Dahil sa mga nasabi ko kay rein nagbabalak na siyang umalis nang "oh anak nandyan ka na pala?oh may mga kasama ka pala?bakit dyan kayo naguusap dito kayo sa loob pumasok na kayo"
"hindi na p-" magsasalita palang si rein nang
"bilisan niyo na pumasok na kayo maghahanda ako nang makakain"
Nang makapasok kami kahit si mama hindi nakilala si noah "oh anak ipakilala mo naman ako sa kasama mo" alok ni mama
"ma si wawa po yan" sagot ko
"HA? SERYOSO KA BA?diba nasa probinsya sila?" gulat na gulat na tanong ni mama
"ma totoo po si wawa yan and guess what?"
"ano?"
"dito na po siya ulit titira, hindi na niya po ako iiwan ulitt!!" sa sobrang saya namin ni mama napatalon na kami at agad niyakap ni mama si noah halatang hindi siya makapaniwala na si noah iyon dahil minuminuto niyang tinatanong kung sino talaga siya, hindi nagtagal pati si papa bumaba na nang kwarto dahil sa ingay namin at kahit siya hindi makapaniwala na si noah ang kaharap niya
Habang nagkwekwentuhan sila kami naman ni rein ay nagusap muna sa labas "bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko sa kanya
"nagaalala nga ako sayo!!"galit na sabi nito
"wala kang karapatan na magalala sakin diba nagkabalikan na kayo ni pat? bakit ginigulo mo padin ako?rein pwede ba tigilan mo na ko kasi ako" sabi ko
Siguro nasaktan talaga siya nang sobra dahil sa mga sinabi ko dahil nang matapos ako magsalita hindi na siya sumagot, "tita,tito una na po ako maaga pa po ako bukas eh salamat po" paalam nito kila mama "oh sige iho magingat ka" sagot ni mama, hanggang sa tuluyan nang umalis si rein na walang iniiwan na salita,
Nagaalala ako sa kanya baka nasaktan ko talaga siya?paano kung iniisip niya lang talaga ko? paano kung nagaalala talaga siya? pero siguro tama lang yung ginawa ko para tuluyan na kaming matapos kung ano man ang meron samin at para tuluyan ko na siyang makalimutan hanggang sa tuloy ang usapan.
"saan ka na magaaral wawa?" tanong ni mama
"kung saan po nagaaral si mimi" sagot nito
"ay weh? gusto mo pading kasama si mimi ah"
"opo naman po nangako po kami sa isa't isa na hindi maghihiwalay"
"first love never die" sabi ni mama
Oo first love ko si noah kaya ganun na lang yung lungkot nang nalaman kong aalis na sila at baka hindi na makabalik iyak ako nang iyak nun hanggang sa nagpaalam na sakin si noah at nangako siya na babalikan niya ako,na kahit saan ako magpunta nandun siya,na hindi niya ko malilimutan, nasaktan ako nang paalis na siya pero mas masakit nang umalis siya na hindi ako kasama, dahil hindi ko lang siya first love siya din yung bestfriend ko naalala ko pa nga nun naglalaro kami sa bahay nila tapos nang tinatawag na ko nila mama ayaw ko nang umuwi dahil gusto ko nasa tabi ko lang si noah simula nun lagi na kaming sabay kumain,at magkatabi matulog
"naalala ko pa nga nun sabay pa kayo naliligo HAHAHA" sabi ni mama
"ma ano ba yan nakakahiya ka!!" sabi ko
"bakit totoo naman ah dib wawa?" tanong ni mama
"ha?opo" sagot niya habang nakatingin sakin at dahil gabi na rin naisipan na din niyang magpaalam para umuwi "tita,tito una na po ako" sabi nito "sige magiingat sa pagmamaneho!" sabi ni papa "opo salamat po" sabi niya "oh bukas pag free ka dito ka maghapunan magluluto ako nang paborito mong laing" dagdag ni mama "oh sige po salamat" sagot nito
Nang makaalis na si noah ay hindi ko padin maalis sa isip ko si rein, Oo inaamin ko na nasaktan ako nang malaman kong nagkabalikan na sila ni pat pero hindi naman tama na makisawsaw ako sa relasyon ng iba kaya habang maaga pa ay ako na lang ako iiwas para wala nang masaktan..
Hanggang sa naalala ko na kailangan ko palang matulog nang maaga para maaga din akong magising para sa pagsesetup bukas sa program papikit na ako ng "maaga kayong pumasok bukas magsesetup pa tayo!!" galit na sabi ni rein sa gc namin kaya't agad namang nagreply ang iba "kahit hindi mo sabihin maaga talaga kami pupunta duh" sa isip ko hanggang sa nakatulog na pala ako 4:00 nagising ako kaya naisipan ko na maligo at magbihis na para makaalis na 5:00 o'clock nang makarating ako sa school at kitang kita ko sila rein na nagaayos na alam kong nakita ako ni rein pero hindi niya ako pinansin kaya't hindi ko din ito pinansin.
"late ka nanaman yumi" sabi ni presidente
"nagpupuyat ka kasi kakanood mo yan nang kdrama ang corny mo kasi" dagdag niya pa
Oo aaminin ko napikon ako dahil sa sinabi niya kaya sumagot ako "ikaw nga naturingan presidente ng school walang manners, tignan mo kung paano mo bastos bastusin yung ibang tao siguro ganyan tinuro sayo nang magulang mo, ang wag igalang ang ibang tao bawas bawasan mo yung kayabangan mo hindi mo yan ikakaangat" sagot ko nakita ko yung pagkapikon niya kaya tinulak niya ako at gumanti ako hanggang nagkasakitan na kami nang matulak niya ako nang malakas natumba ako at nauntog kaya't nahirapan akong makatayo muli, nakita ko na tutulungan sana ako ni rein kaya lang pinigilan siya ni pat "oh ano ayan lang ba kaya mo?" tanong ng presidente "siguro ganyan din yung ugali nang mga magulang mo noh?" tanong ko "diba ikaw yung presidente dito? dapat ikaw yung nagdidisiplina sa mga tao dito bakit parang ikaw pa yung walang disiplina?" dagdag ko "ANO SABI MO!?" galit niyang tanong "ang masasabi ko lang wala kang kwenta period!!" sabi ko dahil sa pagka-pikon niya ay babatuhin niya ako nang hawak niyang gunting sinusubukan ko na umalis sa kinauupuan ko pero hindi ko kaya, nagtakip ako nang mukha ko upang hindi matamaan laking gulat ko na walang tumama sakin at pag tingin ko ay may isang lalaking nakaharang sa akin "bakit niya ginawa yun?" "anong relasyon nila?" tanong nila..
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.