下載應用程式
30% Protector's Love / Chapter 12: Chapter 12

章節 12: Chapter 12

"Thank you." Sabay na sabi nila Luke at Valerie.

Nasa harap sila ng Base Camp kung saan makikita ang opisina ng ORION. Kahit ayaw ni Luke at magpapasundo na lang sana siya kay Andre ay hinatid pa din siya ni Valerie.

"Thank you for saving me. I owe you big time." Nakangiting sabi ni Valerie. "Wala 'yun. Quits na tayo." Sabi ni Luke sabay turo sa kamay niya. Wala siyang binayaran sa ospital dahil si Valerie na ang sumagot ng ER bill niya. "Hinatid mo pa ko kaya no worries na." Dugtong pa ni Luke. "Kulang pa 'yun noh." Sabi ni Valerie. Kunyaring nag-isip si Luke. "Hhhmmm, pwede na ba ang dinner next week pagbalik mo?" Nag-aalanganin tanong ni Luke dahil hindi siya sigurado sa isasagot ng dalaga. "Sure!" Mabilis namang sagot ni Valerie. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luke. Nang tumango ang dalaga ay parang nanalo sa lotto si Luke. "Yes!" Ang sabi niya kaya natawa naman si Valerie.

"Ahm, kailangan ko ng umuwi, mag-ayos pa kasi ako ng mga gamit ko. Maya-maya lang ay dadating na ang parents ko sa condo." Sabi ni Valerie. "Okay,see you next week. Enjoy your vacation." Sabi naman ni Luke. Sumakay na si Valerie sa kanyang kotse pero bago siya maka-alis ng tuluyan ay sinenyasan siya ni Luke na ibaba niya ang bintana ng kanyang kotse.

"Ah, eh, pwede ba kitang tawagan kapag nasa Baguio ka na?" Nahihiyang tanong ni Luke. "Yeah. Tiyak na maiinip ako doon and kailangan ko din ng ibang makakausap maliban kay Abi." Nakangiting sabi ni Valerie. Para na namang tumama sa lotto si Luke sa tuwa. "Okay, bye, ingat ka." Sabi ni Luke. Kumaway naman si Valerie at tuluyan ng umalis sa lugar. Bago tuluyang makalayo sa Base Camp ay sinilip pa ni Valerie sa kanyang side mirror ang binata na nakatayo pa din sa labas. Hindi niya maiwasang sumilay ang isang masayang ngiti sa kanyang magandang mukha.

Nawala na ng tuluyan sa kanyang paningin ang sasakyan ng dalaga pero ang ngiti sa gwapo niyang mukha ay hindi mawala-wala. Nagulat pa si Luke ng may tumapik sa balikat niya. "Tsk, saya-saya lang, Cap." Bungad ni Andre. "Ikaw ba naman ang ihatid ng isang magandang doktora." Dugtong ni Aziz. "Tapos nayakap pa niya kanina." Tukso naman ni Bowie. "Saan ka pa, 'di ba, Cap?" Nakangiting sabi ni Ceasar. "Ikaw na ang swerte sa lahat ng swerte, Cap!" Sabi naman ni Darwin. "Gandang lalaki lang puhunan." Patol naman ni Luke sa mga sinabi ng mga kaibigan kaya nagkatawan silang lima.Biglang may naalala si Luke dahilan para matampal ang sariling noo.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Andre. "Nakalimutan kong hingin ang number niya." Sagot ni Luke. Biglang nilabas ni Andre ang kanyang cellphone at iniwagayway sa hangin. Nakita naman ni Luke ang ginagawa ng kaibigan at naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Dinner's on me, sky's the limit!" Alok ni Luke. "Shoot!" Pagsang-ayon naman ni Andre.

.......

"Dad, Mom!" Salubong ni Valerie sa kanyang mga magulang sabay yakap ng mahigpit sa mga ito. "Tingnan mong bata ka! Miss na miss mo kami pero hindi mo magawang dalawin kami kahit sandali lang." May himig-tampong sabi ng kanyang inang si Emma Villaflores. "Mom, alam mo naman ang mga doktor, hindi nila hawak ang oras nila." Paliwanag ni Valerie. "Hhhmmmppp, sa ibang tao may oras ka pero sa amin ay wala." Patuloy ni Emma. Tumingin si Valerie sa kanyang ama na si Arsenio Villaflores para humingi ng tulong sa pag-aalo sa kanyang ina pero isang kindat lamang ang isinagot nito na parang sinasabi na, "Kaya mo 'yan anak!" Umikot naman ang mata ni Valerie dahilan para matawa si Arsenio.

"Mom, pasensya ka na. Promise! Babawi ako. We'll go shopping. We'll go anywhere you want. I'm yours the whole week." Nakangiting sabi ni Valerie. "Promise? You'll do anything I want?" Tumingin naman si Valerie sa ama na parang kinabahan bigla. "Well, it depends, baka mamaya eh sabihin mo sa akin na tumalon sa tulay eh ibang usapan na 'yun, Mom." Biro ni Valerie. "Loka ka ba! Bakit ko naman patatalunin sa tulay ang nag-iisang kong anak?" Nakataas na kilay na sabi ni Emma. "Okay, I'll do anything you want but not the blind date thing, okay?" Parang gustong bawiin ni Valerie ang promise niya lalo at nakita niya na may makahulugang ngiti ang kanyang ina sa mukha nito.

Napakahilig ng kanyang ina na i-set up siya sa mga blind dates. Minsan nga ay tinatakasan na lang niya ang mga ito, minsan ay hindi sinisipot, minsan ay iba ang inuutusan niyang makipagkita. Kapag nahuhuli siya ng ina ay nagagalit ito sa kanya pero dahil sa ama ay hindi naman nagtatagal ang galit nito.

.......

"All set!" Sabi ni Valerie ng mailabas na niya ang bag sa sala ng kanyang condo. "Then, let's go. Baka ma-late pa tayo sa dinner date natin." Kumunot ang noo ni Valerie sa nadinig mula sa ina. Tumingin siya sa kanyang ama pero tumango lamang ito.

"I thought we're going home already?" Sabi ni Valerie. "Yes, we are. Pero dadaan muna tayo sa bagong kaibigan namin ni Daddy mo. We met them last year when they stayed in one of our hotels for almost a month. They we're interested in investing sa bagong hotel natin na ipapatayo somewhere in Tagaytay so we became close. Cardiologist din yung lalake and just like you, iisa lang din ang anak nila. A man to be exact." Parang may kakaibang tono ang kanyang ina sa pagsasabi na lalaki ang anak ng bago nilang kaibigan. "Mom, no monkey business?" Paninigurado ni Valerie. "Ano bang sinasabi mo dyan? Magreretire na kasi yung lalaki sa pagiging Cardiologist niya so naisipan nilang mag-business na lang and they saw great opportunity sa mga hotels kaya ayun." Parang hindi pa din maniwala si Valerie sa paliwanag ng ina.

"Dad?" Baling ni Valerie sa ama. "Your Mom is telling the truth. Damian and Lucy wanted to invest on something and when they stayed in our hotel, peak days yun so nakita nila na madami ang in and out sa hotel." Paliwanag ni Arsenio. "So mas naniniwala ka kapag ang ama mo na ang magsasabi?" Natawa si Valerie sa itsura ng ina na akala mo batang nagtatampo. "No, Mom, kasi kapag ikaw, impossible na walang monkey business on the side." Inirapan lang siya ng ina.

"Damian and Lucy? Where did I heard those names?" Tanong ni Valerie sa kanyang sarili.

.......

"Woah!" Nagulat si Valerie ng paglabas nila sa condo ay may tatlong sasakyan nag-iintay sa kanila at hindi lang iyon, may mga nakatayong mga unipormadong lalaki na nag-iintay sa kanila. "What's all these?" Takang tanong niya sa mga magulang. "Ah, don't mind them." Sagot ni Emma. "Dad?" Umikot naman ang mata ng kanyang ina ng tanungin na naman niya ang kanyang ama for confirmation. "For security purposes lang anak. Don't mind them." Sagot ng kanyang ama. Alam niyang may hindi sinasabi sa kanya ang mga magulang. Dati na silang may guards pero isa or dalawa lang ang mga ito pero ngayon ay doble na sa bilang. Pagdating nila sa Baguio ay kakausapin niya ang mga magulang tungkol dito.

.......

"Oh, Cap, uuwi ka na?" Takang tanong ni Andre ng makitang naghahanda na ang kanilang Captain sa pag-alis. "Yeah, nagtext si Mama. Umuwi daw ako ay may bisita kaming dadating. Remember 'yung sinabi ko sa'yo na balak nilang magnegosyo kapag nag-retire na si Papa?" Tango ang isinagot ni Andre. "Dadating daw sa bahay ngayon at iyon ang pag-uusapan namin." Patuloy ni Luke. "Ah, ok, sige." Sabi ni Andre.

Nang makapag-ayos na ng kanyang gamit ay nagmamadaling umalis na si Luke sa Base Camp. Magagalit na naman sa kanya ang ina kapag na-late siya sa dinner.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄