下載應用程式
55% Protector's Love / Chapter 22: Chapter 22

章節 22: Chapter 22

Bago dumiretso sa Suite Room ni Damian sila Luke at Valerie ay bumaba muna sila sa lobby ng ospital.

Pagkatapos i-text ni Abigail si Valerie na may emergency sa ospital ay nagpadala din siya ng text kay Andre tungkol sa nangyari sa ama ni Luke. Nabanggit niya ito sa mga miyembro ng ORION, PHOENIX, at HAWK kaya pagkatapos nilang mag-dinner ay napagpasiyahan ng lahat na pumunta sa ospital.

"Cap!" "Bro!" Bati ng lahat kay Luke.

"Kamusta ang father mo?" Si Iggy ang naunang nagsalita. "Okay naman siya sa ngayon. Mamaya ay pag-uusapan namin ang tungkol sa operation niya." Sagot ni Iggy. "Ikaw ba ang mag-oopera?" Baling naman ni Iggy sa pinsan at tumango naman si Valerie. Inakbayan ni Iggy si Luke. "Leave it to her. She'll do her best." Ngumiti si Luke sa nadinig mula kay Iggy. "We'll pray for his fast recovery." Si Boyan ang nagsalita. "Thank you sa inyong lahat." Sabi ni Luke bago nakipag-fist bomb sa bawat isa.

"Tawagan na lang tayo, Bro. Maybe, I'll be here next month. Sabay-sabay na kami magbyahe pabalik sa Visayas at Mindanao mamaya." Sabi ni Iggy. "Ikaw na bahala sa pinsan ko." Patuloy ni Iggy. "At ikaw naman..." Niyakap ni Iggy ang pinsan. "You take care, okay?" Tumango ang dalaga at gumanti ng yakap sa pinsan. Nagpaalam na ang lahat kila Luke at Valerie pero bago umalis ay lumapit muna si Boyan sa dalawa. Yayakap sana ang binata kay Valerie pero naiharang na agad ni Luke ang sarili. Natawa ang lahat. Napakamot naman sa ulo si Boyan.

"See you in Mindanao next year. Alagaan mo si Val dahil kapag nalaman ko na pinaiyak mo 'yan, babawiin ko siya sa'yo." Umikot ang mata ni Valerie sa nadinig mula kay Boyan. Magsasalita na sana siya pero nagulat siya ng akbayan siya ni Luke. "I will never give you the chance." Nakangiting sabi ni Luke.

Nang maka-alis na ang lahat ay umakyat na din sila Luke at Valerie sa kwarto ni Damian.

Naunang pumasok si Luke kasunod si Valerie. Ngumiti agad si Damian ng makita ang dalawa.

"Kamusta po, Tito?" Tanong ni Valerie. "Magsisinungaling lang ako sa'yo if I would say I'm fine." Ngumiti si Valerie. "You will be fine." Sabi ni Valerie sabay hawak sa kamay ng matanda. "Sabi mo eh. Anyway, let's talk about me. Can I have my operation tomorrow?" Nagulat si Valerie sa sinabi ni Damian. "Kasal na nila Andre at Abigail next month and I will never miss that occasion lalo at kayong dalawa ang Best Man at Maid of Honor." Nakangiting sabi ni Damian. "Parang nabaligtad yata kayo ni Mama, Pa." Natawa si Damian sa sinabi ni Luke. "I love her that much kaya I let her do the talking." Tumingin naman si Damian kay Lucy na maga pa din ang mata kakaiyak.

"Tito, you know your case right?" Tango ang isinagot ni Damian sa tanong ni Valerie. "Tita, Luke, we will do two operations tomorrow. The Coronary Artery Bypass Grafting and the removal of his Pericardial Cyst. The CABG will take atleast 3-6 hours of our time and I don't see any problem with his condition right now pero..." Hindi malaman ni Valerie kung paano sasabihin na maaring magkaroon problema sa pagtatangal ng cyst sa puso ni Damian. Nilapitan ni Luke si Valerie at hinawakan ang kamay nito. Nagkatinginan naman sila Damian at Lucy. Kahit nasa ganito silang sitwasyon ay natutuwa sila sa nakikita sa dalawa.

"I trust you and I know Papa and Mama trust you too. Hindi agad magdedesisyon si Papa na magpa-opera sa'yo. Eversince you've met in the airplane ay wala na siyang ibang doktor na ginusto. He barely knew you at that time pero he decided instantly na you will be the one doing his operation. Whatever happens, alam namin na gagawin mo ang lahat." Seryosong sabi ni Luke. "My son is right, iha. We trust you. We'll get through this. Let's pray together." Ngumiti at tumango si Valerie sa sinabi ni Lucy.

Ayaw mang umuwi ni Luke ay pinagtulakan siya ni Lucy palabas ng kwarto ni Damian. "Iha, ikaw na muna ang bahala dyan. Lalo lang hindi makakapagpahinga silang mag-ama kapag nag-stay dito ang batang 'yan." Natawa naman si Valerie sa itsura ni Luke. "Ma, kailangan ako ni Papa." Maktol ni Luke. "Mas kailangan ako ng Papa mo. Hala, sige, uwi,uwi." Pagtataboy ni Lucy sa anak. Lalakad na sana palayo ang dalawa ng magsalita ulit si Lucy.

"Iha, pwede mo bang samahan muna si Luke sa unit niya? Tiyak na hindi 'yan matutulog kapag walang bantay at tiyak na babalik din agad dito." Napamaang si Valerie sa sinabi ni Lucy. Si Luke naman ay napatayo ng tuwid. "Don't worry iha, kahit naman modern day na ngayon ay conservative pa din naman si Luke." Ramdam ni Luke ang pamumula ng mukha niya. "Ma!" Natawa si Lucy sa itsura ng anak. "Sige na, umuwi na kayong dalawa para makapagpahinga na din. See you tomorrow." Sabi ni Lucy pagkatapos ay pumasok na sa kwarto.

Habang nasa daan ay tinawagan ni Valerie ang bawat miyembro ng TOP at sinabi na bukas na ang schedule ng operation ni Damian.

"Bakit TOP ang pangalan n'yo?" Tanong ni Luke ng matapos si Valerie sa paggamit ng kanyang phone. "Because we're on top of the world?" Nakangiting sagot ni Valerie. "Wow, 'di masyadong mayabang ha?" Nakangiting sabi ni Luke. "Hindi naman masyado." Kunyaring pagyayabang ni Valerie. "Wala naman talagang meaning ang TOP. Ang natatandaan ko, wala naman talaga kaming pangalan noon. Unang operation namin, syempre kabado pa kaming lahat. Sabi ni Archer magpatugtog daw kaming music para marelax. Nagpatugtog nga si Genesis at ang unang music na tumunog eh Top of the World kaya ayun, TOP na ang naging pangalan namin." Nakangiting kwento ni Valerie. Nang lumingon siya kay Luke ay nagtaka siya dahil seryoso ito. Sa pag-aakalang ang ama nito ang iniisip ng binata ay bumuntong hininga siya. Magsasalita sana siya pero naunahan siya ni Luke.

"Hindi ba pwedeng puro babae lang ang miyembro ng TOP?" Kumunot ang noo ni Valerie sa nadinig mula sa binata. "Ang ORION puro lalaki kaya ang TOP pwedeng puro babae." Dugtong pa ni Luke. Natawa si Valerie. Si Luke naman ang kumunot ang noo. "May nakakatawa ba?" Inis na tanong ni Luke. "Puro babae naman kami ah." Lalong kumunot ang noo ni Luke. "Secret lang natin 'to ha? Mamamatay ako kapag may nakaalam, okay?" Hindi man maintindihan ni Luke ang sinasabi ng dalaga ay tumango siya.

"Archer and Genesis are gays, they are together. Eversince college kami, sila na. Hindi pa nga lang sila naglaladlad. Ako, si Abigail, at Andre lang ang nakakaalam. Noon kami lang ni Abigail kaso nagselos si Andre so we need to tell him." Nakahinga ng maluwag si Luke. "I feel Andre." Kumunot na naman ang noo ni Valerie. "Ano?" Takang tanong ng dalaga. "Wala, sabi ko ang ganda mo." Nakangising sabi ni Luke. "Kaso bingi lang." Dugtong ni Valerie. "Yeah." Sagot ni Luke kaya nakatanggap siya ng palo sa braso mula sa dalaga. "Grabe! Tama nga si Iggy, ang bigat ng kamay mo!" Pang-aasar ni Luke. "Ah, ganoon?" Tinaasan niya ng kilay si Luke kaya tumigil na ang huli sa pang-aasar.

"Magpahinga ka na, tama si Tita, kailangan n'yong magpahinga para bukas." Sabi ni Valerie ng nasa harap na sila ng unit nila ni Luke. "I don't think I can sleep at all." Sagot naman ni Luke. "Atleast try." Sabi naman ni Valerie. "Okay, sige na, pumasok ka na." Sabi ni Luke. "Mauna ka muna." Sabi naman ni Valerie. Nagpatagalan sila ng pagtayo sa labas. Dahil wala yatang balak ang dalaga na pumasok sa unit nito ay si Luke na ang sumuko. Mamaya na lang ulit siya lalabas kapag nasigurado niya na tulog na ang dalaga.

Nagmamadali si Valerie na naligo at nagbihis. May pakiramdam siya na babalik nga si Luke sa ospital. Nang matapos ay mabilis siyang lumabas ng unit at kataon nga na palabas din ng unit niya si Luke.

"At saan mo balak pumunta?" Dahan-dahan naglakad si Valerie papunta kay Luke na nakapameywang. Para namang daga si Luke na nahuli ng pusa. "Ha, eh, magpapahangin lang sa labas." Palusot ng binata. "Aaahhh, d'yan ka sa loob magpahangin. Pasok! Pasok!" Sabi ni Valerie habang tulak tulak pabalik sa loob ng unit ang binata.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C22
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄