下載應用程式
57.14% PINKY GANGSTERS / Chapter 12: CHAPTER 12: What is it?

章節 12: CHAPTER 12: What is it?

Maricris's POV

3 weeks na ang nakalilipas simula nang matapos ang sinasabi ni Elizabeth na 'palabas' para sa kanya.

How sweet, hindi ba?

Sa sobrang sweet gusto ko nalang itusok sa kanyang mata ang 4 inches heels ko from Celine.

Nakakainis dahil sa kanya nasa hospital si Toffer for 5 days, muntik na palang maubusan ng dugo ang loko dahil malalim din ang naging sugat nito sa braso. At the same time, naging busy ako sa school dahil kakatake lang ng mga estudyante ng test para sa first grading.

Sumandal ako sa swivel chair at nag-unat, hay.. 1:26 am na pala, hindi ko na napansin dahil siguro sa kakaencode ng grades. Napatingin akong muli sa apple kong laptop dahil may nagpopped up na message.

(Pinky Gangsters Messenger)

Maria: oooooh, oh yeah. I'm done reading hunger games. Tomorrow I'll do my mission, goodnight.

--

Mabilis akong nagtype bago pa siya matulog.

-----

Maricris: gising ka pa? Me too. I'm not yet done with my mission.

-----

Ilang minutes din ang lumipas bago ito nagreply, akala ko nga hindi na eh.

-----

Maria: Sorry, I just did something. Yep. Why you're not yet done?

Maricris: Tss. It's hard to admit, but I missed it for the first time.

-----

Napatampal ako sa aking noo nang maalala ang kahihiyan na 'yon, for sure if Queen will know that one of the snipers of DQM missed in shooting, she will kill me.

------

Maria: Really? Eh. Malakas.

Maricris: Maybe? Or I'm not in the mood that time.

Maria: Oh, well.. best of luck! O sige matutulog na ako. I'll start na rin tomorrow ang mission ko.

Maricris: Okay, goodnight.

Maria: :*

-----

Pinatay ko na ang laptop at humiga sa kama. Tapos ko na ang grades, ang problema ko nalang ay si Bryant Hayes. Shems, nagkakawrinkles na ako at baka magka-eyebags ako nito kakaisip.

Shocks! I need to sleep.

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapagresearch about kay Bryant. Wala akong pasok for 1 week, rest week din para sa mga students sa school na tinuturuan ko kaya naman habang ako ay nakahiga ay naniningkit ang aking mga mata habang seryosong binabasa ang information kong nakuha about kay Bryant.

Bryant Hayes, isang mayaman na 25 years old na Engineer sa Pilipinas.

"Yun lang!?" Naisatinig ko sa gulat. Wala bang kahit ano? Kung ano talaga siya? Bakit niya nailagan ang pagbaril ko? Bakit ang bata-bata niya pa pinapapatay na ng Queens?

Yung ganun ba.

Aba, kahit maganda ako hindi naman fair yung information niya.

Nakaloloka.

Napagisip-isip ko rin kasing hindi enough na ulitin ko ang plano ko dati, malay ko bang iba pala 'to sa lahat ng missions kong nagawa na, maybe I need something more dangerous this time.

Kaya dapat mas maalam ako about sa target.

Oh, I remember!

I hastily dialed Talline's number when I remembered her. When it comes kasi sa mga ganitong hanapan sa mga taong nagtatago, magaling siya; that's why, I'm very lucky to have her, and of course, as well as the other pinkies.

"Hello?"

"Yo, Cris! What's with the call?"

"May--"

"Talline! C'mon, what are you doing there pa ba?" Narinig ko ang isang tinig sa kabilang linya, may tumatawag ata sa kanya. "Shut up! I have a phone call... Ow? What again?" Baling niya sa akin ulit.

"Nasaan ka ba ngayon?"

"Doing some kinds of stuff may mga unfinished businesses kasi ako."

"Ah, ganun ba, sige..."

"May sasabihin ka ba? Spill it."

"Ah, hindi. Okay na pala. Sige sige, bye."

"Hmm. Okay, bye!" then the call ended.

This is the part that I hated the most, mukhang ako lang ang maghahanap ng data about kay Bryant.

So sad.

Kumakain ako sa isang resto habang patuloy pa rin sa pag-scroll. Ang hirap namang hanapan ng info ang taong 'to, parang hindi alam ang facebook, insta o kahit birth certificate nalang.

I know na dapat sa private place ko ginagawa 'to, but could you blame me, if 6 hours na ako sa bahay at bagot na bagot? Tsaka nasa dulo ako kung saan wala talagang tao, kaya I think this is okay naman. Tsaka hindi naman ako pwedeng magpatulong kay Toffer, he is also busy doing his own stuffs and I don't want to be a disturbance.

Hay.

"Maricris?" I immediately closed the laptop and awkwardly smiled at the man who called my name out of nowhere.

"Lourd! Susme, ikaw lang pala 'yan." Inirapan ko siya at binuksan na ulit ang laptop.

Siya lang pala akala ko, co-teacher ko na.

"Oh? Bakit?" Naupo siya sa tabi kong upuan at sumilip sa ginagawa ko. "Bryant Hayes?"

"Yep, target."

Natawa siya nang bahagya kaya tiningnan ko 'to nang masama. Bago pa kasi kami maging magboyfriend ni Toffer mas una kong naging kaibigan si Lourd at talagang close kami ng lokong 'to. Hanggang sa nakakasama ko na ang gang ng Seuss, at boom.

Nainlove ako kay Toffer.

"Tawa ka diyan?"

"Hindi ka pa rin kasi tapos, himala. Eh, dati lagi mong pinagmamayabang na mga easy ang missions mo." Natatawa niyang saad.

Bago ako sumagot ay uminom muna ako sa four seasons flavor na drinks.

"Madali lang 'to, mahirap lang ang maghanap ng info." I answered a bit offended. "Ikaw ba, tapos na?"

"Oo, 2 weeks ago? Babae lang naman kasi, mukhang malaki kasalanan sa DQM kaya nauna na sa impyerno," muli niyang tawa.

"Ha-ha, ka d'yan. Ayos na ayos tulungan mo naman ako."

"Hu, bahala ka." Kinuha niya ang inumin ko at siya naman ang uminom. "Trabaho mo 'yan eh."

"Wow lang ha, pagkatapos mong inumin yung juice ko tsaka ka gaganyan sa harap ko eh 'no?"

Kinurot niya ang aking pisngi at natawa nanaman.

Ang saya niya!

"Joke lang! Pikon ka talaga. Oo na, tutulungan ka na. Tamad."

"Thanks sa compliment ha." Sarkastiko kong sagot.

"Saan nga pala ang boyfriend mo?"

"Busy." Bored kong sagot.

"Busy? Tsss, girlfriend ka hindi dapat dahilan ang busy." Napalingon ako sa kanya na nanlalaki ang mata.

Really? So dapat kay Toffer ako magpatulong kasi boyfriend ko siya and I am his responsibility.

Tama ba?

Oo nga. Dapat sa kanya ako magpatulong kahit bus----

"Aray!" Hinawakan ko ang ilong kong pinitik niya. "Para saan yon!?"

"Niloloko lang kita, of course, mafiaso si Toff hindi lang siya ordinaryong boyfriend na pagkailangan mo nang kasama manuod ng sine, sasama agad."

Napapout ako at napalumbaba. But still.. he needs to give time for me. For us.

Simula nang lumabas kasi siya sa hospital ay hindi pa kami ulit nagkikita, text o sandaling tawag lang ang nangyayari.

"What are you thinking?"

Umiling ako at tumingin sa kanya. "I'm just thinking that maybe Toffer is neglecting me slowly."

"Huh? Busy nga sabi mo hindi ba?"

"But still, bf ko siya at gf niya ko. I know being gangster is our responsibility but I don't think na dahilan 'yun para mawalan na kami ng time para sa isa't isa."

Tumaas ang kilay nito saka nagsalita.

"Hindi dapat lalaki lang ang naghihintay. Patience is a virtue Maricris, he was busy for the mean time. Try to wait until he is not anymore. Then, doon mo isipin kung nakalimutan ka na nga niya-- aray!"

Atungal niya nang bigla ko siyang batukan. "Okay, captain! I'll be patient," then saluted to him.

Buti na lang love na love ako nito.

Talline's POV

"Talline! C'mon, what are you doing there pa ba?" Narinig kong sigaw ni Kelly.

"Shut up! I have a phone call." Umirap ito at lumabas na ng kwarto ko.

Tss.

Naalala ko naman na kausap ko nga pala si Maricris. "Ow? What again?"

"Nasaan ka ba ngayon?"

"Doing some stuffs, may mga unfinished businesses kasi ako." Kinuha ko ang mga documents na naprint ko at lumabas na rin ng kwarto.

"Ah, ganun ba, sige."

"May sasabihin ka ba? Spill it."

"Ah, hindi. Okay na pala, sige sige, bye."

Inilagay ko sa loob ng kotse yung mga papeles saka sumagot. "Okay, bye!" then I ended the call.

"Sino ba 'yon?"

"Cris." Simple kong sagot at sumakay na sa driver seat to start the engine. Tinatamad daw kasi siyang magdrive kaya sa akin 'tong si Kelly sumabay.

Habang nasa biyahe kami ay bigla itong nagsalita, "By the way, I already hacked some of the profile of SAM (Satan Army's Mafias). I just want to share that I lost half a gallon of my precious sweat. Masyado silang protektado."

"Well, that's good news."

-Data-

Satan Army's Mafia

•Second Leading Mafia Group

•Number 1 enemy of DQM

"Ikaw ba natapos mo?"

"Hindi, wala akong mahanap." I answered.

Papunta kami ngayon ni Kelly sa DQM's headquarters. Marami kasing pinahanap at iniutos sa aming mga hackers ang DQM about sa iba't ibang organization, mukhang may balak nanaman sila magkaroon ng underground transactions.

Si Kelly ang hacker ng grupong Seuss, at ako sa Pinky. Well, I'm really proud to say na nagmana ako sa mga magulang ko, they were the most talented hackers back then.

But like the stories, in reality, there's no such thing as a happy ending because there is always an ending.

There is an endpoint.

There's nothing last forever.

"Hey, ang lalim ata ng iniisip mo. Mabangga tayo niyan."

"Nah, may naalala lang ako."

Pagkarating namin sa headquarters like the old times, ganun pa rin, napakaraming mga lalaking nakablack suit ang nakabantay sa lugar habang may mga hawak na kanya-kanyang ammunition.

Pagkapasok namin ni Kelly sa kwarto ay wala pa si Divine, siya kasi ang nagpatawag ng meeting sa amin. Ang inabutan lang namin ay si Logan Cobain, member ng Rebellion. Si Gabriel Dex Hepburn sa Vhilantro, at ang b*tch na si Grethel George sa Cavalier.

-Data-

Dark Rebellion

Name: Logan Cobain

Age: 24

Skill: Hacker

-Data-

Dark Vhilantro

Name: Gabriel Dex Hepburn

Age: 23

Skill: Hacker

Nakalimutan ko na ito nga pala ang hacker ng Cavalier. Biruin mo 'yon? May talent pala 'to, hindi lang puro kaartehan sa katawan.

"How are you, Williams and Meyer? Long time no see." Bati nito saka nagpakawala ng usok mula sa bibig.

Umirap ako bago nagsalita, "polluted ka na nga, pati paligid dinudumihan mo pa."

Narinig ko ang paghagikgik ni Kelly pati na rin ni Logan pero si Gabriel ay patay malisya lang sa gilid.

"Come on? Ako ba? Akala ko kasi engkanto yung dumating kaya may usok." Smirk na sabi nito na nakatingin sa akin.

"You know what? My middle finger was really made to point you, just sayin'." I said with greeted teeth sabay pag-dirty finger ko sa kanya, and she just chuckled.

Aamba pa sana itong magsalita pero hindi na ito nakasagot pa nang marinig namin ang pagpasok ni Divine sa kwarto kasama ang dalawang lalaki.

She just sat on the queen seat and looked at us intently, then spoke. "Goodmorning, ladies and gentlemen. I called a meeting for today because I want to check and talk to you personally about the data you need to gather."

Unang nagsalita si Logan habang binubuklat ang mga papeles na kanyang dinala.

"These are the documents for the underground transactions for this month; you don't need to be bothered anymore because it was all settled from the first transaction up to the last dealings."

"Good. Did you call the clients already?"

"Yes, Queen D. I already did."

"Good job, Logan." Nakangiting tango sa kanya ni Divine. "How about you Kelly?"

"Yes, Queen D. I was able to hack the profile of SAM," ipinakita niya ang mga papel na hawak kay Divine at ipinaliwanag ang mga natuklasan niya. "But of course, we can't be sure that these are all true because upon searching, there were things that are still a mystery to me. And in regards to that, I need to check these files regularly."

"For now, we just need to inspect and investigate this scrupulously; you got that?"

"Yes, Queen D."

Sumunod naman na nagsalita ay si George, "mission completed." Simple niyang sagot at nagsalita na rin nang kung ano-ano sa harapan.

Tss, mukhang ako lang ata ang walang dalang impormasyon ngayon.

Hay, na-focus kasi ako masyado sa pagre-research kay Daddy.

Gusto ko kasing malaman kung anong nangyari sa kanya matapos siyang patayin, kung saan ba siya nakalibing o paano siya pinatay. May natuklasan na akong address nung isang araw pinuntahan ko ito, nagbyahe pa ako sa ibang bansa but sad to say, kapangalan lang pala ito ni Dad.

Napailing ako sa naisip na baka maski libing, ipinagkait sa kanya ng mga kagrupo niya.

"Kristalline." I looked dumbfoundedly at Divine when she called my name.

"What? You are spacing out, dear."

"I-im sorry, I just remembered something. Where are we?"

Tumaas ang kilay nito sa akin na tila hindi natutuwa sa hindi ko pagiging alerto sa kanya. Kasalanan ko bang makalimutan na nandito ako?

"How about you? Did you gather any information about Morgan Smith? I'm quite sure that I have given you enough time to research him. Am I right?"

Hindi agad ako nakasagot kaya I let out a sigh before answered her honestly. "I'm sorry, but I wasn't able to---"

"Yeah, she already gave me the data. Here..." automatic na napakunot ang aking noo habang sinusundan ng tingin si Gabriel nang maglakad ito papalapit kay Divine.

"Well done, Kristalline." Tumingin sa akin si Divine at ngumiti.

What?

What is he trying to do now?

What is his plan?

"You're really good at your field; not enough data, but it is better than nothing for now."

Huh?

I glared at Gabriel, trying to contact him using my eyes, but he didn't throw me even just a glimpse.

"About the messages... did you already send them, Gabriel?"

Tumango ito, "Yes, Queen."

Tumingin sa amin si Divine at sinabing okay na at pwedi na kaming umalis kaya lumabas na kami sa kwarto, pwera kay Gabriel dahil pinaiwan ito.

"I thought, wala kang data, hindi ba?" Tanong sa akin ni Kelly habang naglalakad kami.

"Yeah, I don't have, and it makes me f*cking confused right now about what he did earlier."

"Really? How come na wala pala pero mayroon kang ibinigay sa kanya?" Kibit balikat nito.

Hindi ko alam kung anong plano niya o ng Vhilantro para ipagtanggol ako kanina, ramdam ko na rin naman kasi ang intense sa tingin ni Divine kaya kung nasabi kong wala akong nakuhang info ay baka mas sumama pa lalo ang timpla niya dahil sa akin.

"That's a big question," I uttered curiously, then paused for a second.

"I'll wait for Gabriel here; I should be asking him about this.

Siya lang ang makasasagot nito.

"Ah, o sige. Hindi na kita mahihintay, may gagawin pa kasi ako. Kay Logan nalang ako sasabay." Tumango ako at umalis na si Kelly sa aking harapan.

Matagal ito bago lumabas kaya napagdesisyunan ko nang sa parking lot na lang siya abangan. Sumandal ako sa aking kotse habang hinihintay lumabas ng headquarter si Gabriel.

Don't tell me ginawa niya 'yon dahil may kailangan siya?

Whatever it was, I needed to find out.

We're not even close, we're not even friends, and there's nothing between us.

So why would he do that?

Diana's POV

"Goodmorning, miss."

"Magandang umaga po Madam."

"Goodmorning po."

Ngumingiti lang at tumatango ako sa lahat nang bumabati sa akin pagkapasok ng office.

This would be a long day ahead again.

"You know what, babe? You need to stop being so hardworking; it's not so you."

Ngumiti ako habang patuloy sa pagpindot sa aking laptop. "Well, from now on.... expect that from me. We're not kids anymore, Hurvey."

"Of course, we've grown, but we're still best of friends, right?"

"Of course."

Tumayo ito at umupo sa tapat ng table ko sa harapan. Nagpout ito at tinitigan ako. "So..... sasama ka na sa akin ngayon?"

"For what?" I asked, then closed my laptop. He just smiled at me and f*cking showed his dimples.

So cute.

"I'm hungry. I came here to invite you to have a date with me, please..."

I just smiled, "Fine, just today. I will cancel my----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig ng mga katok mula sa may pintuan.

"Come in."

Hinintay lang namin pareho ni Hurvey kung sino man iyon kaya hindi na ito nagsalita pa.

"Good afternoon Miss.."

Pumasok si Harris habang nakatuxedong itim at ang unang mapapansin ay ang kanyang buhok na malinis na malinis ang pagkakaayos.

"Good afternoon, Mr. Anderson." Bati rin nito kay Hurvey na tinanguan lang niya saka bumalik na sa pagkakaupo sa sofa kanina.

"Miss O'Brien, I just want to remind you about your meeting with Mrs. Trelawney at 4 o'clock today."

I glanced at my wrist watch it's already 3:36 pm, I almost forgot that I have something to do with Theresa. Buti nalang kapag mga Mafia thing ay nandiyan si Harris, para na nga siyang secretary ko kapag tungkol doon.

"Aalis ka?" Lumingon ako kay Hurvey na tumayo sa sofa while putting both his hands on his pockets. He just raised his right eyebrow to show his disappointment.

O-ow, nakalimutan kong may lakad nga rin pala kami.

I just showed my 'I apologize because I can't go' smile. "Cancelled it, babe. You're the boss, remember? I will tell this to your secretary so she can cancel it immediately." He said while heading towards the door.

"Excuse me, Mr. Anderson. If you don't mind, I just want to tell you that you can't cancel it. It is really an important meeting to be attended by Miss O'Brien." Harris said in a monotonous tone but at the same time with a mix of being sterner.

"What?" Inis na humarap si Hurvey.

Hay, eto nanaman siya sa pagiging maiinitin ang ulo.

"Shut the f*ck up. Don't tell me what I should do, bastard."

I saw how Harris' jaws tightened; he didn't want to be called a bastard.

Sino nga ba ang may gusto?

Imbis sumagot ay humarap na lang sa akin si Harris then let out a sigh just to try to control his temper.

"I'll help you fix your belongings."

Mas nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Hurvey dahil binalewala lang siya ni Harris. Sa tagal na panahon kong pinagkakatiwalaan si Harris, kailanman man ay hindi nagawang matuwa ni Hurvey rito. Lagi niyang iniisip na hindi matinong lalaki si Harris.

When the mere fact was, I always don't give a d*mn. I will just shrug and then give a nonchalant looked to him since I know Harris more than Hurvey sees him.

However... Hurvey is my best friend, and Harris is just my assassin.

Lumapit ako kay Hurvey then hugged him. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang balikat na ibigsabihin ay okay na siya.

"Look, I'm sorry babe, I told you I'm busy today, but I promise tomorrow night we'll meet," then gave him a peck on his cheek.

Natanggal na ang kunot sa kanyang noo at ngumiti.

"Fine, let's have our date tomorrow."

Sumakay ako sa kotse at nagstart na ang sasakyan. Ilang minuto pa lang ang lumilipas habang nasa byahe ay napansin ko ang pagtingin-tingin sa akin ni Harris sa rear mirror.

He's my driver for today.

"What now Harris?" Hindi ito agad sumagot kaya tinanong ko siyang muli. "Tell me."

Nanatili siyang nakatitig sa daan pero nagsalita na rin.

"How big is your trust for Mr. Anderson?"

I frowned since I least expected this question from him.

"Why all of a sudden?"

Ano 'to pati siya ayaw na rin kay Hurvey?

"Sorry, Miss O'Brien, forget about it." He paused for a moment and spoke again, "J-just don't trust him too much; he's not really what you see now."

"Don't judge him, Harris; I trust him more than I trust you, okay?" I said honestly.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, dahilan upang mabago ang kanyang expression pero bumalik din ito sa pagiging blanko. I don't know what's happening between them, but he's just nothing compared with Hurvey.

Nothing.

-------

NEXT CHAPTER: EASY


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄