下載應用程式
61.9% PINKY GANGSTERS / Chapter 13: CHAPTER 13: Easy

章節 13: CHAPTER 13: Easy

Maria's POV

Iniayos ko ang aking girly hat para mas matakpan ang gawing mata ko saka hinalo ang kape na nasa aking tasa. Humigop ako sandali saka muling sumilip kay Hill Walker. Isang around 30's na lalaki na sa pagkakaalam ko ay may-ari ng isang malaking casino. Of course, mayaman siya, lahat naman ng target ng DQM eh.

Umiwas ako ng tingin nang magawi sa akin ang paningin nito. May mga kasama rin siyang dalawang lalaki na kaedaran niya lang at nakasunod sa kanyang likod. Pagtingin ko ulit ay tatlo na ang mga ito, medyo bata pa ata 'tong bagong dating pero dahil sa nakatalikod siya ay hindi ko kita ang itsura nito.

Pamaya-maya ay tumayo ang isang lalaking matanda na may dalang briefcase. Naiwan na nag-uusap yung mga nasa table. Ilang minuto ang lumipas ay tumayo naman si Hill habang patuloy sa paghithit ng sigarilyo.

Come on, bentahan in the comfort room ang peg nila?

Tsss, bad doggies.

Nang tuluyan na itong makaliko sa banyo ay inubos ko ang aking kape at tumayo na, pinilit kong iwan ang aking gamit at sinabi sa waiter na babalik ako kaya pakibantayan.

Well, wala namang importanteng nakalagay roon.

Pero alam mo ba yung word na props?

Ayan.

Ginamit ko.

Minsan may mga plano na dapat walang maiwan na gamit, pero ako mas gusto ko para sosyal.

Nagpunta ako sa comfort room ng mga babae at umihi naman talaga.

Gosh, naalala ko naman si Augustus Waters, may loves. May nakita kasi akong lalaking maputi, may itsura naman siya kaso I pitied him because he is in a wheelchair nang makasalubong ko ito bago makarating sa banyo.

Oh well, Maria Flor Ashby. Stop your fantasy and do your job in reality.

Isa-isa kong inabangan ang paglabas ng mga boys galing sa restroom and gladly to say na nasa loob pa rin si Hill. Hindi ko naman maintindihan sa mga lalaki na 'to bakit sila ngiti nang ngiti at nagpapacute sa akin, tssss.

Are they trying to flirt with me?

Dream on.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may dumating na janitor kaya kinausap ko ito. "Kuya, pwede po bang pakitingnan yung tao sa loob? Kanina pa po kasi ako naghihintay."

"Ah, sige. Sino ba hinihintay mo Ija?"

Kunwaring nalungkot ako at sinabing boyfriend ko ang nasa loob. Hindi naman na siya nagtanong pa at sumunod sa sinabi ko.

"Ija, hindi ko alam kung boyfriend mo yung nandun sa isang cubicle. Yun lang naman kasi ang may tao."

"Talaga po?"

"Oo eh." Kakamot kamot na sagot niya.

Biglang nagliwanag ang aking mukha saka nagpasalamat. "Sige po-- ay nagtext po pala, iniwan na po pala ako hindi ko pa alam. Bye, kuya." Nakita ko ang awa sa mukha ni kuyang janitor sa sinabi ko.

Siguro iniisip niya na sa ganda kong 'to, iniiwan pa pala ako. Malamang, sa books lang naman ang may forever at matitinong lalaki. Dito sweet sa umpisa tapos kapag sawa na, iiwan kang bitter.

Mabilis akong bumalik sa kotse at nagpalit ng damit, isinukbit ko ang baril sa aking tagiliran. Walang CCTV sa loob ng C.R, kaya easy lang 'to. Kanina kung may mga tao pa sa loob ay hihintayin ko nalang sana sa pag-uwi si Hill, pero dahil sila na lang naman bakit hindi pa ngayon.

Hundred percent sure ako na sila ang tinutukoy nung janitor dahil hindi pa sila lumalabas sa loob. Dali-dali kong isinara ang pinto pagkapasok sa rest room. Apat ang cubicle, isa ay sarado which means occupied.

Inilock ko ang pinto sa likod ko at chineck kong muli yung mga vacant cubicle, baka kasi may tao pero good thing wala akong nakita kaya nagdecide na akong kumatok sa cubicle ni Hill.

"Get lost!" Sigaw niya.

Pfft, wala pa mainit na ulo eh, kaya painitin pa natin lalo 'yan. I pulled the trigger of my gun with a silencer to unlock the door. "What the --- "

Nanlalaking mata akong tiningnan ni Hill samantalang patuloy naman sa pagbibilang ng pera yung lalaki. Hinitak ko palabas ang matandang lalaki na kasama nito at mabilis na hinampas nang baril sa batok dahilan para bumagsak at mawalan ng malay.

"D*mn!" Sigaw ni Hill nang patamaan ko ang binti niya. "P-please, I will pay you! How much do you want? 3 million? 5 or 6? Just please! Spare my life!" Hysterical niyang pagmamakaawa.

Umiling ako bilang sagot, we both don't have a choice.

"Please! Please! I have my family! I have a daughter, I don't want to leave her. She's too young, please... please."

Napalunon ako kung paano ko nakitang tumutulo ang luha niya habang patuloy sa magmamakaawa na h'wag ko siyang patayin. Naalala ko tuloy si Mama at Papa, yung mga araw na kasama ko sila noon. Tulad ba nito, nagmakaawa rin silang h'wag patayin? Para sa akin? Para sa pamilya namin?

"Please.. give me some time with my daughter."

Napatalikod ako dahil hindi ko kinaya ang nakikita ko, ayokong matulad sa akin ang anak niya na lumaki't lumaki na walang magulang. Nabubuhay mag-isa na isinilang ata para lang pumatay at pagsilbihan ang iba.

Mahirap malayo lalo na sa mga taong simula umpisa kasama muna. Nasanay ka na nandiyan sila. I've never been happy since I lost my family, it feels like I'm alive outside but inside is awfully dying.

However... I believe I'm not still a jinx because I still have my friends.

Isang tahimik na putok ang kumawala mula sa aking baril. Bumulagta sa harap ko si Hill na may tama ng baril sa dibdib. Napailing ako nang puno ng frustration. Nagpadala nanaman ako sa awa at sa emosyon ko. Kung hindi ko siya binaril at naramdaman na papuputukan niya ako ay ako na sana ang nakahiga ngayon sa sahig na walang buhay.

Nakalimutan ko na wala nga pala ako sa mga aklat, nasa totoong mundo ako. Na ang tao hindi marunong magbago. Akala mo mabuti, pero mas marumi pa sa putik.

Life, why so playful?

Itinago ko na ang baril saka lumabas na parang walang nangyari. There's something inside me that wants to berserk right now. Tuloy-tuloy lang ako sa paglabas sa restaurant mula sa back door na blanko ang isip.

My head is spinning and full of mess.

Why it's so unfair?

Bakit hindi ko naranasan ang mga bagay na dapat narararanasan ko. Why it has to be me?

Honestly, I can exchange everything that I treasure today just to be with my family for a day.

Just to bring back my parents that I was lost a long time ago.

"Maria...."

I'll admit, envious was running through my blood and veins.

I rolled my hand into a ball. It sucks that everything you have before was lost in just a glimpse. Then, without warning, without caution.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang maramdaman ko ang isang kamay na pumigil dito. Naramdaman ko ang init ng kanyang balat kaya wala akong nagawa kung hindi tingnan ang nagmamay-ari nito.

"Maria."

Si Scott.

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi nagbago ang expression niya, nakatitig lang ito sa akin na parang may mali sa akin at sa aking tanong.

"Uy, Scott? Bakit nandito ka kako."

Sumandal siya sa kotse ko saka nagsalita. "I have appointments with Mr. Harmon, how about you?"

"Mission." Simpleng kong sagot. Nagulat naman ako nang bigla nalang siyang naglahad ng panyo. "Here, take this."

I frowned and refused to accept it. What the f*ck was he doing?

Nanatili akong hindi gumagalaw at hindi nagsasalita kaya umimik siyang muli.

"Hindi ka naman maganda ah, so anong karapatan mong umiyak?"

Tsss, hambog talaga.

Pinahid ko ng aking kamay ang luha kong hindi naman nagtuloy pero bakas sa aking mga mata.

"Naghilamos ako kanina kaya basa," I lied.

"Lokohin mo lelang mo. Pumapatay ka na nga ng tao, dinadagdagan mo pa ang kasalanan mo."

"What!?" I asked, irritated.

"Alam mo bang muntik ka na kaninang mahuli. Hindi ka nag-iingat."

How come? Pinag-aralan kong mabuti ang plano ko.

How come na sasabihin niya 'yan?

"Lumagpas ka sa oras na inilaan mo, you forgot to do it quick." Tumingin ako sa aking orasan at nagulat na walong minutong late nga ako sa oras na nasa plano. Nasobrahan ata ako sa pagdadrama kanina.

"Tss," angil niya saka ako inirapan.

Problema nito!?

Wencie's POV

Naglalakad ako papasok sa office kung saan may appointment ako sa aking target, kaysa hagilapin ko pa ang schedule niya naghanap nalang ako ng easy way para makaharap siya.

"Goodmorning ma'am, may appointment po?"

"Yes," I answered simply. Tumingin sandali ung babae sa record book niya at muling tumingin sakin.

"Wencie Smith?"

Tumango ako. "But you're too early po. Your scheduled time is 3 pm but it's only 1:30 pm palang po."

"Really? Eh, nasaan ba siya?"

"Nasa meeting pa po siya ngayon, mamaya pa po ang dating niya."

Medyo nag-isip ako kunwari, saka tumingin ulit. "I guess, hihintayin ko nalang siya. Tutal hindi naman ako nagmamadali."

"Ah, sure po kayo?" Alangan niyang tanong kaya tumango naman ako. "This way po ma'am."

Sinundan ko siya papasok sa isang maluwang na office. "Anything you need? Drinks?"

"Ahm, can I have a favor? I'm craving kasi ng isang europian tea. Can you buy it for me?" I smiled, nag-alangan pa ito ng kaunti. "And, I want you to buy it for me personally. Ayoko kasi na kung kani-kanino inuutos ang pagbili 'nun pero you are different, you look worthy of my trust naman eh."

Namula ito nang bahagya sa compliment ko saka nagpaalam agad din para bumili. Maghintay raw ako dahil baka matagalan siya nang kaunti. Well, talagang matatagalan siya dahil malayo ang Europian Coffee shop dito.

Meters away pa.

Nang tuluyan na itong umalis ay tumayo na ako para ayusin ang mga gamit kaya inuna kong chineck kung naka-lock ang pinto.

Nagawa ko nang baguhin ang pwesto ng CCTV kanina sa main room kaya for sure akala nung mga nagbabantay walang tao ngayon dito.

It was part of my trick.

Pinag-aralan kong mabuti ang mga gagawin ko saka binuksan na ang bag na naglalaman ng mga gamit, kasya naman kasi yung mga kailangan ko dahil puro wires lang ito.

Una akong lumapit sa upuan niya at naglagay doon ng maliit na button connected gamit ang isang manipis na wire papunta sa isang sulok ng kwarto sa likod. Pinagkonekta ko ito, saka naglagay ng maliit na karayom sa dulo nung nasa corner ng office na nakatutok sakto sa upuan niya. Sinukat kong mabuti ang distance at kung sakto ba ito.

Sunod ko namang iniayos ay ang ang isang maliit na widescreen CCTV, inilagay ko ito sa gilid ng painting na landscape ang disenyo. Kaharap lamang nito ang table niya kaya for sure makikita ko siya nang malinaw.

Pinahid ko ang pawis sa aking noo saka ibinalik sa ayos ang mga gamit sa ibabaw ng table nang matapos ako sa pag-aassemble, medyo nagulo ko kasi ito dahil ginamit ko yung mesa at hinitak para gawing tuntungan.

Almost 30 minutes bago ko ito natapos.

Binuksan ko na ang pinto at nung saktong sara ko naman nung zipper ng bag ay narinig ko ang pagkatok mula sa pinto.

"Hi, ma'am. Ito na po yung tea ninyo." Nakangiting bati nung secretary habang bitbit ang isang plastik.

"Ow, thank you so much." Kumuha ako ng pera sa wallet at binigay sa kanya, "Keep the change. But, I'm really sorry about this sudden cancellation. Could you please tell Mr. Green that I have an emergency? So I won't be able to attend the meeting today?"

"A-ano po?"

Kinuha ko ang aking bag at binigay sa kanya yung paper bag na may laman nung binili niyang tea. "Here, take this also. Thank you again but I need to go." Lumabas ako sa office at umalis na doon na nagmamadali.

Nakaupo ako ngayon sa aking kama habang nakatitig sa laptop. Inaabangan ko kasing dumating si Green nang makita ko kung epektibo ba ang plano ko. Ilang minuto lang ang lumipas nang makauwi ako ay dumating na siya na may kasamang dalawang nakaunipormeng lalaki.

Guards niya ata. May kausap ito sa phone habang nakatingin sa glass window niya.

Tss, ang tagal naman nito makipag-usap, bored kong isip habang nagbabantay. Nabuhay naman ang diwa ko nang makitang umupo ito sa upuan niya saka nagsimulang magbubuklat ng mga papel doon. Kaya makalipas lang ang ilang minuto. Ang sunod naman ay sumandal siya, kung saan nalipat ang tingin ko sa corner side at doon nakalagay ang needle na may lason.

Nang ibalik ko ang tingin kay Green ay hawak na nito ang batok.

"Woooohhhh!!! Shoot! Ayos!" Masaya kong pagbubunyi.

Pamaya-maya ay hinawakan nito ang lalamunan na parang hirap nang huminga. Well, kakaibang lason kasi ang laman nung needle na seconds lang kaya na siyang patayin.

Hindi naman nagtagal ay nalaglag na ito sa upuan, na mabilis namang nilapitan ng mga guards niya. Gulat ang bakas sa mga mukha nito dahil hindi nila alam kung anong nangyari kay Green.

Oh well.

Done.

Eloisa's POV

~Heto na naman ako,

Nag-aabang ng bago sa istorya ko

Paulit-ulit na lang

Paulit-ulit na lang~

Nilakasan ko pa ang volume ng laptop ko na connected sa speaker saka nagpatuloy sa pagpupunas ng furniture.

~Heto na naman ako,

Tinitingnan sa'n nagkamali ang puso ko,

Parang walang katapusan

Walang katapusan.~

Gahhhh, galing talaga ni Sarah kumanta! Kaya idol na idol ko 'to eh. Hugot kung hugot.

~Kahit pilitin pa'ng sarili

Ibigin kang mali,

Ako'y Mali~

"Ako'y Mali...." nakisabay na ako sa bandang chorus habang naglalakad papunta sa veranda ng condo unit ko with matching action na parang music video.

"Paano ba ang magmahal?

Palagi bang nasasaktan.... "

Hinawakan ko ang railings nito at pumikit habang kumakanta.

"Umiiyak na lang palagi,

Gusto ko nang lumisan.

Paano ba ang magmahal?

Kailangan bang nasasaktan

Lagi na lang, 'di maaari-----"

"Hopeless romantic ka pala?"

Nahinto ako sa pagkanta at nakangiting lumingon sa kapitbahay ko, mukhang may nakabili na ulit ng condo unit ni Ate Geng. Pupunta na kasi 'yon sa ibang bansa para magtrabaho kaya binenta niya na itong kabilang unit.

~Ngunit ayaw lumisan.

Heto na naman ako,

Parang hindi nadadala ang puso ko~

"Hehe, Goodmor----! F*ck you!" I suddenly cursed when I faced him.

"O-oy! Ano ba! Pati basahan binabato mo sa akin!" Aniya habang umiiwas. "Kababae mong tao, ang bad ng mouth mo."

~Kahit nasusugatan

Aking ipaglalaban

Kahit pilitin pa'ng sarili

Ibigin kang mali,

Parang mali

Parang mali~

"Ugh! Anong ginagawa mo diyan?" Yung hinayupak na lalaki, nandito nanaman!

"Aba, nakatayo ikaw ano ginagawa mo diyan?" May pang-aasar na sagot niya.

"Gago!"

"Gaga!"

Ugh! Sira na ang umaga ko, sirang-sira na.

~Paano ba ang magmahal?

Palagi bang nasasaktan

Umiiyak na lang palagi,

Gusto ko nang lumisan.~

"Babayaran ko yung pinambili mo diyan, lumayas layas ka lang sa condo unit na 'yan, please."

"Huh? Di ko kailangan ng pera, baka nga ikaw pa ang bilin ko eh." Maangas nanaman niyang sagot sa akin.

~Paano ba ang magmahal?

Kailangan bang nasasaktan~

Napakayabang. Saksakan.

~Lagi na lang, 'di maaari

Ngunit ayaw lumisan.~

"Bwisit!" Sigaw ko at pumasok na sa loob ng kwarto sabay patay nung tugtog. Mamaya talaga magrereklamo ako sa head manager ng condominium na 'to kung bakit hinayaan nilang magpapasok ng hayop sa loob.

"What!?" Hinampas ko ang lamesa saka hinilot ang aking temple. "Why you can't make him leave? He is just new here! For Pete's sake, he is an *sshole!"

"A-eh, ma'am kasi p-po, wala naman p-pong masamang background ang mga information niya."

Bumalik ako sa pagkakaupo at tumingin dun sa babae. "I don't care but you're just deceiving yourself on what you have read on those fake documents. Trust me. I know him so well!"

Napangiwi yung babae sa mga sinabi ko sa kanya, teka? Hindi ba ito marunong makaintindi ng english?

"Miss maki--" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang may sumingit sa pagsasalita ko.

"Stop. Let us talk first." Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa pader at nakacross arms. Naghikab pa ito na tila inaantok. Teka-- kanina pa ba siya?

"Who are you to take commands on me?" Taas kilay na tanong ko. Napatayo naman yung babae at mukhang tatawag na ng guard.

Malamang gera 'to, ano pa ba?

Nagulat ako nang bigla niya akong hitakin palabas nung office.

"Hoy! Let me go. You moron!"

Hindi ito bumitaw maski huminto para lang akong hangin na nagmamaktol sa gilid niya samantalang yung mga tao naman sa paligid ay ngingiti-ngiti.

Bakit anong nakakatawa? Mayroon bang nakakatawa?

Ugh!

Dinala ako nito sa isang kwarto saka isinara niya ang pinto at nakakunot na tumingin sa akin

Teka nasaan ba ako?

Inilibot ko ang aking tingin at biglang napatakip sa aking katawan.

Nasa loob ako ng condo unit niya! "W-what are you trying to do?"

Mas lalong kumunot pa ang noo nito saka bumuntong hininga. "Look. Nandito ako para tumira at hindi makinig sa mga katarayan mo."

"What!?" Tumayo ako nang maayos at inirapan siya.

"If you want to talk to me, then tell it to me and not at my back. Stop being so ruthless, lady. Not everyone will understand your childish way of thinking."

"Ruthless? Really? I don't need everyone to understand me, especially YOU. Kaya h'wag kang felingero, hindi porket ganito ako, isip bata na. Sadyang ayoko sa'yo."

Napaismid ito at napailing. "Bakit ayaw mo sa akin?"

"Kase masama ang ugali mo! Bastos ka! Bwisit! Basta ayoko sa'yo!" Sigaw ko na umecho sa loob ng buong kwarto niya.

Natawa naman ito nang bahagya na may pagka-upset at binuksan ang pinto sa likod niya na meaning, pwede na akong lumabas.

"Ayos ah, galing mong mang-judge."

Inirapan ko lang ito at nagmartsa na palabas pero napahinto ako sa narinig mula sa kanya bago isara nito ang pinto.

"Salirinin mo ang pag-judge mo, hindi yung minamasama muna nga ako. Balak mo pa akong paalisin."

Nahinto ako saka napaisip sandali habang nakatayo sa labas ng kwarto niya. Shemay, parang ang sama-sama ko roon sa sinabi niya ah.

Ilang minuto na ang lumipas at binalak ko na sanang umalis dahil nakokonsensya ako pero still, wala akong balak magsorry. Pleasing people, isn't to my taste.

Narinig ko ang pagpihit ng pinto sa aking likod. Ibigsabihin bumakas itong muli.

What now?

"And one more thing, hindi lahat ng pagtataray, nakagaganda."

Sinarahan niya na akong muli at iniwan akong bwisit na bwisit!

D*mn it!

-----------

NEXT CHAPTER: CONSEQUENCES


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C13
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄