下載應用程式
3.5% Pagdating Ng Panahon / Chapter 2: Chapter 2: Birthday?

章節 2: Chapter 2: Birthday?

Gabi na ng umuwi si Papa galing istasyon nila. Kinausap ko sya't nagpaalam para sa gala.

"Sinong kasama mo?." bakas ang pagod at pagiging istrikto sa boses nya. Napaatras ako habang magkahawak ang dalawang kamay sa likod. Magalit man sya. At mukhang istrikto pagdating sa akin. He'll definitely say yes dahil ganyan sya. He's strict but not making us a prisoner. Marami syang sinasabing bawal pero nasa amin na kung paano namin iyon susundin. Not in a rebellious way, of course dahil darating na talaga kami sa loob ng kulungan kapag nangyari yun. Papa is strict but not that he might cage us just to protect us. No. Mas gugustuhin nyang malaya kami kahit pa hindi sana pwede. Sa tigas ba naman ng ulo namin ni Ate. Wala syang ibang magawa kundi hayaan nalang kami. Of course. That open strictness of his has its limits. Ayos lang kung suwayin namin sya. Gumala kahit saan. Magkaroon ng magliligaw. Basta. Ang pinakamahalaga sa lahat. "Bawal munang magbuntis" he made us clear that. Iyon ang pinakadidiinan nyang paulit-ulit samin ni Ate. Not pointing that he doesn't want a grandchild. Ang gusto nya lang sa ngayon. Makapagtapos muna kami bago bumukod. Dahil kahit wala na raw sila kalaunan. We can handle ourselves and our own family soon. Di ko din makontra iyon sapagkat may punto din naman sya. Kaya heto. Kahit lumalalim na ang gabi. Nagpapaalam pa rin ako.

"Si Jane po Papa. Dyan lang naman sa may Rooftop Bar kami. Malapit lang.."

"Tsk. Malayo man yan o malapit Kendra.. kung ako lang ang masusunod. Hindi ka na sana pwedeng lumabas. Subalit sa tigas nyang ulo mo. May magagawa ba ako?." natawa ako. Kita ko kung paano sya umiling habang tinatanggal ang kanyang medyas.

"Mabilis lang naman ako Pa. Tsaka. May pasok kami bukas kaya..."

Pinutol nya ang sasabihin ko.

"Kaya kahit may pasok ka bukas gagala ka pa rin?." nadagdagan ang tawa ko kanina na kalahati lang. He really knows how to trick words to me. Alam nya talagang hindi mabilis matapos ang isang gala kapag sa bar na. Lalo na kung kasama ang barkada o kaibigan na kasama rin sa kalokohan. Paniguradong madaling araw na uwi ko. "Sabagay. Maaga pa sa'yo ang alas dos ng madaling araw." naitikom ko nalang ang labi imbes na humalakhak pa. Aminin ko man o hinde. Bahagya akong naguilty sa narinig. Tumahimik nalang ako. Saka tumabi sa kanya sa sofa. Baka tuluyan na syang mainis at di ako payagan kapag pinagtawanan ko pa ang pagiging strikto nya sa oras.

May punto din naman sya. Bawal na akong lumabas. Gumala. Lalo na at gabi na. Pero alam din nyang di ko sila titigilan hanggat di nakakaalis. Umoo man kasi sya o hinde. Alam nyang lalabas at lalabas pa rin ako. Gaya nga ng sabi nya. Matigas ang ulo ko. Namin ni Ate Kiona. "Tumabi ka pa?. Anong kailangan mo ngayon?." Bumuntong hininga ako sa likod ng isang ngisi. He really knows my moves. Alam nya rin kung anong kailangan ko pa. "Gagala kang walang pera tas hihingi ka pa sakin?."

"Pa naman?.." ngumuso ako't nagpakyut sa kanya. "Di naman ako maglalasing ng sobra. Iinom lang tas uwi na."

Tumaas lang ang kilay nya. He gave me a warning look. Saka kinapa ang wallet sa bulsa nya.

Yes!

"Sabihin mo nga sakin kung kailan ka pa hindi nalasing sa pag-inom ha?."

Oo nga naman! Kailan ba iyon?.

Wala Kendra! Wag kang umasa na matino ka kapag nakainom.

"Pinapayagan kita hindi dahil gusto kong gumala ka pa. I'm giving you your freedom for you to explore pero once na binale mo ang pinaka-iisang utos ko.." he paused while putting some money on my hand. "Tapos ang usapan Kendra.." dagdag nya saka na tumayo at dumiretso ng kusina para kumain. "Umuwi ng maaga kung kaya pa.." anya nalang nung umupo na sya sa hapag para maghapunan. Kahit si Mama ay tinignan ako ng mariin. Letting me know that she's warning me too with her intense gaze.

Ngayon ko lang sinagot ang kanina pang tumatawag na si Jane. "I'm coming.." bulong ko habang kumikindat kila Mama. Kinuha ko na din ang susi sa may bowl na tabi ng isang money tree sa may tv saka humalik sa kanilang dalawa. Ate is not home yet. Sigurado din ako. Gumala na naman iyon. And Karen is surely upstairs na. Baka tulog na iyon o nakahiga lang sa kama nya. Nakatitig sa kisame. Iniisip ang mga bagay-bagay sa buong mundo. LoL. Kasi nga. Sa aming tatlo. Sya lang ang matino. Haha.

Umandar ang sasakyan. As usual. I turned on the stereo para di mabagot agad. "You know I'm not lying." dinig kong kanta. Ano na naman ito?. Nagpapatama ba?. Di naman ako nagsinungaling kila Mama ah. Nagpaalam pa nga ako.

Gaya ng nakagawian ko. Binalewala ko nalang. Hanggang sa tumawag muli si Jane. "Nasaan ka na ba?. Ikaw nalang wala dito."

"Malapit na nga ako. 110 na nga takbo ko.."

"Bruha ka!. Bagalan mo nga.."

"Akala ko ba nagmamadali ka?. Bakit pa ako babagal?."

"Baliw ka ba?!. Paano kung mapano ka?. Ako pa may kasalanan.."

"Tsk.. Sige na.. Malapit na ako.. Saan kayo part?." natanaw ko na ang bungad ng bar.

"Dito pa nga lang sa entrance. Hinihintay kita. Nasa loob na ang iba. Si Troy. Hinahanap ka na.." di ko alam kung hihinga ba ako o mas tataasan pa ang patakbo ng sasakyan. Troy is there. Teka. Akala ko ba, may pasok sya every Thursday?. Anong ginagawa nya rito?.

"Wala bang pasok ang Engineering ngayon?." I'm referring to Troy and Cristoff. Magkaklase kasi ang dalawa. Kasama, sina Julian, Vaughn at Dave. Malamang kung andyan ang dalawa. Meron din ang iba.

"Meron pero di sila pumasok. Bored daw sila. They need night life daw. Haha.." napasinghal ako sa sinabi nya. At habang tinatanong ang sarili kung bakit kaya nilang di pumasok sa subject at gumala pa. Natatanaw ko na si Jane sa may entrance. Kinawayan nya ako ng matanaw ang sasakyan. I reverse my car para makapagpark sa parking lot. Habang sya ay may hawak pa rin na phone na nakalagay sa may tainga nya.

Sinong kausap nya?.

Hinintay nya akong makababa hanggang sa magkasama na kaming pumasok. Inirapan pa ang kabagalan ko. "Bakit ba nagmamadali ka?. Maaga pa, bruha." sita ko sa kasupladahan nya.

"Mas bruha ka. Hindi mo ba alam?. Birthday ni Troy ngayon.."

Birthday nya?.

Hindi ko alam!

Kasalanan nya. Hindi nya sinabi..


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄