下載應用程式
26.08% Salamin [BL] / Chapter 12: Salamin - Chapter 12

章節 12: Salamin - Chapter 12

"Huy! Andrew! Ano na?" ang tanong ko sa kanyang bakas sa aking mukha ang pagtataka. Tila naalimpungatan siya't biglang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Secret lang natin yung sulat ha? Secret lang din natin na Andrew ang itatawag mo sa akin Jasper." ang bulong niya habang may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Hindi ako nakasagot agad sangayon sa kanyang sinabi at naiwanan ang maraming katanungan sa aking isipan.

Nagsimula na kaming magensayo habang paulit-ulit na pinakikinggan ang musika. Ako at si Randy ang lead vocals habang tumutugtog kami ng amin instrumento. Si Alice sa base, si Nestor sa drums, at si Rodel nama'y tulad ni Randy na naggigitara.

Hindi namin maiwasan magkatinginan ng masama ni Nestor at ganun din naman ako sa hindi maipaliwanag na nahihiya at nalulungkot na mga tingin sa akin ni Rodel. Galit ang unti-untiang nanunumbalik sa aking dibdib sa kadahilanang nagahasa lamang ako at hindi na tungkol sa nakaraan namin.

Si Alice at Randy naman ay tila okay lang sa kanilang lagay at paminsanan naman kaming nagngingitian tuwig nag-aabot ang aming mga mata upang ipahatid sa bawat isa na gumaganda ang timpla ng aming musika.

Naunang umuwi ang magnobyo habang kami namang tatlo ni Alice ay naiwan kasama ni Randy na tumungo pabalik sa kanyang silid. Sinamahan nila akong kunin ang aking mga gamit upang umuwi na rin sana.

"Jasper, mamaya na yung sweldo mo. Hatid ko muna si babe tapos balikan kita dito para ihatid na naman kita sa inyo." ang sabi ni Randy sa akin habang inaayos ko ang aking gamit.

"Nakakabagot naman dito mag-isa. Patingin naman ng mga libro mo baka pwede akong humiram ng kahit isa." ang masaya kong sinabi sa kanya. Tumango lang siyang nakangiti sa akin at hinila na si Alice palabas ng silid nang nakabalot ang kanyang mga bisig kay Alice mula sa likuran nito.

Hindi na ako nagdalawang isip na tunguin ang kanyang aklatan at inisa-isa ang mga pabalat nito.

"Puro romance?!! Hardcore english pa?!! Wala sa itsura ni Randy na mahilig siya magbasa ng mga ganito. Yung sira ulong iyon." ang natatawa kong sinabi sa aking sarili habang umiiling at patuloy na pinagmamasdan ang mga librong nasa kamay ko na.

Nakapili ako ng isa at dali-dali akong dumapa sa ibabaw ng kanyang kama upang magbasa. Hindi ko na namalayan na gumugulong-gulong na ako sa aking paghiga sa matinding pagkawili ko sa aking binabasa. Tila nakarelate ako sa storya at may mga puntos akong natutuhan sa ibang mga bagay sa larangan ng pag-ibig at pakikipagkasintahan. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.

"Do you love that book that much Jasper?" ang boses ni Randy na kumausap sa akin. Kanina pa pala niya ako pinagmamasdan sa ibaba ng kanyang kama sa aking lagay.

"Nandiyan ka na pala Ra.. Andrew. Pasensiya na, ngayon lang ako nakabasa ng ganito kagandang libro. Anong oras na pala?" ang paumanhin ko sa kanya matapos bumangon ng mabilis ay inayos ang aking sariling umupo sa ibabaw ng kanyang kama.

"Pasado alas otso na." ang sagot naman niya. Parang blanko ng emosyon ang kanyang mukha nang ito'y aking kilatisin.

"Nagustuhan ko yung libro. Napasarap din ang pwesto ko sa kama mo. Pasensiya na, ngayon lang kasi ako nakahiga sa ganito kalambot na kama." ang nahihiya kong idinagdag sa aking mga sinabi habang naka yuko at di makatingin sa kanya ng tuwid.

"Wala lang iyon. Kung gusto mo sa iyo na ang libro na iyan at kung gusto mo matulog dito minsan ikaw ang bahala. Pero ang lahat ng iyan may kapalit." ang sagot niya sa akin. Tila kinabahan naman ako sa ibig niyang sabihin dahil na rin sa mga kakaibang kinikilos niya nitong huli.

"A-ano naman ng kapalit ng libro?" ang kinakabahan kong tanong sa kanya habang nananatiling nakayuko.

"Bilang kapalit ng libro, una kailangan mong basahin ang paborito kong libro maigi. Gusto ko, kilalanin mo maigi ang pangunahing karakter. Pangalawa..." ang kundisyon niyang di natuloy dahil may kinuha siyang bag na kulay asul na nakalapag sa sahig. Alam kong paper bag ng Globe iyon ngunit hindi ako makasiguro sa laman nito.

"... dahil sa akin ka sumusuweldo, kailangang tanggapin mo ang cellphone na ito para makokontak mo na ako, ang katropa natin sa banda, at bukod sa lahat, yung kaibigan mong bakla para naman masabihan ang nanay mo kung di ka uuwi sa inyo. Okay ba ang deal natin?" ang dagdag niyang sinabi habang nakangiti at inaabot na sa akin ang box ng isang bagong telepono.

"Nakakahiya naman sa iyo, boss. Ibawas mo na lang ng kaunti ang nagastos mo diyan mula sa sahod ko. Pasensiya na lang po kung hindi rin kita masasagot minsan kasi baka hindi ko makargahan ng load iyan o minsan makapagcharge man lang kung kinakailangan kasi wala kaming kuyente sa bahay." ang nahihiya kong pagtanggi sa kanya sabay patong niya sa kartong maliit sa ibabaw ng kanyang kama.

"Hindi ko na ibabawas sa sweldo mo yan. Yung sa load, huwag kang mag-alala, post-paid yan may limit kang five hundred a month. Sa pagcharge naman ng phone mo, kaya mo naman gawan ng paraan yan. Ikaw pa Jasper, nakukuwento ka na sa akin ni Alice baka akala mo. Tatanggi ka pa ba sa alok ko? Lahat nasa harapan mo na lang gagamitin mo na lang. Hindi ko pwede gamitin yan dahil may phone na ako at aanhin ko pa yan?" ang sagot naman siya sa akin matapos mamaywang. Tama nga naman si Randy. napasubo na lang ako sa kanyang alok.

"Nakakahiya naman Andrew. Wala talaga akong lusot sa iyo no?" ang sagot kong nahihiya sa kanya.

"Mas tuso ako sa iyo Jasper." ang natawang sagot naman niya sa akin. Hindi na ako nakipagtalo pa at tinanggap na lang ang kanyang ibinigay sa akin. Nang mamaliit siya dahil alam niyang mahirap lamang ako.

"Yung tungkol naman sa kama?" ang tanong ko sa kanya.

"Kung gagabihin lang tayo sa ensayo. Lagi mo sasamahan si babe ko sa school at tutulungan mo siya lalo sa studies niya." ang mayabang na sagot naman niya sabay halakhak ng malakas.

Kinabahan ako sa kanya dala ng kakaunting kahit paano'y malisyang di ko naiwasang sumingit sa singit ng aking isipan.

"Sino ba namang hindi makapipigil lumikot ang pag-iisip matapos makita ang kasarapan ng kabuuhan ni Randy? Jasper! Magitigil ka nga! Nagahasa ka na nga lalandi ka pa... Hala!!! Lumalandi na nga ba ako?!!! Ganito ba talaga ang single?!!! O talagang desperado na ako?" ang pagtatalo ko sa akig sarili.

"Call! Mabait ka naman pala kahit papaano Randy... Akala ko noon hindi kita makakasundo eh... Akala ko aalipinin mo ako dahil kaya mo akong idaan sa pera." ang wika ko sa kanya.

"Huwag kang pakasisigurado Jasper. Hindi mo pa ako ganoon kakilala." ang mayabang na babala niya sa akin.

"Aba... hindi nagreact ang mokong na tinawag ko siyang Randy." ang bulong ko sa aking isipan puna sa kanya.

"Sige... mauna na ako." ang paalam ko na lang sa kanya. Tila nakararamdam na akong hindi na maganda ang magiging sunod na daloy ng usapan namin ni Randy. Hindi siya sumagot at pinanood na lang akong nagligpit ng aking mga dalahin.

Tumayo na ako't naglakad palabas ng kanyang silid ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng pintuan ay...

"Randy... sabihan mo na lang ako kung may practice bukas o wala ha?" ang bilin ko sa kanya matapos siyang lingunin saglit.

"Sabi nang Andrew eh... hindi ko pa bibibigay sa iyo sahod mo at sabi ko ihahatid kita diba?" ang sagot naman niya habang nakatitig ang kanyang mga muling nagungusap na mga tingin. Agad niyang kinuha ang kanyang paboritong libro na "Alice In Wonderland" at mabilis na tumungo palapit sa akin upang ibigay ito.

"Ay... oo nga pala..." ang nahihiya kong sagot naman habang kinakamot ang aking bunbunan.

Sinabayan na niya akong bumaba palabas ng bahay at sabay kaming sumakay ng kanyang kotse. Umupo ako sa tabi niya at agad niya akong inabutan ng isang libong pisong buo.

"Salamat... Ang laki naman nito Andrew usapan lang natin..." ang nahihiya kong puto na sinabi sa kanya habang ibinabalik sa kanya ang pera nang mapunang sobra ito.

"Dalawang araw kitang kasama kaya isang libo ang sweldo mo. Tulong na rin yan para sa inay mo. Pasensiya medyo sumasakit ang ulo ko baka pwede na tayong umalis? Bilisan ko na lang ang pagmamaneho ko ha?" ang pangingibang usapan naman niya sabay pako ng kanyang mga tingin sa kalsada at kami ay bumyahe na.

"Anong meron ngayon bakit panay ang mood swing nito?" ang bulong ko sa aking sarili habang pinanonood ang tanawin sa labas ng kotse. Hindi kami nagusap pa ni Randy buong biyahe.

"Bye Jasper! See you soon. Nasa phone mo yung number ko ha? Text mo na lang ako." ang paalam niya sa akin na tila para lang masabi lang ang mga iyon sa akin dahil sa blanko pa rin ang mukha niya hanggang sa lumabas na ako ng kotse upang bumaba sa kanto ng lugar namin.

"Ingat ka pauwi. Salamat sa lahat! Malaki ang naitutulong mo sa akin Andrew." ang masaya ko namang sagot sabay sarado ng pintuan. Di ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad sa eskenitang papasok sa aming lugar. Medyo may kadiliman ngunit puna kong sa malayo ay may pamiyar na aninong may porma at tindig na hinding hindi ako magkakamali sa aking hula. Agad itong umayos ng tindig at naglakad pasalubong sa akin.

"Jasper, anong problema. Akala ko ba okay na tayo bakit parang galit na galit ka sa akin pati mga titigan niyo ni Nelson kanina parang nagbabarilan ng galit?" ang tanong niya habang siya'y papalapit. Unti-untian siyang nadadapuan ng liwanag na nagmumula sa isang maliit na bumbilya ng ilaw na inilagay doon ng may ari ng bahay na katapat noon.

Sabay ng paglitaw ng kanyang kabuuhan ay ang pagliyab ng aking kinimkim na galit. Unti-untiang sumikip ang pagkakakapit ng aking kamay sa isang strap ng aking bag na nakasabit sa kaliwang balikat ko lamang habang ganoon din ang paninikip ng aking kanang kamaong nakabilog bitbit ang paper bag ng cellphone.

PAK!!

Mabilis ang mga kaganapan mula ng mabilad sa ilalim ng liwanag ang mukha ni Rodel na puno ng kalituhan. Bagaman malaking tao sa si Rodel ay naabot kong tamaan ang kanyang baba ng aking kamaong may bitbit. Tumunog na napakagat ang kanyang mga ipin sa lakas ng aking suntok ngunit hindi ito nakapinsala. Agad siyang napakapit sa kanyang bibig at bahaging aking natamaan. Mabilis niyang kinapa ang mga ito upang alamin kung siya'y may dugo.

"Ano ba ang problema mo Jasper?! Ako na nga itong nagmamakaawa sa iyo para maayos ang samahan natin sa banda ikaw pa itong hindi mo maintindihan?!!" ang naiinis niyang sigaw sa akin matapos masalat na walang dugo sa kanyang mga labi.

Hindi ako sa kanya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad ngunit sa pagkakataong iyon ay agad ko rin binilisan ang aking mga napalaking mga hakbang. Malakas at sadyang masakit ang pagkakakapit ni Rodel sa isa kong braso.

"Aray! Putang ina naman eh! Gusto mo pa dagdagan ang mga marka ko sa katawan matapos mo kong gamitin?! Yaan mo Rodel, makikipagplastikan ako sa iyo sa harapan nila hangga't kaya ko dahil pera na kikitain ko na ang pinag-uusapan dito." ang sigaw ko sa kanya habang binabalikan siya ng aking mga nanlilisik na mga tingin. Hindi siya agad nakasagot at mabilis din niya akong binitiwan.

"Anong ibig mong sabihin?! Hindi kita ginamit Jasper! Minahal kita pero hindi ko sinasadyang..." ang naudlot naman niyang pakikipagtalo sa akin.

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang mga susunod na sasabihin. Agad na lamang akong umalis iniwan siyang gulong-gulo ang kanyang isipan. Napadaan na ako sa tapat ng parlor ni Mariah at agad niya akong tinawag nang ako'y kanyang mapunang padaan mula sa labas ng bintana.

"Dinala ko na si Basilia kanina sa AMC kanina. Kaninang ala sais lang kami nakauwi. Huwag kang mag-aalala ha? Gagawan natin ng paraan ang nanay mo." malungkot ang mga mata ni Mariah habang nakatitig sa akin habang pilit siyang ngumiti upang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. Agad niyang inabot ang aking mga kamay ay pinisil-pisil ito.

"May tuberculosis ang nanay mo at may maliit na lamat na ang kanyang baga na lumabas sa X-Ray result. Masyadong mahal ang kanyang antibiotic umaabot sa higit sa isang daang piso kada tableta na kailangan niyang inumin tatlong beses sa isang araw. Antibiotic pa lang iyon, meron pang iba pero tignan mo na lang sa reseta ng duktor sa kanya pag-uwi mo sa inyo. Yung antibiotic ang nauna namin binili upang maagapan ang pagkalat ng chenes pero anim na piraso lang ang nabili namin kasi yun lang ang kaya ng budget ko." ang paliwanag naman niya sa akin.

Parang nabubugbog na ang damdamin ko sa mga oras na iyon at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Nangilid na lang ang aking mga luha habang pinipigilan ko ang pagtuloy na paglabas ng mga ito. Pilit kong ibinaling ang aking atensiyon at ibinuhos lahat ng aking nararamdaman sa mariin na pagpisil sa kamay ni Mariah. Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

"Ang payo ni doc, ibukod daw ang mga personal niyang gamit sa pagkain, baso, at kung ano pa na dumadapo sa bibig niya. Mag-ingat ka na rin mahawa sa kanya ha? Gagaling din si Basilia. Pag-igihan mo ang paghahanap mo ng panggamot niya at sa akin naman ay saka mo na lang bayaran pero tutulong pa rin ako Jasper hangga't kaya ko ha? Huwag mo na lang ipakita kay Basilia na malungkot ka para makatulong sa kanya." ang nag-aalala niyang ihinabilin sa akin. Tumango lang ako habang kinakagat ang aking mga labi at sumisinghot ng uhog na sumabay sa pagagos ng aking mga luha.

"Salamat Mariah..." ang kumawala sa aking mga labi sabay yakap sa kanya ng mahigpit dala ng matinding takot na maaaring mawala sa akin ang natitira kong pamilya. Magagamot pa ang sakit na iyon sa panahon ngayon ngunit dahil sa wala kaming pera ay parang langit itong mahirap abutin.

"Are-are-are... Ano ba yang nasa paper bag mo ang sakit naman." ang daing ng maluha-luha rin na si Mariah sabay kalas sa aming yakapan. Agad kong pinunasan ang aking mukha ng aking mga palad.

"Ay... sorry po..." ang natatawa kong paumanhin sa kanya nang mapansing sumabit sa likuran ng kanyang suot na manipis na shirt ang staple na naiwan tila doon nakalagay ang resibo nang bilhin iyon ni Randy.

Agad kinuha ni Mariah mula sa akin ang paper bag upang silipin ang laman nito. Nanlaki ang mga mata niyang tinitigan ito at nang makailang saglit ay ako naman ang naiintriga niyang tinitigan habang nakataas pa ang isa niyang kilay.

"Saan galing iyang touch screen na Nokia na iyan? Hindi mukhang second hand na binili sa mga naglalako ng second hand na phone yan sa Metropolis. Umamin ka... kayo ni Andrew ano???" ang pamimilit niyang wika sa akin.

"Hindi ko boyfriend si Randy! Siya bumili niyan para makontak niya ako. Mayaman lang talaga ang mokong! Sa Ayala Alabang nakatira yun no." ang pagtanggi ko naman sa kanyang mga paratang.

"Sino naman yang Randy na iyan?" ang naiintriga lalo niyang tanong sa akin habang nanliliit na ang kanyang mga matang sinusuri ang aking mukha sa aking isasagot sa kanya. Pilit niya sigurong aalamin kung nagsisinungaling lang ako.

"Siya rin yun! Randy ang tunay niyang pangalan! Ewan ko ba dun basta Andrew-Randy-Randy-Andrew siya lang yun!" ang naiinis kong paliwanag sa kanya na tila bumenta naman.

"Hindi boyfriend? At sino naman ang basta na lang bibili ng cellphone para sa kapwa niya lalaki kung hindi naman "sila" kahit mayaman pa siya. Hindi naman kayo magkamag-anak para gawin niya iyon. Niligtas mo na a buhay niya sa tiyak na kapahamakan? O baka bobo lang yung naknakan ng gwapong lalaking iyon at ginamitan mo naman ng pagkatuso mo? Sabihin mo nga sa akin, gaano na ba kayo katagal magkakilala nung Andrew na iyon para gawin niya iyan?" ang talak ni Mariah sa akin sa hindi niya pagkapaniwala sa lahat ng aking mga sinabi.

"Ilang buwan na rin siguro. Ewan ko, hindi ko binibilang! Hindi kami para bilangin ko araw na lumilipas mula nang magkakilala kami!" ang tuya kong sagot sa kanya.

Inayos ko ang aking mga dalahin pati na rin ang pagkakasukbit ng aking bag sa aking isang balikat. Napatingin si Mariah sa aking kamao na noo'y namumula na pala. Naintriga pa lalo si Mariah sa kanyang nakita at agad niya itong hinawakan at pinisil-pisil.

"Aray naman!" ang inis kong sagot sa kanya sabay bunot ko ng aking kamay sa kanyang pagkakahawak.

"Sumuntok ka sa pader? Sino kaaway mo?" ang tanong niya habang hindi naman maalis ang kanyang mga tingin sa kamay kong iyon.

"Yung ex ko... nakasalubong ko sa kanto kanina lang. Ayun, nasuntok ko ang mokong." ang sagot kong seryoso sa kanya na ibang iba na ang tono. Walang halong biro at nanunumbalik ang pangigigil ko sa aking dibdib.

"Bitter ka pa rin hanggang ngayon? Sabi sa iyo let go and move on eh. Bakit mo naman sinapak? Ano ba napag-usapan niyo para sapakin mo siya?" ang nangungulit at sunud-sunod niyang tanong pa sa akin.

"Wala. Hindi kami nag-usap. Wala kaming pinag-usapan." ang sagot ko naman sa kanyang halata sa tono na ayaw ko na pag-usapan pa.

"Eh bakit mo sinapak? Ano yun? Nagkasalubong lang kayo tapos sasapakin mo na agad? Taga rito ba yung ex mo na si ano..?" ang dagdag pa niyang tanong. Nakalimutan niya pangalan ni Rodel.

"Rodel... hindi siya taga dito. Inabangan niya ako sa kanto papasok sa atin." ang sagot ko sa kanya.

"War freak ka na dear? Tutulad ka na sa mga tambay dito? Bakit mo sinapak eh hindi naman kayo nag-usap. Hindi ko maintindihan." ang tanong pa niya. Hindi talaga bumebenta mga paliwanag ko sa kanya.

"Kasi... Ano..." ang napuputol ko namang sagot sa kanya hindi malaman kung paano magsisimula at di sigurado kung dapat kong sabihin pa sa kanya ang nakahihiyang nangyari sa akin.

"Halika nga dito sa loob tayo mag-usap." ang naiinis na niyang anyaya sa akin papasok sa parlor upang makapagusap ng masinsinan habang kabig ang aking brasong may bitbit na paper bag.

"Mariah... Na-gahasa ako..."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄