下載應用程式
5.55% March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 2: Chapter 2 : Jin and Jon

章節 2: Chapter 2 : Jin and Jon

Date: March 21, 2020

Time: 5:00 P.M.

Laking gulat ng batang Jin nang may madatnan siyang isang taong hindi niya kilala sa loob ng kanyang bahay. Dahil nakatakip ang kamay ng matandang Jin sa kanyang bibig, agad niya itong tinanggal at tiningnan ito na nanliliit ang kanyang mata at nakasimangot.

"Pero ang sabi niya, siya daw ay ako na mula sa future." nasa isip ng batang Jin.

Kinilatis niya ito mula ulo hanggang paa at inikutan para tingnan ang butong katawan nito. Habang pinagmamasdan niya ang matandang Jin na nasa harapan niya at nakatayo lamang, napansin niya na may pagkakahawig silang dalawa pero hindi pa rin maalis sa kanya ang pag aalinlangan.

"Ako ba talaga to sa future? Hmm? Kung ako nga ito talaga, hindi na masama!" nasa isip ng batang Jin at tinitingnan ang mukha ng matandang Jin habang nanliliit pa rin ang kanyang mga mata, "Mukhang lalo pang lumaki 'yung katawan ko at mas medyo naging moreno ako kumpara ngayon. Kung ako nga talaga 'to in the future, tama lang na mag matured 'yung itsura ko kumpara ngayon, at kita ko naman sa kanya 'yun."

Nakangiti lang ang matandang Jin habang pinagmamasdan niya ang batang Jin na kinikilitas ang kanyang mukha.

"Bakit ka nakangiti? Baliw ka ba?" hirit ng batang Jin, "Pero, kung pagmamasdan mo ng maigi 'yung mga mata niya, mapapansin mo na may lungkot siyang tinatago." nasa isip niya.

Hindi napigilan ng batang Jin na mapahawak sa kanyang baba at may napansin siyang isang bagay na meron ang matandang Jin na wala siya. Ang matandang Jin ay balbas sarado habang ang batang Jin naman ay hindi. Pero sa isip ng batang Jin, dahil magkahawig silang dalawa, tila babagay din ito sa kanya kaya lang magiging matured siyang tingan dahil dito.

"Pero hindi pa rin mawala sa isip ko habang kinikilatis ko ang buong katawan niya, baka niloloko lang ako nito at isa siyang con artist!" nasa isip ng batang Jin at kinausap muli ang taong nasa harap niya, "Sigurado ka ba na galing ka sa future? Baka mamaya con artist ka lang? Wala akong pera, sinasabi ko sayo hindi ako mayaman! Naghahanap palang ako ng trabaho!" Sumbat niya habang nanliliit pa rin ang kanyang mga mata.

"Okay, sige! Paano ko mapapatunayan na iisa lang tayo at 'di kita niloloko?" Tanong ng matandang Jin at tila confident pa siya na patunayan ang kanyang sarili.

"Tingnan natin kung masasagot mo 'to dahil wala akong pinagsasabihan ng bagay na 'to! Ano 'yung pinaka-nakakahiyang nangyari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan?" nagmamayabang na tanong ng batang Jin.

"Ha! 'Yun lang ba?" nakangising sagot ng matandang Jin at natawa, "'Ballpen na pula', gusto mo pa ba na sabihin ko kung ano nangyari?" 

"Sandali!" 

Humirit ang batang Jin at sumesenyas na 'wag na ituloy ng matandang Jin ang kwento.

"Ah yung Ballpen na pula na nakalagay sa likod ng pants mo na—" patuloy ng matandang Jin.

"'Wag mo na ituloy!" Napasigaw bigla ang batang Jin at tinakpan ang kanyang mga tainga.

Ngunit matigas ang matandang Jin at pinagpatuloy ang kanyang pagkukwento. Tila hindi na siya mapipigilan at tuwang-tuwa pa siya na makitang nahihirapan ang batang Jin.

"Kumalat ang pulang tinta at nag-mukhang—"

"La la la! Wala pala akong naririnig!" patuloy na sagot ng batang Jin habang tinatakpan ang kanyang mga tainga.

"Nakakahiya 'no? First day sa University, tapos gano'n pa yung nangyari? Saklap! Ang daming tao ang nakakita sa atin noon!" patuloy na kwento ng matandang Jin, "Buti na lang, may mabait na nagpahiram sa atin ng pants. Kung hindi, sa loob ng cubicle ng C.R. lang tayo buong magdamag hanggang mag gabi! Tsk!"

Nang tumigil na mag-kwento ang matandang Jin, tinanggal na ng batang Jin ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga tainga at muling tiningnan ang matandang Jin na nanliliit ang kanyang mga mata sa inis. 

"Naniniwala ka na ba sa akin na iisa lang tayo at galing talaga ako sa future? Binalik mo na ba yung pants ng nagpahiram sa'yo?" 

"Hindi! Hindi ko kilala kung sino ang nagbigay! Paano ko malalaman, inabot lang niya sa akin 'yun sa butas ng pinto ng cubicle!" naaasar na sagot ng batang Jin.

"Oh? Ako din, hindi ko alam kung paano ko isasauli sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala kung sino nagpahiram ng pants, kaya dito ko na lang tinago—" 

Agad na tumungo sa loob ng kwarto ang matandang Jin upang hanapin ang sinasabi niyang pantalon. Agad naman siyang sinundan ng batang Jin at inakalang magnanakaw na siya ng gamit.

"Hoy! Bakit ka pumasok sa kwarto ko? Magnanakaw ka talaga!" hirit ng batang Jin.

Hindi pinansin ng matandang Jin ang maingay na batang Jin sa kanyang likuran at patuloy niyang hinahanap ang pants sa isang cabinet sa loob ng kwarto.

"Hmmm? Ah, Ito 'yung pants!"  Humarap ang matandang Jin at nakangiti na ipinakita ang isang itim na pants na kanyang tinutukoy. "Ito yun! Hindi ko na nga lang alam kung sino may ari nito, kaya tinago ko na lang sa cabinet. Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?" 

Nanliit muli ang mga mata ng batang Jin at sa pagkakataong ito, naniniwala na siya sa sinasabi ng matandang Jin na nasa kanyang harapan dahil siya lang ang tanging tao na nakakaalam ng pangyayaring ito sa buong buhay niya.

"Oo na! Oo na! Naniniwala na ako sayo na iisa nga lang tayo! Pero, bakit parang wala na lang sayo! Bakit hindi ka na nahihiya 'pag naalala 'yun? Manhid ka na ba? Ang daming nakakita sa akin noong araw na yun, tapos ang layo na ng narating ko bago ko mapansin!" Sagot ng batang Jin.

"May mas nakakahiya pa na mangyayari, abangan mo nalang!" natatawang sinabi ng matandang Jin. 

Biglang nag-alala ang batang Jin sa kadahilanang ayaw niya na mapahiya muli, kaya tinanong niya ang matandang Jin upang maiwasan ito.

"Aw! Pwede mo ba sabihin sa akin? Para maiwasan ko na!" 

Biglang nagbago ang mood ng matandang Jin nang tanunging siya ng batang Jin at naging seryoso.

"Hindi!" Huminga ng malalim ang matandang Jin at patuloy na nagpaliwanag. "Makinig ka, kahit anong itanong mo tungkol sa future mo, hindi ko sasabihin sayo! Hindi maaari! Kasi, baka hindi na 'to mangyari. Alam mo naman 'yun, hindi ko na kailangan sabihin. Kung magkataon, baka magkaroon ng hindi magandang effect sa ating dalawa kung babaguhin natin ang pangyayari na 'yun." paalala ng matandang Jin habang tinatago niya na ang black na pants sa cabinet kung saan niya ito nakita.

"Kung gano'n, kung ayaw mo baguhin ang mga nangyari, bakit ka pa bumalik sa oras ko?"

"May mahalaga akong mission na malalaman mo rin sa susunod, pero hindi ko muna pwedeng sabihin pa sayo. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa ating dalawa sa oras na malaman mo 'to. Basta hayaan mo lang ako."

Nagtaka ang batang Jin sa isinambit ng matandang Jin, pero para sa kanya, kung buhay nilang dalawa ang nakataya, mas mabuti na ang maging maingat.

"Okay sige, naiintindihan ko—" nagbuntong hininga ang batang Jin at nagpatuloy sa pagsasalita, "sige, hindi na kita kukulitin tungkol sa future. Dahil iisa lang tayo, kilala ko ang ugali mo. Pero, sabihin mo lang kung kailangan mo ng back up."

Palabas na dapat ang batang Jin ng kanyang  kwarto nang biglang may pumasok sa isip niya.

"Oo nga pala, saan ka titira ngayon?"

"Tinatanong pa ba yan?" nakangising sinabi ng matandang Jin.

"Saan nga?"

"Malamang, dito sa bahay natin!" sagot ng matandang Jin at biglang tumawa.

"Ha? Saan ka dito? 'Di naman pang-dalawang tao 'tong bahay natin. Saka iisa lang yung kama ko! Saan ka matutulog?" naiinis na tanong ng batang Jin.

"'Di magkatabi tayo sa kama. Bakit may problema ka ba doon?" 

"Whaaaatt? Alam ko iisa lang tayo—" tila biglang kinilabutan ang batang Jin, "Pero 'pag naiisip ko na may katabi akong lalaki sa kama—iikk! Parang hindi ko yata kaya!"

Wala nang masabi ang matandang Jin at pinapanood niya na lang ang nandidiring batang Jin.

"Tumataas na balahibo ko iniisip ko palang! Yaak! Tapos naiisip ko pa na baka mamaya biglang—'wag! Maawa ka sa sarili mo!" diring diri at patuloy na sinabi ng batang Jin na parang gusto na niya na sumuka.

Nakatingin lang ang matandang Jin at biglang ngumisi dahil may naalala siyang isang bagay.

"Oy! Oy! Oy! Ano 'yan! Bakit ka ngumingisi?" nagtatakang tanong ng ng batang Jin, "Ano kaya ang iniisip ng matandang Jin na 'to? Bakit kaya siya ngumisi?" nasa isip niya.

Habang pinagmamasdan lamang ng matandang Jin ang kanyang batang sarili sa kanyang harapan, hindi niya mapigilang mapa-facepalm na lamang.

"Ganito ba ako kababaw dati? Nakakatawa pala ako dati! Kung alam niya lang kung anong mga susunod na mangyayari sa kanya, mababaliw na lang siya" nasa isip ng matandang Jin. "Oh sige, dito na lang ako sa sofa matutulog. Ayaw ko naman mahirapan ka. Basta ba—" nahihiyang sinabi ng matandang Jin.

"Basta ano?" kabado na tanong ng batang Jin.

"Basta ikaw muna bahala sa pagkain at damit ko ah?" natatawang sagot ng matandang Jin. 

"'Yun lang pala! Saglit ka lang naman ata dito kaya sige. Saka parehas naman tayong marunong magluto kaya walang problema doon."

Natuwa ang matandang Jin dahil may lugar na siyang tutuluyan habang hinihintay niya ang mga araw. Ang buong akala niya ay hindi siya patutuluyin ng batang Jin dahil sa mga panahon na ito, ayaw niya ng may kasama sa bahay dahil masikip at mahihirapan siyang gumalaw. 

"Oo saglit lang ako dito. Magugulat ka na lang isang araw wala na ko at nakabalik na ko sa mismong oras ko." Nakangiting sagot ng matandang Jin. "Pasensya ka na, hindi ko pa masabi na matatagalan ako dito sa panahon mo, pero bahala na." nasa isip niya.

"Okay, deal! Pero anong sasabihin ko sa mga kaibigan natin kung sakaling makita ka nila kapag magkasama tayo?" tanong ng batang Jin.

"Sabihin mo na lang na kapatid mo ko at ngayon lang tayo nagkita, madali lang yan! Basta ang pangalan ko muna ngayon ay 'Jon' kung sakaling may makakita sa ating dalawa." paliwanag ni Jon.

 "Sige, sana walang makahalata o kung mas okay sana hindi ka nila makita. Pero, alam ko di maiiwasan 'yun." nangangambang sinabi ni Jin at tumungo siya sa kanyang cabinet na nasa tabi ng kama at naghanap cap. Nang makita niya ang cap na may camouflage na design ay inabot niya ito kay Jon. "Kapag lumabas ka, magsuot ka nito o kahit ano na magtatakip sa'yo! Magkamukha pa rin tayo, mas matured ka lang tingnan at baka magduda sila." dagdag pa niya.

Habang sinusuot ni Jon ang cap, pinagmamasdan niya si Jin na tila may gusto itong itanong sa kanya, kaya siya na ang nagsalita.

"Anong itatanong mo sa akin? Alam ko may gusto kang malaman."

"Hindi ko parin talaga maisip kung anong balak mo gawin dito? Curious talaga ako, pero kung sakaling malaman ko ng hindi ko sinasadya, 'wag ka mag-alala at  hindi ko babaguhin kung ano man ang mangyayari. Wala akong gagalawin at hindi ko itatanong sayo o kung anuman. Oks ba?" hirit ni Jin.

"Buti naman malinaw sa'yo. Basta, 'wag ka na magtanong." natutuwang sinabi ni Jon at pabiro niyang niyakap si Jin na siya namang ikinagulat nito.

"Kadiri! Bitawan mo nga ko! 'Wag na 'wag mo gagawin yan! Kahit iisa lang tayo, nakakadiri parin lalo na nararamdaman ko 'yung bigote mo! Arghh! Kinikilabutan ako!" nandidiri na sinabi ni Jin habang tinutulak niya si Jon papalayo sa katawan niya. 

Umupo na lamang si Jon sa kama habang natatawa at dahil nailang na sa kanya si Jin, ay lumabas na ito ng kwarto at inayos ang mga gamit na ipapahiram nito na sa kanya at ipinatong sa sofa na nasa living room.

"Ginagawa ko lang to kasi iisa lang tayo. Sana, natatandaan mo pa rin na hindi ako sanay ng may kasama sa bahay." hirit ni Jin habang inaayos niya ang mga gamit na nilalagay niya sa sofa.

"Oo alam ko, wag ka mag alala. Kilalang kilala kita at lahat ng baho mo alam ko!" pabirong sinabi ni Jon.

Napa eye-roll na lamang si Jin at bumalik na sa kwarto pagkatapos ilapag ang mga gamit sa sofa. Hinila niya at pinatayo sa Jon sa kama kung saan ito nakaupo.

"Lumabas ka na nga! Doon ka na sa sofa, gusto ko muna magpahinga." naiinis na sinabi ni Jin.

Agad naman tumayo si Jon  at lumabas ng kwarto at tumungo na rin ako sa living room katapat lang ng kwarto at humiga sa sofa. Pagkahiga niya sa sofa, sinara na ni Jin ang pinto ng kwarto ngunit hindi ito sinara ng maigi. Ito ay para masilip niya kung ano ang ginagawa ni Jon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nakahiga lang ang batang Jin sa kama at nakatitig sa ceiling, nag-iisip kung ano talaga ang pakay ni Jon at kung bakit ito bumalik dito sa panahon niya. Dahil sobrang bored na rin siya at wala na magawa, tiningnan  niya oras sa phone na nakapatong sa cabinet sa tabi ng kanyang kama.

"7 p.m. na pala? Ang bilis naman ng oras nakahiga lang naman ako. Ano kayang ginagawa ni Jin Tanda sa sofa, masilip nga."

Nakahiga pa rin si Jon, at gaya ni Jin, nakatingin lamang ito sa ceiling habang nag-iisip ng kung ano-ano.

Nagtaka si Jin sa kung ano ang malalim  iniisip ni Jon, dahil para sa kanya, kapag nakahiga siya at nakatingin lamang sa ceiling, marami siyang iniisip na mga bagay-bagay. Tumayo siya sa kanyang kama at naisip na lapitan si Jon upang kausapin at alamin kung ano ang bumabagabag sa isip nito at para hulihin rin kung ano ang mission nito. Dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa pwesto nito.

"Hmmm?"

Nagtaka si Jin dahil hindi siya pinapansin ni Jon nang makatayo siya sa harap nito, kaya naman tinakpan niya ang mga mata nito, ngunit hindi kumilos o kumibo si Jon.

"Huh? Pero bakit parang nababasa yung kamay ko? Umiiyak ba siya?" nasa isip ni Jin habang nararamdaman niya na nababasa ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ni Jon. Tinanggal niya ang  kamay niya para malaman, dahil pakiramdam niya ay lumuluha ang matandang Jin na nasa harap niya. "Tama nga ako, lumuluha ang Jin na nasa harap ko, pero bakit? Pagkakataon ko na to para alamin ang mga bagay bagay!" nasa isip ni Jin. "Huy! Wala akong nilagay sa kamay ko na pwedeng mag paiyak sa'yo! 'Di ko to nilagyan ng Vicks o Katinko para maiyak ka! Bakit ka umiiyak bigla?" nagtatakang tanong niya.

"Kapag nagiging madilim 'yung paningin ko, may naalala lang ako. Kaya hirap din ako matulog 'pag nakapatay ang ilaw, bigla na lang ako malulungkot." sagot ni Jon habang pinupunasan ang kanyang mga mata at nagpatuloy sa pagsasalita, "Kaya sorry kung biglang tumaas kuryente mo dahil sa akin. 'Wag ka mag-alala, magbibigay naman ako." biro niya.

Pero sa isip ni Jin, bukod pa doon ang sagot ni Jon at may malalim pa itong dahilan. Hindi niya ito maitanong dahil alam niya na hindi nito sasabihin ang totoo.

"Hindi ko man alam 'yung mga nangyari sa'yo, pero kung gusto mo ng kausap nandito naman ako. Pwede mo sabihin sakin 'yung mga problema. Para naman hindi mo sinasarili." hirit ni Jin, pero ang totoo ay hinuhuli niya lang si Jon.

Biglang nanliit ang mga mata ni Jon at tinitigan si Jin, "Akala mo ba hindi ko alam kung anong plano mo? Gusto mo malaman kung ano nangyari sa akin! Gusto mo lang ako mag-share!" sagot ni Jon.

"Ha? Anong sinasabi mo? Siempre, baka isipin mo na wala akong paki sa sarili ko kaya ako nagtatanong" palusot ni Jin habang hindi siya makatingin sa mga mata ni Jon.

Huminga ng malalim si Jon at biglang nag pout at tila nanghihingi ng yakap kay Jin.

"Halika dito, yakapin mo na lang ako. Kailangan ko lang ng yakap."

Nandiri na naman si Jin dahil ayaw niya na ginagawa ito sa kanya ni Jon, "Yakap pala ang gusto mo ah?" Sinapak niya si Jon ng mahina sa mukha dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya, "Sinasabi ko sayo, itigil mo yan! Hindi ka ba nandidiri?" Umalis na si Jin sa kanyang pwesto at tumungo na sa kitchen at umupo sa kulay dark green na plastic na monoblock chair.  "Tara na nga kumain na tayo nagugutom na ko, at maaga pa matutulog. Kasi, bukas may interview pa ko para sa papasukan kong trabaho."

Nang marinig ni Jon na interview ni Jin bukas, March 22, 2020, naalala niya na natanggap siya sa isang Electronics and Technology na company na hindi niya inaasahang magpapabago sa buhay niya.

Mula sa pagkakahiga sa sofa, tumayo na rin siya at tumungo sa kitchen. Nakangiti lang siya kay Jin na nakaupo monoblock chair na siya namang pinagtataka nito.

"Oh bakit ka nakatingin sa akin? May balak ka na naman gawin? Itigil mo yan! Baka gusto mo lagyan ko ng pasa yang mukha mo!" naiinis na sinabi ni Jin at ready na siyang manapak.

"Good luck bukas! Kaya mo yan! Ay mali, kaya natin yan!" nakangiting sinabi ni Jon.

"Sandali, alam mo na mangyayari bukas 'di ba? Sabihin mo naman sa akin, papasa ba ko sa interview at matatanggap?" nakangiting tanong ni Jin.

Ang kaninang nakangiting mukha ni Jon ay napalitan ng pagkadismaya nang tanungin na naman siya ni Jin ng mga mangyayari sa hinaharap.

"Sabi ko sayo 'wag mo itanong sa akin! Bahala ka bukas! Basta, gawin mo lang kung anong dapat mong gawin! Tara na nga, ako na magluluto! Nakakahiya naman sa sarili ko. Nakikitira na nga lang ako, wala pa akong ambag"

Kinuha na niya ang mga ingredients sa refrigerator gaya ng mga gulay, egg at ang kaning lamig na nakita niya sa loob nito. Kumuha din siya ng garlic, onion at mga spices sa isang lalagyan kung saan niya ito tinatago na hindi mabilis mabulok. Nagsimula na siya mag-prepare at habang nasa likod niya si Jin na nakaupo, ay pinagmamasdan lang siya nito at kinakausap.

"Huhulaan ko kung anong lulutuin mo." hirit ni Jin. 

"'Wag mo na hulaan kung alam mo naman din kung anong lulutuin ko." seryosong sagot ni Jon habang nag hihiwa ako ng garlic.

"Eh bakit ba? Gusto ko lang malaman kung pareho pa rin tayo ng iniisip. Garlic egg fried rice yan no?" natatawang sagot ni Jin.

"Tawa ka d'yan? Alam mo naman na paborito natin 'to eh. Pero, may secret ingredient ako dito sa luto na 'to kaso 'di ko muna sasabihin sayo. Bahala kang alamin kung ano!" asar ni Jon. Napapansin niya na sinisilip ni  Jin ang mga nilalagay niya sa garlic egg fried rice na kanyang hinahanda, kaya naman tinatakpan niya ito ng malaking katawan niya. 

"Porket lumaki lang 'yang katawan mo kala mo kung sino ka na ah? Ayaw pa pakita sa akin! Pero gusto ko din maging ganyan kalaki katawan ko. Turo mo naman sakin paano magpalaki ng katawan, mag-gym tayo minsan!" hirit ni Jin dahil hindi niya makita ang ginagawa ni Jon at natatakpan lamang ito ng likod nito. "Bukas pala kasabay ko sina Rjay, Luna at Chris sa interview. Hay, baka mamaya si Chris lang matanggap sa amin" bigla niyang nabanggit.

Napatigil si Jon saglit habang naghihiwa ng sibuyas nang marinig niya ang pangalan ni Chris. Hindi na niya  napigilan ang sarili at napaluha na lamang dahil na rin sa sibuyas na kanyang hinihiwa, pero hinayaan niya na lang. Dahil pag pinunasan niya ang kanyang mata, mas magiging malala ang pagtulo ng luha niya.

"Oh bakit ka naiiyak? Dahil ba sa sibuyas? Bilisan mo at pati ako naiiyak na din!" hirit ni Jin.

"Oo, 'yung sibuyas kasi, nakakaiyak. Malapit na 'to."

Nang matapos  na ni Jon ang pagluluto ng garlic egg fried rice, nilagay na niya ito sa malaking plate at inihain sa dining table. 

Hindi na napigilang maglaway ni Jin nang makita ito at inamoy ang food na niluto ni Jon. Naglagay na rin si Jin ng garlic fried rice sa kanyang plate at agad tinikman ang luto ni Jon.

"Wow! Parang mas nag level up pa yung niluluto kong garlic egg fried rice dito! Baka maubos ko lahat 'to! Malalaman ko din kung ano nilagay mo dito!"

"Kumain ka na lang d'yan dami pang sabi!" 

Habang pinapanood ni Jon ang batang Jin na kumakain, natutuwa lang siya na pagmasdan ito dahil ito 'yung mga panahon na wala pa siyang masyadong problema. Masaya para sa kanya na balikan ang mga ganitong oras at nakikita na nage-enjoy lang siya sa buhay.

Pagkatapos nilang kumain dalawa, kinuha na ni Jon ang mga plates at siya na rin ang nag-initiate na mag linis ng pinagkainan nilang dalawa.

"Sige na, gawin mo na ang mga dapat mong gawin. Pati mga dapat mong asikasuhin para bukas. Ako na bahala dito maglinis."

"Sigurado ka ah? Ikaw na bahala d'yan ah?"

"Oo sige na."

"Aba okay pala pag ganito na may nag-aasikaso. Mas mapapadali mga gagawin ko. Para akong may kasambahay ah? Haha!" sinabi ni Jin sa kanyang sarili habang papunta na siya sa kanyang kwarto.

"Hindi ko kasi naranasan na may nag-aasikaso para sa akin noong mga panahon na ito at nagiisa lang ako. Kaya gusto ko, maranasan niya na may tumutulong at nag aalaga sa kanya. Pero, nakakatawa dahil 'di ko akalain na ako pala mag aalaga sa sarili ko. Alam ko naman na kinaya ko ng mga panahon na 'to na mag isa lang, pero iba pa rin talaga pag may kasama ka." nasa isip ni Jon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 22, 2020

Time: 7:00 A.M.

Naunang bumangon si Jon dahil hindi siya masyadong nakatulog ng maayos. Tumayo na rin siya dahil naririnig na niya ang kanyang alarm sa phone, hudyat na 7 a.m. na at oras na para mag asikaso. Pakiramdam niya ay namamahay siya sa sarili niyang bahay.

Tumungo na si Jon ng kitchen para ihanda ang breakfast nilang dalawa, at kasabay noon, hinanda na rin niya ang susuotin ng batang Jin. Alam niya matutuwa ang batang Jin pagkagising nito dahil lahat ay nakahanda na. Para sa kanya, napakaswerte ng Jin sa oras na 'to, kasi may nag-aasikaso para dito. Wala siyang kasama sa bahay para tulungan siya  at wala na rin siyang parents. Maaga silang nawala sa piling niya at hindi ko rin niya kilala ang mga relatives niya. Wala din siyang mga kapatid, kaya mag-isa lang talaga siya sa buhay. Pero nakakaya naman niya at may mga kaibigan siya na itinuturing niya ng pamilya.

"Oo nga pala, mukhang kailangan ko mag prepare mamaya at bumili ng beer!"  Naisip niya na bigyan ng maliit na celebration si Jin dahil alam niya na mapapasa nito ang interview. "This time, paparamdam ko sa kanya 'yung saya na may kasama kang mag celebrate. Ito kasi 'yung hindi ko naranasan noon. Natanggap nga ko, pero hindi naman ako gano'n kasaya, kasi wala naman akong paghahatian ng saya. Nakakalungkot, pero laban lang!"

Katatapos lang ni Jon sa pagprepare at nakaupo na siya sa sofa habang nagbabasa ng mga articles sa kanyang phone tungkol sa time travel theories, nang biglang bumukas ang kwarto ng batang Jin. Lumabas na ito ng kwarto na kagigising lamang habang nagkakamot pa ng ulo at humihikab. Napatingin na lamang siya sa kanyang paligid at nagulat sa nadatnan niya.

"Wow! May breakfast na ako tapos nakahanda pa agad damit ko? Salamat yaya!"

Labis ang tuwa ng batang Jin dahil nabawasan ang mga gagawin niya at makakapag prepare pa siya ng mas matagal.

Pagkatapos niya kumain, magbihis at lahat ng kanyang mga dapat gawin, nagpaalam na si Jin at umalis na rin ng bahay.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Wala pa ang batang Jin sa bahay at nakaupo lamang si Jon sa sofa habang wala siyang magawa. Nakatitig lamang siya  sa orasan na nakasabit sa pinto ng kwarto at nagaabang sa wala.

"4:00 p.m. na pala, mukhang kailangan ko na umalis."

Bigla niya naalala na ito na nga pala ang  oras na nalaman niyang tanggap na siya sa first job niya sa isang technology company. Para sa celebration nila ni Jin, naisipan niya  na bumili ng maraming beer hanggang sa maumay sila. "Mukhang matutuwa siya sa mga beer na madadatnan niya!" 

Habang naglalakad siya patungong 7/11, iniisip niya na kung ilan ang bibilin niya, "Ilan kaya bibilin ko? 10 bots? 15 bots? Baka kulang pa sa aming dalawa 'yun!" Nang makarating na siya sa 7/11, kinuha niya ang basket na nakalagay sa entrance at tumungo na rin sa chiller kung saan nakalagay ang mga beer. Nagsimula na siya maglagay ng limang bote ng beer sa basket.

"Lima? Okay na ba 'to?"

Pakiramdam niya ay sobrang bitin nito para sa kanilang dalawa, kaya naman kumuha pa ulit siya ng lima pa na bote ng beer

"So, tig-lima kami ng batang Jin? Pakiramdam ko kulang pa rin to!"

Final na at nagdagdag pa siya  ng sampung bote ng beer sa basket at tumungo na sa counter. Gusto niya lang din uminom ng marami dahil matagal na siyang hindi nakainom ng sobra. Habang nakapila siya sa counter at naghihintay na matapos ang nauna sa kanya, napatingin siya sa glass door ng 7/11.

"Tama ba 'yung nakita ko? Ang batang Jin?" Naaninag niya ang  batang Jin na tila naglalakad pauwi at napansin niya na may kasama ito. "Mukhang kasama niya ang iba pa naming mga kaibigan. Buti na lamang at mabagal kumilos ang cashier, at malamang sa malamang hindi ko na sila makakasalubong paglabas ko." nasa isip ni Jon.

Pagkatapos niya magbayad sa cashier, tumambay muna siya saglit sa 7/11 at naghintay pa ng 5 minutes bago umalis. Sa paraang ito, alam niya na hindi sila magtatagpo. Nag-ubos siya ng oras sa loob ng 7/11. Umupo muna siya sa may mga vacant na seats at nilapag ang mga biniling beer sa floor. Binuksan muna niya ang kanyang phone at nagbasa saglit ng article para kumain ng oras.

Pagkatapos ng limang minuto, "All right, 5 minutes na nakalipas, wala na rin siguro sila."

Binuhat niya na muli ang dalawang supot ng bote ng beer at nang makalabas na siya ng 7/11, magsisimula na dapat siya maglakad nang may makita siyang hindi niya inaasahan.

"Sandali!" 

Ang buong akala niya ay wala na sina Jin at ang mga kaibigan nito. Nakatayo at kumakain ng ice cream sina Jin at ang mga kasama niya  sa tapat ng isang ice cream stall na may 3 stalls ang pagitan mula sa 7/11. Hindi siya nakikita ng mga kasama ng batang Jin dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya.

Dahil nakatayo lang si Jon sa labas ng 7/11 at nakaharap ang view sa kanya ng batang Jin, nakita siya nito. Kahit sa malayo, kitang kita ang pagkagulat nito dahil nabilaukan ito habang kumakain ng ice cream.

 Sumenyas ang batang Jin at pinapaalis niya na si Jon,  pero tila hindi mapigilan ni Jon ang kanyang sarili.

Natulala na lamang si Jon nang maaninag niya ang likod ng isang pamilyar na tao para sa kanya. Isang tao na pinaka importante sa buhay niya at  ang taong napakatagal na niyang hindi nakita, ang taong gusto niyang iligtas.

Hindi na niya napigilan ang kanyang mga paa, tila gumagalaw ang mga ito mag-isa papalapit sa taong nais niyang puntahan. Nakikita niya na masama na ang tingin sa kanya ng batang Jin, pero hindi na din niya talaga kaya. Ang kanyang mga kamay, tila sabik na sabik ng mahawakan ang katawan mg taong ito. Hinayaan niya lang ang batang Jin na sumesenyas sa kanya at ang mga mata niya ay naka-focus lang sa isang tao na nakatalikod sa kanya. Nang makalapit na siya at makatayo sa likod ng taong ito,  binaba niya ang  dalawang supot ng mga bote ng beer na hawak niya sa magkabilang kamay.

"Hindi ko na kaya, pasensya na." nasa isip ni Jon. Agad niyang niyakap ng mahigpit ang taong matagal niyang gustong mailigtas—si Chris. 

"Sorry Chris, hindi ko na mapigilan ang sarili ko." 

Hindi niya  alam kung tuwa o lungkot ang nararamdaman niya  ngayon, pero masaya siya na naramdaman ulit ang init ng katawan ni Chris.

"Sorry, hindi ko pwede sabihin sayo kung sino ako. Isipin mo na lang na baliw ako, basta ang mahalaga nayakap ulit kita ng matagal na panahon. Sorry kailangan ko itong gawin." nasa isip ni Jon.

Nakatulala na lamang sina Jin at ang mga kasama niya na sina Rjay at Luna kay Jon, habang si Chris naman ay nagulat sa mga pangyayari.

Kinakapa ni Chris ang braso ng taong nakayakap sa kanya habang tinitingan niya kung sino ito.

End of Chapter 2


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄