[Sandy Margaux…]
Pinalipas na lang namin ang gabi para makapagpahinga na kami. Kahit medyo ceasefire na kami ni Kozue eh talagang hindi siya mapagkakatiwalaan dahil kontrabida siya sa buong vacation ko. Kung meron mang magaling na prankster eh siya na siguro ang reyna ng kasinungalingan.
Gusto naman pala niyang ipaalam sa magulang ni Maki ang tungkol sa illegitimate child ng family nila eh bakit kailangan niya pa kaming lokohin na buntis siya kay Maki. May saltik ngang tunay ang babaeng iyon. Sorry din kung lagi akong nagwawalk-out sa kwentong ito bagamat antipatika talaga ako kahit doon sa amin sa Pampangga ay minsan eh hindi matiis na lumabas ang totoo kong ugali.
Sa ngayon ay medyo nahimasmasan na ang lahat dahil sinuhulan niya kami ng mga regalo na pera ko naman mismo ang ginamit na pambili sa mga iyon. Pasalamat na lang talaga ako na binigay niya sa akin iyong Louis Vuitton na damit at mabuti na lang eh bumalik pa ang puhunan sa mga palad ko.
"Ay gagi!" Kinilabutan ako nang bigla akong yakapin ni Maki sa likuran. Nasa terrace pa kami at muntik ko ng masayang ang aking dalgona coffee sa umagang iyon.
"Manyad kung sorry nung e da ka apasyal kening balen mi." (Humihingi ako ng sorry kung hindi man kita naipasyal sa bayan.) pagsusumamong sabi ni Maki na mukhang nadisappoint niya ako from his perspective.
"Ali mu na isipan ita. Matula ku pin uling abalu tamu ing kekang tune a pagkakilanlan." (Huwag mo ng isipin iyon. Masaya nga ako na nalaman natin ang totoong pagkakakilanlan mo.) sabi ko sa kanya na kumbinsido na sa totoong nangyari sa nakaraan ng kanyang magulang.
Pagbaligtarin man ang mundo, gaano man kasama ang magulang niya sa pananaw ng ibang tao ay hindi pa rin mawawala sa akin ang utang na loob na inalagaan nila kami ni mama noong naninilbihan pa siya rito sa bahay na ito.
"Atin pa namang adwang aldo bayu ka mako keni diba?" (Meron pa namang dalawang araw bago ka aalis dito diba?)
"Oo." tipid kong sabi sa kanya at mukhang may binabalak na naman siyang hindi ko alam.
"Ayni ing pamasku ku keka. Sulud mune iyan." (Ito ang pamasko ko sa'yo. Isuot mo na iyan.) ngiting sabi niya sa akin at medyo nagulat ako sa tumambad sa akin.
"Bakit swimsuit?" Napalakas ata ang boses ko at tinakpan niya ang bibig ko. Naloka ako sa trip ng utak niya dahil masyadong advanced ang summer sa winter season of December.
"Turwanan da kang mag-surfing." (Tuturuan kitang mag- surfing.) bulong sa akin ni Maki at talagang music to the ears iyon for me.
"Talaga lang huh?!" birong tugon ko sa kanya dahil bihira lang siya mag-aya ng adventure getaway with me although matagal na niyang libangan iyon.
"At bukod pa doon, ayon sa Article 734 of Japan Civil Code, Neither lineal relatives by blood nor collateral relatives by blood within the third degree of kinship may marry; provided that this shall not apply between an adopted child and his/her collateral relatives by blood through adoption."
Wait, what?! Nashock akong bigla sa pinagsasabi ni Maki dahil it's really uncommon for him na magbulalas ng ganyan sa akin lalo na at rare sa kulturang pinay na ikasal ang adopted siblings.
"Sandali, ano ba ang ibig mong sabihin at bakit mo pa ikinuwento sa akin iyan?" tanong ko sa kanya kasi why not?!
"Wala man iyong kaugnayan sa regalo na binigay ko sa'yo pero I can only assure you this. Noong nalaman kong legally adopted ka sa puder nina mama ay inakala kong hindi na pwedeng mangyari ang posibleng pagpapakasal sa pagitan nating dalawa."
"Ano kamo?!" I stopped him somehow dahil hindi kinakaya ng heart ko ang mga naririnig ko sa kanya.
"Nahirapan akong aminin ang totoo kong nararamdaman sayo mula pa noong bata pa tayo dahil sa adoption paper na iyon pero ngayon, sigurado na ako sa sarili ko." and as Shinichi explain everything to me ay tila hindi pa nag-sink in sa akin ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kanya noon pa man.
"Matagal ko na itong pinag-isipang maigi pero pwede bang maging tayo, Sandy?" pakiusap niya sa akin ng titigan niya ako mata sa mata. Kung alam niya lang kung gaano kabilis tumibok ang puso ko, malamang may aftershocks na mangyayari kahit hindi lumindol.
Naiyak na lang ako sa sobrang tuwa. "Naydamong bolang! Balamu mesapian ka ngeni. Nanung milyari ot makanyan kang kasweet kanaku?" (Bwisit ka! Para kang nasapian. Ano bang nangyari sa:yo bakita ang sweet mo sa akin?)
"Nanu?! Sabyan mu ing tutu kanaku o ali?" (Ano?! Sasabihin mo ba sa akin ang totoo o hindi?) Pinagbantaan niya pa ako sa pronouncement niya kaya hindi na ako nagpaligoy pa.
"Magiging choosy pa ba ako, syempre pumapayag ako sa gusto mo." ngiting tugon ko sa kanya at tila may kasunod pang sorpresa ang lolo niyo.
"Okay fine. Bumaba na kayo diyan dahil naghihintay na si Yuriko sa beach mga lovebirds." at gaya ng sinabi ko sa inyo eh dakilang kontrabida talaga si Kozue sa buhay ko. Ni hindi nga siya marunong tumanggap ng tagumpay ng iba kaya ano pa ang aasahan niyo sa kanya, edi bitterness.
"Bakit andito pa iyang hitad? Akala ko ba pinauwi mo na sila ng pinsan niyang si Atsushi?" tanong ko kay Maki.
"Hays! Mahirap talagang paalisin ang isang kabute na biglang sumusulpot kung saan. Wala na silang masakyan na tren pauwi kaya pinatuloy na sila ni mama sa guest room sa baba." paliwanag ni Maki sa akin.
"Teka lang hindi pa kami tapos dito." inis kong sabi kay Kozue as I stick out my tongue against her. Well, deserve naman niya ang mockery from me sa dami ba naman ng atraso niya sa amin.
"Ienjoy mo lang ang last vacation mo dito sa Kanagawa for this year. Merry Christmas, Sandeng!" ngiting sabi ng lolo niyo na medyo out of character dahil sa sagot ko and it's good to hear na marinig ulit ang palayaw ko sa kanya dahil I consider it as natatangi sa lahat ng pangalan ko. Siya lang ang tumatawag sa akin nun eh.
"Merry Christmas din sa'yo Shinichi kaya lang parang may kulang." pagpaparinig kong sabi sa kanya at talagang advance siyang mag-isip ng bigla ba naman niya akong niyakap ng mahigpit at pinamumudmuran ako ng halik galing sa kanya.
"Aydana... Balu mu namang ali ku buri ing makanyan." (Hoy! Alam mo namang hindi ko gusto ang galawang iyan.) sabi ko sa kanya habang nakikiliti sa leeg tuwing hinahalikan niya ako sa parte na iyon.
"Patugutan mu ne ing pamanagkas mu. Mamurit ku keka kanyan. Pota ali da na ka palwal king bale tamu." (Tigilan mo na iyang pagmumura mo. Ako ang mababaliw sa'yo at baka hindi na kita palabasin sa bahay niyan.)
Nanahimik ako sa sinabi ni Maki sa akin at kung pwede nga lang magstay, sana masulit ko ang nalalabing araw bago ako umalis ulit at babalik ng may napatunayan na sa buhay.
"Sigi. Ali na pu mayulit, ingkung. Kaluguran da ka, Shinichi." (Sige, Hindi na po mauulit, lolo. I love you, Shinichi.) malambing kong sabi sa kanya noong niyakap niya akong muli mula sa likuran.
"Ika mu talaga ing kaluguran ku Sandeng ala ng aliwa." (Ikaw lang talaga ang mahal ko Sandeng, wala ng iba.) ngiting sabi ni Maki sa akin that made me blush.
"Ika mu talaga ing kaluguran ku Sandeng ala ng aliwa." (Ikaw lang talaga ang mahal ko Sandeng, wala ng iba.) ngiting sabi ni Maki sa akin that made me blush.
Learning from other people's mistakes can also be our guide to formulate our own perceptions. I might be delusional most of the time pero ayoko ng mangyari sa relationship namin ni Maki ang pagkakamaling ginawa nila Mitsui at ng bestfriend ko kung saan wala man lang silang pasabi sa tunay nilang kalagayan noong in a long-distance relationship pa sila.
I also wish that Kozue will leave us in peace especially babalik din ako ng USA to continue my studies at maiiwan ko sa Japan ang aking Shinichi Maki na pinakamamahal sa lahat.
Wakas