Kelvin's POV
Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!
Putok ng baril dito, putok ng baril doon. Pagsabog dito, pagsabog doon. Napuno ng maitim na usok ang buong gusali, at sigurado akong pati sa labas ay kitang-kita ang usok. Mainit rin sa loob ng gusali dahil sa mga pagsabog na naging dahilan upang masunog ang mga gamit dito. Iyon na rin mismong sunog ang nagsilbing ilaw sa madilim na gusali, gabi na kase at ang ilaw lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa labas.
Kung tutuusin ay hindi na nagmumukhang gusali ang kinaroroonan namin ngayon.
"Big boss! Hindi na sila nag-attack, what gagawin natin?!" pasigaw na tanong ni Lee, nakatago siya sa loob ng isang silid na bukas ang pinto. Hawak-hawak niya ang isang pistol na nakuha niya mula sa pinatay niyang lalaki kaninang hapon.
"Hey Lee, can't you just speak in English? Para kang conyo," saad ni Ella na ilang metro lang ang layo sa silid na tinataguan ni Lee.
"Hindi pwede...angry si big boss," sagot niya. Alam kong hirap siya magtagalog, pero bahala siya. Alam niya na ang mangyayari kapag narinig ko siyang mag salita gamit ang wikang Ingles. Okay lang na may ibang salita na gagamitan niya ng Ingles, basta 'wag niya lang lahatin.
Gusto niyong malaman kung bakit ayaw ko sa mga ingleshero?
Ang dahilan ay, nagmumukha silang astig kapag nagsasalita sila ng ingles. Syempre hindi pwede sa akin 'yon, paano naman kaming mga lalaki na hindi marunong magsalita ng ingles? Edi hindi kami nagmukhang astig? Tsaka, Pilipino tayo mga boi, dapat gamitin natin ang sarili nating wika.
Subukan mong mag-ingles at papaliparin kita papuntang Amerika.
Lee Chan, siya lang ang kasama kong lalaki sa grupo. Baril ang kaniyang armas. Siya rin ang ginawa kong kanang kamay, dahil kaming dalawa lang naman ang lalaki. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ng mga babaeng kasama namin, sadyang mas maaasahan ko lang itong si Lee sa ngalan ng labanan. Isa siyang Tsinoy kaya medyo nahihirapan siya sa tagalog.
Ella Mai, 'yan ang pinaka chix dito sa grupo namin. Matangkad, maputi, ingleshera, matangos ang ilong, at may pagka singkit ang mapupungay niyang mata. Sibat naman ang kaniyang armas. Magaling siyang makipaglaban at malambot ang katawan, hindi ko alam kung mananayaw siya dati, pero pansin ko lang na tuwing makikipaglaban kami ay sumasayaw siya.
"Duh, hinahayaan nga kaming mag english ni Kelvin eh, diba baby?" nakangiting baling sa akin ng babaeng katabi ko, sabay kindat.
Siya naman si Mikki Padilla, tulad ni Ella ay isa rin siyang chix. Ang pinagkaiba lang ay, hindi siya matangkad. Mukha siyang bata, dejoke, hindi naman sa sobrang pandak pero ang height niya ay 4'11 sa edad na 19 years old. Dagger naman ang kaniyang gamit na armas. Masyado siyang maharot, at ang target niyang harutin ngayon ay ako. Pero hindi ako nagpapa apekto sa kaharutan niya, dahil...loyal ako kay ALite my babes.
"Gaga ka rin eh noh, bingi ka ba Mik? Diba nga sa englishero lang siya galit, hindi sa englishera?" pabalang na baling ng babaeng kasama ni Ella sa isang silid. Kahit madilim ang paligid ay alam kong napairap ito.
Lesly Rein, mabait ngunit mataray. Lalo na kapag si Mikki ang usapan. Hindi matapos tapos ang usapan lalo na pag binara na ni Lesly si Mikki. Ewan ko ba kung bakit madalas mapagtripan ng kasungitan ni Lesly itong babaeng nasa tabi ko. Si Lesly nga pala ay matangkad, kayumanggi ang kulay, matangos ang ilong at sakto lang ang laki ng kaniyang mata. Pana ang gamit niya. Siya rin ang may dala ng backpack namin na naglalaman ng mga gamot, first aid at iba pang kailangan kapag sakali mang may masugat sa amin.
"Hep hep! Tama na ang away, mauuna na akong susugod. Lee, i-cover mo ako," utos ko sa kanila. Saka nalang nila ituloy ang debate nila kapag nakuha na namin ang dapat naming kuhain sa grupong kalaban namin ngayon.
"They're on the move!" sigaw ng isang boses na nanggagaling sa kabilang parte ng gusali. Lalabas palang sana ako ng aking lungga ngunit, nagpaulan ulit sila ng bala sa kinaroroonan namin.
"Sh*t!" rinig kong saad ni Lee at akmang magpapaputok rin.
"Huwag Lee!" suway ko sa kaniya. "Hayaan mong maubos muna ang bala nila, saka tayo aatake," dagdag ko pa.
At...ang pinakagwapong miyembro sa grupong ito ay walang iba kundi ako. Ako nga pala si Kelvin Ventura, at 19 years old, ngunit walang kupas pa rin ang kapogian at kaastigan. Hindi sa pagmamayabang pero...pakiramdam ko mas gwapo ako kesa sa pre kong si Jaiho, at hamak na mas astig pa ako kesa sa boypren ni Smiley na si Zhaile. Espada nga pala ang gamit kong armas.
Tumigil na ang putok na nanggagaling sa kabilang grupo, at maririnig ang malalakas nilang hiyawan dahil wala na daw silang mga bala.
Nagsimula na rin kaming umatake, at ako ang nanguna sa atakeng 'yon. Ilang minuto pang tumagal ang bakbakan bago namin tuluyang nabawi ang espada ko na ninakaw nila.
"Muah, na-miss kitang t*ngina ka," wika ko sabay halik sa mahiwaga kong espada. Nandidiring tiningnan ako ng tatlong babaeng kagrupo namin bago naunang lumabas ng gusali.
"Tara...na big boss," anyaya sa akin ni Lee. Sinenyasan ko siyang mauna na, at agad naman niyang sinunod. Pinaulanan ko ng halik ang aking espada na nawalay sa akin ng halos isang araw. Mga bw*sit kase itong mga nagnakaw, at talaga pang espada ko ang napagtripang nakawin.
Hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng gusali, lumabas na rin ako dahil masakit sa mata at ilong ang maitim na usok. At, mukhang guguho ang gusali ano mang oras, kaya mas mabuting makalayo na kami bago ito bumagsak.
"Where are we heading now?" nakapameywang na tanong ni Ella habang pinapaikot na parang baton ang kaniyang sibat.
"Dahan-dahan, ma hit mo ako eh," suway ni Lee sa kaniya ngunit inirapan niya lang ito at pinagpatuloy lang sa ginagawa. Lumayo nalang si Lee sa kaniya dahil baka nga naman mahagip ito ng sibat.
"Hanap muna tayo ng bahay na matutuluyan, at do'n na tayo magpapalipas ng gabi," sagot ko sa tanong ni Ella. Nagpaumuna na akong naglakad, sumabay naman sa akin si Mikki at kumapit sa braso ko sabay hilig ng kaniyang ulo sa aking braso.
"You're so cool kanina, baby. Alam mo 'yon?" nakangiti niyang tanong.
"Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin," sagot ko. "At tsaka, pwede ba, 'wag ka ngang kumapit sa akin. Doon ka kay Lee kumapit, tas 'wag mo rin akong tinatawag na baby dahil tak—".
"Taken ka na? Yeah right, wala naman dito 'yong jowa mo ngayon eh, kaya okay lang," putol niya sa sinasabi ko, at mas hinigpitan ang kapit sa aking braso. Nagbuntong hininga ako at pilit na tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin.
"Kahit na, loyal pa rin ako sa kaniya 'no. Siya lang ang pwedeng tumawag sa akin ng baby at siya lang ang pwedeng kumapit sa braso ko," masungit kong saad at mas binilisan ang lakad upang 'di na naman siya humabol.
"Baby! Wait lang!" pasigaw niyang tawag, maya maya pa ay rinig ko na ang mga yapak ng paa niya sa may likuran ko kaya mas lalong binilisan ko pa. "Bw*sit ka! Porket mahaba lang 'yang legs mo!" inis niyang sigaw kaya medyo natawa ako.
"Sadyang pandak ka lang," pangbabara naman ni Lesly sa kaniya. Kahit hindi ko sila lingunin sa likuran ay alam kong tiningnan siya ng masama ni Mikki.
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko pandak ka! Bingi ka ba?!"
"Abah, g*ga ka! Hindi ako pandak!"
"Anong hindi? Para ka ngang hybrid na nilalang eh! Half tao half unano!"
"Bawiin mo yung sinabi mo!"
"Ba't ko naman gagawin?"
"Bw*sit ka kahit kailan Lesly!"
At hindi na naman natigil ang pagtatalo nila. 'Yong tipong ilang metro na ang layo ko sa kanila pero rinig na rinig ko parin ang bardagulan nilang dalawa. Para bang katabi ko lang rin sila dahil sa lakas ng matitinis nilang boses.
"Aray! Ano ba? Bitawan mo 'yang buhok ko!"
"Bitawan mo rin 'yong buhok ko!"
'Yon na nga, nagsabunutan na naman silang dalawa. Huminto ako sa paglalakad at liningon sila, tama nga ako, nagsabunutan na naman sila.
Sila Ella naman at Lee ay nakatayo lang at pinapanood kung sino ang mananalo sa kanila. Mukha ngang nagpupustahan pa sila dahil parehas silang naglabas ng pagkain at kaniya-kaniyang cheer sa boto nila.
Hayst.
"Hoy! Tumigil na ng kayo!" sigaw ko, natigil naman sila dahil binitawan nila ang buhok ng isa't isa at lumingon sa akin. Akala ko ay tapos na ang sabunutan ngunit nagkamali ako.
Gumanti pa ng huling hila sa buhok si Mikki saka tumakbo habang tumatawa, ngunit dahil mas matangkad si Lesly ay naabutan niya agad ito at hinila rin ang buhok saka mabilis na tumakbo at nilagpasan ako.
"D*mn you, Lesly!" sigaw ng naiinis na si Mikki, tumigil na siya sa paghabol sa kabardagulan niya dahil mukhang pagod na siya. Inayos niya nalang ang kaniyang buhok na gulong-gulo, para nga siyang nakuryente ng ilang bultahe dahil sa sobrang gulo ng kaniyang buhok.
"Wahahah! B*tch!" sigaw naman ni Lesly na mas nauna na sa akin. Napailing nalang ako dahil sa kanila. Ganito palagi, simula pa lang ng mabuo ang grupo namin ay wala ng tigil ang away ng dalawang 'to. Nasanay na lang talaga ako dahil sa ilang gabi na namin na magkakasama.
Pero kahit na gano'n silang dalawa, 'yong parang aso't pusa ay pinapahalagahan naman nila ang isa't isa. Meron 'yong isang araw na may kabilang grupo na dumakip kay Mikki, hindi agad kami nakareact sa bilis ng pangyayari ngunit si Lesly ay agad niyang tinamaan ng palaso ang limang dumukot dito.
Bale kung bibilangin lahat ng napatay namin ay mas marami kay Lesly dahil do'n sa limang pinatay niya upang mailigtas si Mikki.
"Kelvin! There's a small house here!" sigaw ni Ella, nagsilingon kami sa kaniya at nakita siyang may itinuturo sa loob ng madilim na gubat. Lumapit kami sa kaniya at tinanaw ang tinuturo niya.
Meron ngang bahay doon, at kitang-kita ito dahil nakailaw ang mga bombilya sa loob ng bahay. Bahagyang napakunot ang noo ko.
Talaga bang nakabukas ang ilaw ng mga bahay-bahay dito?
"Tara na," magiliw na saad ni Lee at patakbong tinungo ang daan papuntang bahay. Pipigilan ko pa sana sila ngunit huli na ang lahat. Biglang napalibutan kami ng limang armadong tao, lahat sila ay may hawak na machine gun maliban sa isang lalaki na ang hawak ay asul na sibat.
Napaatras ang apat kong kasama dahil nakatutok sa amin isa-isa ang mga machine gun nila. Nagsama sama kami sa isang tabi na napapagitnaan ng limang tumambang sa amin.
"Kelvin, what are we gonna do now?" pabulong na tanong ni Ella.
"Big boss, barilin ko na ba them?" tanong naman ni Lee.
"Huwag! Wala tayong laban sa kanila," suway ko sa kaniya.
Tumagal ng ilang minuto na nakatitig lang silang lima sa amin, hindi ko makita ang mga mukha nila dahil natatakpan ng mga panyong asul ang kanilang mga mukha, para bang mga ninjas. 'Yong mata at ulo lang ang makikita sa kanila, ang mga ilong at bunganga nila ay natatakpan.
Biglang inagaw ng lalaking may sibat ang backpack ni Lesly at ibinato iyon sa isa niyang kasama.
"Hey! Sa'min 'yan!" angil ni Lesly at akmang susugurin ang lalaking may hawak na ngayon ng bag, ngunit natigilan siya dahil itinutok naman ng lalaking may sibat ang kaniyang armas kay Lesly.
"Ano bang kailangan niyo sa'min?" maangas kong tanong.
"Seriously? There are only 2 options, it's either we kill you...or we kill you slowly," malamig na sagot ng lalaking may sibat. Teka, pamilyar ang boses niya ah. Parang narinig ko na pero 'di ko lang matandaan.
"Z, may mga gamit dito na pwedeng gamitin para gamutin siya," saad ng lalaking may hawak ng bag, na ngayon ay tapos ng halungkatin ang loob ng backpack.
Gamutin siya? Eh lima na sila ngayon dito? Sino pa ang gagamutin nila?
"Bring them in," utos nong lalaking tinawag na Z. Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago naunang naglakad papunta sa bahay na nakailaw.
"Ouch! Don't touch me!" sigaw ni Mikki ng hawakan siya ng isang lalaki sa pulsuhan. Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya ngunit kinaladkad na siya ng lalaki.
"Hoy! Kaya niyang maglakad, hindi mo na siya kailangang hilahin!" sigaw ko do'n sa lalaki at akmang lalapitan siya pero humarang naman ang isa pa at tinutok sa akin ang hawak niyang machine gun.
"Move," utos niya sa amin. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko na may bahid ng takot at kaba sa mukha. Sabay sabay na kaming naglakad at sinundan si Z.
Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo kami ng apat na lalaki sa sahig, nakatutok pa rin ang mga machine gun nila sa amin.
Saka ko lang mas napagmasdan ng husto ang mga mukha nilang natatakpan. Napadako ang tingin ko kay Z, pamilyar ang kulay ng buhok niya at ang estilo nito.
Kilala ko ba ang Z na ito?
"Confiscate their weapons, and tie them," utos ulit nong Z. Sinunod naman agad ng apat niyang alagad ang utos niya, kami naman ay walang nagawa kundi manahimik lang upang hindi nila agad kami patayin. Tinali nila sa aming likuran ang aming mga kamay, hindi rin nila pinalagpas na talian ang aming paa upang siguradong hindi kami makakatakas.
"Ano ba talagang kailangan niyo sa'min?!" pasigaw at inis na tanong ni Mikki.
"Shut up nga Mik, kapag ikaw pinatay nila, walang sisihan ah," saway sa kaniya ni Lesly.
"Eh ano namang magagawa ng pag shut up ko? Eh papatayin pa rin naman nila tayo sa ayaw at gusto natin!"
"Kaya nga manahimik ka, kase baka bigyan tayo ng chance!"
"Chance?! Impo—"
Naputol ang sinasabi niya ng lagyan ng isang lalaki ang bunganga niya ng tape. Gano'n rin ang ginawa niya kay Lesly.
"Ano? Mag-iingay rin kayo?" tanong ng lalaki sa amin. Agad naman kaming umiling na tatlo upang hindi rin i-tape ang bunganga namin. "Ang ingay ingay."
"Bring him here," utos ulit ni Z sa tatlo niyang alagad. Tumango sila at nagsipasok sa isang kwarto. Maya-maya pa'y lumabas sila habang bitbit ang isang katawan ng lalaki. Pinahiga nila ang katawan nito sa isang stretcher na nakalagay malapit sa lamesa na kaharap lang namin.
Duguan ang damit ng lalaki at hindi gumagalaw. Patay na? Dahil nakaupo kami sa sahig ay hindi ko makita ang mukha ng lalaking nakahiga sa stretcher.
Tinanggal ni Z ang panyo na nakatakip sa mukha niya at humarap sa amin. Nanlaki ang mata ko dahil talaga ngang pamilyar ang mukha niya. Teka….sa'n ko nga ba siya nakita?
"Hey you two, what are you doing here?"
"Huwag mo kaming ma 'what are you, are you' ah. Ikaw ang dapat naming tanungin niyan. Anong ginagawa mo dito?"
"I saved your life, isn't obvious?"
"I'll just ask you. What were you two doing here?"
"Uhmm we're lookin for drops. And we found one here. We can't open it though. By the way, thank you for saving our lives. Can I ask you a favor?"
"Sure. Just make it quick coz I need to keep going. I'm looking for someone."
"Can you help us open this? We can't open it."
"Oop oop oop, sa'min lang 'to ni Jaiho ah. Di ka kasali, kami nakahanap nito."
"I'm not interested in these."
"I'll get going."
"Thank you for your help! Ahh, By the way, what's your name?"
"Zhaile."
"Tangina, ikaw si Zhaile diba?!" hindi makapaniwalang tanong ko, tulad pa rin ng dati ay kalmado pa rin ang reaksyon ng mukha niya.
"Yoh," bati niya sa akin, saka bahagya pang itinaas ang kanang kamay na tila ba nag papanatang makabayan.
"Huwagag mo kong ma yoh yoh diyan, pakawalan mo ko dito," utos ko sa kaniya at pilit kinakalag ang sarili ko. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ng apat niyang kasama, 'yong tawa na may halong pagkamangha at 'di makapaniwala.
"Big boss, what ang ginagawa mo?" tanong ni Lee sa akin na hindi rin makapaniwala ang mukha.
"Are you crazy?" inis naman na tanong ni Ella, na nakakunot pa ang noo.
"Chillax, kilala ko 'to," sagot ko naman.
"And why should I?" tanong naman ni Zhaile o tinatawag nilang Z, bahagya niya pang in-tilt ang ulo niya at mukhang pinagmamasdan ako.
"Bakit naman hindi, at saka 'wag mo nga akong ingles- inglesen. Diba magkakilala tayo? Ako 'to, si Kelvin. 'Yong tinulungan mong buksan ang chest kasama si Jaiho, diba? Kaibigan mo pa nga si Smiley eh," maangas kong saad. Tila ba lumabas na naman pagiging mayabang ko no'ng malaman kong si Zhaile pala ang kaharap namin.
"Tsk! Untie him," utos niya sa isa niyang kasama. Napa-yes naman ako ng bahagya. Samantalang ang inutusan niya ay hindi makapaniwala at hindi agad sinunod ang utos niya. "What are you waiting for? I said, untie him."
"A-ah, y-yes."
Agad naman akong kinalagan ng inutusan niya. Minasahe ko muna ang aking pulsuhan dahil medyo nangalay dahil sa ginawa nilang pagtali.
"Pano sila? Pakawalan niyo rin," saad ko sabay turo sa mga kasama ko.
"S-should I untie them Z?" tanong ng lalaking nagtanggal ng tali sa kamay at paa ko.
"No…" sagot naman ni Zhaile.
"Huh? Bakit? Kagrupo ko sila."
"I know, kaya kita pinakawalan dahil baka gusto mong makita kung sino 'to," sagot niya at isinenyas ang lalaking nakahiga sa stretcher. Nangunot ang noo ko at dahan-dahang tumayo.
Napatakip ako ng bunganga at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nakahiga. Duguan nga talaga siya, kaawa-awa ang kalagayan, puro sugat. Ngunit mas duguan ang kaniyang mukha at halatang natuyo na ang dugo na nagkalat sa kaniyang mukha.
"P-pre…" nauutal kong sabi habang dahan-dahan siyang niyuyugyog. Inaasahan kong gigising siya pero hindi, hindi siya gumagalaw. "Pre!"
"Anong ginawa niyo kay Jaiho?!" galit na sigaw ko at akmang susugurin ng suntok si Zhaile ng pigilan ako ng apat niyang kasama. "Anong ginawa niyo!?" sigaw kong muli, ramdam ko na may luhang nagbabadyang kumawala mula sa aking mga mata.
Ilang araw ko lang nakasama si Jaiho sa Lost City, pero kaibigan na ang turing ko sa kaniya. Parang nakababatang kapatid na ang turing ko sa kaniya, kaya masakit. Masakit para sa akin na makita siya sa ganitong kalagayan.
"Sumagot ka! Anong ginawa mo kay Jaiho?!"
Tinulak ko ang isang lalaking nakaharang sa akin at sinuntok siya sa mukha, napatumba siya sa sahig. Sinubukan kong pakawalan ang sarili ko mula sa tatlo, ngunit hindi ko kinaya.
"P-pre..." hindi ko na nga napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala. Napaluhod nalang ako sa sahig at do'n nagsisisigaw. Hindi na nakaharang ang apat na kasama niya sa akin, ramdam siguro nilang nawalan na ako ng enerhiya dahil sa pag-iyak.
"Why the f*ck are you crying? He's not dead," saad ni Zhaile. Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
"A-ano?"
"Deaf, are we? Sabi ko hindi pa siya patay," pag-uulit niya. Bigla akong napatayo at akmang lalapit sa kaniya ng harangin na naman ako ng apat. Itinaas ko ang kamay ko upang ipaalam na wala akong balak suntukin ang lider nila. Pinadaan naman nila ako ngunit nakasunod sila sa aking likuran.
"Anong ginawa niyo sa kaniya? Bakit siya nagkaganyan?" tanong ko. Ngayon ay mas mahinahon na kesa sa tono ng pananalita ko kanina. Ginamit ko ang laylayan ng aking uniporme upang punasan ang mukha kong basang-basa dahil sa pag-iyak.
T*ngina! Lalaki ako eh, dapat hindi ako umiiyak.
"I'll tell you what happened, but I need your team's help," pauna niya.
"Anong tulong?"
"None of us in my group knows anything about syringes and dextrose, even this oxygen mask… the equipments and tools are ready but we need someone who have knowledge in the field of medicine," paliwanag niya.
Lumingon ako sa mga kasama ko na nakatali at umaasang meron kahit isa sa kanila ang may alam tungkol sa medisina.
"Narinig niyo naman siya diba, paki-usap, kung sino man ang may alam sa in—"
"Hmmm mmmmm mmm mmmmm!" naputol ang sinasabi ko ng marinig iyon. Tumingin ako kay Mikki na galaw ng galaw sa inuupuan niya at parang may gustong sabihin. Agad namang tinanggal ng isang lalaki ang tape sa bunganga niya.
"Aray ha! Kailangan talagang biglain?" masungit niyang baling ng matanggal na ang tape sa bunganga niya.
"Mikki…"
"Doctor ang mommy ko, at tinuruan niya ako dati kung paano magkabit ng dextrose and syringes no'ng nadisgrasya si dad. Baka makatulong ako," diretso niyang saad. Nakahinga ako ng maluwag, muli kong hinarap si Zhaile na naabutan kong sinenyasan ang kasama na kalagan si Mikki.
"Oh my gosh," napatakip ng bunganga si Mikki ng makita ang kalagayan ni Jaiho. Ganyan din ang naramdaman ko, awang-awa, kaya ramdam ko ang nararamdaman mo ngayon Mikki. "Omg, ang gwapo."
T*ngina…
"Zhaile, anong nangyari? Ba't nagkaganyan si pre?" tanong kong muli kay Zhaile, hindi ko nalang pinansin si Mikki dahil titig na titig siya sa gwapo ngunit duguang mukha ni pre.
"Miguel, explain it to him," utos ni Zhaile sa isa niyang ninja. Tumabi sa kaniya ang isa niyang kasama at tinanggal nito ang panyong nakatakip sa mukha niya. Nakangiti ito sa amin.
"Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaibigan niyo, ngunit nahanap lang namin ang katawan niya sa isang cave 'di kalayuan dito," saad niya. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig, gano'n rin sila Lesly, Ella at Lee.
"Ganyan na ang kalagayan niya ng matagpuan namin siya, kinupkop namin siya upang gamutin at isama sa grupo namin kapag nagising. Ishe-share ko lang pero, kami nila Z ay hindi magkagrupo."
"Huh?"
"Kaming lima ay hindi magkakagrupo. Namatay ang mga kagrupo ni Z, at ako naman ay pinagtangkaang patayin ng mga sarili kong kagrupo. Iniligtas ako ni Z at inanyayahang maging magkakampi, dahil sa utang loob, tinanggap ko ang imbitasyon niya. Gano'n rin ang nangyari kila John, Hay, at Greg, niligtas namin sila at isinama sa grupo," paliwanag niya. Hindi ko mapigilang mamangha kay Zhaile. Hindi ko alam na gano'n pala siya kabuti.
"So, you mean, wala ng kagrupo ang Jaiho na 'yan kaya isasama niyo siya sa grupo niyo kapag nagising na siya?" sabat ni Ella na nakaupo pa rin sa gilid. Tumango naman ang lalaking kaharap ko na Miguel ang pangalan.
"Gano'n na nga, kaya sana ay, mapagaling ng kasama niyo itong si Jaiho. Para magising na siya," sagot naman ng isa pang lalaki na nagtanggal na rin ng panyo. "Ako si Hayley, Hay in short."
"If you're thinking that we are bad guys, then you're wrong. Tinambangan lang namin kayo upang makakuha ng mga gamit niyo na pwedeng makatulong kay Jaiho. Sorry sa intrada namin," wika naman ng lalaking nagtanggal at naglagay ng tape kila Mikki. "I'm Greg."
"John at your service," pakilala naman ng lalaking kararating lang matapos i-prepare lahat ng gagamitin ni Mikki.
"Mukhang wala namang fracture sa ulo ni babyloves, kailangan ko lang tahiin ang sugat sa ulo niya and hintayin nalang natin ang paggising niya," sabat ni Mikki, na walang tigil sa paghaplos sa mukha ni Jaiho.
"Itigil mo nga 'yan," saway ko sa kaniya.
"Psh, selos ka? Hmph, hindi na ikaw ang type ko 'no," saad niya sabay irap. Nasapo ko nalang ang noo ko.
"Kung wala naman palang fracture sa ulo niya, bakit wala pa rin siyang malay? Simula no'ng mahanap namin siya kaninang umaga ay 'di pa rin siya gumigising," nagtatakang tanong ni Greg.
"Possible na dahil lang sa lakas ng pagkakauntog niya kaya hindi pa rin siya nagigising, but worry not, I assure you na wala siyang fracture."
"And how are you so sure?" tanong ni Zhaile.
"Sabi ko nga sa inyo na doctor ang mom ko, since kid pa ako tinuturuan ni mommy. There are times na ginagawa niya akong assistant tuwing may scheduled operation siya," pagmamayabang ni Mikki.
"Is everything ready?" baling niya kay John na nasa kabilang side ng stretcher.
"Yes maam, ikaw nalang ang hindi pa ready" sagot naman nito. "Ako muna ang magiging assistant mo, hindi ko nga pala nasabi na MedTech and course na kinuha ko."
"What? Ba't ngayon mo lang sinabi?" bakas ang inis sa tono ni Zhaile. Nakakunot noo rin siya. Napakamot ng leeg si John at awkward na napatawa.
"Sorry, Z. Hindi ko naman kase talaga kayang tahiin ng mag-isa ang sugat ni Jaiho, kase wala pa akong experience sa mga ganito," sagot naman ni John.
"Okay, I'm ready," saad ni Mikki na kakatapos lang maghugas ng kamay, inabutan siya ni John ng malinis na hand towel. Nagsuot siya ng surgical gloves at mask, nagsuot din siya ng surgical hairnet saka tumingin sa amin.
"I think you need to go outside, para makapag focus ako," wika niya. "Don't worry, this will be successful. I assure you."
"Make sure," sambit ni Zhaile at nauna ng lumabas ng bahay. Kinalagan na ng 3 alipores niya ang mga kasama ko at nagsilabasan na sila.
"Mikki, may tiwala ako sayo," saad ko.
"Jojowain ko pa 'to kaya 'wag kang mag-alala," sagot niya. Kahit natatakpan na ng surgical mask ang kalahati niyang mukha ay alam kong ngumiti siya dahil medyo naningkit ang kaniyang mata. Nagpakawala rin ako ng ngiti bago tuluyang lumabas.
"Hey," tawag sa akin ni Zhaile, saka lumapit pagkalabas ko. "Have you crossed paths with Zehiah?"
"Si Smiley? Hindi eh," sagot ko. Naupo ako sa isang bato malapit sa pintuan ng bahay.
"Jeez, where can I find that girl?" rinig kong bulong ni Zhaile sa sarili niya. Nakita ko nalang na napailing siya bago naglakad palayo sa akin, nagtungo siya sa kinaroroonan ng mga kasama niya.
Mukhang mahalagang mahalaga sa kaniya si Smiley, siguro ay gusto niya rin itong hanapin upang protektahan at bantayan. Hindi ko alam kung anong koneksyon nila sa isa't isa, ngunit malakas ang kutob ko na magkababata sila. Siguro ay nakalakihan na nilang magkasama sa lahat na oras, tapos si Zhaile ang tagapag protekta niya.
Pero hindi na 'yon ang kailangan kong isipin ngayon. Ang mahalagang isipin ko ngayon ay si pre.
Paano kaya siya nagkaganon? Nasaan na ang mga kasamahan niya? Nauntog ba siya sa bato o matigas na bagay, o sinagasaan? Pero hindi eh, malabong nasagasaan siya kase sa kweba siya nahanap. Sino kaya ang naglagay sa kaniya do'n?
"Big boss," tawag sa akin ni Lee, naupo siya sa katabing bato at tumingin sa pintuan ng bahay. "How mo siya nakilala? Kaibigan?"
"Oo, pre ko 'yon. Nakilala ko siya do'n sa camp, tapos nakasama ko siya sa Lost City," sagot ko.
"Only 3 days? Then, why are you so emotional?" sabat naman ni Ella na lumapit din sa'min.
"Hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa kaniya, para na siyang nakababatang kapatid para sa akin. Hindi ko nasabi sa inyo pero, mag-isang anak lang ako. Noon ko pa gusto magkaroon ng kapatid, gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng maging kuya," sagot ko. "No'ng nakilala ko si pre, magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Unang tingin ko palang sa kaniya ay alam kong mabuti siyang tao, at bigla nalang may kung ano sa akin na gusto siyang maging kapatid."
"Woah, woah. 'Di kami sanay sa drama mo Kelvin," ani Lesly na kakarating lang.
"Alam mo, sana pala hindi nalang nila tinanggal 'yong tape sa bunganga mo. Panira ka ng moment eh 'no," saad ko at umaktong babatukan siya.
"Just kidding, hayy… hindi ko in-expect na may knowledge pala si Mik sa medicine field," sambit niya. Naupo siya sa lupa at tumingin sa kalangitan na natatakpan ng matatayog na puno. Madilim ang paligid ng bahay dahil nasa loob ito ng gubat, ngunit may nagbibigay liwanag naman sa madilim na gubat. Maraming nagliliparang alitaptap na ang gandang pagmasdan.
"Even me, I didn't expect anything from her. Akala ko sa pagiging malandi lang siya magaling," wika naman ni Ella.
"Ahy true, agree ako diyan El," pagsang-ayon naman ni Lesly. Natawa pa siya ng bahagya dahil sa sinabi ni Ella.
"Harsh kayo, sumbong ko kayo kay Mikki," sabat ni Lee. Bigla siyang binigyan ng masamang tingin ng dalawa. "Joke lang, ito naman. Agree din naman ako eh,"
At nagtawanan sila.
Ilang minuto pa ang tumagal ay bumukas na ang pinto at lumabas si Mikki. Puro dugo ang surgical gloves niya.
"Guys, you need to see this," saad niya at bumalik muli sa loob. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko bago tumakbo papuntang loob. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa tono ng pananalita ni Mikki kanina, para bang may maling nangyari.
"Why? What happened?" tanong ni Zhaile na hinawi kami upang makadaan siya.
"I don't know kung paano nangyari 'yon, pero fully healed na 'yong sugat sa ulo niya. Hindi na kailangang tahiin and whatsoever," sagot ni Mikki na nagtanggal na ng surgical mask at gloves.
"Then why are your gloves full of blood?" takang tanong ulit ni Zhaile.
"'Yon nga nga, fresh pa 'yong dugo sa buhok ni Jaiho, but then, 'yong sugat healed na," bakas ang mangha at gulat sa boses ni Mikki.
"Huh?"
"Paanong nangyari 'yon?"
"Is that even possible?"
Napuno ng pagtataka ang silid dahil sa sinabi ni Mikki. Maski ako ay nagulat. Paanong nangyari 'yon? Paanong fresh pa ang dugo pero hilom na ang sugat?
"I don't think it's possible, or maybe it's just that, his platelets responds immediately to close the wound. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin dapat fully healed kase as in, fresh pa 'yong dugo. May tuyong dugo na siya sa ulo kaya masasabing ilang oras na ang nakalipas no'ng nauntog siya, but dahil nga hindi agad nacover 'yong wound niya ay nag fi-free flowing pa rin ang dugo niya kanina lang, not until, tatahiin ko na sana kanina," paliwanag niya.
"Milagro?" tanong ko.
"'Yan lang ang naiisip ko na dahilan kung bakit healed na agad ang sugat niya. Maybe it's a miracle."
"Pero okay lang ba 'yong kalagayan niya? Healed naman na diba? Ba't di pa sya nagigising?" takang tanong ko.
"His body is tired, kailangan niya pa ng karagdagang pahinga. And, dehydrated siya kaya kinabit ko na ang dextrose," sagot niya at itinuro ang nakasabit na dextrose. "Mataas ang possibility na magising na siya bukas ng umaga or hapon."
"Phew… then, okay na right? Hintayin lang na magising sya?" tanong ni Miguel, tumango naman si Mikki bilang sagot.
"Finally, makakatulog na tayo. Let's rest na," masiglang saad ni Hay. Inakbayan niya sila John at Hay, tapos ay nagtungo na sila sa isang kwarto, siguro ay matutulog na.
"Let's take a rest na rin," saad naman ni Ella at nagtungo na rin sa isa pang kwarto, sumunod sa kaniya si Lesly.
"Make sure he'll wake up tomorrow," paalala ni Zhaile kay Mikki.
"I assure you, 101%," confidence na sagot naman ng babae. "If you excuse me, magpapahinga na rin ako."
Inalis niya na ang mga ginamit niya at nagtungo na sa kwartong pinasukan nila Ella. Liningon ako ni Zhaile, binigyan niya lang ako ng simpleng tango at nagtungo na sa kwartong pinuntahan ng apat niyang kasama.
"Big boss, sure si Mikki. Trust na lang tayo kanya," saad ni Lee at tinapik ako sa balikat.
Sana nga, magising na siya.
— 新章節待更 — 寫檢討