下載應用程式
85.71% Seven Flowers For You (Filipino) / Chapter 12: LURKING PREDATOR

章節 12: LURKING PREDATOR

Saturday na…

(Phone beeps)

From: Greg 

(She forgot the name of her suitor kaya ito ang nakasave sa phone niya)

Labas ulit tayo?

****

Kiara just ignored him at ipinasok na ang kanyang phone sa maliit na sling bag. Inayos na rin niya ang kanyang dadalhing backpack. Ang nasa loob noon ay flashlight, hand gloves and swiss knife. May bottled water din siyang dala and of course, food.

Bumaba na siya sa kanyang kwarto, wala doon ang parents niya dahil maaga silang umalis. May business meeting rin kasi ang mga ito sa Tagaytay. 

"Tara na Manong" sambit nito sa driver niya.

"Ba't ganyan po ang suot ninyo Ma'am?" tanong ng driver nila.

Nakablack long sleeve shirt kasi ito at itim na durable cargo pants.

"Remember, babalik tayo sa abandoned village ngayon" sabi ng dalaga habang ipinapasok na sa sasakyan ang gamit niya.

"Seryoso ka po ba Ma'am, di po ba may date kayo ni sir George?" nakakunot noong tanong nito sa kanya.

"Manong…tara na, huwag ka nang maraming tanong…you're not an investigator, di ba?" saad ng dalaga while smiling matapos makaupo sa front seat ng sasakyan. 

Wala nang nagawa ang kanilang driver kundi sundin ang utos ng dalaga.

(Time check: 10:00 a.m, nasa Old Oak na sila, Block 2-00)

Bumaba saglit si Kiara para hanapin si Miah.

"Here!" nakangiting saad nito nang makita ang dalaga.

"Teka lang sandali" nasabi naman nito dahil may binili lang siya saglit. 

"Kanina ka pa ba dito?" Kiara asked ng makalapit na si Miah sa kanya.

"Hmm..sakto lang" sagot naman nito habang ipinapasok sa bag ang kanyang binili.

"What is that?" curious naman na tanong ng dalaga ng makita ito.

"Itlog ng pugo, masarap ito lalo na kapag may mahaba-habang byahe. Gusto mo?" nakangiting alok nito kay Kiara.

"Itlog ng bugo?"

"Haha, sabi ko pugo, hindi bugo…" tawang-tawa ito't halos mahampas ng mabigat niyang kamay ang kausap.

"Oh! I'm sorry..my bad" she said habang natatawa rin sa sinabi niya.

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan nang tuluyan na silang makasakay sa kotse.

"By the way, I've got an information from Evan that Midnight Enigma has a hide out near Duran Steel Company's warehouse." tapos may ipinakita ang dalaga na picture sa kanyang ipad sa sasakyan.

"Sino si Evan?" natanong ni Miah.

"He was a former journalist, a friend of mine. He happened to have uncovered a lead, a series of encrypted documents and journal entries left behind by someone who had worked with Midnight Enigma in the past." sagot ng dalaga. 

Napapaisip na naman si Miah, medyo hindi pa kasi malinaw para sa kanya ang mga clues na nakukuha niya lalo na't involve rin pala ang Intelligence Group na Midnight Enigma. In connecting the dots, meroon pa ring malaking patlang sa mga katanungan na nagiging hadlang upang masolve ang case na ito.

"Kapag nakita ko na ang Forgotten Village, baka magkaroon ako ng dagdag na clue" tanging nasambit ng dalaga kay Kiara.

Matapos ang ilang oras na byahe, nakarating na rin sila sa Forgotten Village sa wakas. Binaybay nila ang kalsadang natatabunan na ng mga dahon hanggang sa madatnan nila ang isang malaking bahay na nanatiling maayos pa rin. 

Nakabukas ang pinto nito kaya minabuti nilang magtago muna at sumilip sa bintana nito para malaman kung wala bang tao sa mga sandaling iyon. Sinenyasan ni Miah ang dalaga na dahan-dahan sa paglalakad at huwag mag-ingay dahil nakarinig siya ng kaluskos mula sa loob.

"Bitiwan niyo ako!!!" narinig nilang sigaw ng lalaki sa loob. Dali namang hinila ni Miah si Kiara papuntang likuran ng bahay para magtago.

"Tulong!!!!!" pagsisigaw nung lalaki kaya minabuting sumilip ni Kiara sa may butas upang malaman ang nangyayari.

"Kahit pa maubusan ka ng boses sa kasisigaw, walang makakarinig sa iyo. Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo?" saad nung nakaface mask na lalaki sa scientist na nahuli nila. 

Nakahandcuff na ang dalawang kamay nito at pinalilibutan siya nang lima pang armado na mga lalaki. Sumilip rin si Miah sa loob at doon niya nasaksihan ang pagkaladkad nila sa scientist palabas ng bahay. 

Sinubukang manlaban nung scientist kaya nahampas ito ng armas sa likod na ikinagulat naman ni Kiara. Napaatras siya ng bahagya kaya umurong ang stool malapit sa kanya na siya namang narinig nang mga armadong lalaki.

"May kasama ka pa? Sino ang kasama mo?!" hindi nakasagot ang scientist kasi namimilipit pa rin ito sa sakit.

"Tingnan ninyo" utos nung lalaki sa mga kasama niya. 

Biglang pinagpawisan ng malamig ang dalawa dahil papalapit na sa pwesto nila ang mga armadong lalaki.

"Paano na ito?" bulong ni Kiara na agad namang sinaway ni Miah. Nag-iisip kasi siya ng mabisang paraan upang makatakas sila sa bingit ng kamatayan.

"Meyowww…meyowwww..meyowwww.." 

"Lintik, pusa lang pala."

Dahil doon, hindi na nila sinilip ang likod ng bahay at bumalik na sa kanilang dinaanan. 

Nakahinga na rin ng maluwag ang dalawa. Hinintay nilang tuluyang makaalis ang mga armadong lalaki bago tumayo at pumasok sa loob ng bahay.

"I didn't know that you're good at mimicking cats" bulong ni Kiara while gaining her strength dahil sa sobrang kaba kanina.

"Pinaglihi daw kasi ako sa pusa sabi ni mama" saad naman nito habang pasilip silip pa rin sa paligid. 

"Oh really, kaya siguro matalas ang iyong mga mata at pandinig, if not because of you…maybe, kasama na tayong nakidnap ng mga big guys na iyon" sabi ng dalaga habang nagpupunas pa ng pawis.

"Sa mga ganito kasing sitwasyon, kailangan talaga lagi ang talas ng mga mata at pag-iisip. Halika na't baka bumalik ang mga iyon. Kailangan pa nating maghanap ng ebidensya sa loob"

Nauna nang pumasok si Miah sa loob at sumunod naman si Kiara. Inilibot nila ang kanilang paningin sa paligid until nakakita sila ng old archive sa may dulo which contains files, photographs, and perhaps even the only real clues na naglalaman ng modus operandi nito. As Miah reviews the documents, nauncover niya ang isang encrypted message that points to a room with high-tech security system. Iyong tipong walang ibang makakapasok sa loob noon dahil sa encrypted codes and biometric locks na sa pagkakaalam nila na ang may access lang ay ang scientist.

"Paano naman natin mabubuksan iyan?" tanong ni Kiara habang nakaflashlight sa code pad ng pinto.

"Teka lang, subukan pa nating maghanap…baka may makita pa tayong lead para mabuksan ang silid na iyan" kalmadong saad ni Miah.

Tiningnan niya ulit ang mga larawan na nakalagay sa old archive. May mga pictures ito ng iba't ibang puno, may mga bulaklak at meroon ding agricultural plants. Naisip ng dalaga na isa lang ang mga ito sa pinagsasaliksikan ng scientist. Nakita niya rin ang pangalan nito sa likod ng isang larawan kung saan mag-isa lang itong nakaupo sa isang grass area sa harapan ng isang bahay.

"Sky Ramirez, 29. Ang bata pa pala niya." bulong ng dalaga sa sarili. Dahil doon, kinunan niya ito ng litrato pati na rin ang loob ng bahay.

Hinalungkat naman ni Kiara ang mga papel sa isang table na nakapwesto sa loob ng isa pang silid.

"Is this his work?" natanong niya habang sinusubukang basahin ang scientific paper na hawak niya.

"Morbus geneticus rarus…" tapos nakakita siya ng mga hypothesis regarding sa isang rare disease. Itutuklap sana niya ang next page but tinawag na siya ng kanyang kasama.

"Kiara, may nakita ako" sabi ni Miah sa dalaga habang hawak ang isang maliit na papel. Nakaipit lang ito sa isang lumang libro na nakasiksik sa floating shelves.

Lumapit ang dalaga at tiningnan ang hawak nito.

"What is it?" nagulat na lang siya nang makita ang pangalan ng kanyang kuya.

"May access siya dito at tama nga ang hinala kong may kinalaman siya sa cold case ng Village" mahinang sabi ng dalaga.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Isa lang ang naiisip ko…..that's to get the code and his fingerprint to open that mysterious room" pagbasag ni Kiara sa sudden silence.

"Tama ka" direktang pagsang-ayon naman ng dalaga sa kanya.

"But…. I think that I am not capable of doing it kasi kahit tingnan ko pa lang ang mukha niya'y naiinis na ako." she honestly said.

"Pero hindi natin masosolve ang kaso kung hanggang dito lang tayo. Alam kong may itinatago pa sila sa silid na iyan at iyon ang magpapatunay na may malpractice nga sa pananaliksik ni Mr. Ramirez"  Miah explained.

"I know Miah, that's why I had an idea" Kiara smiled. Naramdaman naman ni Miah na parang hindi maganda ang ideyang naisip ng dalaga.

"And I believe that YOU can pull it off more easily than I ever could," Kiara said confidently, giving the girl a playful tap on the shoulder.

"A_anong ibig mong sabihin Kiara?" tanong niya na may halong confusion.

"Well….We're switching places! You'll pretend to be me and take over my role—just for a while" Kiara declared with a mischievous smirk.

Her words left Miah utterly speechless, her mind racing at the audacity of the proposal.


創作者的想法
MissKc_21 MissKc_21

Good morning guys! Gonna be busy next week but I’ll try to post more chapters if I can. So stay tuned.

Coffee muna? :)

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄