sa mga Librong nakatambak.

" Mapapahamak Pako Dito sa mga kawal nato. Leche! Best actress na sana ako sa peg nato!" Sabi ni Nica. At nang makadaan na ang mga kawal ay agad naman silang dalawa nagpatuloy sa paglalakad.

At Di nila Alam na sinusundan Sila ni Faith.

" Ako ang gabay ng diwatang si Haik. Di ko lang kayang gumawa ng bagyo o pakalmahin ang dagat. Kaya ko ring gumawa ng ilusyon. " Sabi ni Faith.

FLASHBACK

Nang makarating si Faith sa kanyang silid ay agad sya nag usal ng isang engkantasyon na kung saan makikita ng ibang Tao o nilalang na nakahiga lang sya sa kanyang higaan.

" Di ako papayag na mananalo nanaman si sitan. Ayukong maulit ang mga nangyari. " Sabi ni Faith. At lumabas ito ng Kwarto.

BACK TO PRESENT

"Ano kaya ang balak ni Nica? " Sabi ni Faith habang sinusundan nya ang dalawa. Nang mapansin nyang nag-iba ng Daan ang dalawa.

" Akala ko ba papunta Sila sa Kulungan. Bakit ?" Sabi ni Faith.

" Hindi maari.. nasa panganib ang tagalipong babaylan." Sabi ni Faith.

Agad syang nagmadaling magtungo sa Kulungan ng mga diwata.

At nang Sandaling nadoon na sya napansin nyang Walang Kawal ang nakabantay. Dahil na sguro ang mga kubol na pinaglagyan ng mga diwata ay Di gagana ang ano mang Uri ng salamangka.

" Kelangan kung magmadali Bago pa nila malaman ang aking Ilusyon na ginawa." Sabi ni Faith. At agad syang Lumapit sa Kubol ng Diwatang si Gassia.

" Diwatang Gassia. Ako Po ang sugo ni Magwayen. Nais ko sanang humingi ng Tulong sa inyo." Sabi ni Faith.

" Oo Kilala kita... Anong Klaseng Tulong ang kelangan mo.?" Tanong ni Gassia. At sa kabilang Selda naman ay naroon din si Magayon, Makiling, Dalikmata at Bulan. Tig iisa-isa Sila ng Kubol. Bawat kubol ay nandoon ang kanilang kinatatakutan.

Kay Magayon, Nakikita nya sakanyang mga mata ang tuyong halaman at mga Puno sa Bundok na kanyang pinapangalagaan ay naputol lahat. Napakaraming patay na hayop ang Nakikita nya sa Paligid.

Makiling, Nakikita nya ang mga ilog ay Tuyong tuyo na. Mga bahay sa bayan ay nasusunog. Sinusubukan nyang gumawa ng Ulan ay Di nya ito magawa.

Dalikmata, Nakikita ng kanyang ikatlong mata ang mga kahindik hindik na mga pangyayari. 

Nakikita nyang pinaslang ni Gassia si Theo at Tyler gamit ang Punyal na nanggaling sa Libro ni Jenna. At ilang sandali pa ay Nakikita nanaman nya ang pagkawasak ng bawat mundo.

Lahat ng yun ay kagagawan ng kapangyarihan ni Faith. Dahil na Rin sa Utos ni Sitan.

" Narito ang tagalipong babaylan na si Jenna kasalukuyan syang kasama ni Nica na ginaya ang anyo ng Diwatang si Magayon. " Salaysay ni Faith.

" Matutulungan kita ngunit pakawalan mo kami dito." Sabi ni Gassia.

" Kaya ko yun.. " Sabi ni Faith at Isa isa nyang tinanggal ang mga Ilusyong nakikita ng bawat diwata sa loob ng Kubol nila at Binuksan din nya ang mga kubol ng bawat diwata.

" Maraming Salamat.. ngunit nag aalala kami sa kaligtasan mo." Sabi ng diwatang si Dalikmata.

" Wag kayong mag alala.. ligtas ako dahil sa basbas ng diwatang gumagabay sakin sa Sulad. " Sagot ni Faith.

" Wala na tayong Oras bawiin na natin ang Kanlaon. " Sabi ni Bulan.

" Sandali may paparating.. magtago na kayo. " Sabi ni Faith nang maramdaman nyang maypaparating sa Kulungan.agad namang naglaho isa isa ang mga diwata ang gumawa sya ng isang ilusyon ulit. Sa bawat kubol ay makikita nilang nasa Loob pa din ang mga diwata.

" Hindi mag tatagal ang Ilusyong ito.." Sabi ni Faith at agad naman syang nagbigkas ng isang Salita upang maglaho.

ANG TANONG...

SINO KAYA ANG NARAMDAMAN NI FAITH PAPALAPIT SA MGA KUBOL?

AT SAAN NAMAN DADALHIN NI NICA SI JENNA?

LAHAT NANG YAN.. ABANGAN!


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C65
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄