Dahil wala naman siyang ibang gagawin ay naisipan niyang mag dinner na lang siya sa food court ng mall. Nag order siya ng chicken adobo, kare-kare, sinabawang gulay at dalawang kanin kasi naisip niyang iinum siya mamaya kaya kailangang may laman ang kanyang tiyan. Dahil na rin sa self-conscious si Via kaya tubig lang muna ang kanyang iinumin tutal lalagok din naman siya ng alak mamaya.
Hmmm....yummy! ang natutuwang sabi ni Via habang nilalatakan na niya ang kanyang pagkain. Early dinner lang siya ngayon para sakto lang mamaya na bumaba ang nakain niya para sa kanyang inuman session nitong gabi.
Magandang dilag... oh yeah
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
O magandang dilag
Bawat lakad mo
Lahat sila napapatingin
Di mawari ba't
Ganun ang nagyayari sa kin
Isang ngiti mo lang
Parang nakakabaliw
Ano bang ginawa mo
Ako'y naaaliw
Tinatanaw tanaw kita
Para bang isang tala
Sa gitna ng kalawakan
Magandang dilag
Puso ko'y yong nabihag
Wala nang ninanais
Ligaya kang labis
O magandang dilag
Magandang dilag
Puso ko'y nahalina
Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
O magandang dilag....
Sobrang na-enjoy ni Via ang tugtog ng kanta ni JM Bales kaya super saya niya sa mga oras na iyon. Haist, sana nga si Doc Lander na lang ang bibihagin ko.hahahahahaha! ang naiiling na sabi ni Via sa kanyang sarili. S a kanyang pag-istalk sa facebook ni Lander ay tila more on DepEd activities maliban lang sa mangilan-ngilang outdoor activities ang kanyang mga ipinost.
Hmm...bakit kaya wala siyang girlfriend or asawa? Siguro inaantay pa niya ako,haha! nangarap na naman ako ng gising ang iling ni Via sa kanyang sarili habang isinusubo na niya ang huling laman ng kanyang kutsara..sobrang sarap talaga...
Pagkatapos na niyang kumain ay bumalik na lang siya sa Spa house at doon na lang siya nag shower at nag-ayos ng kanyang sarili. Haist.. super gaan na pakiramdam ko, habang nagpapatuyo na si Via ng kanyang buhok. Isinuot na niya ang bagong bili niyang bestida na kulay peach at lutang na naman ang kanyang kagandahan.. Oo na Via, puwede ka nang sasali sa Binibining Pilipinas hihihi. Naisip ni Via na tsaka na lang niya isusuot ang kanyang urban twist pipes heels shoes na luis vuitton kapag nandoon na siya sa bar house tutal mag di drive pa naman siya ng kanyang kotse. Light na make up lang at lipstick ang inilagay niya pero sobrang ganda at sexy pa rin niya kahit papano. Beauty queen be like...ang natutuwang sabi ni Via sa kanyang sarili. Go girl! awrahan na! Boys! humanda kayo sakin.. nang natutuwang sabi ni Via sa kanyang sarili habang pumupunta na si Via sa kanyang sariling kotse.
Alas otso pa lang naman ng gabi kaya sakto lang naman na alas nuwebe na kapag makarating na si Via sa bar house. Habang nasa daan na siya papuntang bar house, pinag-iisipan na rin niya kung mag file na nga ba siya ng application form para sasali sa Binibining Pilipinas. Tutal pasok naman si Via sa height at pati na rin sa age requirements. Kung tungkol naman sa trainings ay hindi rin siya papahuli kasi nga sa murang edad pa lang naman niya noon ay siya ang palaging kinukuha ng school nila na muse, isinasali at nananalo sa mga beauty pageant at fashion shows kahit bukas na gawin nang screening ay talagang handang-handa na siya. Okay, sige -sige, i-fa finalize ko na ang application ko pagdating ko sa bar house...ang nangingiting sabi ni Via sa kanyang sarili.
G na to!