Kai: Napakalakas ng pagyanig dahilan siguro ito ng pagbubukas ng mga naglalakihang pader. Pero hindi ito ang pakay ko may kinakailangan akong hintayin upang magawa ko ang misyon ko.
Nakalabas na ang lahat ng mga
pangkat at sinimulan na nila ang kanilang paglalakbay.
Kaloy: Magiingat kayong dalawa Ethan ipapaubaya kuna sa iyo ang kapatid ko pakiusap protektahan mo siya.
Ethan: Oo naman at salamat narin sa tiwala mo sa akin.
Bethina: Mag iingat ka kuya Kaloy gabayan ka sana ng Nakatataas.
Kaloy: Ganun din sa inyo tama na ang usapan kilos na..
Sa pangkat ng ikaapat na grupo na pinamumunuan ni Mang Sael.
Mang Sael: Maging matagumpay sana ang paglalakbay na gagawin nating ito. Ferdinand ikaw ang mamumuno sa kanila sa oras na may mangyaring masama sa akin.
Ferdinand: Masusunod.
Mang Sael: Kumilos na tayo..
Sa kabilang dako kung saan ay nandoon sina Wilam at Henry.
Wilam: Buti nalang at mabilis ang kabayong nasakyan natin kung kaya't naabutan natin sila bossing.
Henry: Oo nga.
Sumigaw ang dalawa upang marinig sila ni Astarsus.
Henry at Wiliam. Bosinggggggg!!!
Astarsus: May tumatawag ata saakin.
Tumungin si Astarsus sa kaniyang likod ngunit wala siyang nakita kung kaya't nagpasya yang huminto ng ilang sandali upang siguraduhin kung may tumatawag sa kanya hanggang sa may nakita siyang dawalang puting kabayong papalapit sakanya.
Astarsus: Kayu pala yan at bakit ngayun lang kayo nasaan si Kai?.
Wiliam: Nako pasensya na bossing pinaiwan kasi ng hari si Kai kung kaya't hindi namin siya kasama rito.
Henry: Buti na lamang at naabutan ka namin bossing.
Astarsus: Buti nga't naabutan ninyo ako.
Agad nilang tatlo na pinagpatuloy ang kanilang paguusap habang naglalakbay.
Wiliam: Matanong ku ngalang bosing bakit kailangan mo pa kami sa miayon na ito?.
Henry: Oo nga po ano hu ba ang dahilan ninyo at kinakailangan nyo pa kaming tatlo samantalang bata batalyong sundalo ang kasama ninyo.
Astarsus: Hindi magiging madali ang suliranin na ating kakaharapin natin ngayon.
Wiliam: Anu hung ibig ninyong sabihin.
Astarsus: Isang binata ang ating makakaharap kakaiba ang binatang iyon. Sapagkat kaya nyang gamitin ng sabay ang apat na elemento. At siya rin ang dahilan kung kaya't hindi makita ng palasyo ang nagaganap ngayon sa buong lupain ng lupang biyaya.
Henry: Mukhang magiging masaya ito.
Wiliam: Eh anu naman kung ganon nakatitiyak naman ako na kakayanin mo siyang mag isa bosing.
Astarsus: Kung siya lang mag isa oo pero.
Wiliam: Pero?
Astarsus: Makakaharap natin ang dalawa sa magkapatid na Cantuba.
Wiliam: Si Kaloy at si Bethina?.
Astarsus: Oo ayon ang dahilan kung kaya't kinakailangan ko kayung tatlo dito.
Henry: Anung ginagawa ni Bethina? Bat kinakalaban na ang Datu?..
Astarsus: Hindi ko alam pero nakatitiyak ako na may ginawa ang misteryosong binata sa kanya kung kaya't nakianib sila dito.
Wiliam: Ako nang haharap kay Kaloy.
Astarsus: Kaming dalawa naman ng babaeng iyon ang haharap sa misteryosong binata. At ikaw Henry ikaw ang haharap kay Bethina.
Henry: Masusunod po!.
Wiliam: Naka sisiguru huba kayo na kayang talunin ni Henry si Bethina? Alam nyo naman pong iniibig ni Henry si Bethina.
Astarsus: Naniniwala ako na mapapabalik ni Henry ang loob ni Bethina kung kaya't siya kinakailangan niyang harapin si Bethina.
Patuloy ang tatlo sa kanilang pag uusap hangang sa nagmadaling umalis si Celestiya kung kaya't naunahan sila nito.
Astarsus: Hoy sandali! Lang hintayin mo kame.
Wiliam: Hay nako kahit kailan amg babaeng iyon
Henry: Hmp!
Astarsus: Kailangan kung sundan ang babaeng yon at baka may binabalak siyang kakaiba. Hahatiin natin sa tatlo ang pangkat. Kayo ng bahala kung saang direksyon kayo pupunta ang importante makarating tayong lahat sa mga pader na iyon.
Agad agad na sinundan ni Astarsus si Celestiya ngunit sadyang matulin ang kabayong sinasakyan nito kung kaya't naunahan nito ang kanyang mga kasama at si Astarsus.
Astarsus: Bwisettt! Kahit kailan ang babaeng iyon.
Wiliam: Hay iniwan nanaman tayo saang dereksyon mong gustong pumunta Henry?.
Henry: pupunta ako sa silangang bahagi .
Wiliam: O siya sige patutungo naman ako sa kanluran magkita kita nalang tayo sa oras makararing na tayo sa ating paroroonan.
Agad agad na naghiwalay ang dalawa kasama ang mga sundalo na kasama nila.
Sundalo: Mawalang galang na po Wiliam. Bakit kinakailangan pa nating pumunta sa silangan at kanluran hindi huba mas makabibilis kung derederetso tayo maglalakbay?.
Wiliam: Alam ko magtiwala kalang na tama ang desisyon natin na ito..
Patuloy paring sinusundan ni Astarsus si Celestiya ngunit hindi nya na malaman kung saang direksyon tumungo ito hangang sa nakaratin na si Celestiya sa labas ng mga naglalakihang pader.
Celestiya: Kung ganon eto na pala iyon? Pero papaano ako makakapasok.
Patuloy na naghahanap si Celestiya ng paraan upang makapasok hangang sa may narinig siyang tinig.
Kamusta naunahan mo pala sila magaling tunay ngang isa ka sa mga Shcnieder.
Celestiya: Sino ka?
Kai: Ako lang to mahal na raja Celestiya.
Celestiya: Anung ginagawa mo dito?.
Kai: May kinakailangan lang akong gawin mahal na raja at ikaw anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay sabay sabay kayung makakarating dito.
Celestiya: May kailangan lang ding akong gawin kung kaya't tulungan mokong makahanap ng paraan upang makapasok.
Kai: Masusunod mahal na raja.
Makalipas ang ilang sandali ay tinawag ni Kai si Celestiya sapagkat nakahanap ito ng daan kung papaano makapasok.
Kai: Mahal na raja halika pumunta ka dito.
Celestiya: Nakanap kana ba ng paraan upang makapasok tayo dito?
Kai: Opo mahal na raja. Sa tingin ko itoay isang lagusan upang makapasok sa loob.
Agad agad namang pumunta si Celestiya hangang sa.
Celestiya: Huwag mokong pinagloloko wala namang lagusan anung lagusan ang pinag sasabi mo?.
Kai: Lagusan patungo sa iyong kamatayan!!.
Nagulat si Celestiya sa nangyare kung kaya't nasaksak siya nito.
Kai: AHAHAHAHAHAHAHHAHA!! Sa wakas nagawa ko rin!! AHAHAHAHAHAH!.
Patuloy ang pagtawa ni Kai hanggang sa may sumaksak sa kanyang likuran.
Shkkk!.
Kai: Paano?
Celestiya: Baka nakakalimutan mong isa akong Schneider dalawang elemento ang kakayahan kong gamitin kung kaya't meron ang gift.
Kai: Anong gift ang meron ka? Kung kaya't nalaman mo ang binabalak ko?..
Celestiya: Anung gift ang meron ako? Kakayahan kong makita ang mga posibleng mangyari. Ayun ang dahilan kung kaya't nagmadali akong pumunta dito at upang tapusin ka pero may hanganan rin ang aking kakahayan kung kaya't sabihin mo kung ano ang dahilan mo kung bakit gusto mokong patayin.
Kai: Pero nagawa kitang saksakin kanina sa puso pa ang tamaan ko.
Celestiya: Tignan mo ang nasa harapan mo tignan mo kung ako ngaba ang nasaksak mo.
Tumingin si Kai sa kanyang harapan at nagulat ito sa kanyang nakita.
Kai: Imposible!! Isang lupa?.
Celestiya: Ang nasaksak mo ay isang clone lang kung kaya't hindi tlga ko ang iyong nasaksak.
Hindi matangap ni Kai ang nangyari kung kaya't nagpupumilit itong makatakas sa pag kakasaksak sa kanya ni Celestiya hangang sa makawala ito.
Kai: Papatayin kitang babae ka!! Fire element elemental fuse!..
Celestiya: Pinagsama nya ang apoy sa kanyang sandata kung kaya't umaapoy na ito at hindi lang iyon sa oras na masugatan ako nito. Matinding pinsala ang maaring mangyari saakin dahil sa napakainit ng sandata nito. Masama ito.
Agad agad na inatake ni Celestiya si Kai upang tuluyan ng tumigil at mamatay ito.
Celestiya: Water element spit of the water dragon!!.
Patuloy ang labanan ng dalawa hangang sa nasaksak ni Kai si Celestiya at dahil nga sa grabe ang natamo nito sa kanilang laban ay unti unti na itong nanghina.
Celestiya: Dahil sa tubig at apoy ay dumilim ang paligid nasan na ba siya bigla siyang nawala.
Kai: Mamatay ka!!.
Shkkk!!
Celestiya: Wala ka talagang balak sumuko pero malapit ka ng mamatay.
Kai: Gusto mong malaman kung ano ang dahilan kung kaya't gusto kitang tapusin o siya sige. Kinakailangan kong gawin ito sapagkat ito ang utos ng datu na iyong pinsan. At sa oras na maging matagumpay ang pagpaslang ko sa iyo nangako sya na pakakawalan nya ang aking mga magulang sa pagiging alipin.
Sinabi ni Kai ang dahilan kung kaya't ginawa nya ang lahat ng iyon hangang sa unti unti ng nanghina ang kanyang pagsasalita at nawalan ito ng buhay. Samantalang hindi makapaniwala si Celestiya sa kanyang mga narinig at dahil na ngarin sa sugat na natamo nya ay maya maya'y nawalan ito ng malay.
— 新章節待更 — 寫檢討