下載應用程式
77.77% The Doctor And His Innocent Model (Tagalog) / Chapter 7: 7 Chapter 6

章節 7: 7 Chapter 6

Chapter 6

- Angelo's POV -

Nang nakalabas ako ng banyo ay tumambad sa akin ang asawa kong parang aagawan sa kinakain nyang crepe cake. Sobrang bilis at parang ayaw pang magtira ng kahit na isang bahagi.

"I'm done." Anonsyo ko sa kanya. Nilingon nya ako tapos tumango lang.

"Ok." Maikli nyang sabi. Dahil sa ikli ng sagot nya ay agad akong lumapit sa kanya. 

"May problema ba?" Tanong ko ng makaupo ako sa tabi nya.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Sagot nya.

"Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" Tanong ko pa na medyo kinakabahan na din. Mas lalo akong kinabahan ng tumango sya sa akin. Napabuga ako ng hininga at napalunok bago ko kunin ang susi ko.

Nang makalabas ako ay nakatingin sila sa akin pero hindi ko sila at patakbo akong pumunta sa kinaroroonan ng kotse ko at dinala ko iyon sa harap ng bahay.

"Angelo, what's happening?" Tanong nila. Pero hindi ko parin sila pinansin. Mabilis ang naging kilos ko at nang makapasok ako ay wala nang malay si Finnei at dinudugo na din sya.

Mabilis ko syang binuhat at walang pinandin sa mga taong madadaanan namin dahil mas inaalala ko ang asawa kong walang malay at ang anak kong nasa sinapupunan nya.

Nang maisakay ko sya sa kotse ay mabilis akong nag-drive papunta ng pinakamalapit na ospital. Nang makarating kami sa pinakamalapit na ospital ay agad ko syang dinala sa emergency room.

"Anak, anong nangyayari?" Biglang sulpot nila. Humarap ako kay Mommy at yumakap sa kanya.

"Mom, yung mag-ina ko." Naluluha ko nang sabi habang nakayakap sa kanya.

"Shh... They're going to be okay. Don't worry and let's pray for the both of them." Pagpapakalma nya sa akin pero hindi parin ako binitawan.

LUMIPAS ang tatlong minuto at lumabas na ang doktor na tumingin kay Finnie. Agad ko syang nilapitan at agad na nagtanong sa kanya kung anong lagay ng mag-ina ko.

"Doc. Sanchez, ano pong lagay ng mag-ina ko?" Tanong ko.

"They're okay. Masyado lang syang na-stress kaya medyo dinugo sya. I suggest na ilayo mo muna sya sa mga bagay na nakakapagpa-stress sa kanya." Sabi nya tapos nagpaalam nang aalis. Agad akong pumasok ng kwarto ni Finnei. Kanina pa umalis ang mga kasama namin.

"Hey." Bati ko sa kanya ng makapasok ako. Agad nya akong humarap at nakita kong naluluha sya. Pilit ko syang nginitian at hinawakan ang isa nyang kamay.

"Kuya, akala ko mawawala na si Baby sa atin." Naluluha nyang sabi.

"Shh... Wag ka nang umiyak. Ok na ang lahat." Sabi ko pa tapos pilit ulit syang nginitian.

"I'm sorry." Sensero kong sabi. "Kung hindi ko sana pinatulan ang kuya mo, hindi ka sana naospital."

"Shh... It's not your fault. Tama na, nangyari na ang nangyari kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo." Sabi nya tapos hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

LUMIPAS ang dalawang buwan at hindi kami naka-attend ng kasal nila Zeir dahil hindi maganda ang lagay ni Finnei at naka-confine sya dito sa ospital. Tumataas kasi ang blood pressure nya, minsan naman ay bumababa kaya hindi sya pwedeng iuwi.

Habang nagtra-trabaho ako ay pumupuntahan ko parin sya kapag may libre akong oras. Binibisita din sya ng mga kaibigan namin at muhkang hihintayin nalang namin ang panganganak nya.

Pero kinakabahan ako dahil sabi ng doktor nya ay maaaring hindi daw hindi kayanin ni Finnei ang panganganak nya kung ganito parin ang lagay nya at baka maapektohan din ang anak namin.

'Anong gagawin ko kung magkataong papiliin ako? Sino ang pipiliin ko? Ang asawa ko o ang anak namin?'

Hanggang sa dumating na ang araw na kinakatakutan ko. Habang papunta ako ng kwarto ni Finnei ay nagkakagulo at nalaman ko nalang manganganak na nga ang asawa ko.

Agad kaming kumilos at inayos lahat ng mga kailangan sa panganganak nya. Kahit na kinakabahan ay pinilit kong kumalma dahil ayokong makagawa ng hindi maganda.

MAKALIPAS ang ilang oras ay naging maayos namab ang panganganak ni Finnei. Nakatingin ako sa kanya habang natutulog sya at nakahinga talaga ako ng maluwag dahil maayos sila.

Akala ko ay hihimatayin ako sa tuwa ng masilayan ko sa unang pagkakataon ang anak ko. Maganda ang mga labi at mga mata nito. Sobrang lakas din nitong umiyak at tumigil lang ng itabi sya sa mommy nya.

Inilipat na ng kwarto si Finnei at ang anak naman namin ay nasa nursery room. Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Finnei habang nagpapahinga sya. Hawak ko ang isa nyang kamay habang katabi ko sya.

Bumukas ang pinto kaya agad akong napalingon doon. Nagulat ako ng makita kong ang mga magulang pala namin ang mga iyon at may mga dala silang prutas.

"Kumusta na sya?" Tanong ni Tita Fey.

"Ok naman, po. Maayos naman po. Nagpapahinga lang." Nakangiti kong sagot.

"Nasaan ang apo namin?" Tanong naman ni tito Dewei.

"Nasa nursery pa, po. Dadalhin na---" napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang pinto at pumasok ang kambal kong hila-hila si Finlay.

"Halika na kasi." Sabi nya habang hinihila si Finlay. Umiiling-iling na pumasok naman si Finllein at kasunod ang ang kapatid kong namumula na ewan.

"Tumigil nga kayo. Baka magising nyo si ate. Ikaw naman kuya, para kang t*nga---"

"Llein!" Saway ni tita kay Finllein.

"Sorry. Wag ka na kasing magpahila. Kalalaking tao, ehh." Mataray na sabi ni Finllein.

"Saan ka pa natututong magsalita ng ganyan, Finllein?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni tita. Nilingon naman ni Finllein ang ama nila at ng lingonin din sya ni Tita ay sumipol-sipol nalang ito.

"Dewei...!!" Galit na sabi ni tita tapos pinaghahampas ng dala nyang purse si tito. Nahinto sila ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na dala na ang anak namin ni Finnei.

Agad akong lumapit sa nurse at kinuha sa kanya ang anak ko. Lahat din sila ay lumapit sa akin at nakiusyoso sa anak ko habang buhat ko ito. Parang gusto pa nga nila akong agawan.

"Doc, babalik po ako after 30 minutes." Sabi ni nurse Yana.

"Sige, salamat." Sabi ko din ng lingonin ko sya. Agad syang lumabas at kami naman ay nilaro na ang anak ko.

"Ang cute naman ng bata na yan..." Sabi ko habang hawak ang maliit nyang kamay. Napaigtad ako ng may bigla akong maisip na parang nakalimutan ko.

"Ohh? Anong nangyari sayo? Bakit na tulala ka?" Tanong ni Angeline sa akin.

"Saglit, parang may nakalimutan ako, ehh." Sabi ko at pilit na inalala kung ano iyon. Nanlaki ang mata ko at agad na lumapit sa telepono.

"Ohh, sino tatawagan mo?" Tanong naman ni Mommy.

"Hello, nurse Lovely? Nasaan yung isa kong anak?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Anong isang anak, kuya?" Takang tanong ni Angeline. Agad akong napalingon sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa non si nurse Yana.

"Sorry, sir. Nakalimutan ko si baby girl. Hindi po kasi sila magkatabi kanina." Nakangiwing sabi nya habang kinakamot-kamot pa ang ulo.

Ako naman ay nakahinga ng maluwag at itinabi ko ang anak ko sa kambal nya. Nagpasalamat ako kay nurse Yana bago sya umalis. Tapos dinala ko ang mga anak ko sa tabi ng asawa ko.

"K-Kambal!..." Impit na sigaw ni Angeline. Lahat sila ay nagulat at namangha dahil kambal nga ang anak namin ni Finnei.

- Finnei's POV -

Nang magising ako ay katabi ko ang kambal ko at kapwa sila matutulog sa tabi ko. Habang mahina silang kinakantahan ng daddy nila habang nakaupo ito sa tabi ng kama ko.

Nang lingonin nya ako at nagtama ang paningin naming dalawa. Agad syang ngumiti at lumapit sa akin para halikan ako pagkatapos ay sabay kaming ngumiti sa isa't isa.

"Ok ka na?" Tanong nya.

"Ok lang. Medyo nanghihina pa, pero kaya naman." Nakangiting sabi ko at lumingon naman sa mga anak ko. Agad akong napangiti ng makita ko ulit ang mga muhka nila.

Noong nauna kong nakita iyon ay sobrang saya ko na at hanggang ngayon ay parang sobrang saya ko parin. Nakangiti akong bumitaw ng hininga dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Ang cute nyo..." Puno ng galak kong sabi at hinawakan ang mga pisnge nila. Napangiti at nagulat ako ng ngumiti ang ito sa akin.

"Nakakatampo na talaga. Nginingitian ka nila tapos ako, hindi." Nakangusong sabi ng asawa ko.

"Haha. Wag ka na magtampo, masasanay din ang mga yan sayo, daddy." Sabi ko tapos nginitian sya at nilingon ulit ang mga anak namin.

"Daddy... Ang sarap pakinggan non, mommy." Nakangiting sabi nya na mahina kong ikinatawa. Napaigtad ako ng hawakan nya ang mga pisnge ko. "I love you, Finnei." Parang baliw na nakangiti sya habang sinasabi nya iyon sa akin.

"I love you, too." Matamis kong sagot sa kanya.

MAKALIPAS ang ilang mga linggo ay nakalabas na ako at hindi pa muna pumasok ang si kuya dahil tutulungan nya daw muna ako sa kambal. Medyo mahina pa din kasi ako.

Tinatawagan na din ako ng CEO namin pero hindi pa ako pumapayag pumerma ng kontrata dahil masyado pa akong mahina ngayon at gusto kong medyo lumaki muna ang mga anak ko bago ako bumalik sa trabaho.

Kahit ayaw din ni kuya na magtrabaho pa ako dahil hindi daw namin maaalagaan ng maayos ang mga anak namin kung parehas na kaming mag-tra-trabaho agad.

- To Be Continued -

(Sun, June 20, 2021)


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄