下載應用程式
75.6% Twilight Promises / Chapter 31: 30

章節 31: 30

"Okay class. Any questions?" Tanong ko sa aking mga estudyante. Friday na at halata sa mga mukha nila na excited na sila sa darating na weekend. Pahinga na kasi nila, habang kaming mga guro ay hindi pwedeng magpahinga dahil marami kaming kailangan tapusin na mga lessonly. Isa ito sa mga inasahan kong mga trabaho magmula nang makapasa ako sa LET five years ago.

Five years ago na pala ang nakakalipas magmula nang mangyari ang trahedyang nagpabago sa buhay namin. Five years na rin pala naming hindi nakakasama si Itay. Sinong mag aakala na kakayanin namin na magpatuloy ng wala si Itay? Life is really unpredictable. Maybe now it feels like you can't survive where in reality there's really no choice other than to continue what's left behind. Iniisip ko na lang na andiyan lang si Itay sa amin at hindi siya umalis at akalain mong limang taon na pala ang nakakalipas magmula nang marinig ko ang mga walang kwenta niyang mga pangako.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko upang hindi ko na maalala ang lalaking iyon, dahil nasisira lang ang araw ko sa tuwing naiisip ko ang mga walang kwentang mga pangako niya sa akin. Paasa talaga!

Heto pa ang nakakainis sa tuwing nagkakasama kami nila Sab at Siena ay walang tigil ang update niya sa akin sa lalaking iyon, akala mo naman may pakialam ako? Pake ko naman kung siya na ang CEO ng King's company. Pake ko naman kung nuknukan na siya na raw siya ng gwapo ngayon? Paasa naman! At ano na naman ang pake ko kung engage na siya roon sa pusang galang Suzanne na yon!? Magsama silang pangit! Parehas silang walang kwenta!

"Luh, Tin. Wag ka na lang kaya magtanong. Tignan mo si Ma'am parang mangangain na ng buhay sa higpit ng hawak niya sa chalk." Rinig kong sabi ng isa kong estudyante na sa may bandang unahan, kaya naman mabilis ko silang tinignan at parehas pa nanlaki ang mga mata nila nang makasalubong ang mga kilay kong tinignan sila.

"Shet. Nakakatakot talaga tumingin si ma'am para akong maiihi sa lamig ng tingin niya." Rinig kong sabi ni Tin.

"Kung magbubulungan kayo about sa akin. Sana hindi yung naririnig ko. Ano nga tanong mo?" Saad ko sabay taas ko ng kilay sakanya habang hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha ko.

Sabay na umiling ang dalawa marahil ay natakot sa akin. Akala mo naman kakainin ko sila ng buhay! Pinaikutan ko na lamang sila ng mga mata at parang hindi pa nasanay sa akin samantalang araw araw ko naman silang sinusungitan.

"Hoy! Ang pabebe niyo namang dalawa mga yawa kayo!" Sigaw ng isa sa mga estudyanteng lalaking nasa may bandang likod.

"Oo nga. Kapangit niyo lang naman! Talampakan lang kayo ni ma'am!" Dugtong naman nung lalakeng katabi nung nagsalita kanina.

Pinagmamasdan ko lamang sila habang nagbibiruan. Ganito na ang routine namin bago matapos ang klase. Last class na kasi nila ako ngayong araw at uwian na rin kaya naman hinahayaan ko lamang silang magkulitan. Ito na rin yung pinaka bonding namin.

"Shut up, Carl! Ang pangit mo mukhang kang duhat!" Sabay sigaw namn ni Leyla na katabi ni Tin kanina at bineletan si Carl dahil sa sinabi nito sa kanila. Pagkatapos naman ng batuhan nila ng mga salita ay siya namang sabi ng "AaaAyiIEee" ng buong klase.

"Yown! Ganyan na ganyan ang biruan ng lola namin noon kaya naniniwala na talaga ako sa forever. Team Carleyla na talaga ako!" Hirit namin ni Hector na siyang sergeant of arms naman ng klase namin.

"Eww..." Leyla hissed habang pinaikutan pa niya ng mga mata si Carl.

"Di tol. Thank you next na lang muna." Sabat naman ni Carl na halos magmukha naman na kamatis ang mukha niya dahil pagkapula nito.

Napangiti na lang ako sa kanila dahil sa kakulitan nila. Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin sila Lander at Sab noong mga estudyante pa kami sa SCU. Kamusta na kaya ang mga iyon? Huling balita ko kay Landon ay pauwi na siya ng Pilipinas galing China. Napatingin ako sa klase ng maramdaman ko ang bigla nilang pananahimik.

"Ang ganda talaga ni ma'am no? Sana forever na lang akong estudyante para forever teacher ko na rin si ma'am." Bulong noong estudyante ko sa may gilid. Hindi ko na lamang pinansin iyon dahil lagi naman nilang biro sa akin iyon.

"Oh yung mga homeworks niyo ah, don't forget. We will check that on Monday and don't forget to take a rest. Okay?" Saad ko at inisa isa nang kunin ang gamit ko sa lamesa. Nag presinta pa si Carl na buhatin ang ilang mga folder nila na kakapass lang nila ngayon ,pero umiling ako at nagpasalamat upang hindi na siya hintayin ng mga kaibigan niya at nang makauwi na rin sila ng maaga.

"Yes, ma'am. Thank you!" They said in unison.

Saktong pag alis ko ng salamin sa mata ko ay siya namang tunog ng email ko kaya naman isinuot ko ulit ang salamin ko upang I check. Pa kanta kanta pa ako ng kantang paborito ko mula sa girl group na red velvet habang tinitignan ang email na kakapasok lang, sinabihan kasi ako ni Leyla na pakinggan ko raw sa YouTube dagdag views raw sa paboritong girl group niya. Maganda naman pala ang taste ni Leyla pagdating sa music.

Agad na napakunot ang noo ko nang mabasa kong hindi naman work related ang email na natanggap ko at nang tignan ko ang subject ng email ay halos manlaki ang mga mata ko.

SCU ALUMNI INVITATION CLASS OF 2014

Ano no naman ang pakulo ng pres namin at pinadalhan pa ako ng invitation? Ay malamang graduate ka sa SCU! Sabat ng inner mind ko. Next week gaganapin ang reunion at sa mismong SCU ang venue. Wala naman akong problema roon dahil malaki ang naitulong sa akin ng school dahil raw kaya ako kinuha ng RMES ay nakita sa credential ko na nakapagtapos ako sa SCU pero papaano kung nandoon si Marcus? Ay malamang! Sila kaya ang may ari ng school kung saan ka nag graduate, sabat ulit ng inner mind ko.

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil tiyak na magkikita kami roon. Makikita ko ulit siya pagkatapos ng maraming taon at makikita ko silang dalawa na magkasama ni Suzanne. Napailing ako bigla dahil sa mga naiisip ko at upang mawala ang kabang nararamdaman ko.

Tsk, ano naman ngayon kung andoon sila? Wala naman akong ginawang masama upang kabahan sa presensya nila where in fact ang King dapat na iyon ang mahiya sa akin dahil sa mga walang kwentang pinag sasabi niya sa akin. May pa dagat dagat pa siyang nalalaman, mukha niya!

Gwapo?

Oo na bwisit.

Mabilis na lumipas ang araw at nandito na kami ngayong tatlo sa condo ni Sab habang nag aayos para mamaya sa reunion. Formal ang theme kaya isang off shoulder na above the knee na black dress ang suot ko, backless ito kaya naman babaunin ko na lang din iyong black coat if ever malamigan ako mamaya. Ito ang napiling ipasuot sa akin ni Sab, dahil nang makita niya ang dala kong isang plain white dress kanina ay ilang beses niya pa akong pinaikutan ng mga mata at mabilis na hinablot ito sa akin. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay halos mahiya ako dahil napaka daring noong sa may bandang likod ko. Bahala na, minsan lang naman ako magsuot ng ganitong damit. Isinuot ko na rin ang heels na dala ko at lumabas na. Rinig na rinig sa labas ang alitan ng dalawa dahil napatyempo na parehas pa ng kulay ang napili nila, kaya naman halos mabingi ako sa lakas ng reklamo nila sa isa't isa. Para lang kaming bumalik sa pagiging estudyante dahil sa alumni na ito.

"Tama na iyan. Para kayong hindi mga proffesionals." Saad ko gamit ang malumanay na boses habang papunta sa may kusina upang uminom habang patuloy na tinitignan ang dalawa.

"Ito kasing si Sab sinabing mag ba-black ako, nag black din ang maharot!" Siena commented habang pinanlilisikan niya ng mga mata si Sab.

"What!? Maharot? Me?! Irene, look at her---!" Hindi na natuloy ang sasabihin pa sana ni Sab nang napatingin siya sa gawi ko. Natulala pa nga.

"Holy shit, Irene girl. My cousin will definitely kill me because of that dress!" Sab commented habang hawak hawak pa sa dulo ang damit na pinag aawayan nila ni Siena.

"Girl. Isang sapak mo lang sa akin, solved na ako." Siena added at sabay ang hagikgikan nilang dalawa.

Pinaikutan ko na lamang sila ng mga mata dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Ang dami niyong alam!"

Loud but classy. That is the theme of our reunion. There are a lot of familiar faces that I am seeing right now. Nandito rin yung mga professor namin na naging paborito namin noon dahil galanteng magbigay ng grades at nandito rin syempre ang mga naging professor namin na kinulang ata sa breastfeed kaya kulang kulang din kung magbigay ng grades. I let out a light chuckle when I remember something, yun yung kung paano pa kami magkandaugaga na maghabol ng grades tuwing final. Those golden days were really stressful but full of happiness.

That happiness that made me alive because of someone.... Someone that I couldn't forget.

"Tangina girl. Tignan mo yung machong yun? Diba si Jimboy yun?" Siena blurted something habang may inginunguso sa amin sa may bandang gilid namin. Sinundan ko naman ito ng tingin upang tignan.

"Oh napano?" Tanong ko nang makita ko yung tinutukoy niya. That man is wearing a black tux that emphasize his well built features. I frown nang maisip ko kung kamusta na kaya yung hubog ng katawan ng mahal na hari? I rolled my eyes.

Really, Irene? Pagkatapos ka niyang paasahin saka mo pa maiisip yan?

"Anong napano? Diba ang jumbo ng katawan niya dati?! Pakingshet! Jumbo rin kaya ang ano niya, sa tingin mo Irene?" Tanong ni Siena sa tabi ko habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin doon kay Jimboy. Natawa na lang ako sa kahalayan ng katabi ko, hindi pa rin siya nagbabago makakita lang ng gwapo eh bumabalik ang kadaldalan niya parang noon samantalang ngayon ang sungit sungit kapag kami kami lang ang magkakasama. The old Siena has back. I smiled because of the realization.

"Aba malay ko riyan sa Jimboy mo. Diyan ka na nga at ako'y nauuhaw na." Nakangiting paalam ko at iniwan na siya upang pumunta na sa designated na lamesa namin. It is easy to figure it out since all of the tables have their names and when I found mine, I sat on the table while scanning some people who enjoy this get together. It feels nostalgic, lalo na nang pinatugtog ng DJ yung mga kantang uso noong nag aaral pa kami.

Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin kung ano kaya ang sitwasyon namin kung naging kami ni Marcus pero agad ding nawala ang alala na yon nang maalala ko na naman ang aksidente five years ago. Daglian akong napainom sa baso ng juice na nasa harap ko nang maalala ko na naman si Marcus. Feel ko hindi pupunta yon, ang alam ko masyado siyang busy sa US para umattend pa ng reunion and isa pa busy rin yon sa love life niya kaya wala ng time yon para dito.

Pilit kong paalala sa sarili ko upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko kung sakaling andito nga siya, pero halos mailuwa ko na ang nainom kong juice nang makita ko ang pares ng mga mata na tila kanina pa nakatingin sa may bandang gawi ko. Nagkunwaring ayos lang ako pagkatapos ay uminom ulit at piniling huwag ng tumingin sa gawi niya, pero habang lalo kong pinipigilan na hindi mapatingin sakanya ay siya namang hindi mapigil itong pesteng mga mata na to na tignan siya, at nang ako naman ang tumingin sa gawi niya ay doon na ako tuluyang nabulunan dahil nakatingin pa pala rin ang mga pares niyang mga mata sa akin.

Tila nais kong batukan ang sarili ko dahil sa mga katangahan na pinag gagawa ko ngayon. Wala pa man akong limang minutong nakaupo dito pero umaariba na ang katangahan ko. Ano ang sinabi ko noon sakanya na ako na mismo ang iiwas sakanya kapag nagkita kami? Gaga! Eh kung makatingin sakanya ngayon ay daig mo pa ang na starstruck sa isang artista. Remember, pinaasa ka niyan!

Hindi isang beses kong pinaalalahanan sa sarili ko na huwag na muling titingin sa gawi niya pero sadyang may sariling utak ata ang mga mata ko at tila magnet ito na pilit na ninanakawan ng tingin si Marcus magmula kanina. Nakakahiya ang mga matang 'to saan ba pwedeng maki swap? Issue: Adik kay Marcus.

Nang hindi ko na makaya ang hiyang nararamdaman ko dahil ilang beses na rin akong nahuli ni Marcus magmula kanina na ninanakawan siya ng tingin ay napagdesisyon kong mag restroom upang pakalmahin itong mga walang manners kong mga mata, kung saan saan kasi pumipirmi eh.

Nang makapasok ako ay doon ko inilabas ang hangin na tila naipon sa loob ng baga ko magmula kanina. Magmula kasi nang masilayan ko ang pagmumukha ng paasang Marcus na yon ay pakiramdam ko lumiit ang lugar kung nasaan kami.

Tss. Ano naman ngayon kung totoo ang sinasabi ng pinsan niyang si Sab na mas gumanda ang katawan niya dahil araw araw raw itong nag gy-gym sa US? Pakialam ko? Wala!

Tuluyan na akong napasimangot sa harap ng salamin nang maalala ko na naman ang built ng katawan niya at kung paano mas nadepina ang mga assets niya katulad ng mga mata niya kung makatingin ay akala mo ang daming nais sabihin. Pinaikutan ko nga mga mata kanina nang mahuli kong nakatingin siya sa akin. Akala niya naman ikinagwapo niya ang suot niyang all black na tuxedo at ang bago niyang hair style na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan niya. Paasa naman!

Sana all na-memorize ang feature diba? Yan ang bulong ng mahadera kong inner mind.

Nang masigurado kong nailagay ko na ang panyo ko sa may pouch ko ay napag desisyon ko nang lumabas sa restroom at baka hinahanap na ako nila Siena. Habang papalabas ako ay hindi ilang beses kong inisip at tinatak sa utak ko na wala si Marcus dito upang kahit papaano ay mabawasan itong pesteng kaba na nararamdaman ko magmula kanina. Bakit ba ako kinakabahan? Nakakainis!

I wear my poker face at walang ganang tumingin sa paligid. I usually wear this kind of expression in front of my students' upang takutin sila at malaman nila ang pinagkaiba ng estudyante at teacher. Hindi ko naman nilalahat pero meron at meron pa ring mga estudyante na umaabuso sa mabuting pakikitungo sakanila ng ibang mga guro and that is a big no for me. I personally believe na may matutunan ang isang estudyante kung andiyan lagi ang salitang respeto. If you respect my profession then I respect yours, end of discussion.

I was proudly walking going to my designated chair when someone speaks that made me stop in the middle of this freaking song. Really? Crazier by Taylor Swift? Tell me this is ain't a joke but I still manage to face him wearing my unrecognizable gaze.

"Hey..." Marcus said almost whispering.

"Hey..." I responded whithout breaking our stares. Hindi ako makakapayag na ako ang unang bibitaw. Kapag bumitaw ako edi parang ako ang talo!

"You forgot something." He added while he's staring intently into my eyes. Halos nais ko nang malusaw sa uri ng tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon pero kahit daanan pa ng langaw ang mga mata ko ay hinding hindi ako papatalo sa tingin ng paasa nato!

"Oh... Okay." I plainly said still unbothered of his presence and I walk towards him to get the thing that he said I forgot.

"What is it?" I urged to ask in the first place since I am the reason why we are talking right now. If I had not forgotten something, he will never talk to me and that is a reality.

I managed to distance myself two meters from him to make sure that I will still see his face. That devilishly handsome face who managed to be happy infront of me while promising and able to broke it at the same day. Those eyes who kept me awake for how many years because of those unsaid messages. Those lips who made me dance on the cloud nine but still the reason why I was in pain for a long time.

"Your handkerchief. Until now, you're still forgetful. Old habits die hard, aren't we?" Then he chuckled. His eyes sparks and I feel like the air has passed through my face because of his carefree looks. Damn this heart. Marcus is back!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marupok na Irene version. HAHAHAHAHAHAHA


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C31
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄