下載應用程式
2.94% My Husband's Revenge / Chapter 1: Chapter I
My Husband's Revenge My Husband's Revenge original

My Husband's Revenge

作者: Myles_05

© WebNovel

章節 1: Chapter I

"OMG! OMG! Mommmmmmy! Dadddddy!", tiling tili si Alex pagbukas ng kuarto na kinalalagyan ng kanyang kaibigan. Twenty-fifth anniversary ng kanyang mga magulang kagabi at umuwi sila ng kanyang matalik na kaibigan mula sa Manila para daluhan ang anibersaryo ng mga ito. Alam niyang medyo nakainom ang kaibigan niya kagabi at sa pakiwari niya ay nauna pang umakyat sa silid na inookupahan nito kapag isinasama niya sa kanilang villa.

"What the...", balikwas na bulalas ni Tyron mula sa pagkakahiga. Nabulabog siya sa pagtitili ng kapatid subalit napakunoot noo siya nang makitang may kasama siyang nakahiga sa kama.

"Awww Alex, ang aga aga!" sambit nito at wala sa sariling tinakip ang unan sa kanyang mukha.

"Hey! who are you? what are you doing here?!" ani Tyron habang iniinspeksiyon ang sarili. As usual wala siyang damit pangtaas na palagi niyang ginagawa kapag natutulog.

"Ha?! anong...bakit sinong? ahhhhh", agad nagtalukbong ng kumot si Belle ng makita ang lalaki sa kuwartong kinahihigaan niya. Hindi niya mawari kung bakit mayroon siyang kasama sa room na ito at talagang kasama pa niyang natulog sa kama ng magdamag? Oooh No!

"Ikaw ang sino, this is my room...why are you here?" angil ng lalaki.

"Wala ka naman dito kagabi eh, tsaka malay ko bang dumating ang may ari ng room na ito", saad niya sa loob ng kumot pa rin. Naeeskandalo din siya sa nakaboxer lang na suot ng lalaki.

"Anong ibig sabihin nito? Tyron anak...anong ginawa mo?!", dumadagundong ang boses ng mommy nila kasanunod ang nakakunot noong si Mr. Alegre na kanilang ama.

"Mom...wait!"

"Tyron! hindi kita pinalaki para magtake advantage sa mga babae!", galit na sabi ng matanda.

" Hala, magbihis kayong dalawa at tayo'y mag uusap usap!"

" Mom? Dad!...wala akong..."

" Stop it son! Hintayin namin kayo sa sala!" si Mrs. Alegre at maluha luha at nanginginig pang sumandal sa kanyang asawa habang ginagaya siyang palabas.

"Shit!", gigil na gigil si Tyron dahil di man lang siya pinakinggan ng kanyang ama't ina. Kulang na lang ipagbabato ang mga gamit sa kanyang kuarto pati ang babaing nakatalukbong sa kanyang kama.

"Now what!, hintayin mo pa bang magkaugat ka diyan bago bumangon?" malakas na angil niya at muntik nang mapatalon ang dalaga sa kanyang pagkakahiga.

" You go first, susunod ako" mahinang saad niya. Sobrang kaba niya, hindi dahil sa mga magulang nito kundi sa umuusok sa galit na lalaking ito. Any moment parang gusto siyang ihagis sa bintana.

"Kung hindi ka kikilos diyan, ihahagis kita sa bintana", banta ng lalaki at mabilis pa sa alas kuatrong tumayo siya at patakbong pumunta sa banyo.

Mabilis niyang inilapat ang mukha sa gripo at naghilamos. Nagtooth brush narin gaya ng palagi niyang ginagawa bago lumabas sa kuarto kapag umaga. Maya maya pa ay malalakas na katok ang nagpaigtad na naman sa kanyang ulirat.

Dali dali niyang sinuot ang nakasabjt na bra niya sa banyo, wala na siyang pakialam kung gamit na ito kagabi, ang inaalala kung pano niya harapin ang tigreng lalaki. Di niya akalain na tigre ang kapatid ng kaibigan niya, gwapo pa man din base sa mga pictures na nakikita niya sa bahay ng mga ito.

"Nalunod kana ba?!" kasabay ng malakas na pagkalampag nito sa pinto.

"Can't you wait?!" malakas na angil niya ng pagbuksan ito.

"Ah at ikaw pa ang matapang ha? kung dika sana tumabi saakin sa pagtulog di sana wala akong problema?!"

"Excuse me, ikaw ang tumabi saakin! umuusok na rin ang taingang saad niya.

"Really? this is my room, who the hell are you sleeping in here?" taas kilay nitong angil. "Ang sabihin mo, gusto mo akong pikutin!"

"Whaaat?! are you crazy?" hindi makapaniwalang saad ng dalaga. Ang kapal ng apog nito, hindi porket gwapo ito at hindi siya mukhang artista pikot pikot na ang sinasabi nito sa kanya. "Over my dead body!" saad niya sa isip niya. Napangiwi siya konti dahil may ganon siyang naisip nung una niyang makita sa picture ito. Ang gwapo gwapo naman kasi, mula ulo hanggang paa ay parang kinabisado niya. Pero sa picture yun, dahil may pagkademonyito ito sa personal.

"Sir Tyron...pinapatawag na po kayo ng daddy at mommy niyo" mula sa labas ay tumatawag ang isa nilang kasambahay.

"Bilisan niyo daw po ang pagbaba sir"

"We're coming!" sigaw ni Tyron sa taong nasa labas. Inis na inis pa rin siya sa mga pangyayari, sana hindi na lamang siya umuwi kung ganito lang din ang mangyayari sa kanya. Mabilis niyang isinuot ang nahagilap na white shirt at ang itim na nike boardshort na nahagilap niya sa kanyang kabinet. Mayamaya ay matalim ang matang pinukol ang dalaga habang pabalyang binuksan ang silid.

"No way! you can't do this to me!" malakas na protesta ni Tyron nang sabihin ng mga magulang na pakakasalan niya si Belle. Gusto ring magprotesta ang dalaga pero wala rin siyang nagawa sapagkat parang batas ang bawat lumalabas na kataga sa mga magulang nito. Napakadali ng mga pangyayari at hindi sila binigyan nga pagkakataon para tumanggi.

Yung iba hindi na nga niya maintindihan dahil sa sobrang pagkabigla at kalituhan.

"So, are you happy now? nang uuyam ba ang tono nang kanyang kaibigan? Ngayon lang niya malapitan simula ng kanilang komosyon.

"I'm sorry", saad niya sa kaibigan subalit ngumiti ito ng may pag uyam.

"Diba ito ang gusto mo? ang makapag asawa ng mayaman, by hook or by crook diba?"

"Alex, No! ano bang sinasabi mo? biro ko lang mga yun, ano ka ba?" mabilis niyang pagwawasto sa kaibigan, oo at nasasabi niya ang mga ganung mga kataga pero nagbibiro lang naman siya...at lalong walang kinalaman sa oamilya nila.

" Biro? half meant, half truth! Alam mo ba na may fiancee si kuya sa america at mahal na mahal niya yun...sinadya mo ang makitulog sa kuwarto niya para pikutin siya, if i know matagal ka nang may gusto sa kanya." saad nitong galit na galit, umiling iling siya. Hindi niya alam kung bakit ganon ang naiisip ng kaibigan niya sa kanya. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ngayon lang ito nangyari sa kanilang dalawa at ang masakit pinagbibintangan siya.

"Alex kaibigan mo ako, kilala mo ako...wala akong intensiyong ganon. Sinubukan ko namang awatin ng mga magulang niyo pero hindi sila nakinig..."

"Whatever! goldigger bitch!.. i hate you!" bulyaw nito at dali daling umalis. Nasapo niya ang kanyang mukha, nanghihina sa akusasyon ng kaibigan niya...of all people si Alex pa talaga ang nagsalita sa kanya ng ganun? At ang sakit sakit pala.

Sa huwes lang sila ikinasal ni Tyron, at doon na din mismo sa villa ng mga Alegre, kayat ang tanging saksi sa pagpapakasal nila ay ang mga magulang nito at mga kasamahan sa bahay ng mga Alegre. Wala din si Alex, dahil agad agad lumuwas pa maynila simula nung galit na galit na pinagsalitaan siya. Wala ding pumunta sa partido niya, dahil bukod sa ulila na siya ay nag-iisa na rin siyang namumuhay sa kaniyang apartment. Lingid sa kaalaman ng lahat bago sila ikasal ni Tyron ay kinausap siya ni Mr. Alegre, meron siyang pinabasa sa kanyang papel mga Do's and Dont's na napakarami kulang na lang idonts ang kanyang paghinga. Ngumitbpi agkibit balikat niya iyon, wala siyang pakialam sa kayamanan ng mga ito, pumirma siya ng walang alinlangan baka sabihin nila yaman talaga ng mga ito ang habol niya.

Pagkatapos ng seremonya nagkanya kanya na ang mga tao na parang walang nangyari. Umakyat siya sa kuwarto, doon na siya sa kuarto ng asawa simula ng magdisisyon ang mga magulang nito na ipakasal sila. Nadatnan niya ang asawa na nag-iimpake.

"Hey" , pukaw niya sa atensiyon nito ngunit hindi man lang ito tumingin.

"Aalis ka ba?", sambit niya ulit dito.

" Wala kang pakialam! Stay away from me!" galit na asik nito. Napahiya siya at halos maluha siya inaasta nito.

"I'm sorry! " saad niya.

" Tell that to the marines!"

" Pls...can we talk? saad niyang nagsumamo. Tanggap niyang galit ito pero gusto niyang itama ang nasa isip nito na pinikot niya ito.

" Lumayo ka! Go away, i hate you very very much! Naiintindihan mo?!" galit na galit na sabi nito at muntik pa siyang matumba ng tabigin siya nito at lumabas bitbit ang mga gamit. Napaupo na lamang siya sa kama at hinayaang doon umagos ang mga luha.

Anong gagawin natin Armando, ang anak mo!" humihikbi si Mrs Alegre habang nakasubsob sa dibdib ng asawa. Halos walang tulog ang matandang babae sa kaiisip sa panganay na anak. Bumalik na ulit sa amerika kagabi lang at kahit na anong pigil nilang mag-asawa ay wala rin silang nagawa.

"Sssssh darling, its ok! babalik din yun, wag ka nang mag-alala"

"Pero pano si Arabella? anong sasabihin natin sa kanya?"nag-aalalang pahayag ng donya. Kahit naman ganun ang nangyari inaalala pa din naman niya ang nararamdaman ng kanyang manugang.

" She will understand it darling, tahan na"

"Bakit ba kasi nangyari ito, Armando ang anak mo".

"He's ok darling, nagtatampo lang yun'

"Pero wala na siya ulit dito" hikbi pa rin ng asawa. Naintindihan naman niya ang matinding pangungulila sa anak, simula nang mag-aral sa amerika ang kanilang pananganay hindi na nila nakakasama pa ito kahit tapos na ito sa kanyang kurso.

Sa hagdan, pababa sana si Arabella para kumuha ng maiinom sa kusina ng maulinigan ang pag-uusap ng kanyang mga biyanen. Hindi naman niya sinadyang mapakinggan ito pero nanlumo siya ng malamang wala na sa Pilipinas ang kanyang asawa. Kung tutuusin ok lang sa kanya na hindi niya makasama ito kasi lately lang niya itong nakita at nakasama, although attracted siya sa kanyang asawa noon pa man na picture lang ang kanyang nakikita pero ok lang naman na hindi niya ito makasama. Masama pati ang ugali nito at hindi maganda ang turing sa kanya. Pero masakit din pala ang sobrang mabalewala, yung tipong sa una palang feeling mo hindi ka nag- eexist.

Dahan dahan siyang umalis sa kinatatayuan at bumalik na lang sa kanyang kwarto, kahit paano mukhang mabigat din sa pakiramdam na wala na sa Pilipinas si Tyron.

Isang araw nababaan niyang busy ang lahat nga tao sa buong villa, bawat isa ay may kanya kanyang ginagawa. Maaga na rin siyang nagigising tuwing umaga at inako na rin niya ang pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng villa.

"Ate tulungan na po kita, ako nalang po ang magdidilig" saad niya sa isang kawaksi isang umaga. Gusto niyang malibang, dahil parang masisiraan siya ng bait lalo nat wala siyang ginagawa.

"Buti naman nang magkaroon kayo nang silbi sa pamamahay na ito" patutsada ni Edna. Nakaismid pa ito habang tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Po?" saad niya, hindi na siya nabigla sa asal nito. Katunayan lahat nga tao sa bahay na ito, katulong man o hindi sa palagay niya ang liit liit ng tingin sa kanya. "Oh bakit? totoo naman ah, diba pinikot mo lang si sir Tyron kaya ka nag-aastang prinsesa? pasupladang dagdag nito at tigagal siya sa pinagsasabi nito.

"Oh etong host, diligan mo lahat yan ng magkasilbi ka naman" padaskol na ibinigay sa kanya ang pagdidilig.

"Sige po...salamat", mahinahong pahayag niya dito sa kabila ng pamamahiya nito sa kanya. Dapat nasanay na siya sa mga ganong asta ng mga taong nasa paligid niya, pero paminsan minsan kumukurot pa rin ang mga ito sa kanyang puso. Binalak niyang nagpaalam sa mga biyenan para babalik nalang siya sa maynila subalit nagalit lamang ang mga ito sa kanya. Katwiran ng mga ito, dito siya iniwan ni Tyron kailangan dito din siya nito madadatnan. Ang weird, ayaw na nga siya ng mga tao dito, ayaw pa din siyang payagang umalis. And sa case nila ni Tyron nawalan na rin siya ng pag-asa, at hindi na talaga siya umaasa.

Ang gaan gaan sa pakiramdam kapag nasa hardin siya, dito parang wala siyang problema. Ang gaganda ng mga halaman, yung iba tanim niya at namumulaklak na rin kaya ang saya saya niya. Alagang alaga niya ang mga ito, kahit hapon nagdidilig din siya para mas lalong mamulaklak ang mga ito. Pagkatapos niya sa hardin ay nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng sariling kape.

"Good morning po Ate Luz" nahihiya pa niyang saad ng madatnan ang matandang katulong sa villa na halos hindi magkanda ugaga sa ginagawa. Tiningnan lang siya nito at agad pinagpatuloy ang ginagawa.

"May maitutulong po ba ako? anas niya sa matanda...at tinignan niya ito nang direcho. Si ate Luz ay matagal nang naninilbihan sa mga Alegre ayon sa naririnig niyang kwento, siya na din ang mayordoma sa villa.

"Halika, tulungan mo ako dito...balatan mo etong mga patatas, lahat ito" turo niyo sa mga gulay na nakaumang sa malaking mesa. Nasiyahan siya sa matanda, tanging ito lamang ang may magandang pakitungo sa kanya kahit na ang alam ng lahat ay pinikot niya ang panganay na anak ng kanilang amo.

"Sige po ate, ako po ang bahala sa pagbabalat ng mga ito...may okasyon po ba?" malambing niyang tanong sa matanda.

" Salamat kung ganon ineng...oo may bisita ang villa mamayang tanghali, magsidatingan ang mga kamag anak nina sir mula pa sa mga karatig bayan".

"Ganon po ba? Cge ho at bibilisan po natin ang paglilinis sa mga gulay na ito" nakangiting saad niya sa matanda. Nabigla pa siya ng iabot ng matanda sa kanya ang isang tasang kape.

"Ai naku po ate, salamat...nakalimutan ko ito pala ang kukunin ko kaninang pumasok ako dito sa kusina...salamat po"

" Walang anuman ineng, salamat din at may makakasama ako sa paghahanda sa mga ito" nakangiting sagot ng matanda at tuwang tuwa nang nararamdaman niya sa oras na iyon.

Bago magtanghalian, isa isang nagsidatingan ang mga bisita sa Villa. Kitang kita sa galaw at pananamit ng mga ito ang sopistikasyon mapababae man o lalaki.

"Hey, can you give me a glass of water?" habang abala sa paghahain ay napaigtad si Arabella nang may biglang tumayo sa kanyang harapan. Napakagandang babae ito, ang puti puti at parang barbie.

" Bingi ka ba?!" angil nito mula sa pag iinspeksiyon niya sa napakagandang babae.

" Ah e...cge, cge po ma'am. Wait lang po"

" Make it quick, moron!" narinig niyang saad nito. Nag init ang kanyang tainga sa sinabi nito.

" Hi iha, how are you? May kailangan ka ba? " mula sa kung saan ay malabing na boses ni Mrs. Alegre.

"Hi tita, i miss you! Gusto ko lang uminom napagod yata ako sa biyahe"

"Oh ok, ok iha...sandali lamang at ikukuha kita".

" Dont bother tita, bagsabi na ako sa katulong ninyo..Oh, here it is...thank you!" agad na kinuha ng magandang babae ang dala dala ni Arabella na tubig.

" Meron pala kayong bagong katulong tita, nung last na punta ko dito hindi ko pa siya nakita" narinig niyang saad ng babae sa kanyang biyenan. Ngunit sa halip na sagutin siya ng ginang ay ngumiti lamang ito habang iginagaya nitong lumabas sa kinaroroonan nila. Napagkamalan siyang katulong, at bakit hindi....ano ba nag kanyang suot, isabg kupasing short at t-shirt na madalas niyang ginagamit. Nakaramdam siya ng awa sa sarili, hindi na pala siya nakakabili ng bago niyang damit, ng duster nag tshirt at short. Paano wala naman siyang pinupuntahang iba, kung hindi sa hardin ay sa kusina at kuarto lamang naman siya. Napailing siya sa kanyang sarili.

" Hello everyone, kumusta kayong lahat?" dinig na dinig ni Arabella ang kumustahan at tawanan sa labas, ang saya saya nila. Wala man lang sa pamilyang Alegre ang nakaisip na yayain siya at ipakilala sa mga bisita.

" Stupida" angil niya sa kanyang sarili. Sila sila lang naman ang nakakaalam na kinasal siya sa panganay na Alegre.

" You know tita, nagchat kami ni kuya Tyron...uwing uwi na daw siya dito pero di niya maiwan ang girlfriend niya, mahal na mahal talaga ni kuya si Samantha ano? and bakit hindi, she is smart, ang ganda ganda niya, ang ganda pa ng career, kung hindi lang ako maliit siguradong supermodel na rin ako ngayon" dinig niyang pagbibida ng isa sa nga pinsan ni Tyron. Mas lalong nainsecure sa sarili si Arabella. Supermodel pala ang girlfriend nito, hindi katakatakang bumalik agad ito sa amerika.

" She's the best for kuya Tyron, bagay na bagay talaga silang dalawa, haaaay!" kilig na kilig pang saad nito.

" Kailangan talaga dito na magstay si TJ, mag-eexpand na naman ang shipping company hindi na kakayanin ni kuya Armando yun ate"

"Kaya nga, napapagod na nga ang kuya mo...andami dami nang sakit na iniinda" si Mrs Alegre na nasa tono ang kakaibang lungkot

" Sana umuwi na ang pamangkin mong yun"

" Hayaan mo ate at kakausapin ko ang lokong yun, di bagay sa kanya ang supermodel, gagawin lang siyang alalay." saad ng kapatid ni Mrs Alegre at tawang tawa naman ang lahat sa sinabi nito.

Para kay Arabella isang nakakapagod na araw ang araw na iyon, bukod sa linalamon siya ng sobrang insecurity dahil sa mga naririnig niya tungkol kay Tyron at sa girlfriend nito ay talaga nga namang napagid din siya sa pagtulong mula paghahanda at pagliligpit sa kusina. Maaga siyang nakatulog kinagabihan, pagdantay palang ng likod niya sa kama ay agad inaagaw siya ng antok.

Kinaumagahan nagising siya sa malakas na komosyon sa baba.

" Bilisan niyo, ang sasakyan dali..." dinig na dinig niyang palahaw ng kanyang babaing biyenan. Agad siyang bumaba at doon nakita niyang nakabulagta ang biyenang lalaki.

" Tita...ano hong nangyari?" agad agad siyang lumapit sa mga ito.

" Arabella bilisan mo, tawagan mo si Isko, dalhin natin ang daddy niyo sa ospital" palahaw ng kanyang biyenan at tarantang taranta si Arabella na hindi rin mawari ang gagawin. Maya maya pa ay dumating din ang kanilang driver.

" Buhayin niyo ang sir niyo, bilis! Pakiusap...bilisan niyo dalhin natin siya sa ospital"

"Opo ma'am, cge po" ang si mang Isko na nataranta rin sa nakitang lagay ng among lalaki.

" Arabella, halika! Samahan mo ako, dalhin natin sa ospital ang daddy niyo."

" Opo tita, cge po", lumulan din silang pareho sa sasakyan at agad pinaibis ni mang Isko ang sasakyan.

" Tita, magpahinga po muna kayo...relax lang po kayo, wala pong mangyayari kay tito" si Arabella sa biyenan habang hinihimas ang likod nito.

" Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa asawa ko"

" Tita...wala po, malakas po si tito. Relax lang po kayo ok?" pag aalo niya sa matanda pero lalo lang itong umiyak.

Nasa ganong eksena ang dalawa ng lumabas ang doctor.

" Doctor, kumusta ang asawa ko?" agad na salubong ni Mrs Alegre sa doctor.

" Naheart attack ang asawa niyo misis, buti nalang at agad niyong nadala sa ospital, kung nahuli lang kayo ng limang minuto baka maging lantang gulay na siya forever" saad ng doctor at di napigilan ng matanda ang mapaiyak.

" Kumusta na ngayon ang asawa ko doc?"

" He' s fine now, mild stroke lang ang natamo niya..wag kayong mag-alala makukuha naman sa therapy...pero iwasan muna natin siyang mapagod para maiwasan na maulit ang ganitong pangyayari" ang doctor at tumango tango naman ang matanda. Bakas na bakas sa kilos at pagmumukha nito ang matinding takot dahil sa nangyari sa asawa.

"TYRON gustuhin mo man o hindi umuwi ka ngayon din!" halos dumadagundong ang boses ni Mrs Alegre ng makausap ang anak sa telepono.

" Kung gusto mo pang makita ang ama mo, umuwi ka dito...kung hindi kalimutan mo nang mommy mo ako" pagbabanta pa niya sa anak. At this moment, kailangan nila ang presensiya ng panganay nilang anak. Hindi lamang dahil sa may sakit na ama kundi abg buong kabuhayan nila.

" Mom! uuwi ako sa isang kondisyon, paalisin niyo sa pamamahay natin ang babaing iyon!"

"Tyron! may sakit ang ama mo!"

"I know! and i'm sorry to hear that...mom pls! i wanna go home, pls ayokong makita ang babaing yun!"

" Anak pls...i'm begging you, come home!" naramdaman niyang gulong gulo ang ina, and he hates himself dahil sa pagmamatigas niya dito.

"Ok mom, i'll be there!" suko niya sa kanyang ina. Mahal na mahal na ang kanyang mga magulang at nagagalit siya sa kanyang sarili kung bakit natitiis niya ang mga ito. He greeted his teeth lalo't umeksena sa isip niya ang babaing yun. " I swear, i"ll make your life miserable! pangako niya sa kanyang sarili.

Napabaliwas si Arabella mula sa mahimbing na pagkakatulog, luminga linga sa paligid ngunit wala naman siyang nakita na kahit anino ng tao sa buong silid. Nanaginip yata siya, dumating daw si Tyron at galit na galit ang mukha habang pinagmamasdan siyang natutulog. Namaos bigla ang kanyang lalamunan sa isiping iyon. Agad siyang bumaba sa higaan at dumirecho sa kusina, kahit talaga sa panaginip ang sama pa din ng tingin ng lalaking yun sa kanya, para bang anu mang oras ay sasakalin siya. Binuksan niya ang ref at doon nagsalin ng isang basong tubig. Agad linagok iyon dahil nakakatuyo naman talaga ng lalamunan ang kanyang panaginip. Naglagay pa siya ng tubig sa kanyang baso, pinuno niya iyon bago isinara ang ref. Pabalik na sana siya sa kanyang kwarto ng bigla siyang bumangga sa kung ano.

" Ouch" ang lakas ng impact ng pagkakabangga niya at pakiwari niya titilapon siya kung hindi siya nahawakan ng kung sino.

" What the f***k", narinig niyang sambit nito ngunit hawak hawak pa niya ang kanyang dibdib sa pagkabigla. Hindi niya maaninag kung sino ang nakahawak sa kanya spaagkat di na siya nagbukas ng ilaw pagpasok niya sa kusina para kumuha ng tubig.

" Stupid girl!" galit pa ring sabi nito mula sa pagkakahawak sa kanya. Pinalaki niya ang kanyang mata na kaninay hindi masyadong nakabukas sapagkat kagigising niya at nakkaaramdam pa ng antok. Hindi siya magkakamali sa boses nito, kahit limang buwan na hindi niya narinig ang boses na nito ay hindi siya magkakamali.

"Hindi ito panaginip?" wala sa sariling sambit niya ngunit nabigla nalang siya nang mahanap ang sarili sa sahig. Binitiwan siya nang lalaki at naramdaman niyang sumakit ang balakang niya sa pagkakasalampak bigla.

" There, gising kana...ewan ko lang kung makakaakyat ka pa sa kuarto ng maayos", saad nitong naiinis sabay layo para buksan ang ref. Walang sabi sabing tinungga ang isang pitchel na tubig at agad ding isinara iyon.

"Help yourself!" saad nito at walang pakialam na lumabas na ng kusina.

Mula sa pagkabigla ay tumayo na rin ang dalaga subalit talagang malakas ang tama ng kanyang balakang kanina. Paika ika pa siyang lumabas sa kusina upang bumalik na sa kanyang kuarto.

Pagbungad niya sa may hagdan para umakyat sa kuarto nakita niyang nakatayo doon si Tyron, nakahalukipkip at sa pagkakalam niya sinadya nitong hintayin ang kanyang pag akyat. Naasiwa pa siya sapagkat wala itong damit pang itaas, ang hunk nito at gaya ng dati mala adonis pa rin ang kagwapuhan.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking hubad ah, pasado na ba ako sa iyong standard?" nakataas ang kilay nito mula sa kanyang pagkakatigil.

"Aaah, hindi naman...i just can't believed that you are here", mahinag saad niya at paika ikang ipinagpatuloy ang pag akyat.

" Natural, this is my house and I can go home whenever I want",

" Sabi ko nga" sagot niya sa pagsusuplado nito ignoring ang napalakas na prisensiya nito lalo na ng dumaan siya sa harapan nito.

" I don't want you here around!" saad nito at parang nabingi siya sa narinig. Ang lakas pati ng kanyang kabog sa dibdib. Napatigil siya sa paika ikang paglalakad, parang may bumara sa kanyang lalamunan na hindi niya mawari. Liningon niya ito, at ewan niya kung saan nanggaling ang matapang nanpagharap niya dito. Nakipagtitigan siya dito pero nagbabaga ang mata ng lalaki, parang gusto siyang sunugin ng buhay.

" I hate..."

"I know!" mahinang putol niya sa sasabihin nito.

"Wala akong pakialam" matigas niyang turan sabay talikod dito. Namumuro na ang lalaking ito, nasanay na nga siya na walang pumapansin sa kanya ganon din sa galit ng lahat ng tao sa pamamahay na ito, ano pa bang hindi niya kayang iendure? Ngunit hinila siya nito bigla at malakas ang siyang tumilapon pabalik sa katawan nito.

" Don't dare turn your back to me!" gigil na gigil na saad ng lalaki at talagang pinilipit pa ang kamay nito.

" Bitiwan mo ako" halos magiyak ngiyak na saad niya.

" And if i don't?

'

" Your hurting me!"

"Who cares?" mas matigas na saad nito at napaiyak na siya. May plano yata itong baliinnang kamay niya.

"Plssss" halos dina niya marinig ang boses niya, masakit na masakit talaga ang kamay niya. Agad naman siya nitong binitiwan ngunit malakas din siya nitong tinulak kaya napasalampak siya sa sahig. Gusto niyang umatungal, hindi na niya alam kung ang kamay niya o balakang ang masakit.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C1
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄