下載應用程式
93.75% A princess Heart / Chapter 29: Chapter Twenty Eight

章節 29: Chapter Twenty Eight

Naka rating na siya ng Boston na mainit pa rin ang kanyang ulo dahil kay Hendrix,

" Pasaway ang king na yun akalain ko ba namang kidnapin ako tapos tatong guards lang ang kasama, ni hindi man lang ako pinag pawisan nasa upuan na siya sa loob ng Airport habang iniisip yon, hinihintay niya ang nanay Irene niya."

Dumating ito at tuwang tuwa pagka kita sa kanya,

"Anak ang galing mo daw sabi ng mommy mo tinalo daw ninyo ang dalawang kingdom na umatake sa inyo , malamang na matatakot na ang mga iyon na umatake uli sa kaharian ng Chajpo, anak uuwi muna tayo ng Pilipinas may pina aasikaso sa akin ang mommy mo, at ng madalaw na din natin ang nanay Lagring mo,"

"Kaya pala nay may dala ka ring maleta, bumili muna tayo ng pasalubong nay,"

"Naku huwag ka ng mag abala naka bili na ako nasa package area na nitong Airport,"

Naka rating sila ng Pilipinas ay tanghaling tapat, ngunit naka rating din sila sa kanilang bahay ng mapayapa, Inabutan nila ang nanay Lagring niya at ang apo at ang anak nitong si Rose, tuwang tuwa ang mag ina pagka kita sa kanila. Siya ay tuwang tuwa rin ng makita ang nanay Lagrng niya at nayakap pa niya ito ng mahigpit.

"Nay kumusta po kayo dito?,"

"Maayos lang kami dito anak kayo Irene kumusta kayo?,"

"Hay naku ate, maraming nangyari kay Rey sa lugar ng mommy Estella niya , umaatikabong action ang pina malas nitong anak ko doon. naku, tiklop silang lahat sa anak ko."

"Nay sina Marisse at Roxy pumupunta pa ba dito?"

"Minsan sa isang Linggo ay pumupunta sila nagtatanong kung meron ng balita galing sayo, pero lagi silang bigo dahil hindi ka naman nag papaabot ng balita para sa kanila,"

"Bukas dadalawin ko na lang sila ,"

"Anak may pupuntahan tayo bukas, sa sunod na araw ka na lang dumalaw sa kanila,"

"Ikaw na lang muna ang pumunta nay, miss ko na kasi ang mga kaibigan ko ,"

" O di sige ako na lang ang pupunta ikaw naman ay pumunta ka na sa mga kaibigan mo, kasi hindi tayo puwedeng magtagal dito dalawang Linggo na lang ay pasukan na ninyo sa school, ako naman ay may tungkulin akong dapat harapin,"

"Kinabukasan nga ay maagang gumayak ang kanyang nanay Irene, hindi na nga siya ginising nito dahil himbing na himbing pa siya,"

Pumunta si nanay Irene sa opisina nina Eli, pinapa asikaso kasi ni Estella ang mga shares niya sa kompanya nina Eli, pag dating niya doon ay bandang alas nueve na, nasa meeting daw ang CEO kaya naghintay lang siya sa visitors area ng opisina. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Eli sa function room, doon kasi ginaganap ang mga meeting ng opisina. Hindi siya napansin nito ng daanan siya sa visitors area, sinabihan lang ito ng sekretarya kaya pinapasok na siya nito sa loob ng opisina nito.

"Ay kayo po ba ang naghahanap sa akin Tita?, pasensiya na po hindi kita napansin kanina, kumusta po kayo? si Rey po?,"

"Si Rey ay nasa bahay kasama ko siya na umuwi kahapon ,"

"Kumusta po siya?,

"Hayon sa bahay natutulog pa, gusto ko na sanang ilipat uli siya dito sa Pilipinas dahil doon ay nasa peligro lagi ang kanyang buhay, ang kaso ay ayaw na niyang lumipat doon na daw niya tatapusin ang pag aaral niya , sabagay itong pasukan ay graduating na din siya, pag ka graduate niyan ay pauuwiin ko na yan dito kasi may prinsepe at hari ang nanliligaw sa kanya mga makukulit pa man din, naparito nga pala ako dahil pina aasikaso ni Estella ang tungkol daw sa mga shares niya sa kompanya ninyo, at ibukas mo daw ng account si Rey sa ibang bangko , para doon mo daw ideposit ang mga kita niya sa mga shares ng kompanya." At bigyan mo daw siya ng mga report para mapag aralan daw niya ang takbo ng kompanya ngayon, kaya nga ikaw ang una kong pinuntahan dahil kukunin ko ang report na iyan bago kami bumalik ni Rey sa Boston,"

" Sige po aasikasohin ko na po para bago kayo umuwi ay madala na po ninyo ang mga reports ko,"

"Puwede ko po bang madalaw si Rey mamayang gabi?,"

"Ay naku Eli baka hindi mo siya maabutan sa bahay dahil pupunta daw kina Marisse at doon na yara matutulog yon, bukas ng gabi baka maabutan mo siya sa bahay,"

"Pupunta pa din po ako mamaya baka maabutan ko pa siya,"

"Sige ikaw ang bahala, hindi rin ako maka uuwi ngayon sa bahay dahil may dadalawin din along kaibigan paki sabihan na rin sila kung makapunta ka doon."

"Okey po tita,"

Papalabas na ng bahay si Rey ng biglang busenahan ng sasakyan ni Eli.

"Anuba ang lakas mong maka busina parang mga bingi ang tao dito ah!," galit na sigaw dito ni Rey.

Bumaba si Eli ng nakangiti.

"Hi Rey kumusta lalo kang gumanda ah!," Bakit ngayon lang kayo umuwi? Halos tatlong taon kayong wala dito sa Pilipinas,

"Ngayon lang kasi nagka panahon one week nga lang kami dito,

"Ang dali naman, Bakit masyado yata kayong nagmamadali, may naiwan ka bang boyfriend doon?,"

"Naku,, wala nanliligaw meron pero hindi ako nakipag seryosohan, marami kasi akong obligasyon mahirap pagsabayin yon, masyadong komplikado," ikaw Eli may asawa ka na ba?,"

"Meron na ,"

"Kelan. pa?,"

" Matagal na,"

"Ah!,talaga?," may baby na ba kayo?, "Nasaan nga pala siya?,"

"Nandito,"

"Saan?,"

"Ito siya kaharap ko, ikaw ang asawa ko Rey,"

"Naku Eli puwede ba, huwag kang magbibiro ng ganyan Hindi yan naka tutuwa ,"

" Hindi ako nagbibiro Rey at Hindi na ako puwedeng magpakasal kahit kanino, dahil kasal ako sayo Rey,"

"Paano nangyari yon?,"

"May gusto ka na bang pakasalan Eli?, gusto mo bang magpakasal na sa iba? Ano ang puwede kong gawin ?, gusto mo bang mag pa annull?,"

"Hindi ako magpapakasal sa iba dahil hihintayin kita , hangga't hindi ka umu uwi hindi ako hahanap ng iba dahil ikaw lang ang nag mamay ari ng puso ko ,"

"Talaga lang ha?" Sino yong Michelle Rabina? Cover pa nga kayo sa isang magazine?,"

"May gagawin kaming pelikula next month, siya ang leading lady ko," are you jealous of her ?, tell me not to do that movie, but you must stay here with me," gusto ko nang bumuo ng pamilya Rey, si Roxy nga at Froilan ay may anak na, nang mag pa kasal sila noong isang taon hindi ka naimbitahan dahil wala kayong address na iniwan dito sa nanay Lagring mo, at bigla na lang kayong umalis, hinanap kita Rey pero hindi kita matagpuan halos buwan buwan akong pumupunta sa California pero hindi kita makita doon, pinag tataguan mo ba ako Rey?,"

"Hindi Bakit naman kita pagtataguan?, biglaan lang talaga ang pag alis namin dahil ini iwas ako ni nanay sa mama mo,"

"Bakit ka matatakot sa mama ko?, kung iisipin ay mas mayaman ka pa nga kesa sa kanya ngayon Rey,

"Pumasok nga muna tayo Eli, o kung hindi samahan mo na lang ako na puntahan si Junas at Marisse,"

"Hindi mo ba alam nag break na si Marisse at Junas pagka alis mo siguro tatlong buwan lang ang lumipas ay naghiwalay na sila, naging busy na kasi si Junas kasi graduating na siya noon, idagdag pa naghanap din siya noon sayo, pabalik balik din siya ng Australia at California, pero hindi ka naman matagpuan."

"Bakit nag hiwalay sila ni Marisse?,

"Nawalan na daw ng panahon si Junas kay Marisse, at hayun, may boyfriend na ngayon uli si Marisse ,"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C29
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄