Araw ng Intrams at sobrang busy ng mga estudyante sa kaniya-kaniyang sinalihang palaro. Si Blake ay busy sa Cheering squad. Si Tammi naman ay sa Basketball at Sepak Takraw. Siya at Lyka naman ay sa pag-organize ng mga program para sa limang araw isa sa kanilang mga pinagkaka-abalahan. Tapos na nila yung mga iyon at dini-distribute na lamang sa mga POC per level.
May kani-kaniya silang sinalihan na competition. Sumali siya ulit sa Chess at Soccer. Si Blake at Lyka naman ay sumali sa Volleyball. Sumali din si Blake sa Sepak Takraw silang tatlo nila Jenny. Sa first day ng event makakaharap nila ang Grade 7. Sa second day naman ang makakalaban nila ang Grade 10. Sa third day makakalaban naman nila ang Grade 8. Sa fourth day naman laban sa chess at cheering squad tournament ni Blake. At sa Pang huling araw ay championship.
Pagkatapos magdistribute ay agad na nagtungo sila ni Lyka sa classroom. Pagdating doon ay hinagilap ng mata niya si Tammi. Wala na ito sa doon.
"Stan!" tawag ni Lyka, lumingon siya dito
"Mauna na ako inaantay ako ni Beauty." anito.
Tumango siya at kinuha ang bag na lalagyan ng uniform niya sa Soccer.
Nagtungo siya sa comfort room. Pagdating niya doon ay nagtungo siya agad sa isa sa mga cubicle para sana magbihis nang may tumulak sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Tammi. Naka-Jersey na ito at handang-handa na maglaro. Niyakap siya nito at ilang beses na bumuntong-hininga habang nakasubsob sa may leeg niya.
"Tam." aniya
"I need this." sagot nito saka tumingin sa kaniya at dinampian siya ng halik sa labi.
"Goodluck sa laro mo today." anito, tumango siya
"Uhm ikaw din." sagot niya at muli siyang hinalikan sa labi bago lumabas ng cubicle
"Mauna na ako, kailangan nasa court na kami ng 10 AM." anito.
"Sige papunta na din ako sa field after nito." sagot niya, tumango ito at lumabas na.
Bahagya siyang nalungkot. Sapagkat hindi niya mapapanood ang laro nito dahil sabay ang laro ng Basketball at Soccer. Aasa na lang siya kay Blake na mai-video nito ang game dahil nasa court ito kasama ni Tammi habang si Lyka naman ang kasama niya para magvideo sa kaniya. Ito kasi ang napag-usapan nilang set up. After ng laro nila ay sa Volleyball naman sila manonood kung saan lalaban si Blake at Lyka. Nagtungo siya muli sa classroom at kinuha niya ang bag na may laman na gamit sa laro at binitbit ang soccer cleats niya.
Pagdating sa field ay agad siya lumapit sa Captain nila para mag report. Ang captain nila ay si Jackson. Anak ni Sir Perez na Teacher nila sa PEHM. Kasing tangkad ito ni Tammi pero mas slim ang katawan nito compared kay Tammi.
Naupo siya sa may bench at inilapag ang gamit doon bago inumpisahang isuot ang cleats niya. Lumapit si Andrew na isa sa mga players nila. Siya yung makaka-partner ni Blake sa JS Prom if hindi mag-succeed si Tammi.
"Wow ang ganda ng cleats mo ah." bati nito sa kaniya, ngumiti siya.
"Magkano bili mo?" tanong nito
"Si Dad ang bumili nito pero ang alam ko nasa 10k din siya." sagot niya, napailing ito na namamangha.
"Ah parang shoes ko din pala." anito saka pinagmasdan mabuti ang cleats niya.
"Predator Freak ba yan?" tanong nito, umiling siya
"Predator Freak Plus" aniya,
nanlaki ang mata nito at napakuha ng celphone para mag-search. Napa-wow ito ng makita ng presyo nito.
"Wow 16 Thousand!" anito nagsilapitan ang mga kasama nilang players.
Nakiusyoso ang mga ito ng marinig ang presyo ng sapatos niya saka kinuha ang isang pares noon at pinagmasdan. Tumayo siya at kinuha ang sapatos saka isinuot.
"Sana all rich kid." ani ng isa sa mga ito, naiiling lang siya na natatawa sa mga ito.
10 AM
Tumunog ang buzzer pumwesto na sila sa kani-kanilang position sa field. Lumingon siya sa bleachers mula doon ay nakita niyang dumating si Lyka. Halatang nagmamadali ito, kumaway pa ito ng makita siya, ngumiti lang din siya. Inilabas nito ang camera niya na alam niyang tanda na magvivideo na ito. Ang dami ng tao sa field, supporters ng magkabilang year. At sa pagpito ng referee ay siyang hudyat nang umpisa ng laro.
Abot-abot ang hininga nina Blake ng makarating sa Gymnasium. Malapit na mag umpisa ang laro at magbibihis pa siya. Agad na nagtungo si Blake sa Girls locker room para magpalit ng damit. Pagdating niya doon ay nakita niya si Carly na parang may hinihintay. Binati siya nito.
"Hi Blake." anito,
"Hello." aniya at nag umpisang maghubad ng damit.
"Kumusta ang game niyo?" tanong nito
"Okay naman. Panalo kami." aniya habang nagpalit ng sapatos.
"Wow congratulations." anito, ngumiti siya
"Thank you." aniya,
maya-maya ay umambang lalapit ito sa kaniya, siya namang pagpasok ni Jenny sa locker room
"Blake bilis papunta na sa court sila Tammi." anito,
dinampot nito ang bag niya at hinawakan na siya sa kamay at hinatak sa labas habang nagsusuklay ng mahabang buhok.
Saktong pag labas nila ay siyang pagtawag sa mga players sa starting lineup. Pumwesto sila nila Jenny sa lugar kung saan dapat nakapwesto ang cheerleader. Pinagtig isahan ni Sasha at Jenny ang buhok niya para i-pigtail iyon habang siya ay nagseset-up ng SLR camera na kukuha ng laro ni Tammi today gaya ng napag-usapan nila.
"Jenny." aniya "Kapag tinawag ako ikaw na ang bahala sa camera ha. Kailangan makuhanan ang buong game." bilin niya. Tumango naman ito.
Saktong natapos siyang i-set up ang camera ng kinuha ni Sasha ang pulbo at liptint sa bag niya at ibinigay sa kaniya. Nagpulbo siya at naglagay ng liptint sa labi. Ngumiti si Sasha
"Sana all mga low maintenance." anito.
Ngumiti naman siya dito at tumingin kay Jenny na isa pang low maintenance din. Maganda ito tulad niya may make up man o wala. Maya-maya ay tinawag na siya sa court.
"Ikaw na bahala dito Jenny." bilin niya saka patakbong nagtungo sa gitna ng court.
Nakita niyang nakatingin sa kaniya si Tammi. Ngumiti siya dito saka sa pag umpisa ng tugtog ay siya ng pag-umpisa niyang maglead ng cheer dance.
5 PM
Pauwi na sila. Pagod pero masaya. Napanatili nila ang kanilang mga titulo lalo na sa Basket ball at Soccer. Hinihintay ni Tammi si Stan sa labas ng classroom dahil kinakausap pa ito ng adviser nila. Siya namang dating ni Lyka at Blake na bagong bihis. Tumabi ang mga ito sa kaniya na bakas ang pagod sa mga mukha.
"Manonood pa ba kayo ng Mr. And Ms. Intrams?" tanong ni Lyka sa kanila
Umiling si Blake
"Hindi na, pagod na ako, uuwi na ako." sagot nito.
"Ikaw Tammi?" tanong nito
Tulala siyang sumagot
"Hindi ako manonood pero hindi pa din ako uuwi." aniya
Napakunot ang noo ng dalawa
"Ano pa gagawin mo dito kung hindi ka pa uuwi?" tanong ni Blake
Muli siya sumagot na hindi tumitingin sa dalawa
"Papahinga ako sa classroom. Antayin ko si Stan matapos sa program." sagot niya
Tumango-tango sila Lyka
"Buti na nga lang si Stan at Luke ang emcee eh. Makakapag-pahinga na ako." anito.
Tumayo na si Blake at tumingin kay Lyka.
"Tara na uwi na tayo. Hindi pa pala sasabay sa atin si Tammi eh." aya nito.
Tumango naman si Lyka at tumayo na din.
"Una na kami Tam." paalam ni Lyka
"Sige" sagot niya at hinayaan na umalis ang dalawa.
Mga ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ng classroom si Stan. Napaawang ang bibig niya sa matinding paghanga. Napakagwapo nito sa suot na black tuxedo. Lumalabas ang katikasan at kagandahang lalake nito kapag nasisilayan ng spotlight. Lumapit itong nakangiti sa kaniya ng makita siya.
"Okay ba?" tanong nito habang inaayos ang Tux niya.
Tumango-tango siya habang nakangiti
"Oo bagay na bagay sa iyo. Para kang artista." sagot niya.
Ngumiti ito ng matamis. Halatang kinikilig ito, bahagya nitong inilapit ang mukha sa taenga niya.
"Kung pwede lang hahalikan kita ngayon." anitong pabulong.
Napatawa siya.
"Pwede naman mamaya pag uwi." pabirong sagot niya
Nagtitigan silang dalawa habang nakangiti. Siya namang paglapit ni Luke.
"Stan punta na daw tayo sa stage." aya nito kay Stan, nakita naman siya nito.
"O Pre? andito ka pa pala." pansin nito. Tumango siya
"Oo. Aantayin ko si Stan." sagot niya.
"Ganun ba." anito na halatang kinakabahan.
Nahalata naman nila yun ni Stan
"Wag ka mag-alala. Kaya yan ni Sasha." aniya
"Salamat pre. Grabe kaba ko ngayon talaga." sagot nito, tinapik-tapik naman ni Stan ang balikat nito.
"Tara na. Mag-uumpisa na." aya ni Stan dito at tumingin sa kaniya "Laters" dugtong nito.
"Laters." sagot niya.
Hinatid niya ng tingin ng kasintahan. Ika-5 PM ng hapon ang umpisa ng search for Mr. And Ms. Intrams kung saan si Luke at Stan ang presenter. Lalaban sa Ms. Intrams si Sasha na girlfriend ni Luke kaya naiintindihan nila ang pressure dito.
— 新章節待更 — 寫檢討