下載應用程式
92.85% Section 13 / Chapter 13: CHAPTER ELEVEN

章節 13: CHAPTER ELEVEN

"Ano ba kasi ang nangyari Acxius?" kunot noong tanong ni Forex habang hinihilot hilot ang kaniyang sintido.

Pinsan siya ni Ichi— Takeshi. Kasama nya si Aerox na matalik naman na kaibigan ni Acxius.

Narito kami sa Clinic kung saan dinala sina Acxius maging si Takeshi. Isa itong private room na kasya ang dalawang pasyente, mayado pa itong malawak at malaki. Kumpleto ang mga gamit dito at mayroon ring isa pang kama na maaaring tulugan katabi ang sofa na sa harap ay may lamesa.

Nakatingin lamang ako kay Takeshi na wala pa ring malay. Sabi ni Doc Byron ay maayos na si Acxius habang si Takeshi ay nananatiling unconscious dahil sa dami at lalim ng saksak na natamo nito. Mabuti na lamang at walang organ ang natamaan.

"Pre ikwento mo nga sa amin kung ano ang nangyari, paano kayo nasaksak ni Takeshi? bakit ganyan ang ginawa sa kanya?" mahinahong ani ni Aerox.

Matapos ang mga nangyari ay ngayon lamang ulit nagpakita ang dalawang ito, kung wala pang nangyaring masama sa dalawa ay paniguradong hindi sila magpapakita.

Marahil ay dahil busy sila sa kani-kanilang gawain lalo na at college ang mga ito rito sa Unibersidad.

"hindi ko alam na may galit pa rin pala sila.... hindi ko alam na narito pa rin sila" malumanay na usal ni Acxius kaya naman napatingin ako sa kanya.

Ano ang sinasabi nya? sinong sila? bakit sila galit? anong mayroon?

Kunot noo akong napatingin sa kanya habang hinihintay siyang magpaliwanag.

"ang grupo ni Axerylle... tumambay ako sa likod ng building para magpahinga ngunit nagulat ako nang makita sila. Hindi ko alam kung saan sila nagmula dahil nakatalikod ako nang maramdaman kong hinampas nila ako ng tubo" salaysay niya saka tumingin sa amin.

Nakatingin lamang sa kaniya ang dalawa habang naghihintay ng susunod nitong sasabihin. Gustong gusto ko malaman ang totoong nangyari, hindi ito deserve ng dalawa.

"Kasama ni Axerylle sina Kim, Vyx at Lloyd. Mabilis ang naging pangyayari, inatake nila ako at naramdaman ko na lang na nasaksak na pala ang tagiliran ko. Dumating sa puntong tinutukan ako ni Axerylle ng kutsilyo sa leeg at napapikit ako non ngunit ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman dahil.... biglang dumating si Takeshi" seryosong ani niya saka ito tiningnan. "noong una ay hindi ko alam na siya yon dahil nakasuot siya ng maskara nagkaroon sila ng sagutan ni Axerylle kasunod ng pag-atake sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi siya lumaban, hinayaan nya lang sila na gawin yon sa kanya" kitang kita sa itsura niya na siya ay naguguluhan sa nangyari.

Hindi ko rin maintindihan, alam kong kayang kaya silang labanan ni Takeshi ngunit bakit mas pinili nyang masaktan sya kaysa saktan sila? Bakit nya inilagay sa panganib ang buhay niya gayong makapangyarihan siya?

"nang mapaluhod si Takeshi dahil sa pagkakasaksak sa kanyang binti ay tinanggalan nila sya ng maskara. Noong mga oras na yon ay tila nabuhusan sila ng napakalamig na yelo at napako sa kani-kanilang pwesto. Kitang kita ko kung paanong namilog ang kanilang mata nang makita kung sino ang lalaking nasa harap nila"  ani niya saka tinapunan ng tingin si Takeshi. "namutla sila at unti unting napaatras pagkatapos non bigla na lang sila nawala sa aming harapan" dagdag pa niya.

"sa hindi ko malamang dahilan ay pinauna ako ni Takeshi, hindi ko alam kung anong ginawa nya. Matagal bago siya nakasunod sa akin"

"teka, bakit nagkaroon ng away sa pagitan ninyo ng Axerylle at mga kasama niyang iyon?" nagtatakang tanong ni Forex saka seryoso siyang tiningnan.

Matagal bago nakasalita si Acxius. Tila pinag-iisipan pa nito kung sasabihin ba niya o hindi.

He let out a heavy sigh and then he clear his throat bago magsalita.

"sige ako na lang ang magkukwento para hindi na magpaliwanag pa si Takeshi kapag nagising siya" saad niya.

nag-aalinlangan man ay wala itong pagpipilian.

"Simula pa man noon ay hindi na talaga maganda ang relasyon ng grupo ni Axerylle sa amin ni Takeshi, nagsimula iyon sa pag-aagawan ng unang pwesto sa ranking sa loob ng room hanggang sa pangkalahatan, nag-agawan din sila sa pwesto upang maging Presidente sa Unibersidad na ito at alam naman nating lahat na si Takeshi ang nakakuha ng posisyong iyon" mahinahong saad nito. "Nang hindi maging Presidente si Axerylle ay binalaan niya si Takeshi, mayroong pagkakataon na nagkita sila sa likod ng building at doon sila naglaban, pisikal na laban. Isa laban sa isa ang usapan ngunit madumi kung maglaro si Axerylle, sinama niya ang kanyang grupo at pinagtulungan si Takeshi kaya nakisali na rin ako. Natalo namin sila ngunit lalo lang tumindi ang galit niya, sinabi pa niyang hindi doon natatapos ang lahat dahil babalik sila. Simula noong araw na iyon ay hindi na namin sila muling nakita kaya inakala naming nakalabas na sila sa Unibersidad na ito ngunit nagkamali kami dahil kanina lang ay naganap nga ito" ani pa niya.

Naalala ko na. Kung ganon ay Axerylle pala ang pangalan ng lalaking iyon, ang lalaking kulay green ang mata na mas mababa kumpara kay Takeshi. Naaalala ko na ang itsura niya at ng iba pa niyang kasama.

Siya ang sumampal sa akin noon kasama si Rovainne. Sila ang lalaking kasama ni Rovainne noong abangan nila ako at saktan dahil kay Takeshi. Naaalala ko na kung sino ang mga iyon.

Napakasama ng ugali nila.

"hindi ko maintindihan, alam kong magaling mag-taekwondo si Takeshi, marunong siyang gumamit ng baril maging ang kutsilyo kaya bakit hindi siya lumaban? bakit niya hinayaang mangyari yan sa kanya?" kunot noong tanong ni Forex saka binalingan ng tingin si Takeshi. "He's insane. He put his life into danger fuck him, I'll punch him kapag nagising na sya" saad pa niya.

Ganiyan talaga silang magpinsan.

"tama ka, nakita ko na kung paano gumalaw ang isang yan, naranasan ko na kung paano matalo ng tulad nya. Sigurado akong may rason siya kaya hindi siya lumaban dahil mas mahina naman ang grupo nong Axerylle kumpara sa kanya" saad ni Aerox.

Lalo lamang dumadami ang tanong sa aking isipan, hindi ko na alam kung saan at paano hahanapin ang sagot sa lahat ng iyon. Hindi na matapos tapos ang problema, lalo lang nadadagdagan ang mga tanong at lalo lang din lumalala ang mga nangyayari.

ang daming ganap, ang daming rebelasyon. ano pa ba ang susunod dito?

"Sa ngayon, hintayin na lang muna natin na magising sya dahil sya lang ang makapagbibigay linaw sa lahat ng katanungan natin" saad ni Forex saka tiningnan ang kanyang pinsan. "Ipagdasal na lang natin ang mabilis niyang paggaling at kung sakali mang magising sya balitaan niyo kami kaagad" ani pa niya.

Tumango naman si Acxius.

"Hyacith right?" tanong ni Aerox saka ako tiningnan.

binigyan ko lamang ito ng nagtatanong na tingin.

"do you want tea, coffee or something? or  food baka gutom na kayo bibili kami ni Forex ng makakain para naman magkaroon kayo ng lakas habang nagbabantay dito" saad ni niya saka kami tiningnan. "Inaantok na rin ako pagkatapos namin kayong bilhan ng pagkain ay babalik na rin muna kami sa dorm dahil mayroon pa kaming thesis bukas, pasensya na ah hindi namin kayo masasamahan tonight"

"It's fine po, we can handle this naman. Safe naman dito sa Clinic kaya wala naman sigurong mangyayaring masama pa rito" tugon ko saka pilit na ngumit. "saka katulad po ng sinabi mo mayroon pa kayong thesis, we understand po kayang kaya naman po naming bantayan si Takeshi huwag na kayong mag-alala babalitaan namin kayo kaagad kapag okay na sya"

Tumango tango sila.

"Uhmmm gusto ko ng kape, mocha ha. ganon na lang din ang bilhin nyo para kay Hyacith" tugon ni Acxius saka ako tiningnan. "add some fruits too para kay Takeshi"

"okay then we'll go ahead iphahatid na lang namin sa nurse ang pagkain, kailangan na talaga naming magmadali" saad niya saka lumabas sa silid kasama si Forex.

"galit ka ba sa akin? dahil sa akin napahamak sya, dahil sa akin nariyan sya at nakikipaglaban para sa buhay nya" malumanay na usal ni Acxius na kay Takeshi nakatingin. "ayos lang nama  kung magalit ka sa'kin, hindi naman kita masisisi dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi ako nalagay sa sitwasyong iyon ay hindi nya ako kailangang iligtas at hindi siya nakahiga riyan ngayon"

I let out a heavy sigh saka mapait na ngumiti.

"no, hindi ako galit sa'yo Acxius huwag mong isiping may galit o sama ng loob ako sa'yo dahil kahit kaunti ay wala, wala talaga. walang may gusto sa nangyari, hindi mo naman alam na mangyayari yon at gagawin ni Takeshi yon. Hindi mo naman ginusto na mapahamak siya hindi ba? " tugon ko. "naguguluhan lang ako sa nangyayari pero ayaw ko na muna iyon isipin sa ngayon. Gusto ko na muna na bantayan si Takeshi at gusto kong kapag nagising sya ay narito ako" dagdag ko pa.

"We're so lucky to have him. Nag-iba man ang pagkatao at posisyon niya ay sya pa rin si Ichiro na handang gawin ang lahat" nakangiting wika nito. "ilang beses na niyang nililigtas ang buhay ko kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. I owe him my second life, third life kung may fourth life baka utang ko pa rin sa kanya" saad pa niya saka bahagyang natawa.

"ang swerte mo dahil mahal ka niya at alam kong ganon din ang nararamdaman mo para sa kanya" nagtatakang napatingin ako sa kanya, napangiti naman siya. "oo, nandoon ako sa Cafeteria nang aminin nya sa lahat, nandoon ako nang ipagsigawan na niya ang nararamdaman nya. Natutuwa ako sa kanya dahil makalipas ang limang taon sa wakas nasabi na nya, sa wakas hindi na niya kailangang itago ang nararamdaman nya" nakangiti pa rin ito.

"Limang taon nya rin tinago iyon"

Saglit siyang tahimik.

"aamin din ako" mahinang saad nito pero sapat lamang upang marinig ko. "gusto rin kita" diretsong saad niya.

Nanatili akong tahimik. Naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"alam kong mahal ka ni Ichiro o Takeshi kaya pinigilan ko ang nararamdaman ko kasi alam mo kaya kong makipaglaban sa maraming taong nagkakagusto sa'yo pero ang hindi ko kayang labanan ay ang isang taong gusto mo" pilit itong ngumiti.

Nalukot ang kanyang mukha ngunit agad din siyang ngumiti. Alam kong nasasaktan siya ngunit pilit niyang tinatago.

"pasensya ka na Acxiu—"

"hindi mo kailangang humingi ng tawad ano ka ba Hyacith happy crush lang ako rito, happy crush na nab-broke ang heart into pieces" tatawa tawang saad niya. "kidding, but to be honest hindi ako nakaramdam ng selos o inggit the truth is mas natutuwa pa nga ako dahil ang feelings nyo sa isa't isa ay mutual" matamis siyang ngumiti saka nagpuso puso pa sa kanyang kamay.

Paano niya nasasabing mutual? hindi ko nga alam sa sarili ko kung mahal ko nga rin ba ang ungas na yan.

"paano mo naman nasabing the feeling is mutual?" nagtatakang tanong ko saka ito binalingan ng tingin.

Napangiwi siya't napailing iling.

"halatang halata naman sa mga ikinikilos mo, sa mga pinapakita mo at sa mga sinasabi mo. Hindi mo lang maamin sa sarili mong nahulog ka na rin sa kanya" tugon nito saka itinataas baba ang kanyang kilay.

I rolled my eyes saka nangalumbaba na lamang. Ayaw kong maniwala sa sinasabi niya, hindi ko sya gusto, hindi, hindi.

"huwag mo nang pigilan, kapag pinipigilan mo pa naman ay lalo lang lumalala" nang-aasar na saad ni Acxius saka kumindat.

Tinarayan ko lamang siya.

Dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa non si Rovainne.

Agad akong napatayo akmang pipigilan ito sa paglapit kay Takeshi.

"you don't need to say or do  anything, hindi ako manggugulo gusto ko lang kamustahin ang lagay niya. I just want to see him, i want to know if he's fine please" malumanay na saad ni Rovainne. "kahit mayroong bangas ang mukha niya ay hindi non maaalis ang napakaamo nitong mukha" ani niya habang pinagmamasdan ito.

Napaupo akong muli saka sinundan ng tingin ang bawat galaw nito. Hindi ako papayag na may gawin nanaman syang gulo rito, sa oras na ito ay handa akong makipagbardagulan sa kaniya kung kinakailangan.

"I know Axerylle did this to him. He knows na si Takeshi ay nag-iisang anak ng kuya ni Mr. Haruki ngunit ang hindi nila alam at hindi ko nasabi na si Ichiro at Takeshi ay iisa" saad ni Rovainne habang tinitingnan si Takeshi.

"paano mo nalaman ang mga yan? anong hindi mo nasabi sa kaniya? what do you mean Rovainne?" nagtatakang tanong ni Acxius saka seryosong tiningnan si Rovainne. "nagkausap ba kayo ni Axerylle? magkakilala ba kayong dalawa?" tanong pa niya.

"ofcourse, he's my brother. One of his reason is to take a revenge for me pero hindi ko alam yon, hindi ko sya inutusan para gawin yon" tugon niya. "I don't know na he's going to stab Takeshi. If I know I won't let him to do that"

Nagtataka akong napatingin kay Acxius at ganon din ang itsura niya. Panibagong rebelasyon nanaman. Sunod sunod na lamang akong napalunok.

Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyari? Imposibleng wala dahil kapatid niya iyon, hindi nakakagulat dahil pareho silang masama ang ugali.

"may kinalaman ka ba sa nangyari Rovainne?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

Sa pagkakataong ito ay nilapitan ko na siya. Hinarap ko siya at diretsong tiningnan sa kaniyang mga mata.

"no, wala akong alam. My brother asked me about Acxius kaya sinabi ko kung nasaan siya dahil nakita ko sya doon. Pinuntahan nila sya at huli na nang makita kong papunta rin si Takeshi sa direksyon na yon" depensa ni Rovainne.

Tila umakyat ang lahat ng aking dugo patungo sa aking ulo dahil sa galit na nararamdaman ko. 

Mula sa likuran ay hinila ko ang buhok nito palayo kay Takeshi saka siya patulak na binitawan dahilan upang mapasandal ito sa pader. Doon ko siya diretsong tiningnan.

"kung ganon ay may kinalaman ka nga kung bakit nangyari yan sa kanya, sa kanila!" sigaw ko sa pagmumukha nito. "halos maubusan sya ng dugo dahil sa nangyari, marami rin ang saksak na natamo niya bukod pa sa suntok na natanggap niya at tingnan mo ngayon patuloy pa rin siyang nakikipaglaban para sa buhay niya!" sigaw ko pa saka hinawakan ang kwelyo ng damit nito.

"hindi ko nga alam na— arghh!" sigaw niya matapos dumapo ang aking palad sa kayang pisngi.

Naiirita ako sa kasinungalingan nya!

"hindi mo na ako maloloko Rovainne, matapos mong sabihin na mahal na mahal mo sya ay ganito ang gagawin ninyo sa kanya!? pagmamahal ba ang tawag mo riyan!?" bulyaw ko kasunod ng pagkuyom ng aking kamao.

Magkasalubong ang aking kilay habang nagtitiim ang aking bagang, pilit kong nilalabanan ang aking emosyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

"Oo! oo na! sinadya ko yon dahil gusto kong gantihan siya! ano masaya ka na ba!?" sigaw din niya.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tila mayroong sariling buhay ang aking palad at kusa itong gumalaw. Isang malakas na sampal muli ang natanggap nito dahilan upang mapahawak siya sa kanyang pisngi.

"napakabobo mo rin pala ano!? nagpapatawa ka ba? sa tingin mo ba ay mayroon kang laban sa kaniya!? narito pa kayo sa lupa ngunit sinusunog na ang kaluluwa ninyo sa impyerno!" inis na sigaw ko saka muling sinampal ito.  "gumawa ka pa ulit ng ikapapahamak niya at sisiguraduhin kong ako mismo ang tatarak ng kutsilyo riyan sa dibdib mo" mariing saad ko saka dinuro ang dibdib niya.

"hindi mo kayang gawin ya—"

Mabilis kong hinablot ang buhok nito at hinawakan ang kanyang ulo saka ito malakas na inuntog sa pader. Nagulat siya roon, dahan dahan niyang hinawakan ang ulo niya at namilog ang kaniyang mata nang makitang may dugo roon.

Napangisi ako habang nakataas ang aking kilay. Seryoso ko siyang tiningnan habang naka cross-arms sa kanyang harapan.

"I warn you Rovainne, subukan mo pa ulit na gawin ito at sisiguraduhin kong sa susunod na iuuntog ko yan ay mabibiyak na!"

"Hyacith tama na yan baka mapatay mo sya" saad ni Acxius habang pinipilit na makaalis sa kanyang kama.

"umalis ka na bago pa tuluyang magdilim ang patingin ko at matuluyan kita!" saad ko saka diretsong tiningnan si Rovainne.

Mabilis siyang lumabas sa silid. Nagkaroon ng bakas ng dugo sa pader kung saan ko inuntog ang kaniyang ulo. Tiningnan ko iyon saka sunod sunod na napalunok.

Napatingin ako sa aking kamay at hindi makapaniwalang nagawa ko iyon. Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking mga luha dahil sa sobrang galit na aking nadarama.

"tama na, tama na Hyacith" mahinahong ani ni Acxius na nakahawak sa kaniyang tagiliran.

Agad kong tinuyo ang aking pisngi saka ito hinarap. Pilit akong ngumiti sa kanya saka bumalik sa kama kung saan ako naroon kanina.

"I can't believe this, after what they did ang kapal naman ng mukha niyang dumalaw pa. She's insane, they're insane!" saad ni Acxius. "Now I know, they're siblings no wonder dahil pareho silang masama ang ugali" dagdag pa nya.

Naiirita ako kay Rovainne, nakukulangan ako sa nagawa ko kanina. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ay baka tinuluyan ko na siya.

she'll pay for this, they'll pay for this.

"hey, are you okay?" malumanay na tanong nito.

"Mmmmyeah, don't mind me. Pasensya na sa nagawa ko, hinayaan kong kontrolin ako ng emosyon ko. Nakakagalit lang talaga na pinagplanuhan nila kung paano gagawin yon, she even tried to lie as if we didn't know her" iritableng tugon ko. "sa susunod na ulitin pa niya yon ay baka mabasag ko na talaga yong ulo niyang walang laman" dagdag ko pa na ikinatawa nanan nya.

"you know what, it's Confirmed. You really care for him, you really love him that's the reason why you felt that way, ang reason kung bakit mo nagawa yon kay Rovainne" tatawa tawang ani ni Acxius. "huwag mo nang itago Hyacith, it's fine I won't tell him" kumindat pa ang siraulo.

I rolled my eyes into him saka napahiga sa kama. Nakatingin lamang ako sa kisame habang iniisip ang sinabi nya.

Napatingin ako sa kanya at napa-iwas agad ako nang makitang nakatingin din ito sa akin. Tumagilid ako upang hindi siya makita, maya maya pa ay napahikab ako.

---------------------

---------------------


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C13
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄