Pasadong alas nuebe ng gabi sa mansion ng mga Fuentebella dumating si Henry kasama ang mga kabarkada nito.
Maingay ng mga ito' habang paparating sa kinaroroonan ng mansion, rinig na rinig ang pag harorot ng kanilang mga dalang sasakyan'.
"Yaya Mercy!"
Tawag ng lalaking pasuray suray na nagmula sa labas ng mansion.
"Henry!" kayo pala! "Anong ginagawa ninyo rito?
"Nasaan si Valerie? Tanong na wika nito' Nakainom ka yata? Umuwi na kayo at bumalik na lang sa Ibang araw. Pagod yon kaya nagpapahinga na!" Giit ni yaya Mercy.
Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakikita at nakakausap si Valerie!"
"Yaya Mercy!"
Tawag niya mula sa likoran ng kinatayoan ng mga ito. "Sige na po ako na ang bahala sa kanila!"
"Ay siya maiwan ko na kayo' At magsisimula na ang pangako sayo." Isa sa mga teleserye na paborito ni yaya mercy ay ang pangako sayo. dahil palage nga niya bida sa mga nakakausap nito' na kamukhang kamukha niya daw si kristine Hermosa.
Napapatawa na lang siya rito habang tinitignan ang papalayong imahe nito.
" Sige po yaya Mercy!" Pahabol niya Wika rito.
Walang siya nagawa kundi ang harapin si Henry.
Kilala niya ito na sunod sa layaw ng mga magulang. Kaya pakiramdam nito lahat ng gusto nito makukuha
bukod sa kababata niya ito' magkaibigan rin ang kanilang mga magulang. Malapit ito lalo sa daddy niya.
"Henry!" What are you doing here?
"Nakikita mo ba kung anong oras na?
"Nakakabolabog na kayo ng mga taong gusto ng magpahinga.
"Valerie, mahal na mahal kita simula noon at hangang ngayon" Bakit hindi mo rin ako magawang Mahalin? "Ha!" Tanong nito sakanya. Habang pasinok sinok ito' ng dahil sa kalasingan. Alam mo naman na ang sagot diyan. Diba?"
"Kailangan ko bang ulit ulitin na wala akong nararamdaman para sayo.
Pagkakaibigan lang ang kaya kung ibigay saiyo. Kaya nakikiusap ako na tigilan mo na ako!"
"Bakit Valerie? Mahal mo parin ba ang bastardong si
"Aaron?" Huh!"
Hindi agad siya nakapagsalita sa tindi ng pagkakahawak nito sakanyang braso.
"Sabihin mo nga sa akin mahal mo parin ba ang bastardong yon?"
"Aaron" Aaron!" Na naman?"
"Kita mo nga" At halos ilang taon ng walang balita kung nasaan na siya ngayon.
"Kung sabihin ko sayo na nagbalik na siya?" Siya parin ba ang pipilin mo!"
Hindi siya nakapag salita sa pagkagulat ng mariing niya mula rito na nagbalik na si Aaron.
Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman na ngayong nagbalik si Aaron.
Pero mayroong bahagi sa puso niya na parang nabuhayan. Sana maayos pa ang ahat sa pagitan nila ni Aaron'. Hangang ngayon si Aaron parin talaga ang laman ng puso niya'.
Aaminin niya iyon. Kahit sabihin pa ng isip nya na tama na tapos na kung anong mayroon noon sa kanila pero hangang ngayon wala paring Ibang minamahal ang kanyang puso kundi si Aaron lang.
'
"Henry!" Bitawan mo ang alaga ko!
"Kung hindi ipuputok ko sa ulo mo ito!
Sa pagkagulat niya ng makita si yaya mercy'.
Nahawak nito ang baril ng daddy niya bigla siya bumalik sa ulirat.
"Yaya mercy!" Put it down please!" Binitawan naman siya ni Henry!"
Kaya walang nagawa si Henry kundi ang umalis na lang!" Dahil maging ang mga kasama niya ay natakot narin!" Tumakbo na palabas.
"Tandaan mo!" Valerie! "Akin ka lang!" Tandaan mo huh!" Pahabol na sigaw nito!" Bago lisanin ang mansion.
"Yaya mercy!" Ano kaba? Tinakot mo ako.
"Akala ko talaga babarilin mo si Henry.
"Valerie, hangang nabubuhay ako poprotektahan kita!"
"Lalo ngayon na hindi kana kayang ipagtanggol ng daddy mo dahil sa kalagayan niya' sabay tulo ng mga luha nito.
Lumapit siya kay yaya Mercy'. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Kaya love na love kita e, pinunasan niya ang mga butil ng luha nito.
Si Aaron ba love mo parin? Tanong ni yaya mercy, Habang pangiti ngiti ito.
"Hahaha!" Yaya!" Stop it!" Tumalikod na siya para hindi nito makita ang pamumula ng kanyang pisnge!"
"Goodnight yaya mercy!"Matutulog na po ako.
Pagdating niya sa kwarto' humiga siya sa sakanyang kama ng patihaya, at napapangiti parin siya dahil sa pagbabalik ni Aaron. Pero bigla ring napawi ang mga ngiting iyon dahil alam niya na hindi na tulad noon kung anong mayroon sa kanila ni Aaron. Dahil sa ginawa ng daddy niya sa ina nito kay Nanay Silya!" Agad naman niya ipinikit ang mga mata upang matulog na sa mga oras na iyon.
Sinadya niya pumunta ng mas maaga.
Dahil gusto na niya makita ito!" Kung paanong naghihirap sa hatid ng unang araw ng kanyang paghihiganti.
Ngunit sa bandang dako sa puso niya, Gusto niya talaga makita ito at anong itsura nito ngayon matapos ang ilang taon?"
Parte sa mga plano niya na ang makitang nahihirapan ang unica ni hija ni Don Carlos Fuentebella' sa paraang ito ay maiipaghiganti ko na ang aking inay. Napakuyom ang kanyang dalwang kamao ng maalala ang pagpaslang sa kanyang ina.
"Sir Aaron!" Nandito na po tayo!" wika ni mang Larry' Thank you mang Larry!" Hintayin mo na kami dito sa sasakyan!" Banjo!" Let's go!" "Yes sir!"
Nanginginig pa hehehe..
Pabirong sagot nito sa boss!"
"Puro ka kalokohan!" "Yung mga papeles nandyan na ba? Kompleto napo Sir!" Ang kulang na lang ay ang matamis mong ngiti. Biro lang!"sir! wika ni Banjo!
'Tarantado. Tara na!"
Humahangos pa si yaya Mercy. Ng umakyat ito sa silid niya. "Yaya!" What's wrong? Bakit namumutla ka?
Pagtatakang tanong niya rito.
E si si ano na-nasa- "Pautal utal na sagot nito'
Kaya bumaba agad si siya para tukoyin kung sino ang mga ito'.
Laking gulat niya ng makita si- Aaron?"
Halos ang laki ng pinagbago nito'
Lalong kumisig tumikas ang katawan nito'. Tumangkad na para bang pang hollywood actor ang datingan nito ngayon.
"Younger version ni Brad Pitt!"
Malayo sa Aaron noon - gwapo na siya noon' Pero payat,
kabaliktaran ngayon matipono ito.
Kitang kita sa all black outfit na suot nito' ang ganda ng pangangatawan na mayroon ito ngayon.
Ang mga mata nitong kapag nagkamali kang titigan sigurado matutunaw ka sa ganda ng mga iyon.
"Pumunta ako rito para kunin ang Fuentebella Mansion bilang kabayaran sa pagkakautang ng daddy mo. Dahil hindi niya na nabayaran ang pagkakautang
itong mansion ninyo na ito ang ginawa niyang kolateral.
Para siya pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga narinig mula rito. I dont understand!"
"Paanong nagka utang sayo ang daddy ko? Pagtataka niya tanong." What's going on?
Ayon lang ang mga katagang nasambit niya habang sapo sapo niya ang kanyang ulo. Dhil sa pagkagulat sa mga nangyayare.
Hindi niya maiwasang mapatingin sa dati niya ex'
Ang mga labi nito na kulay serasa' mgulo ang buhok nito na kulay itim na halatang kagigising lang ng bumaba galing silid nito.
"Pero hindi hadlang iyon dahil sa napakanda nitong alindog ng katawan" sa suot nitong Sexy blue sleepwear. Parang mayroong gustong kumawala sa kanyang paglalalaki sa mga oras na iyon'.
" Aaron". Let go of my arm!"
"Ano kaba? Can't you see I'm hurting!?
"Sir Aaron."Nanggigil na agad sa kagandahan ni mam Valerie!"
Hoy! Sir!"
Nakangising biro ni Banjo.
Bumalik siya sa ulirat at bigla niya binitawan ang braso nito!" Kasabay iyon tiningnan niya ng masama si Banjo. "Bullshit! Banjo!"
Malakas na sigaw niya rito!" Ibigay mo na sa babaeng yan ang katibayan na pagmamayari ko na ang mansion nilang ito!" Ibinigay ni Banjo ang isang folder rito!"
Bumuhos ang mga luha niya at ang kanyang mga tuhod ay unti unti nawawalan ng lakas. Dahil sa nakita nito na wala na' kahit ang mansion nilang ito.
"You have one option!"
Lumapit ito sakanya na halos parang maglapat na ang kanilang mga mukha!" Kayat pilit niya inilayo ang sarili rito!" Muling naglakas loob magsalita!"
"Ano iyon?
" Marry me!" This mansion will be yours again!"
Walang ka gatol gatol na sinabe iyon.
"What?
Sa pagkagulat niya muntik na siya matumba mabuti na lang at napahawak siya sa sofa!"
Plinano mo ba ang lahat ng ito? Huh!"
"I don't have time to explain at all!"
Tandaan mo ikaw ang may atraso sa akin!" At ang pamilya mo. Kung tutuosin!" Pwede pwedeng ko na kayo palayasin ngayon pero dahil may pinagsamahan naman tayo' kaya binibigyan kita ng hangang dalawang araw para magpasya.
"You're crazy!
"Why are you doing all this?
"Wala akong nagawang kasalanan sayo'
Siguro ang pamilya ko oo!"
"Pero ako? Huh!"
Habang ang kanyang mga luha ay walang pagsidlan
muling lumapit ito at hinawakan ang dalwang niya kamay. Isinandal siya nito sa pintoan at pabulong na sinabe nito na -
"Ang ahat ng pag aari ko ay akin lang ayawko ng mayroong kahati.
"BE A GOOD GIRL' Baby girl!"
Understood!? Mrs. Anderson!"
"Paano kung ayaw ko magpakasal sayo?
"Anong gagawin mo? Pasinghap niya sagot rito.
Hinawakan nito ang kanyang panga at boong igting na hinawakan iyon pagkatapos bigla siya nitong binitawan at tinitignan ng matatalim na tingin. Napaupo siya dahil sa ginawa nito' mabuti na lang at naitukod niya ang isang kamay' bago pa siya bumagsak sa seminto.
"Papatayin mo ako? Sige gawin mo!"
"kung iyan ang ikakasaya mo.
Luhaan siya tumayo habang sinasabe ang mga katagang iyon.
"Aaron.. Minahal kita noon.
"Alam kung alam mo yan!
Natigilan siya sa mga sinabe nito. May kirot iyon sa puso niya' na hindi niya mawari kung saan ito nag-mumula.
"Valerie!" Huh! Coming from you?" Minahal? Just Bulishit!" Wala akong pakialam kung ano ang nararamdaman mo!"
Kahit ang totoo sa puso niya ay mayroong punyal na tumutusok sa tuwing nakikita niya na nasasaktan ito sa mga masasakit na salitang binibitawan niya rito.
"Basta manininingil ako sa lahat ng mga may pagkakautang sa akin!"
Madilim ang mukha nito ng tumalikod ito.
Halos hindi siya nakagalaw sa lahat ng mga narinig niya mula rito!" Napahahugolhol siya ng iyak na parang bang batang inagawan ng candy!"
"Banjo. Let's go!"
"Opo sir!"
Si Banjo naman ay nakaramdam ng awa para rito.
kaya tanging ngiti na lang ang iniwan niya bago pa sila tuloyang umalis. Wala naman siya magagawa dahil isa lang syang hamak na personal assistant ng kanyang boos.
Itopa rinn ang nasusunod sa lahat!"