下載應用程式
25% When He Changed (TAGALOG) / Chapter 5: Tawag

章節 5: Tawag

A4. Tawag

BWESIT NA YUN!

Kay bata-bata pa nila ay naghahalikan na sila!? Kadiri naman nila masyado at akala ko ba boyfriend material itong si Lourd? Mabuti naman at naipakita na niya ang totoo niyang ugali. Ka bwesit na yun!

"Tapos Kana?"

"Ay itlog mo mabaho! Jusko naman Cris, wag ka namang nanggugulat dyan! Kanina ka pa ha! Naiinis na'ko sayo." Nanggigil kong sabi kay Cris Sign.

"Peace." Pinakita pa niya sakin ang peace sign niya habang nakangisi. Umirap ako, pinagpatuloy ko nalang ang pagmamop dito sa sahig.

"Di ka pa pala tapos?" tanong niya ng mapansin na hindi ko siya kinikibo.

"What you think?" masungit kong sagot.

Buntong hininga ang lalaki at umupo sa sink. "Hoy baka masira!"

"Is this about Lourd?"

"H-huh?" tumigil ako sa pagpupunas at hinarap siya. Nandun lang siya sa sink na malapit sakin habang pinapaikot sa daliri niya ang susi na ang sa tingin ko ay para sa mga room ng paaralang ito.

"Narinig ko kasi ang sigaw mo kanina. Nakita ko rin na lumabas galing dito si Lourd at ang babae niya. Kaya I must assume na nahuli mo silang nagka-'do'."

"Do mo mukha mo! Teka lang..." Lumapit ako sa kanya na may pagtataka ang singkit kong mga mata.

"Nag english ka?"

"H-ha?" umiwas siya ng tingin at namula.

"Hakdog!" irap kong sabi.

"Ikaw ha, napapansin ko na sayo... pag galit ka lang nag-eenglish." nilagay ko sa baba ko ang mga daliri ko habang nilalapit sa kanya ang mukha ko. Siya naman ay di makatingin sakin at namumula na. "So it means, galit ka... ngayon?" hmm...

"A-ano ka ba?! Hindi nu! Ba't naman ako magagalit?"

"Kaya nga, ba't ka magagalit?" tanong ko.

"Ewan ko sayo Dora!" umalis siya habang ako naman ay tatawa-tawang nakahawak sa tyan ko. Narinig ko ang pag 'click' ng siradura at doon na ako tumigil sa kakatawa. Umiling ako habang ngumisi dahil sa naalala ko ulit ang mukha ng lalaki. Ang cute niya pala nu pag namumula? Para siyang lechon baboy. Hahaha!

"D-Dora?" narinig ko ulit siya. Baka bumalik para may sasabihin naman.

"Hmm?" di ko parin siya nilingon at kinuha na ulit ang mop na nakasandal sa kisame.

"May nag-lock."

"Shut up ka nga diyan. Maglilinis pako. Umalis ka nlang dito kung wala ka namang sasabihing matino." sabi ko habang nakangisi parin.

"Seryoso! May nagkulong satin dito."

"H-huh?" kinabahan ako agad sa kaseryosohan ng boses ni Cris.

"Someone locked us here."

Lumapit ako para tignan ang pinto. Hinawakan ko ang siradura at tama nga! Di mabuksan.

"Nakita mo sinong nagkulong sa'tin dito?"

"No. But I know who is it." seryosong nilibot ni Cris ang mga mata niya sa CR.

"Hoy ikaw ba! Naiinis na'ko diyan sa kaka-english mo! Pwede bang tigilan mo na yan?" kung maka-english, ano siya Amerikano?! Eh ang dugyot dugyot ng taong 'to.

Di niya parin ako pinansin imbes ay pumasok siya isa-isa sa mga cubicles na parang may hinahanap.

Nameywang ako sa likod niya habang siya nasa cubicle parin at naghahanap ng 'who knows what is it?'

"Hoy! Yung susi mo! Gamitin mo na dali para makaalis kana. Maglilinis pa'ko dito."

Dahan-dahan siyang humarap sakin ng seryoso at walang ka-humor humor ang mata niya. Kinabahan ako bigla. "Wala akong susi sa mga CR dito." at lumipat siya sa isang cubicle para magpatuloy.

"What?! So it means hindi na tayo makakaalis dito?"

"Oo."

"At kailan ulit 'to mabubuksan?"

"Bukas kung may janitor na.".

"Ano?!" napasigaw na talaga ako ng mas malakas. Hindi 'to pwede... JUSKO.

"Hoy sagutin mo nga ako, anong gagawin natin ngayon?"

"Mag hanap ka ng bagay para pwedeng isira diyan sa doorknob." sabi niya na hindi parin tumitingin sakin.

Tumulong rin ako sa paghahanap at may nakita akong bakal sa gilid ng salamin. Mahaba yun na sa tsansa ko ay abot hanggang kilikili ko.

"Eto! May nahanap ako!" mabilis siyang lumingon sakin pagkarinig ng sinabi ko.

"Hmm pipe. Pwede na'to." ngumiti siya sakin at nakita ko na ulit ang bungi niyang ngipin pero wala na yung tsokolate. Mabuti naman...

Pinalo palo niya ang siradura ng pinto hanggang sa mayupi ito at nabuksan ang pinto. Nakahinga kami sa wakas. Di ko na alalahanin pa kung ano ang mangyayari samin dito sa loob.

"Tara na." pinapauna pa niya ako huh?

"Okay... Salamat ha?" Sabi kong nakangiti. Ngumisi rin siya at nasilaw ako kaagad sa ngipin niya. Bakit ba naman ako lumapit sa kanya? Yan tuloy, nahilo ako pagkasalita niya, "Walang anuman Dora."

Pero bago ako tumalikod, sinuntok ko ang braso niyang manipis. "Sanaol strong." yun lang at kumaripas na ako ng takbo.

Di ko narin inalahanan ang tawag niya sakin.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄