下載應用程式
10.52% Reycepaz's Reverie (Completed) / Chapter 3: Chapter 01 : Teacher

章節 3: Chapter 01 : Teacher

I DID not expect that despite all the difficult trials I faced, I was still able to achieve my dream. The dream that my late parents completely rejected. The dream that I will never be ashamed of.

"Nandito na po tayo, sir." Sambit ni manong driver sa akin habang tumitingin sa rearview mirror. Hindi ko talaga lubusang maintindihan kung bakit at para saan pa ang tinatawag nilang "salamin" kahit madilim at wala ka namang makikita rito.

I just ignored it and immediately took the wallet out of my pocket. "Magkano manong?" I asked.

Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi nito pero kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano ito kasipag. Sapagkat sa ngiti palang nito ay matutuwa na ang kung sino man ang sumakay sa kanya, tapos hindi pa nito kinakalimutang gumamit ng honorific names.

Ang ngiti ng Isang tao ang kailan man ay hindi matutumbasan ng pera.

Basta nalang akong bumunot ng kung anong papel sa wallet at iniabot 'to sa kaniya. Aksyon ko na sanang pihitin ang hawakan ng pinto upang lalabas na ng pinigilan ako nito.

"S-Sukli niyo po!" nauutal na tawag nito sa akin.

Instead of receiving the change, I just gave him a wide smile, "The change is yours manong, you deserved a big payment." Masaya kong sambit bago lumabas na ng tuluyan sa taxi.

Kahit nakasarado na ang pinto at medyo may distansiya na ang nilakad ko ay maririnig ko pa rin ang pasasalamat ni manong, pero hindi na ako nag-abala pang linguin Ito at pinatuloy na ang paglalakad.

I found my self in front of the University Main gate. This is even bigger than I thought.

Tapos alam kong meron na naman itong disenyo na tinatawag nila na "Salamin" sa gate na'to. Sapagkat, madilim at malabo lang ang makikita mo dito na binalutan naman ng nagpaikot-ikot na mga bakal. I really wonder how they create this.

I knew this school since I was young, this university is the only one that outsiders can not easily enter without any permission from the highest position, in short mahigpit sila.

Isang hakbang ko pa lang papasok sa gate ay agad ng lumapit sa'kin ang isa sa mga gwardyang nagbabantay na aakalain mo talagang isang body builder dahil sa laki ng katawan nito

"Good morning sir, can you show us your identification card please." Seryoso pero madiin nitong tanong habang inilagay ang kamay sa iri malapit sa dibdib ko na para bang senyas na dapat akong huminto.

Dali-dali ko namang inilabas sa wallet at ipinakita ang ID ko, tumango naman ito at binigyan ako ng malawak na ngiti.

Ang seryosong mukha nila kanina ay biglang nabahiran ng saya. "Welcome to Maximus Vice University!" Masayang bati nila na agad ko namang ginantihan. Buti nalang at ngumiti na sila, sapagkat hindi lang 'yung katawan nila ang nakakatakot, dahil pati na rin 'yung mga ngiti nila ay para silang may balak na patayin ako kanina lang.

Siguro kung ibang tao ang nasa posisyon ko kanina noong lumapit ang mga gwardyang 'to para tanungin kung saan ang ID ko, I'm sure na manginginig talaga ang mga tuhod nila o ang mas malala pa ay, ma-iihi sila sa takot. May anim na parang may katawan ng body builder ang nagbabantay sa gate, dalawang babae at apat naman na lalake. I can't imagine myself na kakaladkarin nila ako palabas ng Unibersidad kung may gagawin akong hindi kanais-nais.

So I really must watch and careful with all my movements.

Anyways, nagpatuloy na ako sa paglalakad at tumigil sa isang bulletin board malapit sa isang fountain, upang tignan kung saang banda makikita ang building at opisina ng Department of Chairperson nasa ganon malalaman ko na kung saan na strand o baitang ako magtuturo.

_______

"So you are?"

"Reycepaz po, Reycepaz ang Pangalan ko." Seryoso kong sagot nang tinanong ako ng matanda-ay este ng Chairperson.

Kung nakakatakot man ang mga sumalubong na gwardya kanina ay mas nakakatakot pa 'tong parang mangkukulam na kaharap ko.

She's around 70 plus I think. Bukod sa maliit na nunal nito malapit sa kanyang nostril ay kulobot na ang balat nito. Ang matatalas na kuko nito ay may nail polish pa na itim kagaya ng lipstick na gamit nito ngayon. Meron din itong parang pugad ng agila na buhok, dahil sa nagkukumpulang grayish at kulot na buhok na parang kailan man ay hindi naligo. Higit sa lahat meron pa itong suot na pearls sa leeg na hindi ko matukoy kung totoo ba or design lang.

'Yung pakiramdam na gumawa ka ng research paper o thesis tapos Isa siya sa mga panelists, it will literally shiver my nerves.

Inilagay nito sa mesa ang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon na meron ako at isiniklop nito ang mga kamay habang medyo nakayuko ngunit ang mga mata nito ay nasa akin ang atensiyon. Gamit pa nito ang salamin nitong parang magnifying glass sa kapal.

"Let me ask you one and sincere question before I take you to the section where you will be the advisor," paliwanag nito gamit ang mahina at nakakakilabot na boses na medyo garalgal. Naalala ko tuloy si Roz 'yung matandang character bilang tagahawak ng susi at isang administrator sa pelikulang Monster University.

"why do you want to teach?" Patuloy pa nito na dahilan ng paghinto ng aking realidad at para bang nag-slow motion ang lahat.

Apart from it's my dream, why do I really want to teach?

_________

Flashbacks

"Wala kang ibang ginawa kung hindi ang maglaro! Mabuti pa ang ate mo, kumakayod, may panagarap!" Iritang sigaw ni mama sa akin habang minamasahe ang likod ni papa.

But I'm just an 8 years old kid. Do I not have the right to play?

Gusto ko mang isigaw ang mga salitang 'yun, ngunit hindi ko magawa dahil nirerespeto ko sila.

"Go to your room, Reycepaz!" Buwelta ni Papa habang nililigpit ko ang aking mga laruan pabalik sa cartoon.

"I said go to your room now!" Dagdag pa nito na ngayon ay ibinaba na talaga nito ang diyaryong kanina pa ay kanyang binabasa.

Hindi ko na naituloy pang ligpitin ang ibang laruan ko dahil, parang may sariling pag-iisip na ang aking mga paa at kusa na itong tumakbo papuntang itaas kung saan ang kwarto ko.

Umupo ako sa malambot na kama at walang ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa labas ng balkonahe.

Nilalasap ang mga hanging pumapasok at dumadampo sa pisngi kong basa. B-Basa?...hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang mga maiinit kong luha nang hinawakan ko ang aking pisngi.

Biglang lumipat ang atensiyon ko nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kanina ko pang hinihintay.

"B-Bunso!!"

"Ate!!" Malakasang sigaw ko ng makita kong sino ito.

Niyakap niya ako nang napakahigpit na ginantihan ko naman nang mas mahigpit pa na para bang wala ng bukas.

Si ate Psyche lang ang naging sandigan ko sa lahat. She's the only one that understand me in every aspects that I have.

"Tahan na bunso okay, ang panget ng mukha mo kapag umiiyak." biro nito habang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata bago umupo sa kama.

Sinundan ko naman siya at umupo na rin na ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.

Hinawakan nito ang aking pisngi at ginulo pa ang buhok kong wala pang suklay.

"Kung ano man ang sinabi nina mama at papa sa'yo ay wag mo nang pansinin. Alam mo naman mainitin talaga ang ulo ng mga 'yun dahil matanda na," mahinhin na tahan ni ate sa 'kin. "ano ba 'yang nilalaro mo?" Tanong nito habang ngumunguso gamit ang bibig niya sa mga laruang pilit kong itinatago sa likod ko.

"L-Lego" utal kong sagot.

"Then what did mom and dad tell you?" She asked.

"They told me I'm useless" tabang kong sagot naman sa kanya habang ang mga mata ay nakatuon lang sa labas ng balkonahe.

She let out a deep sigh bago sabihin ang mga salitang makapagpabago sa takbo ng utak ko.

"Alam mo ba bunso, na napaka-creative mo, hindi lang talaga ito nakikita nila mama at papa dahil nasa 'kin lahat ng atensiyon nila. Hindi ka dapat maging malungkot bunso, dahil kung basihan mo sa bloom taxonomy, ang creative ang nasa pinaka-tuktok nito. You are on the top! Tandaan mo 'yan."

Matapos marinig ang mga salitang 'yun ay parang nabuhayan ako bigla na kahit hindi ko man maintindihan kung ano ang kanyang pinagsasabi, ngunit para bang nabura lahat ng mga sinabi nina mama at papa kanina sa utak ko.

"A-Ate?"

"Bakit bunso?"

"Pwede ba akong maging guro tulad mo?"

Hindi ko alam pero biglang Lumawak ang mga ngiti ni ate matapos kong bigkasin ang mga tanong na 'yon.

"Why not bunso, masaya si ate dahil susunod ka sa mga yapak ko. Galingan mo lang sa pagschool okay?" Sambit ni ate habang ginugulo na naman ang napakagulo kong buhok.

"-digan...Mr. Madigan? Are you still with me?"

Unti-unting pumasok ang mga boses sa tainga ko at nanumbalik na sa realidad.

Kanina pa pala akong tinatawag ng chairperson. I really hate this thing, daydreaming, ang matindi pa, mga dating ala-ala pa ang bumabalik. Kahit maghuhugas lang ako nang plato bigla nalang may pumapasok na mga ala-ala o hindi kaya mga dating argumento na hindi ko naisagot ng tama. Tsk.

"S-Sorry ma'am. Yes I'm still with you." Sagot ko naman sa kanya.

"So let's get back to the question. Why do you want to teach?" She asked me the question again.

I let out a deep breath and smile precisely then look at her eyes even it's scary and say,

"I want to teach, because aside from its my dream, it is my passion. It's what I'm called for the very purpose of my existence. Without the term Teaching, I think I'm nowhere to be found right now. Besides, knowledge that children can't learn from their homes, were they can definitely learn from us, the Teachers." Seryoso kong sagot na tila ba ay proud na proud ako na walang mali sa mga sinabi ko.

Matapos nitong marinig ang lahat ng sinabi ko, bigla itong tumayo

"Follow me, I'll bring you to the building where you're going to teach."

Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko ngayon, masaya na para bang kinakabahan.

Masaya dahil matutupad na ang aking matagal na pangarap, kinakabahan dahil hindi ko alam kong ano ang mga posibleng mangyayari.

Nang tumayo at nagsimula ng lumakad ang chairperson ay talagang 'yung saya na makikita sa reaksyon ko kanina ay biglang nabura at napalitan ng dismaya ng makitang wala itong actual na mga-paa katulad ko at meron itong prepodium ventral foot na makikita sa pamilya ng insektong Gastropoda.

Ano ba kasing nangyayari?

"Bakit may paa kang kuhol?"

_____

Last update : April 23, 2022

Update : June 09, 2022

Update II: September 06, 2022


章節 4: Chapter 02: Gossips

"A-ATE ATE!.." parang nabingi ako sa mga biglaang pangyayari. Maliban sa boses ko na garalgal nang sumisigaw ay pawang ang nakakabinging heartbeat flatline nalang ni ate ang maririnig sa kwarto kung saan siya nakahiga. Tila ba ay tumigil ang mundo ko, na para bang nakikita ko ang sarili kong umiiyak katabi ang bangkay ni ate.

Bakit ngayon pa na kailangan kita? Bakit ngayon pa na sa akin ay may naniniwala na?

Even though I tried to stop myself from crying, I could still feel the warm tears flowing from my eyes, tears that I dont have a clue when to stop and disappear.

All I could see from my vision was full of dark and misty because of these tears.

Masikip sa dibdib na para bang may kamay na pumipisil at mga karayum na itinutusok sa puso ko at pilit itong pinapatigil ako sa paghinga.

Para saan pa ba ang pangarap ko? para saan pa ba ang lahat kung wala na ang nagsisilbing lakas ko? Paano ako babangon kung wala naman akong rason para tumayo?

Iyan lamang ang ilan sa mga tanong na palaging pumapasok sa utak ko at para bang palagi nitong binubulong na dapat na akong sumuko.

Ilang araw naring pinaglalamayan ang bangkay ni ate dito sa bahay at ito ako nasa kwarto at tulad ng nakakasanayan naka-upo sa kama habang nilalasap ang mga hanging dumadampo sa mukha at katawan ko, dulot ng mga naglalakihang alon mula sa dagat na nasa harap ng aking balkonahe.

Para bang sumasabay ang alon sa lungkot at pighati na nararamdaman ko, humahampas ito sa dalampasigan ng may pwersa na tulad ng bawat patak ng luha ko ay biglaang pagbabalik ng mga masasayang ala-ala, mga ala-alang kahit kailan ay hindi na pwedeng mabalikan.

Mula sa aking inu-upuan, ang malakas at matamis na bango na tila ba ay sumasayaw sa panlasa ng aking dila sa tuwing paglanghap ko ng malalamig na hangin at ang tunog ng malalaking alon na'to ay nagbibigay kiliti at kakaibang sensasyon at pakiramdam sa aking mga tainga, dahilan ng unti-unting pagpikit ng aking mga mata.

As I closed my eyes I felt something, a warm arms wrapped around me, that made my tears flowed more freely. In that moment, even I don't see her face, I know who she is and i felt nothing but safe.

Safe to shout all the the anger and sadness that trapped inside me. Safe to cherish every second left.

Her arms around me felt like security right then. They felt like the warmest blanket in the world that fresh from the dryer on a winter season.

And that tightest hug for the last moment is the best gift I received that I will treasure forever.

Ramdam at rinig ko rin ang mga salitang binulong nito na dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok at pati narin sa kahit saang parte ng katawan ko.

Binulong nito ang mga salitang kailan man ay hindi ko mismo narinig sa bibig ng aking mga magulang.

"Mahal na mahal kita..." malamig na sambit niya at dahan-dahan ng naglalaho ang presensiya nito, pati ang mainit na yakap kanina lang ay unti-unti naring napapalitan ng malamig na temperatura.

Malakas ang kutob ko na si ate ang presenya na iyon, pero hindi ko man lang nagawang lumingon, hindi ko man lang nagawang gantihan ang yakap na ibinigay niya, hindi ko man lang pinaramdam sa kanya na lubos akong nagpapasalamat na nandiyan siya palagi sa tabi ko para ako ay damayan.

Even if you are gone, you will still be my sister and I will never be able to forget what you have done. I love you..

After that accident happened to my sister, my mom and dad completely lost their attention to me. I literally become completely invisible to them.

It's like they just intercourse to create a dog.

And that dog was me.

But sorry for them, besides the dog they fabricated was firm and substantial.

It's just funny to think though, that for the first time in history the dog didn't like his owners. I can literally hear my laugh in my head right now. That's ridiculous.

It's like I am the Guy version of Cinderella.

Eww..

Kaya nagsikap ako kahit hindi tanggap ang buong supporta nila--i mean, hindi buo, kasi wala naman talaga.

They let me study, but I had to take the medicine course that was against my will. And what's worse is, the money doesn't come from their own pockets, it comes from grandpa.

So what I did was when they asked for my paperworks, I borrowed the works of my friend who took the medicine. And I still continue to take the teaching course.

Of course, that's what I've been dreaming of since the first chapter of my life.

Hindi pa rin nabubura ang mga pangyayaring iyon sa isipan ko, at ang mga ala-alang ito ang naging lakas ko upang ma-abot ang pangarap na'to.

Well, I did my best..

______

Walang kahirap-hirap kong pinasok ang Unibersidad at maharap ang chairperson na ngayon naman ay naglalaka-gumagapang papunta sa silid na pagtuturuan ko.

Ngunit, mukhang ilang dekada pa bago kami makakarating kung saan man kami papunta.

Pansin ko na rin ang mga bulong-bulungan sa paligid at mga mata na kung meron man itong mga ngipin ay kanina pa ako kinagat.

Ang lakas makatingin, na tila ba ay parang may utang akong hindi nabayaran.

"Transferre student ba 'yan, jusko ang gwapo!" Sabi ng isang babae sa tainga ng kasama nito na alam naman ng lahat na bulong iyon. But i wonder if that's really a gossip? Ang lakas ah

"God, akin na 'yan please.." mahinhin na sambit naman ng isang babaeng akala mo ay isang patay dahil sa kapal ng foundation. Ano bang nanyari sa mga studyanteng 'to?

Kanina lang itong chairperson, ngayon ang mga studyante na naman.

Merong studyanteng may mahahabang buhok at kuko, meron ding may mga maitim na pak-pak na nakakasagabal sa hall way.

Wala bang proper grooming and hygiene na law sa school na'to?

Marami pang mga bulong na nagpapagaan sa loob ko, kahit ang O.A na ng iba.

Hindi ko alam pero, parang ramdam ko na hindi na ako mahihirapang ipakilala ang aking sarili sa lahat.

Kung pwede lang talaga buhatin ko 'tong matanadang 'to ay kanina ko pa ginawa, ang bagal!

Nanginginig man sa takot at nagdadalwang isip ay nagawa pa rin itanong ng aking bibig ang kanina ko pa gustong malaman.

"Bakit po pala may paa kang kuhol?"

I know! I Know it's really weird to ask that thing to her, pero curious ako sa mga nangyayari rito, it's for my own knowledge na rin.

Bago ito nagsalita ay huminto muna ito at lumingon sa aking direksyon, nasa tabi ko kasi siya.

Ito na naman ang tingin niyang nakakapanindig balahibo. Mali nga talaga 'yung ginawa ko, iyan tuloy huminto ito! Baka aabutan pa kami ng gabi bago makakarating sa pupuntahan.

"Malapit na tayo.." mahinang sambit naman niya sa mala-garalgal nitong boses.

Napansin siguro nito na kanina pa ako hindi mapakali, bakit pa ba kasi kailangan ako nitong ihatid. Pwede naman itong magpahinga at ibigay nalang sa akin ang building kung saan ako magtuturo. Nagiiwan pa tuloy ito ng mucus sa lahat ng daan na dinaanan namin.

She cleared her throat causing it to grab my attention

Nakalimutan ko na itinanong ko pa pala ito tunkol sa kanyang paa, or should I say part of her stomach.

"Reycepaz right?" asik niya na tila ba ay sinigurado ang aking pangalan. I just nodded as sign that she was right.

"What you seeing right now was just an imagination.."

Napangiwi nalang ako at tila ba ay nanliit yung mga mata ko ng marinig ang isinagot nito sa tanong ko.

It doesn't make sense.

"What do you mean by that?" I asked.

Instead answering my question, she just started crawling then murmured.

"This is not yet the right time for you to know everything"

Rinig ko sa sinabi niya na tila ba ay ang sarili lang nito ang kinausap dahil sa hina nang pagkakasabi. Ang weird ng matandang 'to.

Pa-felling mysterious kahit wala naman sa pelikula.

Ngunit parang pinitik ng rubber band 'yung kidney at puso ko ng marinig ang sumunod na mga salitang sinabi niya.

"Tungkol pala sa tingin mo kanina, alam kong nababagot ka na dahil ang hina kong maglakad. Hayaan mo na ako eho, Matagal-tagal na rin kasing hindi ako nakapaghatid ng guro sa kanilang mga silid-pagtuturuan. Kakaiba ka kasi, ikaw lang 'yung nakaharap ko na nirerespeto ako. Oo, hindi mo 'to ipinapakita pero, nararamdaman ko 'to. Bukod doon ay, alam ko na may malalim na dahilan kung bakit mo gustong maging guro.

"Hindi tulad sa mga ibang binigyan ko ng section dati ay napaka-strikto ng mga mokong na iyon, halatang napilitan lang na kunin kurso ng pagiging guro. Noong tinanong kita kanina ay makikita ditong masaya mong sinagot ang mga tanong ko na ang ibig sabihin ay lubos mong mahal ang propesiyong ito." Mahabang paliwanag ng matanda, na kahit napakabagal nitong magsalita ay naintindihan ko naman kahit papaano.

Nakonsensya nalang ako bigla sa lahat ng mga masasamang inisip ko sa matanda kanina-i mean hindi naman masyadong masama.

Nagpapatunay na hindi talaga basihan ang hitsura. Sa libro man o tao-creatures, dahil sa likod ng makakapatay na awra at na-pakabagal na galaw nito ay meron pala itong tinatagong ugaling kakaiba.

I admit it's my mistake. Hindi ko kasi siya dapat hinusga, iyan tuloy parang na-iihi na ako sa konsensya.

"Well, ito na ang hinihintay mo, nandito na tayo." Mahinang sabi ng matanda nang huminto ito sa isang itim na pinto.

Nang maharap ko na ito ay hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko sapagkat nagsisimula ng kumibo ng malakas ang puso ko, na para bang kabayong tumatakbo sa takot gamit ang kanyang buong lakas dahil sa ito ay hinahabol ng gutom na gutom na Leon.

Dahil sa lakas ng pagkibo ng puso ko ay tila ba'y maririnig ko na'to.

Ramdam ko rin ang panginginig nang tuhod at bibig ko, pati na rin ang mga kamay ko na para bang ibinabad sa baldeng puno ng yelo.

"So this is your room and goodluck, to your new Journey Reycepaz.."

Sabi ng matanda bago tumalikod at unti-unting-nawala? sa tabi ko at mabilis itong nakaalis..

wow?

For God sake! Tumuntong ito sa malaking trolley habang hinihila nang mga studyanteng tinawag nito.

Talagang napangiwi nalang ako at natawa. I can definitely heard my self laughing.

Sa una palang kasalanan na niya kung bakit ako na-iinip, kung ginamit niya yung trolley kanina palang, eh 'di sana nakarating kami ng mas madali.

Binabawi ko 'yung sinabi ko kanina, weird pa rin 'yung matanda na iyon.

Kahit tumatawa man ay, nangingibabaw pa rin ang takot at kaba lalo na at hawak ko na ngayon ang seradula ng pinto.

Sa likod ng pintoan na'to nakakubli ang pangarap ko. Sa kabilang banda ng pintoang ito ay may mga studyanteng nag-aantay sa kanilang bagong guro.

At kung sino o ano man sila ay tatanggapin ko at mamahalin tulad ng pagmamahal ng kapatid ko.

________

Last date updated: April 22, 2022

Update: September 06, 2022


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C3
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank 200+ 推薦票榜
Stone 0 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄

tip 段落評論

段落註釋功能現已上線!將滑鼠移到任何段落上,然後按下圖示以添加您的評論。

此外,您可以隨時在「設置」 中將其關閉/ 打開。

明白了