下載應用程式
93.33% THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 42: HIDDEN TRUTH

章節 42: HIDDEN TRUTH

Ilang minuto na ang nakalipas subalit nanatiling walang imik ang lahat ng naka-upo sa harapan ni Veronica. Sakto pag-pasok ng grupo ni Ravi, ay sya ring pagbabalik ng ulirat ng dalaga. Kasalukyan siyang naka-upo sa gilid ng kama habang naka-titig kay Rowel na hanggang ngayon ay wala paring malay.

Ikinuwento sa kanya nina Agartha at Ravi ang nangyari sa kanilang mission at kung bakit bumalik sila na walang malay si Rowel. Actually, hindi na si Rowel ang concern ni Veronica sa ngayon. Alam niya na ligtas na ang kaibigan dahil sa ginawa ni Leviathan Ravine. Ang kanyang isip ay kasalukuyang naka-focus sa sinabi ni Ravi tungkol sa Soul Bead na kanilang nakuha.

"Master... Aalis ba tayo na hindi mo nalilinis ang totoong dahilan ng pagbabago sa buong Terra Crevasse? Ikaw ang gumawa nang mundong 'to. Kung gusto mo, ako na ang gagawa ng paraan." Ani Ravi habang naka-yuko.

Nasapo ni Veronica ang sariling noo. Muli niyang hinawakan ang Soul Bead at tsaka ipinikit ang mga mata. Ang Soul Bead ang core ng buong Terra Crevasse. Sa madaling salita, ang soul bead ang humahawak ng lahat ng memories ng Abyss. At ngayon nga, nakikita na ni Veronica kung ano ang totoong nangyari noon.

"Nasa labas pa ba si Yohan?" Mahina ang kanyang boses pero narinig iyon ni Ravi.

"Yes Master. Gusto ka niyang makausap. Master, sasabihin mo ba sa kanya ang totoo?" Sagot at tanong ni Ravi.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Sasabihin? Bilang hari ng Drakaya, karapatan ni Yohan ang malaman ang totoo. Bukod pa doon, ngayong wala si Yohan sa loob ng Drakaya kingdom, hindi siya sigurado kung ano na ang nangyayari sa kaharian.

Nilingon ni Veronica si Clewin. "Bring me to your Mother, and prepare a room for Yohan." Ani nya sa binata na mabilis namang tumango.

Alam na ni Clewin ang buong pagkatao ni Veronica pagkatapos niyang marinig ang buong kwento ni Ravi at Agartha kanina. Sa mga impormasyon na kanyang pinag-tagpi-tagpi ay nabuo ang hinuha na si Veronica ang reincarnation ng Suzerain. Mabilis niyang inutusan ang kanyang alalay na i-escort si Yohan sa kanyang magiging silid.

"Please follow me." Lingon ni Clewin kay Veronica.

Dahan-dahang tumayo si Veronica mula sa pagkaka-upo upang sumunod kay Clewin. Subalit bago yun, nilingon muna niya ang buong grupo ng EMBERS. Naka-yuko ang mga ito habang ang ama naman ni Rowel ay hindi umaalis sa tabi ng walang malay na anak. Napapaisip tuloy si Veronica kung ganito rin ang mangyayari kapag naka-balik na siya sa piling ng mga magulang.

"Mr. Sifyola, may gusto lang akong ipakiusap sayo. Please, stay away from Yohan to avoid trouble. Malaki ang ginawa mong gulo sa mundong ginawa ko, pero dahil valid ang rason mo, naiintindihan kita. Pero kapag lumapit ka sa taong pinoprotektahan ko, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kahit pa, ama ka ng kaibigan ko" Isang seryosong babala ang kanyang iniwan bago siya tuluyang sumunod kay Clewin.

Tahimik na tango lang ang naging sagot ni Ramil. Ngayong nakita na niya ang kanyang anak at sigurado na siyang makakabalik nga siya sa mundong ibabaw, para saan pa ang gulo sa pagitan nila ni Yohan na kanyang pamangkin? Siguro ang dapat niyang gawin ay humingi ng tawad sa binata. Kahit pa alam niya sa sarili niya na hindi siya nito patatawarin.

Sa loob ng kwarto ng ina ni Clewin, nakahiga ang payat na matanda. Namamalat ang mga labi at lubog ang mga mata. Payat na payat at halatang hirap na hirap na. Lumapit dito si Veronica bago nilingon si Clewin.

"Alam mo ba kung bakit ganito ang kalagayan ng iyong ina?" Tanong niya dito.

"Hindi. Wala akong alam. At kahit anong gawin kong pagsasaliksik, ay hindi ko rin malaman kung ano ang pwedeng maging gamot o gagaling pa ba siya." Malungkot nitong sagot.

"Tama ka. Hindi mo talaga malalaman ang gamot sa kanyang sakit dahil unang-una, wala itong gamot. Pangalawa, she's not sick."

Umangat ang ulo ni Clewin at namimilog ang mga matang napa-titig kay Veronica. "She's not sick? Then, anong nangyayari sa kanya?"

Nakagat ni Veronica ang sariling labi at nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang kamay ng babaeng pinagkaka-utangan na niya ngayon ng loob.

"Your mom, sacrificed her soul and power to protect this world." Sagot niya na nagpagimbal kay Clewin. "Sa pamamagitan ng pag-gamit ng malakas na kapangyarihan na ipinagkaloob ko sa inyong lahi noon, she created the array na kayang magbigay ng pansamantalang kapangyarihan sa mga taong nahuhulog dito sa mundo ng Terra crevasse, galing sa mundong ibabaw."

"Your mother is also the mother of those Huluwa Clewin. Ang kapangyarihan ng mga Huluwa ay ang kapangyarihan ng iyong ina. She did that to protect this world na dapat ako ang gumagawa. I.. Owe you this debt."

Bilang Dyosa ng buong Terra crevasse, simula ng malaman niyang siya si Suzerain, hindi akalain ni Veronica na yuyuko siya sa harapan ng isang mortal na siya ang may likha.

"Pero bakit niya ginawa yun? Didn't you put the barrier above this land to create this world?" Naiiyak na tanong ni Clewin. His mother is everywhere and protecting him. Akala niya, nag-iisa na lang talaga siya.

"I did. Pero dahil sa hindi ko malamang dahilan, nagkaroon ng pagbabago sa bawat firmaments na nasa ibabaw ng mundong 'to. Maaring iyon ang dahilan kung bakit ginawa ng iyong ina ang isakripisyo ang sarili at gumawa ng mga Huluwa. To kill those currupted spirit beasts. Base sa soul bead memory, nalaglag sa ibabang firmaments ang mga currupted spirit beasts kasabay ng pagbagsak ng crystals. At dahil iilan lang may kapangyarihan sa Terra crevasse, alam ng iyong ina na hindi sapat ang kanyang kapangyarihan upang protektahan ang mundong to." Mahabang paliwanag ni Veronica.

Hindi naka-imik si Clewin. Isa lang ang kanyang iniisip ngayon. Ano ang ginawa ng ibang hari ng bawat kaharian? Tinulungan ba nila ang kanyang ina? Kung oo, bakit ang kanyang ina lang ang nasa ganitong kalagayan? Anong estorya pa ang hindi nabubuklat hanggang sa ngayon?

"Miss Veronica, narito na po ang hari ng Drakaya." Tinig ng taga silbi sa palasyo.

Magkasabay na nilingon nina Veronica at Clewin ang binatang hari. Nakatayo si Yohan sa may pintuan at palipat-lipat ang tingin sa dalawang nasa loob. Sunod ay sa babaeng naka-higa.

"Sino siya?" Iyon ang kanyang unang tanong.

"Clewin's mother." Sagot ni Veronica.

"Your mom? She's alive? Pero ang kwento ng aking ama, the former Queen of Hanaj died long time ago?"

"Sinong nag-sabi nyan sa kanya?" Dumilim ang anyo ni Clewin sa narinig.

"Well, my Grandfather told him that. Ayun kay Jevro, kinuwento sa kanya ni Daddy noon kung paanong nakipaglaban si Lolo at ang iyong ina sa mga halimaw." Confusion ang naka-rehistro sa mukha ni Yohan.

"Hold on, paanong alam ni Jevro ang kwento tungkol sa kauna-unahang digmaan sa Terra crevasse? Hindi ba't magka-edad lang kayong dalawa? At 13 years old kana nang magkakakilala kayong dalawa. That time, alam ng buong Terra ang nangyari sa dating hari ng Drakaya, so paanong nasabi ni Jevro na ikinuwento sa kanya ng iyong ama ang lahat?" Kunot ang noo na tanong ni Clewin kay Yohan na bigla ring natahimik.

Yeah, paanong nalaman nga ni Jevro ang lahat?


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C42
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄