Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog. Sa dami ng kwento nya tungkol sa outing nila ng kanyang mga barkada noon. Nakatulugan ko na sya. Nothing more than that happened. Literal lang na natulog ang ginawa namin. Na hindi ko maintindihan pagkagising ng umaga. Tinukso kami ng lahat. Sobrang sama ng mukha ko the whole day. Kahit wala namang dahilan para maguilty ako. Feeling ko. Guilty na ako kahit hindi namam totoo ang mga paratang nila. I was like. Oo na. Isipin nyo na lahat ng gusto nyong isipin. Basta ako. Kami. Pareho kaming malinis at alam namin pareho na natulog lang kami ng mga oras na yun. Sa totoo lang. Tinatanong ko din ang sarili minsan. Bakit nga ba di namin ginawa ang iniisip nila?. Bakit kaya?. Siguro dahil sa pareho naming nirerespeto ang bawat isa. Lalo sya sa mga magulang ko. I didn't even met his parents. Sa pagkakaalam ko. Tinanong ko pa ito minsan kay Karen. Sa Zambales raw nakatira ang buo nyang angkan. Maging ang kanyang mga magulang. Doon raw sila nagtatrabaho. Maging ng kapatid nya. At kung sakali mang makilala ko sila. Sana maging maayos lang ang lahat. Sana walang problema o aberya.
Na sana.. tratuhin nila ako ng higit pa sa kanilang anak.
Ang hirap humiling minsan ng mga bagay bagay talaga. Lalo na ang desisyunan ang mga ito.
Dahil pinayagan ako ni Papa na tumira muna sa bahay nya. Heto naman ang isang problema. Dumating bigla ang buo nyang pamilya.
Gabi na. Ala syete na ng makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. May klase pa raw sya hanggang eight kaya mauna na akong kumain. Kadalasan naman. Hindi kami sabay kumain ng hapunan o tanghalian dito sa bahay. Minsan lang nangyari yun at di na nasundan. Noong college day lang yata yun at di na naulit pa dahil pareho kaming abala sa kanya-kanyang klase.
Ngunit iba ngayon ang sitwasyon na to. Nang may bumusina sa labas ng gate. Sumilip ako sa may bintana. Huminto ang isang Ford ranger na itim. Hindi ako gumalaw para pagbuksan sila ng gate dahil nga di ko alam kung sinong sakay nun. Nalaman ko nalang ng tumawag si Poro sakin.
"Hello Ken.." mahihimigan ang pagkataranta ng boses nito sa kabilang linya.
"Bakit?. diba may pasok ka pa?. Napatawag ka?." kinabahan ako bigla. Baka naospital na sya o ano.
Ngunit ang kabang hindi ko matukoy dala ng isipin na baka nasa ospital sya ay dumoble pa ng malaman sa kanya na pamilya nya raw yung sakay ng Ranger. "Anong gagawin ko?." I was like panicking. Knowing that they're his family. And this is the very first time na makikilala ko sila.
"Open the gate and let them in, Ken."
"What if magtaka sila about me having here?." totoo naman. Baka isipin nilang bayaran akong babae. Grrrr! Mas naging triple tuloy ang kabang nadama ko.
"Wag mo na muna isipin yun. Ako ng bahala mamaya. Pauwi na ako."
"Pero teka Poro..." huli na para marinig nya ang tawag ko sa pangalan nya dahil nawala na ang kanyang linya.
Sa kaba ko. Uminom muna ako ng tubig bago binuksan ang pinto at lumabas ng gate. Nakakasilaw man ang headlights. Nagawa ko pa ring buksan ang gate ng walang kahirap-hirap.
Pumasok na rin ang sasakyan matapos kong iawang ng mabuti ang gate. Pagkatapos ay sinarado ko na rin to.
Nga lang. Nanginig ang mga binti ko ng marinig na ang pagbukas sara ng pinto ng sasakyan. Hudyat na may bumaba na nga sa kanila.
"Goodev—.." babatian ko pa sana muna ang babaeng medyo may katandaan. Maikli ang buhok. May hawak na hand bag at kakatanggal nito ng shades ng putulin nya ako.
"Who are you?." laglag sa semento ang panga kong nakaamba ng ngiti para sa kanila. Hindi ko tuloy mahagilap ang ngiting inihanda ko kanina pa. Di ko pa man sya nasasagot. Tumambad na rin sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki. May katandaan na rin. May hawak na travel bag at tumbler. "Bakit di ka pa pumasok sa loob, honey?." tanong nito sa asawa. Di man lang natinag ang titig ng matanda sa akin. Di nya ako pinakawalan hanggang sa pagdating ng isa pang tao. Matangkad din ito at may matikas na katawan. Tipong alaga sa gym. O baka gym instructor. Hindi ko alam. Nasasabi ko lang to dala ng hubog ng muscle nya. Hindi naman malalaki. Tama lang para makitang healthy ito pagdating sa katawan nya. "Di ka ba takot madengue Mie?." maging ang boses nito ay bagay para sa isang DJ sa radio station. "Tara na sa loob.." anya pa na lalagpasan na sana ako ng pigilan sya ng matandang sopistikada.
"Hindi pa ako tapos dito, Dave.." nalito ang anak sa kanyang Nanay. Tinignan nya ito ng may pagtataka tapos ay sinulyapan na nya ako. "Gusto kong malaman kung sino sya. Kung anong ginagawa nya rito at kung bakit nandito sya sa pamamahay ko?."
Nanginig nalang basta ang dila ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong pormal na magpakilala pero di ko magawa. Pumulupot ng kusa ang dulo ng aking dila. Siguro paraan ito ng kung sino para di ko sya sagutin ng pabalang o ng ugaling aking nakasanayan. Pag-mamaldita.
"Hintayin nalang natin si Kuya. Sya nalang kausapin mo Mie.."
"Hindi maaari.. gusto kong malaman kung bakit sya dito nakatira?."
"Honey, pumasok na muna tayo sa loob. Baka may makakita sating mga kapitbahay. Maging eskandalo pa ang pangalan mo.." bulong ng asawa nito rito na hindi na naging bulong dahil sa rinig na rinig ko naman ito.
Kumontra pa nga ito sa dalawang lalaki para pumasok subalit hinila na nila ito papasok.
"Get inside.. we'll talk.." ang akala kong makakahinga ako pagkapasok nila sa loob. Akala ko lang pala. Dahil nilingon pa ako nitong si Dave at sinabing pumasok na rin ako.
Kinapa ko ang bulsa. Trying to find my phone for me to send a message to Poro na dalian na nyang umuwi dahil di ko to kayang mag-isa. But sorry for me. My phone's not here. Naalala ko lang na nilapag ko pala iyon sa center table kanina. Tsaka yung mga paper works ko pala duon. Juiceko!.
"So, dito ka talaga nakatira?." di pa man pumipirmi ang mga paa ko sa loob ng bahay. Ito na ang isinalubong sakin ng Nanay nya.
"Opo ma'am.." hindi ko alam kung kanino galing ang lakas ng loob na meron ako para sumagot pa rito.
"Bakit?. Ano ka ng anak ko?."
Susmiyo Poro!. Nasaan ka na?!. Dalian mo!!...
"Kaibigan lang ho.." minasahe ng asawa nito ang kanyang balikat para siguro bahagyang pakalmahin. Pero hinde. Hindi man lang nagbago ang kanina pa nyang nanlilisik na mga mata. Ang kapatid nya naman ay nakaupo na sa pang-isahang sofa. Lugar kung saan nakalapag sa harapan nito ang MacBook na nakabukas. Kasalukuyan akong gumagawa ng thesis. Isang mug na may lamang kape. Ito pa yung paboritong baso ni Poro. Kaya siguro umarko ng bahagya ang kilay ni Dave. At dalawang libro na makakapal. At yung phone kong patay sindi. Mukhang may chat o text galing sa kanya.
"May magkaibigan bang nakatira sa iisang bahay ng kayo lang?." napamaang ako. Walang mahagilap na salita sa sinabi ng Nanay nya.
Imbes sagutin sya. Pinili ko nalang na yumuko ng dumaan sa pandinig ko ang malakas na buntong hininga na pinakawalan nya. Pagkadismaya ang mahihimigan ko rito.
"Yes bro.." dinig ko bigla ang boses ni Dave. Mukhang sa kanya na tumawag ang Kuya nya. "Hmm.. nandito na kami sa loob.." anya saka huminto para pakinggan ang nasa kabilang linya. "Wala naman kaming ginagawa. Si Mommy lang.. nag-iinterview.. hahaha.." tumawa pa ang loko. Parang kapatid nya lang. Kahit di nakakatawa. Tumatawa sya. Tas pag may nakakatawa. Nakaseryoso naman sya. Baliktad. "Mom oh.. kausapin ka raw ni Kuya.." iniamba pang ibigay ang phone pero di to kinuha ng matanda.
"Hindi sya ang gusto kong kausapin dito.. sya.. itong babae nya. Magkano bayad sa'yo ng anak ko ha?. Sabihin mo. Dodoblehin ko. Lumayas ka lang dito.."
"Mie.."pigil sa kanya ng anak nyang si Daven. "Wag kang ganyan.. Kilala mo si Kuya.."
Natahimik ito bigla. "Kung bakit kasi sa dami ng lalaki sa mundo. Itong anak ko pa ang kinakanti ng mga tao. Ganun ba sya kagwapo para lapitan nalang basta ng mga linta?."
Kahit gustuhin ko mang lumunok. Hindi ko na magawa. Para akong nasampal kahit di naman dumapo sa pisngi ko ang palad ninuman. Ngayon ko lang kasi naranasan to. Ang maramdaman ang mapahiya ng ganito kagrabe. Para akong sinasaksak ng matalim na kutsilyo. Paulit-ulit. Hanggang sa magdugo ang buong katawan ko. Sa bawat paghinga ko. Bumibigat na ito.
Nasaan ka na ba kasi?. Akala ko ba uuwi ka na?.
Konting tiis nalang Kendra. Kaya mo yan. Kung pwede. Huwag sumagot ng pabalang. Huwag na huwag!.