下載應用程式
76.92% The day dreamer's diary / Chapter 10: chapter 9

章節 10: chapter 9

Nagising si Ann mga bandang alas dos na nang madaling araw. Naka higa siya sa kama habang ako ay sa sofa lang natulog. Maingat siyang tumayo at hindi gumagawa nang ingay. Naka dim ang ilaw nang kwarto kaya di niya nakikita kung tulog ba ako o hindi sa pagkakaupo ko sa sofa. Pinagmasdan ko lang siya at hindi ako nagpahalatang gising hanggang makalabas na siya nang kwarto. Rinig kong nasa may kusina na siya at tinitignan kung may makakain. Kaya sumunod ako sa kusina para ipag handa siya. Nagulat siya nang makita ako .

"pasensya na at nagising pa kita, nagugutom kasi ako." nahihiya niyang sabi.

"okay lang, hindi pa naman ako nakatulog, binabantayan lang kita." sagot ko sa kanya habang kinukuha ang niluto kong ulam at inilagay sa microwave. Pinaupo ko lang siya at pinagsilbihan, at sabay kaming kumain, nagugutom rin kasi ako. Habang kumakain kami ay nag kwentuhan kami, para hindi namin maramdaman yung bigat nang sitwasyon.

"Matanong ko lang, asan ba ang asawa mo? Baka mamaya kasi madatnan niya tayo dito at kung anong iisipin." siya.

"nako, wala, haha. Ewan ko ba, bat ipinagpalit na lang ako parati." sagot ko sa kanya.

"sus naman, humuhugot. Mag kwento ka nga" sabi niya. Ewan ko ba, bat parang walang problema tong babaeng to. Kaswal kaming nag kekwentuhan habang kumakain. Naisipan kong alukin siya nang alak. Kaya uminom lang kami nang tig iisang bote. Nag kwentuhan kami about sa previous ko, hanggang sa dumating kami sa punto na pinag usapan na namin yung past namin.

"di ko alam, bat bigla mo nalang akong pinagtabuyan, alam ko may gf ka na, pero kasalanan ko ba kung masaya ako sayo?" nag sisimula na siyang manumbat.

"sorry, lasing ako nang mga panahong yun, pero damn Jullie Ann, sinubukan kong mag reach out sayo pero di na kita makontak." mahina kong sabi sa kanya,na may halong emosyon.

"you shut me out first. you're so cruel." garalgal yung boses niya. Ewan ko lang kung dahil ba sa alak o umiiyak na siya?

"I didn't mean that to happen, nadala lang ako. Simula nun, nananabik na ako araw.x dahil gusto kong kausapin ka kahit hindi ko alam kung ikaw ba talaga yung kausap ko o hindi." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Hindi siya umimik, tinungga niya lang yung natitirang laman nang iniinum niya, at pumasok na siya sa kwarto. Hindi ko siya nilingon, tuloy lang siya sa paglalakad. Nang makalabas na siya sa kusina at papasok na sa kwarto,tsaka pa ako tumayo upang sundan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at agad naman niya itong hinablot at sinampal ako, isang malakas na sampal.

"Itold you, I'm not a posser of myself!"

Pagkasabi niya nun ay pumasok siya sa kwarto at kinuha ang pouch niya saka akmang lalabas nang bahay, hinarangan ko siya, at pilit na niyakap pero itinulak niya ako.

Kakakita pa lang namin pero pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Tinutulak niya ako at pinagsusuntok sa dibdib. Tiniis ko lang iyon kahit masakit na. Nang biglang may naaninag ako sa labas, may mga tao, at parang may kung aming dala. Nang napagtanto ko, mga armas ang dala nila, tsaka ko lang naalala kung anong sitwasyon ang kinasasangkutan namin. Agad na tinakpan ko kaagad ang bibig niya at iginiya na gumapang.

"may mga armado sa labas." bulong ko sa kanya. Mabuti na lang at nakapatay ang ilaw sa sala. Dahan, akong gumapang papunta sa kwarto at kinuha ang 9mm ko at ang baton. Nag text ako sa mga pinsan at tropa kong pulis at nanghingi nang tulong. Narinig kong may sinubukang mag bukas nang pinto, at walang pagdadalawang isip na pinaputukan ko ito apat na beses, narinig kong may lumagapak sa may pinto,kahit takot ako ay kaylangan kong lakasan ang loob. Kasunod nun ay niratrat na kami nang mga kalaban sa labas.Pagkatapos nilang ratratin kami, narinig kong may nagsabi nang Cease Fire. Inutusan ko siyang dumapa at gumapang papunta sa likod, sa may kusina.

Nasa isip ko na dun kami dumaan para maka labas. Nang may tao na run, pagkakita ko sa kanila ay agad kong pinaputukan habang umaatras ako pabalik, sakto namang natamaan ko ang isa at natumba sa may pinto. Gumanti nang putok ang nasa may kusina at nakipagpalita pa ako nang putok. Narinig kong lagpak sa kusina ang kalaban. Nang matigil ang pag putok dahan dahan kong ginapang ang bangkay sa kusina at kinuha ang M16 rifle nang kalaban. Kinuha ko rin ang apat na magazine nito na puno pa nang bala. Naririnig ko boses nang mga tao sa labas, kinuha ko na rin ang isang side arm pistol nung bangkay na nasa kusina. Iniabot ko ito kay Ann, "anong gagawin ko dito?" pagka tanggap niya nung baril. "itutok mo lang sa kalaban at kalabitin ang gatilyo." sabi ko sa kanya. Ginapang namin ang pinto sa kusina at nang makalabas na kami ay tumakbo kami sa may kakahuyan sa likod nang bahay. Ilang sandali pa ay may nakakita ata samin at pinaputukan kami, tantsa ko ay nasa 10 ka tao ang kalaban. Sa may natumbang puno pinatago ko si Ann, ako ang haharap sa kanila nang mag isa. "dadaan muna sila sa malamig kong bangkay bago ka nila makuha." sabi ko sa kanya at akmang aalis. Bigla akong natigilan nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, at hinalikan niya ako sa labi. "mag iingat ka." sabi niya, at ngayun mas naging pursihido akong mabuhay. Hinarap ko ang mga kalaban at nakikipag palitan ako nang putok. Balak kong ilayo sila sa kinaroroonan ni Ann. Mali ako sa tantya ko na nasa sampong ka tao sila, dahil sa nakita ko, 5 sasakyan ang nakaparada sa labas nang bakod.

*****

Tumagal nang mga 15 minuto ang pakikipag palitan ko nang putok sa kanila, hanggang sa pagkalabit ko nang gatilyo ay hindi na pumutok ang baril ko, naubusan na pala ako nang bala, at tanging ang baton na lang ang naging sandata ko. Unti-unting nauubusan na ako nang pag asa. Naging maingat ako at binalikan ko ang kinaroroonan ni Ann, pero wala na siya dun. Nang pag tingin ko sa likod ay.

BANG!!


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C10
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄