Sa bahay nga kami ni Poro dumiretso. Pero bumaba sya sa may kanto para raw pumuntang bahay. I didn't bother to stop him. Kukunin nya raw sasakyan nya. Kian volunteered para sya na kukuha pero nagpumilit itong sya na. Basta binigay nya lang samin yung susi ng bahay tas tumakbo na sya palayo. Buti may payong syang dala.
Pagod akong umupo sa tabi ng bagong bukas na pinto. Tulad ng pag-upo ko sa may kalsada kanina. Ganun din ang posisyong ginawa ko. Kian parked his car in front of the house. Saka ito pumasok at natigilan sa kinauupuan ko.
"Ate, bat ka nandyan?. Dito ka umupo." he offered me the soft cozy sofa pero tinignan ko lang sya. Telling myself. Ang swerte naman nila ni Kaka. Sa kabila ng kaguluhan sa pagitan ng Mommy nya. Nagawan pa rin nila ng paraan na ituloy ang gusto nila. With the help of our Fathers. Ako kaya?. Kailan makakamit ang tunay na kalayaan?.
Tumayo sya sa harapan ko at namaywang. Hindi alam kung anong sunod na gagawin. Kung hihilahin ba ako patayo o bibigyan ng tuwalyang pamunas.
"Nagalit si Tito kanina." bigla ay kwento nya. Umupo sya sa harapan ko. Nag-iskwat sya matapos ang ilang segundong sandali na nakaluhod ang isang binti nya. Hindi ako nagsalita. Not that I have no words to say. Para bang. Oras lang para di ko ibuka ang bibig ko. Time for listening and contemplating para usisain ang lahat. "I'm not in the position to tell you this but, I think. I have to." he continues. Sa sahig ako tumingin. Not minding kung magpapatuloy ba sya sa kwento nya o hahayaan nalang ako sa posisyon ko. "Tito is mad because you left your house." di na rin ako nagulat pa sa sinabi nya. Di pa nga yata magbubukas labi nya for telling this. Alam ko na agad ang kasunod ng pangungusap nya. "Nagkagulo ulit sila."
"Ano sa tingin mo Kian, tama ba o mali ang ginawa ko?." I asked him para alamin kung ano ang opinyon nya tungkol dito.
"Ang mali lang siguro Ate, ay yung namura mo sya.."
Hindi ko yun sadya. Wala sa isip kong murahin sya. Wala sa bokabolaryo kong magmura ng walang dahilan. But she pushed me!. I have my limits. Tao din ako. Mali bang magmura kahit minsan?.
Ganun naman diba ang tao?. Everybody has it's own limit. Kung gaano kahaba ang oras sa isang buong araw. Ganun din dapat sana kahaba ang pasensya ng bawat tao. Pero bakit parang nasa piling tao lang ang bagay na yun?. Kung gaano kahaba ang pasensyag meron sila. Ganun din kaikli ang taong lagi nilang nakakabangga?. Is this a trial?. Pagsubok lang para tignan kung hanggang saan aabot ang pisi ng pasensya ng isang tao?. Para saan naman iyon kung ganun?. Para aralin kung paano pa magtimpi at maging mababa para ipakita sa iba na sila ang laging tama?. Kingwa!. Ganun ba dapat?. Diba unfair na pag ganun?.
Unfair nga ba?.
O baka. Isa ka lang sa mga taong nabigyan ng kakayahan na ganun?.
O diba!. Astig!?.
Astig?. Astig bang mali lagi ang approach ng tao sa opinyon mo?. Astig ba ang ganun?.
Hay! Ewan ko sa'yo Kendra!. Manahimik ka nalang!. Makinig. Saka na ang kwento mo na singhaba ng parada. Sa ngayon. Ang kasalukuyan ang harapan mo. Not the future na bukambibig nila.
"Mali ka lang sa part na yun." he cleared my mind.
Mali nga!. Okay. Aminin ko na. Mali ako sa part na yun. Si Mama ba?. May mali rin ba sa ginawa nya?.
"The rest.. it's up to you kung tama ba o mali ang ginawa mo. As what I've said. I'm not on the position to say a word or a judgement na hindi ko naman kinalalagyan." he paused. Nilaro nya ang susing hawak nya. "Siguro para sa'yo.. tama na yun.. para alam mo na.. masabi ang lahat ng gusto mo. Not filtering your own feelings. Hindi yun mali sa totoo lang."
Napaangat tuloy ako ng ulo para tignan sya. I stretched out my legs dahil namanhid na ito. "So, it's right then to left them?."
"Of course not. Maling umalis ka't takasan ang problema." Alam ko naman na mali. I'm just testing him.
Ngayon lang nagsalubong ang aming mga mata. Sya din ang unang nag-iwas sa amin. Sa labas sya tumingin. Di pa rin tumitila ang ulan. Kumukulog pa. And Poro is not yet home. Bakit kaya ang tagal nya?. Di kaya pinagalitan na naman sya?. Napalunok tuloy ako kahit alam kong sakit lang ang dadaan rito.
"Kung ganun, maling nandito ako at idamay pa sya?."
Maliit syang tumango. "Don't get me wrong me, okay?." nagtaas sya ng kamay tapos iwinasiwas para sa sinasabi. "What I mean is, why choose running when there's still a way to make things right?. Wag mo sanang hayaan na lamunin ka ng galit mo because that's not make sense."
Not make sense?. Really?.
"It make sense Kian." napatanga sya sa sinabi ko. "Pinagtanggol ko lang sarili ko because they're judging me without any evidence. Kung ikaw ba ang nasa posisyon ni Poro?. Hindi mo rin ba gagawin ang ginawa nya kung si Karen ang nasa posisyon ko?." di sya kumibo. But I can sense na tatango dapat sya. "Ang ayaw ko sa kanila. Maliit na bagay. Ginagawa nilang malaki. Tatanungin kita. Mali bang makitulog sa bahay ng isang lalaki kapag nasa kagipitan na?."
Gumewang ang kanyang ulo. "Mali bang isuot ang damit panglalaki kapag babae ka?. Ang babaw masyado Kian."
"I think. This is just a misunderstanding Ate.."
"Saang part ang misunderstanding?. Pakilinawan naman kasi hindi ko mahanap.."
"Tita is overprotective just like Tito. They thought of things na alam kong hindi mo naman gagawin because you know what will happen kapag ginawa mo yun. And you?."
Tumaas ang aking kilay. Wanting to hear what will he say. "What about me?."
"I think. You're a hardheaded. Your opinion is just yours. Walang makakapagpabago noon kundi ikaw lang."
Natawa ako ng saglit.
"So, saan ang misunderstanding dun?." nalito kasi ako.
"The loopholes here is that, you both don't know how to value each other's view. Sila Tita na ayaw kang lumihis sa landas na gusto nila. Tapos ikaw na gustong kumawala sa daan na gusto nila para sa'yo. It's like. They want you to do what they you to be. Na hindi nila makitang, ayaw mo ng ganun."
Damn it!. Paano nya nakita yun?. Tama nga sya!. Tama syang gusto kong makawala sa gusto nila para sakin without telling them that I don't want to be the way they want me to be. This is not rebellion. I just want my freedom. My full freedom. Freedom to be me, myself and I. Just me. Yun lang. Na sa tingin ko. Ayaw nilang mangyari at gawin ko.
"Why don't you tell them that?. Hindi yung tatakbo ka palayo sa kanila?."
"Honestly. I don't know how to tell them this because you already knew. Gusto nilang sundin ko ang gusto nila not what I really want. Kahit ilang ulit kong ipaliwanag siguro sa kanila ang gusto ko. Hindi nila iyon maiintindihan. Ipipilit pa rin nila ang sinasabi nilang proteksyon ko and stuff. Like bruh?. Am I a child?. Nasa edad na ako't kaya nang magdesisyon para sa sarili ko."
He remain silent nang dumating na si Poro. He is so fucking wet. Teka. Nasaan yung payong na dala nya?.
"What are you doing there?. Malamig ang semento bro?." Kay Kian nya binaling ang sisi. Hinawakan nya ang braso ko't hinila pataas para tumayo. "Go get some hot shower lady.. Magkakasakit ka nyan." he pulled me sa guess room kung saan ako natulog noon. Kian stood up also. Namaywang na rin gaya nya.
"Maligo ka na rin bruh. Magkakasakit ka nyan.. hahaha.." he joke to him. Repeating his words. Sinamaan nya lang ito ng tingin. Tas nilingon nya ako sa may pintuan ng kwarto. Not yet entering the room.
Tinuro na nya ako. "Go inside. Aakyat na ako." nakagat ko nalang ang labi bago tumango. Si Kian naman ay nagkibit balikat lang. Matapos maglakad paakyat ang kaibigan.
"Maligo ka na raw.. magagalit jowa mo.. hahaha.." ani Kian na naupo na sa sofa. In-on nito ang tv saka nagdekwatro.
"Shut up asshole!." dinig ko pa rin ang boses ni Poro. Mukhang alam din na di pa ako pumapasok sa loob.
Ganunpaman. Hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko. Mas lalo pa akong nalito sa narinig mula kay Kian. I know. Hindi dapat ako nandito. Di ko dapat idamay pa si Poro. But I want to stand my decision na maglayas nga. Gusto kong ipakita na natapakan din ang pagkatao ko sa simpleng bagay na sinasabi nila.
I want to make a decision na, para sa ikaaayos ng lahat.