下載應用程式
41.17% My Husband's Revenge / Chapter 14: Chapter 14

章節 14: Chapter 14

Arabella woke up at hindi na siya nagtaka kung bakit ganon ang ayos niya pagkagising. Naalala niyang sumakay siya sa sasakyan ni Tyron at nakatulog siya sa balikat nito. Sa pagod niya ay di na niya namalayan kung paano siya ipinasok sa kanyang kuarto, malamang binuhat siya nito otherwise si Ronie ang inutusan nitong maglagay sa kanya sa kuarto. Ipinagkibit balikat na lamang niya iyon, magpasalamat na lamang siya dahil nakauwi siyang safe kahit wala siyang kamalay malay. By this time wala naman na ang mga taong involve sa pag uwi niya, pasalamatan na lamang niya si Ronie kapag nakita niya ito. Si Tyron? He might be in his world again, yung malayo sa kanya at hindi siya nakikita. Well, that's life, gawain naman nito yung pakiligin siya ng konti tapos he's nowhere to found again. Tinawanan niya ang kanyang sarili, whats new to them? kaya imbes na magsenti dahil namimiss niya ang binata ay bumangon na siya at tinungo nag banyo. Since sabado ngayon ay pupuntahan niya sinabi Anna para kumustahin ang mga ito, lalo na si tatay Alfredo na nagpapagaling pa. Magluluto na lamang siya para may pananghalian sila mamaya, titignan pa niya kung anong wala sa store nila pala makapamili sila ni Anna ng kapalit. Bukod sa pagpapakumpuni ng barong barong nila ay binigyan niya din ang mga ito ng sari sari store para hindi na sila pumupunta sa kalye para mangalakal at may makakasama ang kanilang tatay habang nagpapagaling.

Pagkaligo ay nagsuot lang siya ng pambahay, oversize tshirt na puti. Nagsuklay lang din siya at nagpulbo then lumabas na sa kuarto para ihanda ang lulutuin.

Pagpasok niya sa may kusina ay natigilan siya ng makita si Tyron na naghahanda sa may mesa. Nakawhite sando na napatungan ng bulaklaking apron. Gayun pa man ang gwapo at napakafresh pa rin nitong tignan. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil nagsisimula na naman siyang mahead over heels dito. Kinumpos niya ang sarili at tumikhim siya bago lumapit dito.

" Good morning!" pasimpleng pahayag ng dalaga, habang dumirecho sa cupboard.

" Hi! I cooked breakfast, tamang tama kakain na tayo", saad nito habang nilalagay ang mga niluto sa mesa

" Woow! nagluluto ka rin pala, magkakape ka ba?"

"Not quite, kapag may time lang.. Yes please!"

" With cream and sugar?"

" No cream, no sugar",

" Ok!", anang dalaga habang napapataas ng kilay dahil sa preference nito. Parang hindi pa niya nasubukang uminom ng kape nang walang asukal.

Inilagay niya sa saucer ang tinimplang kape at inilapag sa mesa. Siya narin kumuha ng kubyertos para sa kanilang dalawa. Hot dog at sunny side up na itlog ang niluto nito. Lihim pa njyang pinuri ang binata dahil perfect ang pagkakaluto ng itlog, siya kasi ay kung hindi nadudurog yung yellow ay nagkakahiwalay ang mga ito.

" Hows my cooking skills?", maya maya ay tanong nito nang magkaharap na sila sa mesa. Napatigil siya sa pangnguya at kunwari ay nag isip siya kahit nag eenjoy siya sa pagkain o di kaya ay ganang gana siyang kumain dahil kaharap niya ito.

" What?", untag nito sa ginawi niya.

" Ok na rin, lasang itlog at hotdog pa naman", nakakalokang pahayag niya at napatawa iyon ng malakas. Sa sarap ng tawa nito ay parang pati ito ay gusto niyang kainin. Woah! ano bang naiisip niya?

" At least, the taste remains! Hows your sleep? Sobrang pagod ka yata, para kanang manteka kapag tulog",

" Its totally fine! pakisabi kay kuya Ronie salamat and sorry kasi sobra akong mabigat", medyo nakatawa pa niyang pahayag. Inassume na lang niya na si Ronnie ang nagbuhat sa kanya dahil baka madissappoint lang siya kung hindi magkatotoo ang inaasam niyang ito nga ang nagdala sa kanya sa kuarto kagabi.

" He said your welcome, at hindi ka daw mabigat, mas magaan ka pa daw sa papel", seryosong pahayag nito at pasimple niya itong tinignan mula sa pagkakayuko.

Nagulat pa ang kanyang puso nang magmeet ang mga mata nila, nakatingin din pala ito sa kanya at napakaseryoso ng mukha.

Parang napaso niyang ibinalik sa pagkain ang kanyang tingin. Parang nakakatakot salubungin ang mga mata nito, kung hindi siya mahihipnotized ay baka mapapanganga nalang siya dito.

" Did that mean, he carried you before?",

" Ha? Nooo! Ano ka ba? alangan naman ikaw ang nagbuhat sa saakin?",

" Who else?" nakapangunot na tugon ng binata at napailing nalang siya dito.

" Well, thanks to you! Pakidagdag na rin itong napakasarap na agahan", ang dalagang nakatawa ngunit bigla siyang tumigil nang seryosong nakatitig ito sa kanya. Again, nararamdaman na naman niya ang panghinina ng tuhod ganon na rin ang pagtibok ng kanyang puso ng malakas

" I'll do the dishes, just go ahead", mabilis niyang pahayag. Tutal tapos naman na ito, baka pwede na itong mag exit dahil nawawalan siya ng katinuan kapag ito ang nasa harapan. Linigpit niya lahat ng pinagkainan nila at nilagay sa lababo, isinuot ang apron na suot ni Tyron kanina at pinusod ang buhok.

" What's your iterenary today?", pahayag ni Tyron. Sinundan siya sa lababo at nakahalukipkip habang isinandal ang likod malapit sa zinc na nakaharap sa kanya.

" Magluluto lang ako then pupunta kina Anna",

" Ok, what time ka aalis?",

" Mga 10, or after akong makapagluto" saad niya at tumango tango iyon.

Maya maya ay hinawi nito ang nakausling buhok sa kanyang mukha. Tumigil ang iba niyang mga senses pero hindi siya nagpahalatang kinilig siya sa ginawi nito.

" I like you, bareface!", pahayag nito, it sounds sexy in her ears pero hindi siya nagpatinag sa nararamdaman.

" Hahaha! Thank you. I also like you go away! Magluluto na ako at kailangan ko nang napakalaking space", sarkastikong pahayag niya at nginitian pa niya ito ng nakakaloka.

She learned her lesson, wag na siyang magpanipaniwala sa mabulaklak nitong sinasabi because at the end of the day he will be out again in his sight na wala man lang pasabi.

Imbis naman na tumalima ang binata para umalis ay lalo lang siyang inasar. Sinusundan sundan siya nito kahit anong galaw ang gawin niya. Katulad ng kuhanin niya ang lulutuin niyang sugpo sa ref, nakatayo iyon sa side habang nilalabas niya ang ibang ingredients. Pagpunta naman niya sa cabinet para kumuha ng saingan sa lulutuin ay nandon din iyon habang nakahalukipkip.

" Hindi ka nakakatuwa, leave me alone!",

" Wala akong ginagawa ha?" nakatawa lang na saad nito na itinaas pa ang dalawang kamay.

Inirapan niya ito pagkatapos ay tinalikuran para kunin ang nga ibang sahog ng kanyang lulutuin.

" Hey! I just want to see your cooking style", paliwanag nito habang sinundan siya ulit. Kung kayat pagbaling niya dito ay nilagay sa kamay nito ang mga sibuyas at luya ganun din ang labanos at talbos ng kangkong.

" Pakibalatan po. Thank you!" ang dalaga na kinuha pa ang kutsilyo at salaan pagkatapos ay nilapag sa mesang kaharap nito.

Hindi naman makapaniwala si Tyron sa ginawi niya ngunit pailing iling na lang ito na sinunod ang kanyang utos. Maya maya ay pinagkukuha na niya ang mga linilis nitong sahog at nilagay sa niluluto. Napasinghot singhot pa ito nang mag amoy masarap ang kusina dahil sa kanyang niluluto.

" Hmmmm smells good and yummy!", saad nito sa kanynag likuran habang tinitimpla niya ang niluluto. Naramdaman niyang ang katawan ng binata sa kanyang likod dahil feeling niya ay libo libong voltahe ang kuryente ang nagtransfer sa kanyang katawan. It felt good and at the same time erotic ang magkalapit ang kanilang katawan pero pinigilan niya ang sarili. When Tyron is calmer or sweet, he is dangerous. Mas gusto niyang nagsusungit ito sa kanya atleast hindi nag-aasume ang kanyang puso.

" Ikaw naman ang titikim baka kulang ang panlasa ko", inilagay niya ang sandok sa kamay nito saka yumuko para makaalis sa pagitan ng binata at ang lutuan. Magproprotesta pa sana iyon pero nakalayo na siya dito.

Tinungo niya ang lagayan ng mga luch box at kumuha para sa kanyang niluluto.

" This is perfect!", narinig niyang bulalas ng binata, tinignan niya lang iyon saka umiling iling na pinagpatuloy ang ginagawa habang kanda hihip ang binata sa kakatikim sa kanilang niluluto.

Inihahanda niya ang lulutuing adobo ng tumunog ang cellphone ng binata. Nakailang ilang tunog din yun bago nito kinuha.

" I got this", paalam nito sa kanya bago lumabas sa kusina na tinanguan lang naman niya.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa, ano bang pakialam niya sa mga personal calls nito. Hindi pa ba siya sanay na kapag may calls ito ay bigla nalang nawawala ng ilang araw at bigla nalang ulit lilitaw kung kailan nito gusto. Nginitian niya ng mapait ang sarili, hindi siya dapat makaramdam ng kung ano ano kasi mulat sapul ay ganun na nature ng relationship na meron sila. The best she can do is to distance herself from him kahit ano pa mang pagapapacute ang ginagawa nito sa harap niya. Hindi ang kagaya ni Tyron Alegre ang basta nalang naaatract sa kung sinong poncho pilata, the thing is gusto lang nitong maglaro at pinaglalaruan lang kanyang puso.

Natapos na siya sa kusina ngunit di na niya nakita ang binata. Nasa room siguro nito ngunit ipinagkibit nalang niya ng balikat, bagkus naghanda na siya para mas maaga siyang makarating kina Anna. Simpleng puting bestida lang at fliptop na sandal ang isinuot. Ipinares ang maliit na pulang sling bag para sa kanyang wallet at cellphone. Tinalian lang din niya ng simpleng ponytail ang kanyang buhok, nagpulbo lang din saka naglagay ng kaunting lip gloss. Pagtingin niya sa salamin ay natawa sa sarili, bumata siya ng ilang taon sa kasuotan compare kapag pang corporate ang kanyang suot.

Paglabas niya sa kuarto ay napatigil siya ng makita si Tyron sa sala, prenteng nakaupo sa sofa at tila naghihintay. Nakajeans lang din ito ng itim ganun din ang suot na tshirt, sapatos at cap. Ang bata nitong tignan, malayong malayo kapag naka coat and tie. He is so cute and super charming at di niya mapigilan ang hindi mangiti. Palagay niya isa siyang teenager habang nakikita ang kanyang crush.

"Its either you hooked with my charm or you're mocking at me? ", saad nito na nakatayo na pala. Nakahalukipkip at mariin din ang ginawang pag inspection sa kanya.

" In your dream! natuwa lang ako dahil hindi ka nakabusiness attire", inirapan pa niya kuno at pumasok sa kusina.

" Really? akala ko nahipnotized ka dahil sa kagwapuhan ko", ang binata na nakasunod din sa kanya patungo sa kusina.

Napatawa nalang din ang dalaga sa tinuran ng binata, alam niyang nagjojoke lang yun dahil never naman niyang narinig na pinagmalaki nito ang itsura. Inilagay niya lahat sa basket ang mga nakaluch box na niluto niya and shes ready to go. Nagulat pa siya nang iinsist nito na siya ana ang magbubuhat.

" Ako na, just go ahead sa pupuntahan mo", saad niya dahil kahit paano ayaw din niyang siya ang cause of delay lalo na sa lakad nito. She's never been a priority into someone lalo na sa taong kaharap na trying hard yatang magpakagentleman.

" I'll go with you!",

" Ha? are you serious?",

" Am I joking? Lets go, andami mong dakdak, kinikilig ka lang eh", saad ng binata at di niya napigilang binigwasan ito.

" Gwapo ka sana kaso nahanginan ang utak mo",

" The thing is, i'm still gwapo to your eyes", pahayag nito at pinaikutan niya ito ng eyeball.

Ano pa bang masabi niya, kahit sabihin niyang napakaconcieted nito ay totoo namang siya ang pinaka gwapong lalaki sa kanyang mata. Ayaw lang niyang ipahalata ang pagkakilig dahil baka mas lalong lumaki ang ulo nito.

After a while ay binabagtas na nila ang daan papunta kina Anna, eto na rin ang nagdrive at siya ang taga sabi kung saan liliko o di kaya ay kumanan at kumaliwa. Mga 20 minutes ay narating na rin nila ang skwater area na kinaroroonan nina Anna.

Bago sila bumaba ay lihim niyang inobserbahan ang kasama, iniisip niyang baka magbaback out ito dahil sa uri ng lugar na kinaroroonan nila o di kaya ay mandidiri sa mga nakikita. Sa estado ng buhay ng binata, para niya itong hinila mula sa langit palakarin sa hindi kaaya ayang daan lalo na ang amoy mula sa mga imburnal. Marami ding mga tao sa gilid ng daanan na animoy hindi mapagkakatiwalaan. Halos kilala na din siya ng mga tambay na naroon kaya kinawayan at nginitian niya ang mga ito ng siya ay batiin.

" Magandang araw madam ganda", nakangising saad ng mga ito, kung hindi niya kilala ang mga ito ay natakot na siya sa mga hitsura ng nila.

" Magandang araw din po sainyong lahat, makikiraan po kami kukumustahin po namin si tatay Adolfo", magalang niyang pahayag habang nakangiti sa mga ito.

" Ai no problem madam ganda, basta kayo po safe na safe po kayo dito saamin", saad ng may katandaan na animo nakainom at sinang ayunan naman ng mga kasama nito.

" Salamat po sainyo, kunin niyo po ito pandagdag sa miryenda niyo.",saad niya sabay abot sa limang daang piso na siyamg ikinatuwa ng mga iyon.

" Thank you madam ganda, pagpalain kayo ng maykapal. Tuloy na po kayo, kanina pa yung kasama niyo na nandiyan kina Adolfo",

" Cge ho manong, salamat", paalam niya habang iniisip kung sino ang sinasabi nitong kasama nila.

" Okey ka lang ba?", pansin nito sa kasama na walang imik habang buhat buhat ang kanilang dala na sumusunod sa kanya.

" I'm perfectly fine, just wondering how you get along with them",

" They are good people, we just need to learn how to play their music",

" That's amazing", saad ni Tyron at kinindatan niya ito.

" Ate Araaaaa!" si Dennis na pangala sa bunsong kapatid ni Anna.

Nasa tapat na sila ng kubo ng mga ito at halos lumabas din ang mga kapit bahay ng mga ito pagkarinig sa palahaw ng bata.

"Ateee!", kasanunod namang lumabas si Anna at tuwang tuwa pagkakita sa kanya.

" Kumusta?"

" Okey lang ate, kala ko dika na pupunta wala na akong ibebenta konti nalang tignan mo", excited na pahayag ni Anna at itinuro pa ang kinalalagyan ng munting tindahan nito.

" Woow! very good ah, isinulat mo na ba kung ano ang mga wala diyan?"

" Ai oo ate, halos lahat na po",

" Ai naku kailangan na nating bumili kung ganon sayang ang kita mo", nakangiting oahayag niya at tuwang tuwang tumango iyon.

" Eto pala si Kuya Tyron mo, kapatid ng besfren ko at isa din siyang mapagkawanggawa",

" Hello po sainyo sir Tyron, salamat po at nakapunta kayo dito saamin", magalang na pahayag ni Anna sa binata.

" Hello Anna, kumusta kayo?",

" Mabuti po sir, ang gwapo niyo naman po. Kayo po yung kasama din ni ate Anna sa ospital ano?", matabil na sabi ni Anna dito.

Lihim siyang napangiwi ngunit bigla din nawala ang agam agam ng ngumiti ito sa bata.

" Salamat! oo ako nga yun",

" Sabi ko na nga po, hind ko po kayo makalimutan dahil ang gwapo gwapo niyo po",

" Ehem! Anna? kumusta si tatay? asan siya?", pagcucut niya sa matabil na dila ng bata. Nag aalala siya, hindi sanay si Tyron sa ganito at baka magsungit pero hindi naman dahil napakaganda naman ang pagkakangiti.

" Ai oo nga po pala, pasok po kayo nasa loob po siya chinicheck up po ni Dr. Chan", masayang pahayang ni Anna. Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa narinig, tinignan niya si Tyron ngunit nakakunot ito ng noo.

" Ms. Ara! what took you so long? akala ko hindi kana dadating", mula sa pintuan ay naroon na si Dr. Chan na nakatago ang mga mata habang nakangiti.

" Hi doctor! nagluto pa ako, so nice to see you here", pahayag niya na lumapit pa dito saka pinagbunggo ang mga kamao.

Masaya siya na makita ulit ang mabait na doctor, actually ito ang kasama niyang nag asikaso sa tatay ni Anna sa paglabas nito sa hospital mula sa mga papers hanggang sa transportation nito pauwi dito sa bahay nila. He is so kind at katulad niya ay may puso rin para tumulong.

"Woow! I should taste that para majudge natin ang skills mo sa cooking", nakatawang pahayag nito. Speaking of pagkain, ay naalala ng dalaga ang kasama.

" Oh, by the way Mr. Tyron Alegre is here, he wants to visit tatay Alfredo also",

" Oh nice to see you again Mr. Alegre, how are you bro", si Doctor Chan na nilagay sa ere ang kamao para batiin ito

" I' m good bro, glad to see you here", sagot naman ni Tyron saka iginaya rin ang kamao.

"Chineck ko si tatay and good news hes getting better and better",

" Nice to hear that, siyempre magaling at maalaga ang kanyang doctor",

" Hahaha thanks! at siyempre dahil din sa maalaga at napakagandang DSWD secretary ng taon", si Doctor Chan na labis na nagpatawa sa kanila ng malakas.

" By the way, congratulations! I heard you're the new face of your company?",

" Hahaha! Thank you, nakatsamba lang. How did you know anyway?",

" Well, connections!", ang doctor at lalo siyang tumawa sa gesture nito.

" You deserve a treat!",

" I'm past with that, sched nalang natin pagpunta sa hospital niyo, magbibigay tayo ng mga kits at pagkain sa mga pasyente mo",

" Woow! thats more like it, sinabi mo yan ha?",

" Yes!" ang dalaga na itinaas pa ang kanang kamay para ipakitang seryoso siya sa sinabing commitment.

" That's my girl, bilis magdesisyon walang paligoyligoy. I'm so inlove with you na", malakas na biro ni Dr. Chan na tinawanan lang niya ng malakas. Natutop pa niya ang mga labi ng tumikhim si Tyron Na kanina pa nakapangunot ng noo sa kanyang tabi.

"Lets go inside nang makakain na tayo tutal past 11 naman na", pahayag niya sa mga ito. Nagpatiunang pumasok ang doctor kasunod siya ngunit pasimpleng hinila siya pabalik ni Tyron.

" What's he doing here?",

" Chinecheck ang tatay ni Anna, sinabi niya kanina diba?",

" Did you talk meeting her",

" No, its a coincidence",

" Really?",

" What's your point?",

" Is he courting you?",

" Hahaha in my dreams!

" He likes you!",

" Ikaw lang naman diyan ang nag iisang umaayaw saakin", pabulong niyang sagot. Mas lalong kumunot ang noo ng binata kaya nginitian niya ito.

" Andami niyo pong alam, pasok na po tayo", saad niya habang nagmartsa na siyang pumasok. Kung hindi niya kilala ang binata baka nagkamalan niyang matindi ang nararamdamang selos. Huh! asa pa siya.

Sa loob masayang masaya si tatay Aldolfo sa kanilang pagdating. He even wanted to get up in his wheelchair asikasuhin sila pero pinigilan niya ito.

" Upo lang po kayo diyan, kami na nag bahala dito ni Anna", pahayag niya sa matanda habang nakareshistro ang matinding pag aalala na hindi sa maestima ng mabuti.

" Pasensiya na anak...",

" Ok lang po tay, wag na kayong mag-alala. Magpagaling po kayo para sa susunod matitikman na namin ang inyong luto sabi Anna napagaling at ang sarap daw ng luto niyo", saad niya dito at lalong sumigla ang matanda sa tinuran niya.

Inilabas na niya ang mga dalang pagkain at ipinatong sa maliit na mesa. Katulong niya si Anna sa paghahanda habang sina Tyron at Doctor Chan ay nag-uusap sa may pinakasala ng munting barong barong. Hindi niya alam kung anong pinag uusapan ng dalawa pero hindi niya lubos maisip na napakadali namang naenggage ang dalawa sa isat isa. To think na aloof na aloof si Doc Chan sa presensiya ni Tyron samantalang ang binata naman ay halos nangngingitngit ito nang makita ng madatnat niya ang Doctor dito kanina.

Pinatawag niya kay Anna ang dalawa para kumain, maging nag mga nakababatang kapatid nito ay pinatawag niya narin. Nasa maliit na tindahan ang mga ito at sila ang kasalukuyang tumao roon. Marami pa rin kasing bumibili lalo na sa mga bata na nasa paligid.

Naglagay siya ng pagkain sa pinggan at binigay kay tatay adolfo na nasa wheelchair.

" Salamat anak",

" Wala pong anuman, damihan niyo po ang kain para mabilis pi kayong gumaling", saad niyang nakangiti at tumango tango iyo. Siya namang pagpasok ng dalawa sa may kusina na halos nakayuko. Sa katangkaran, ilang dangkal nalang ang tutok nila sa bubong ng bahay.

" Let's eat", saad niya sa mga ito sabay abot sa styro na pinggan. Nagdala na rin siya kanina para walang masyadong problema si anna para sa paghuhugas ng kanilang pinagkainan.

" Woow! it's look delicious", pahayag ni Doctor Chan. Sa katuwaan niya, siya nalang nagsandok ng pagkain nito at nilagay sa plate nito.

" Thanks, mukhang mabubusog ako neto", kunawari'y takam na takam ang Doctor at tinawanan niya ito

" What do you like?", baling naman niya kay Tyron na tila nag-iisip pa kung alin ang kukuning kainin.

" Masarap itong sinigang na hipon, try it.", saad niya habang sunasalukan niya ito ng naturang pagkain. Iniabot niya dito pero muntik niyang matampal ang noo ng maalalang tamad itong magbalat ng mga gamong klaseng pagkain.

" I'll do it for you, unless you want adobo?",

" The shrimp looks tastier",

" Ok! ", hindi na rin siya nag atubili pa. Pinunusan niya ng tissue ang kamay at sinimulang binaklas ang mga balat ng hipon.

Hindi pa man niya nababalatan lahat ng hipon ni Tyron ng pumasok ang tatlong bata sa. Agad siyang tumayo at inalalayan ang mga ito para kumuha ng pagkain.

Arabella is so mother-like at the moments;, ni hindi pa nga nakakakuha ng sariling pagkain pero todo estima siya sa lahat ng kanyang kasama na naroon. She treated them fairly, mapabata at matanda ay siya ang naglalagay ng mga pagkapakain sa mga plato ng mga ito na animoy nanay.

Aside from the food ay ito din ang dahilan kung bakit napaparami ng kain ang lahat. Sino ba naman ang hindi mapaparami ng kain kung ganitong may taga karga ng kanin at ulam, may taga abot pa ng inumin at dessert?

" Water doc",

" Thank you!",

"Anna, kuha kayo dito ng dessert", aniya sa mga bata na pagkakuha ng pagkain ay pumunta sa kailang parte ng bahay para doon kumain.

" You want salad?", baling niya kay Tyron habang inaabot ang tubig.

Tyron never had this kind of treatment kapag kumakain, yung tipong kulang nalang susubuan ka para lang maging convinient ka na kumakain. Through out his life is into formal type of eating practices, mapasabahay man, sa travel, business or even kapag kasama ang mga kaibigan. Even Samantha, his girlfriend never did this to him. At this time, he felt special kahit pantay pantay naman ang ginagawa ni Arabella na pag eestima sa kanilang lahat na naroon.

Hindi pa man siya sumasagot aa tanong nito kung gusto niya ng salad ay naroon na at naglalagay na sa plastic ng salad ang dalaga. Shes so gentle and caring, galaw ng galaw, tingin ng tingin, chinecheck kung may karga pa ang plato ng bawat isa. She's so busy taking care of them but still looking fresh and beautiful. Hindi niya tuloy maiwasang obserbahan ang bawat kilos ng katawan nito and everything in her is likeable.

"Try this", saad nito sabay abot sa kanya ng nakaplastic na dessert.

" Masarap bro, I attest to that", pakli ni Dr. Chan na nakadalawang hirit na.

" Pangatlo mo na yan", pabirong saad ni Arabella at nagkatawanan ang mga ito.

Tinikman din niya ang binigay ng dalaga at di siya makapaniwalang humirit din ng pangalawa. Eto lang yata ang araw na naparami siya ng kain, he always watch his diet kaya naman napakaganda ng kanyang katawan.

Pagkatapos ng kainan ay magakatulong sina Arabella at Anna sa pagliligpit. Nagtungo sa may pinakasala ang dalawang binata kasama si tatay Adolfo at doon ay nagkwentuhan. Pagkatapos nilang nagligpit ni Anna ay tinungo nila ang munting store para tignan at ilista ang mga ubos na nitong paninda.

" Ate parang gusto ko pa pong magtinda ng fishball", pahayag ni Anna.

" Bakit? ayaw mo na itong store?", suwestiyon niya.

" Hindi ate, gustong gusto ko po pero magdagdag pa ako ng negosyo yung pagbebenta ng fishball. Nakikita ko si Aling choleng napakarami niyang customer",

" Oh ok! Kaya mo pa ba? ",

"Kayang kaya ate, andiyan naman sina Dennis na kasama ko at titingin din sa store",

" Paano yung sauce, alam mong gumawa?",

" Madali lang ate, manonood ko sa YouTube kung pano gumawa makikigamit ako sa kaibigan kong may cellphone",

" Hay naku! Teka at tignan nga natin, isearch mo dito sa phone ko "how to make fishball sauce", isulat mo yung proseso at pagkatapos isulat mo lahat ng kailangan mo",

" Sige, sige ate! Salamat.", excited na pahayag ni Anna lalo na nang iabot niya ang cellphone niya dito.

Pagkahawak ng gadget ay excited na umalis sa store ang bata, kung saan ito pupunta ay ikinibit balikat nalang niya bagkus ay tinignan ang laman ng store.

Nagsusulat siya ng mga naubos na paninda ng biglang maamoy niya ang napakabangong pabango ni Tyron. Kahit di niya tignan ay alam niyang palapit ito sa kinaroroonan niya.

" What keeps you busy?", saad nito habang nakatayo sa kanyang likuran. He is so mabango at di niya napigilang lihim na singhotin.

" A little inventory, wala na pala silang paninda", simpleng pahayag niya patuloy ang ginagawa.

" Umalis na pala si Doc, there's a kind of emergency sa hospital kailangan yata siya, sabihin ko nalang daw saiyo",

" Oh ok, tawagan ko nalang siya mamaya",

" Why? for what?", mabilis na tanong ng binata. Nahinto siya sa pagsusulat ngunit wala siyang balak tignan ito.

" Para magpasalamat",

" Is that even necessary? I mean pumunta naman siya with his own will",

" He is a nice person, he deserve simple appreciation", maikling pahayag niya tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

" Thanks also to you, kahit busy ka ay nagbigay ka nag oras para dito. Alis kana rin kung may pupuntahan ka pa, magcommute nalang ako pag-uwi ko", maya maya ay pahayag niya. Tyron is a busy person at baka meron itong nakaisched na meeting.

" Now you sounds, you don't like me here", pahayag nang binata na may halong hinanakit ang boses kaya napalingon siya bigla dito. She don't mean that way pero huli na nang tumitig sa kanya ng mariin. She wanted to say, he qouted her wrong pero wala namang lumabas na boses sa kanyang labi. Mukha pa nga siyang namalikmata sa kaharap at parang biglang tumigil ulit ang kanyang mundo. Eto na nga ba ang ayaw niya, yung nagiging tuod siya kapag malapit ito at nakatitig sa kanya. Pati paghawak ni Tyron sa kanyang baba at ilapat ang mga labi nito ay wala siyang nagawa. Gumana na naman ang mahika nito kaya napapikit na lamang siya. Muntik pa siyang mapaungol kung hindi lang biglang nagsalita si Anna sa labas.

" Ate araa! ateee!", halos pasigaw na tawag ni Anna sa labas. Bigla siyang natauhan, mabilis niyamg inilayo ang nguso sa binata at pasimpleng umayos sa pagkakaupo.

" Anna...bakit?", pahayag niya na hawak hawak pa ang mukha. Hindi niya din tiyak kung maayos ang kanyang boses dahil sobrang lakas din ang puntig ng kanyang puso.

" Ate, andiyan na yung mobile grocery. Pwede ba tayo dito bibili ate", saad ng bata. Tumikhim pa siya bago ulit sumagot.

" Ok sige, palabas na ako. Pakisabi saglit lang", ang dalaga habang inaayos ang kanyang listahan.

Pagtayo niya ay halos magkabungguan ang katawan nila ng binata, naroon pa rin pala ito sa kinatatayuan at halos di na naman niya malaman ang gagawin.

" Sa labas lang ako", halos nagstammer niyang turo sa labas ngunit di man lang natinag iyon mula sa pagkakatayo. Di tuloy siya makaalis sa kinatatayuan dahil masikip ang space sa store ni Anna. Sa sobrang lapit ng katawan nila ay halos ramdam ng isat isa ang mainit na singaw ng kanikanilang katawan. Napalunok pa siya ang dalaga ng maramdam biglang tumigas ang hinaharap ng binata. Nag-init tuloy ang kanyang mukha at kung pwede lang ay kakaripas siya ng takbo palayo dito. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang hinila ng binata at inilapit ng husto sa katawan nito.

l


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C14
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄