NILAKASAN KO ang loob kong pihitin ang seradula ng itim na pinto kahit na nanginginig sa kaba at pananabik. Sa pintoang ito magsisimula ang bagong kabanata ng buhay ko. Nasa likod nito ang mga bagong karakter na siguradong papasok sa mundo ko. Hindi ko lang alam kung sila ba ang sisira sa pagiging ako o sila ba ang magbabago sa mas magandang bersyon ng aking sarili.
Iba pala talaga ang pakiramdam pag unang beses mo palang sa field mo. Ngayon na hawak ko pa rin ang door knob, ang kaba ko mismo ay nag-ri-ricochet mula dito, ramdam ko talaga ang panginginig ng malamig kong kamay. 'Yung kaba na parang natatae, nanggigigil 'yung mga panga, at tumataas ang mga balahibo mo. That's how I feel right now. Alam ko 'yung term dito eh, pero nakalimutan ko, dahil na rin sa kaba.
Kung hindi ako gagalaw sa kinakatayuan ko, alam kong walang mangyayari. Kaya tinodo ko na at binuksan ang pinto ng dahan-dahan.
Maliit palang 'yung nabuksan ay umalingaw-ngaw na ang kaba ko ng makita ang mga studyante ko o mga batang tatawagin kong mga 'anak' simula sa araw na'to.
Kahit nanatiling kabado ay hindi ko ito pinapahalata sa mga studyante ko nasa bawat hakbang ko papunta sa harapan ay nasa akin ang atensiyon nila. Agad kong ipinatong ang mga gamit na dala-dala ko sa mesa at inayos ang damit bago tuluyan nang tumayo sa gitna.
I cleared my throat to grab their attention. At Hindi naman ako nabigo, sapagkat, ang kaninang magulong-magulo at maingay na para bang sabungan ng manok ay biglang bumalik sa kanya-kanya nilang upuan at naging tahimik ito na para bang nasa simbahan.
Obvious naman na babalik sila, dahil kanina palang sa pagbukas ko ng pinto ay ang ingay nito na para bang kinakalawang, maganda sana kaso parang matagal ng hindi pinapasukan.
Ganyan talaga ang mangyayari, kakalawangin kapag hindi mapapasukan.
"Good morning class" bati ko sa kanila.
Kung ano man ang posisiyon nila matapos kong linisan ang lalamunan kanina ay hindi pa rin ito nagbago, para bang huminto ang takbo ng kanilang mundo ng makita ako. Kahit ang reaksiyon nila ay hindi mawari sa pagkagulat at kitang-kita ito sa kanilang mga matang naglalakihan.
Akala siguro ng mga batang ito na hindi na sila mapapasukan pa, akala nila na wala ng may gusto sa kanila, inakala nilang wala na silang pag-asang matuto pa ng mas higit pa sa kanilang mga nalalaman.
Kanina kasi habang ako'y mahinang naglalakad sa hallway kasama 'yung weird na chairperson ay binasa ko muna ang record ng section na'to na nakalagay sa itim na papel na makikita sa loob ng pulang envelope.
Ginamitan ito ng ballpen na may puting tinta.
Nakasulat doon na walang may gustong tumuro sa kanila. Kung meron man ay palagi silang pinapagalitan. They didn't include what was the reason, and I think that was my job as their new father.
It's stated in the paper that their teacher whom I replaced with, immediately left the university after entering the classroom.
Weird.
Isa rin sa guro nila ang nahimatay ng walang rason.
Mas weird..
Pero ang mas weird, bakit walang nagtuturo sa kanila? Sapagkat 60% sa mga studyanteng ito ay nagbabayad ng full payment, tapos 40% lang yung student scholar kung saan may free voucher sila kaya less nalang 'yung kanilang babayaran.
Narinig ko lang ang Unibersidad na'to na pinakasikat, ngunit hindi ko alam na ganito pala ang nasa loob, napakarumi-i mean except sa mga weird na creatures, kahit sa labas naman ng unibersidad ay makikita mo ang lahi nila.
Kailan nga ba ang huling araw na nalaman kong bukod sa tao at demonyo, mga magulang ko, ay may iba pa palang nilalang ang nakatira sa mundong ito?
At saka lang ako nakalabas ng bahay noong namatay si ate total wala namang pakialam ang mga magagaling kong magulang.
Nang may pagkakataong nakalabas ako ng tanghaling tapat ay, laking gulat ko nalang ng may mamang dumaan sa tapat ng aming bahay na may dala-dalang dyaryo tapos may ulo ito ng pusit o pugita?-ah basta hindi ko matukoy kung ano basta marami itong galamay.
Tumili talaga ako ng parang babae at napa-atras dahilan ng aking pagkatumba sa damuhan nang makita siya, ang nakakahiya pa rito ay hindi lang 'yung mama ang nasa labas ngunit marami pang iba ang nakatingin sa'kin nang ako'y tumili.
Matapos masilayan ang katawan sa damuhan ay nagtaka ako bigla at kung bakit biglang nagdilim, inakala ko rin sa mga araw na iyon na uulan, sapagkat tanghaling tapat naman.
Ngunit, noong tumingala ako ay muntik na akong mahimatay sa mga nasaksihan, hindi ulap, hindi rin ibon, kung hindi Isa itong grupo ng mga taong may pak-pak ang dumaan.
Wala akong kamalay-malay na ganoon pala ang hitsura sa labas ng aming bahay, na nagsisilibing aking kulungan.
Ang tangi ko lang nakikita ay 'yung berdeng dagat na para bang sinasabi ng utak ko na maalat ito, ngunit iba raw 'yung lasa ng tinanong ko si ate noong buhay pa ito, sabi niya na para raw itong soft drinks sa lamig at lasa. Ngunit, hindi ko na ito magawa pang tikman dahil meron naman akong weird na kondisyon na kung saan parang walang lasa ang lahat na mga pagkain na ipinapasok ko sa aking bibig.
I just call them unique creatures, besides no one would like to tell me what are they since I was a child.
The thing is, whenever I ask them why and what questions, they have a lot of alibis and it seems like they are trying to change the topic.
Ang iba naman ay may sinasabi ngunit parang hindi ko ito naiintindihan para kasi itong malakas na frequency na masakit sa tainga, ang iba naman ay may kanya-kanyang paraan sa pakikipagusap sa mga katulad nito.
Meron din namang iba na nag-uusap pero kahit ni isang salita ay wala akong naririnig, katulad nalang ng mga chimera tribe.
Pero hindi naman lahat hindi mo maririnig o maiintindihan dahil meron pa namang mga lahi na pwede kang makipagpalitan ng conbersasyon. Katulad nalang ng chairperson, pero as usual hindi nila sinasagot ang mga tinatanong ko.
Naging kuryos ako ng matagal na panahon, hanggang sa nagsawa na at nasanay na rin. Wala naman akong magagawa alangan naman pagtabuyan ko sila, para akong tanga sa part na iyon.
Matapos akong bumati. A smile flashed on my cheek when they did the thing I never even said. They stood together and greeted me.
I seem to like what I saw. Pero natural naman talaga na kapag nakasalubong ng studyante ang guro o kung sino mang mas matanda dito lalo na at mangagawa dito sa unibersidad ay dapat nila ipakita ang galang sa pamamagitan ng pagbati. Kaso lang sa sitwasyon ko, hindi lang ako makapaniwala na bumati sila, sapagkat sabi ng dating magtuturo sa baitang na ito ay kakaiba ang section na'to.
Hindi kaya talagang overacting lang sila at hindi sa studyante sila may ayaw kung hindi sa propesiyong na'to tulad ng sabi ng matanda kanina.
I let out a deep sigh, "so I will be the one to handle you and as much as I believe in your abilities, I hope you will make me feel in the same way. I am Reycepaz Dixon Madigan, and I will be your new teacher."
Akala ko lahat sila ay nakikinig sa mga pinagsasabi ko rito sa harapan, ngunit may isa pa palang studyanteng agaw atensiyon sa mga mata ko, dahil tulad ko, may sarili rin itong mundo.
Tumingin na rin ang mga kaklase nito ng pilit ko paliitin 'yung mga mata ko para maging malinaw ang bisyon ko sa kanya.
Nasa likod kasi ito at nagiisa.
Since I did not know them all, I called the student in front of me to ask what was the full name of the woman in the back who had been distracting me earlier.
She was wearing earpods and she was headbanging as if she really enjoyed every beat of the music she was listening to.
It was as if it really felt the harmony of the music because her eyes were still closed, but why do I seem to feel strange as I saw here.
'Yung pakiramdam na parang umiinom ka nang maligamgam na tubig at nararamdaman mong unti-unti itong dumadaloy sa katawan mo.
Hindi ako mapakali na tila ba ay parang may nakikita akong kakaiba. Sa bawat pag headbang nito ay parang tumigtigil na rin ang ikot ng mundo at wala akong ibang nakikita maliban nalang sa kanya na masaya sa kanyang ginagawa.
Nang malaman ko na ang buong pangalan nito ay hindi na ako nagdadalawang isip pang tawagin ito.
Alam kong kailangan niya ng kausap at karamay sa kung ano man ngayon ang kanyang kinakaharap na problema.
"Ms. Feras," tawag ko, ngunit parang hindi nito narinig.
"Ms. Feras," medyo may malakasan kong tawag ngunit parang seryuso pa rin ito sa kanyang ginagawa.
Hindi halata, ngunit natatawa na rin ako sa mga ginagawa niya.
Kanina na kaunti lang ay lalo pang nadagdagan ang mga ulong tumalikod para lang makita ang kaklase nilang panay pa rin sa pagheadbang.
Dahil sa wala itong katabi, walang sinoman ang may balak na tapikin ito-o tawagin sapagkat kahit ang mababang baritonong boses ko ay literal na pabalik-balik sa apat na sulok ng kwarto dahil sa lakas, ngunit hindi pa rin nito narinig. Hindi ko rin mawari ang dahilan kung bakit sa likod ito umupo kahit marami namang bakanteng upuan sa harapan.
"Ms. Feras are you still with me," Ngayon ay buong pwersa ko nang ginamit ang boses ko para siguradong madinig ako nito. Ngunit kabaliktaran ang nangyari, dahil mas lalo pa nito nilakasan ang pag he-headbang. Hindi ko alam kung nag-e-enjoy ba'to o sadyang adik lang.
Tulad ng nakasanayan, kung hindi ako gagalaw eh sinong gagalaw?
Kaya unti-unti ko nang nilakasan ang loob at sinimulan ng ihakbang ang aking mga paa.
I never thought I'll do this thing, the feeling was definitely crazy, besides it's like I'm walking up to the aisle.
It's like a passage that you can see down the middle of a church between the two or more block of seats that full of different people from the bride's and groom's family.
However, my part was totally different, this people even they're just my student, I don't know what would be their reaction as I walked to the center.
will they look at my butt?
Is there a dirt on my face?
Is there a hole in my pants?
I become restless and it seems like questions are forming in my mind one after another, besides, there's only one thing I don't want to happen right now and this is, I don't want to be embarrassed..
It's literally all eyes on me as I alternate walk my foot. I just focus on my goal on walking towards the girl in the back and just give a glimpse and smile of every each students in my side.
I put my shivering hands in my pocket for them not to notice that I'm literally so nervous just walking in the center.
Sa paglalakad ko papunta sa inu-upuan ng babaeng kanina ko pang tinatawag ay kitang-kita rin sa mga mata ng bawat mga kaklase nito na meron silang kanya-kanyang tinatagong problema. Nakikita ko sa kanilang mga masasayang ngiti ang mga problemang nakakubli.
Kahit na ang atensiyon ko ay nakapocus lang sa babaeng 'yon ay hindi pa rin maiwasan ng aking isipan ang mag-alala.
I will fix these no matter what the result is. I also went through this and I don't want them to experience what I've been through.
Narating ko rin ang likuran sa wakas, at ngayon ay nasa tabi ko na siya, yumuko ako at minamasdan ng sandali ang nakakatawang ginagawa nito bago nilapat ang mga kamay ko sa tainga niya upang kunin sana ang suot nitong earpods-nang akma rin niya itong kunin, and I didn't expect na ang mga mainit nitong kamay ang hawak ko ngayon habang kaunting distansiya nalang at magtatagpo na ang aming mga labi, sapagkat parang nagulat ito na may humawak sa kanyang kamay at dahilan ng kaniyang biglaang paglingon.
Ngayon ay nakabukas na ang mga mata nito at gulat na gulat na nakatingin sa 'kin.
Ngayon ko lang nakita ang mata nitong berde. Her emerald eyes that full of eros and deep affiliation that soon will be darken like a forest. I gulp.
I was also devastated when i noticed the remnants of her very thirsty color of a strange and unique rose lips that is hard to find.
Ang blonde nitong buhok na nagrerepleka sa kanyang pagkatao na para bang walang oras na hindi niya ito iniingatan.
Taranta itong binawi ang kanyang kamay at agad na tumayo at inilibot ang kanyang paningin, ng mapansing nakatingin ang lahat ng kaklase nito sa kanya ay biglang namula ang pisngi nito na agad naman nitong tinakpan gamit ang pink nitong bag.
Napalingon nalang ako ng may narinig akong sumigaw. "Fave! Bagong Teacher natin 'yan, magbigay respeto ka naman!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase niya.
Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nakayuko na pala ito na kunting lapat nalang at didikit na ang noo nito sa sahig. "S-Sorry sir!" Nauutal na sabi nito.
A sweet smile formed again on my lips when I heard those words.
I don't know why, but all I know is that I seem to like this section. Today Is the end of their past and beginning of the new chapter of their lives with me.
I hope, I will not fail in the steps I will take.
Besides I still have my goal.
_______
Last updated: April 23, 2022
Latest Update: September 7, 2022