下載應用程式
25% CHASING CARS / Chapter 8: kabanata 6

章節 8: kabanata 6

CONGRATULATIONS!!!

Lander Anthony Gomez Aldana, PhD for passing the Career Executive Service Written Examination (CESWE) from your DepEd family and friends. Ito ang bumungad sa kanilang opisina sa umagang iyon. Ops...nauna pa pala nilang nalaman na pumasa pala ako kaysa sakin, natutuwang iling niya sa kanyang sarili. Hindi na kasi siya aktibo sa social media accounts niya at nagpokus na lang siya sa ginagawa niyang research works at paglilibang sa paglalaro ng Mobile Legends ang kanyang oras bukod pa sa paminsan-minsang inuman session ng kanyang mga tropa, simula noong nagkahiwalay na sila ng kanyang dating girlfriend na si Ludivina. Hindi pa kase siya handang mag-entartain sa mga tanong ng mga kaibigan, kakilala at kamag-anak niya sa social media kaya heto siya ngayon at napapantastikuhan pa rin sa kanyang sarili na pumasa pala siya sa CESWE, at nakita rin niyang out of 1,465 takers ay wala pa sa tatlong daan sa kanila ang pumasa sa naturang exam. Paano rin kasi at nadala lang siya noon sa kantyaw ng kanyang mga kaibigan sa serbisyo na mag apply kasi nga, wala talagang pumapasa sa kanilang dibisyon kaya heto na ngayon at sobrang laki ang kanyang tarpaulin na nakabalandra sa harap ng kanilang opisina. Haist, for sure na kawawa na naman itong budget ko ngayon, tinatamad pa naman akong pumunta sa bangko para mag withdraw ng pang treat ko sa mga ka-opisina, tanging nasambit na lang ulit niya sa kanyang sarili habang papasok ito sa kanilang department. Oh my God, ladies and gentlemen, announcing the arrival of the man of the hour, the ultimate achiever at his very young age, the one and only new passer in our division of Career Executive Service Written Examination, let us all welcome, Dr. Lander Anthony Gomez Aldana! at sumunod ang masigabong palakpakan na sumalubing sa kanya. Hindi mapatid na pagbati at mga ngiti ang ipinukol sa kanya maging ang kanilang Superintendent na si Dr. Isabelito Macanas ay sobrang nagagalak sa kanya, kaya siya na mismo ang nagprisintang siya na ang bahala sa meryenda ngayong umaga at sa programa niya mamayang hapon ngayong araw kaya laking pasasalamat niya sa kanyang sarili na kahit papano ay naisalba muna niya ang kanyang budget kaso nga lang, kailangan na naman niyang maghanda ng isang inspirational talk sa kanyang simpleng programa mamaya. Kailangang gandahan at ramihan niya ang kanyang gagawing mensahe kasi alam niya na hindi na naman ito palalagpasin ng kanilang Superintendent at ibang kasamahang supervisors na hindi ito maipupublish sa DepEd article ang kanyang gagawing mensahe. Wala akong masabi pero salamat ng marami, Diyos Ama.. tanging nasambit niya ule sa kanyang sarili habang ginagawa na niya ang kanyang mahaba at nakakapagbigay-inspirasyon na mensahe.

Sana gabi na, para naman inuman na lang ulit ng tropa nangingiting saad niya ule sa kanyang sarili sa sobrang sayang kanyang nararamdaman sa ngayon. After all, hindi pala siya palaging unlucky kasi nga, kahit mag-isa na lang siya sa buhay at hindi maganda ang naging bunga ng kanilang relasyon ni Ludivina, ay mayroon siyang mga tunay na tropa at mga mabubuting kaibigan na katulad din niyang mga propesyonal, at syempre sa kanyang mga kasamahan na rin sa opisina lalo na ngayon at sobrang iniidolo siya ng karamihan sa kanyang angking kaguwapuhan, tindig at katalinuhan...


創作者的想法
DaoistNdGosG DaoistNdGosG

keep on reading lang guys

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C8
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄