下載應用程式
66.66% My Brave Pilot Beauty / Chapter 16: Chapter 15

章節 16: Chapter 15

Gutsto pa sana niyang pumasok sa trabaho kaso, gahol na siya sa oras, kaya nag pahinga na lang siya sa boarding house, maya-maya ay naka ramdam siya ng gutom kaya lumabas siya para kumain, ng kumakain na siya sa isang canteen sa labasan ng boarding house ay may biglang tumabi sa kanya, si Kristuff yon.

"Inabangan kita kanina sa airport ang kaso ay naka alis ka na daw sabi ni captain Arellano ,"

"Bakit mo naman ako aabangan?, hindi kaya ang hinahanap mo yung babae mo?" tanong dito ni Jack. "Anong ginagawa mo dito bakit di ka pa umuuwi?"

"Sasamahan kitang matulog sa boarding house"

"Nasisisraan kana bang talaga Kristuff ?, di ba pinamukha mo sakin nung isang araw na kayo ang may ari ng school? bat ngayon lalapit ka na naman sa akin, wag kang lalapit sa akin dahil mahirap lang ako kayo ay mayaman hindi tayo bagay",

"Jack ano ka ba naman? tatlong araw kitang hindi nakita na miss kita, tapos ganyan pa ang isasalubong mo sakin? alam mo naman jack di ba ? na hindi issue sa akin ang yaman namin, ikaw lang kasi ang maraming iniisip, halika na inaantok na ako" sabi nito sa kanya."

Wala na siyang nagawa sumama na lang siya dito. Doon na nga ito natulog sa boarding house, mabuti naman at hindi ito nag attemp na gawan siya ng masama, maaga siyang gumisimg may pasok pa kasi siya, tulog pa si Kristuff ng umalis siya, kaya pumunta na lang ito sa school pagkagising hinintay niyang umuwi ng lunch si Jack, inabangan niya ito at niyaya na niyang kumain sa canteen, ayaw sana ni Jack na sumama dito kaya lang ay papasok sa canteen sina Darwin,  baka pag tinangihan niya ito ay kung ano pa ang isipin,  si Darwin pa naman pag nakikita siya nito ay hindi ito makatiis na hindi siya lalapitan, binati lang siya ni Darwin ng dumaan ito sa table nila.

"Umuwi ka na Kristuff mamaya pag labas ko ay papasok pa ako sa trabaho, makakauwi ako siguro mga 10:00 na kaya hindi rin naman tayo magkakausap niyan, kaya umuwi ka na para makapag pahinga ka na"

At tinalikuran na niya ito Nang pumasok siya sa room nila ay may memo para sa kanya na bukas ay may biyahe na naman daw siya, si captain Arellano at Kristuff ang makakasama niya, pumasok din siya sa food chain nagpaalam siya na hindi na naman siya makakapapasok, kasi may biyahe nga siya bukas, pag-uwi niya ay naglagay siya ng damit sa over bag night niya, hindi na siya makakapasok sa school kasi 8:00 AM ang flight nila. Siya na naman ang humawak sa yoke masaya si Kris kasi kasama niya si Jack, papalapag na sila sa runway at papalitan na sana siya ni Captain Arellano sa control ngunit tumangi na siya, okey na po sir kaya ko na po, matiwasay na nakalapag ang plane na si Jack ang nagdala. Ngayon ay kaya na niyang magpa lipad at maglapag ng plane na mag- isa, babalik lang sila ng hapon kaya sa canteen lang sila tumambay ni Kristuff, pumasok muna si Jack sa CR. Paglabas niya ay nakita niya kausap ni Kristuff ang babae na kasama noon nito na picturan pa nga niya ito, pinag masdan lang muna niya ang dalawa, parang nag aaway ang dalawa, Bigla siyang naupo kaharap ni Kristuff. Hindi lang siya nagsalita inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine na hawak, maya maya ay tumayo ang babae hinila nito si Kristuff pero nagpipilit ito na hindi makasama.

Subukan mo lang na sumama ka diyan Kristuff pagsisisihan mo ang gagawin ko sayo." Sabi dito ni Jack.

"Bakit sino ba yan?" Tanong nito kay Kristuff.

"Asawa ko siya"

"Akala ko ba wala ka pang asawa Kristuff?"

"Ganyan talaga naman ang mga lalaki pag lumabas yan ng bahay ay mga binata yan." Sabi ni Jack. "Ano Kristuff sassama ka ba sa kanya?" Tanong niya dito.

"Bakit naman ako sasama sa kanya baka hindi mo na ako pauwiin niyan. Yun nga ang mangyayari hindi na kita papapasukin sa bahay."

Mabuti naman at tinantanan din nito si Kristuff. Paalis na sila ng magpakita uli ang babae.

"Kristuff kahit my asawa kana hindi pa rin kita sususkuan." Sabi ng babae sa kanila.

"Hala ka!! Kristuff hindi ka daw niya susukuan, lagot ka obessed na yata sayo ang babaeng yun." Nangingiting sabi niya dito.

"Jack wag ka namang ganyan, ikaw lang ang mahal ko wala siyang magagawa, hindi na nga muna ako lalabas, para hindi na niya ako makita." Sabi ni Kristuff sa kanya.

Pagdating nila ng Cebu ay sa bahay na nina Kristuff sila tumuloy, sinabi nila kay Mrs. Gonzales ang tungkol sa babae. Kaya nagdesisyon ang mama ni Kristuff na wag na munang lumabas ng bahay si Kristuff si Jack ay pumayag na din sa pakiusap sa kanya ni Mrs. Gonzales na doon na uli siya tumuloy, kaya nag-resign na na din siya sa trabaho. hatid sundo na naman siya ng service ng mga Gonzales. "May byahe na naman si Jack last na niya ito."

"Kris samahan mo naman ako ngayon last ko na naman ito." Sabi ni Jack dito.

"Honey baka nandun na naman yong babaeng yon."

"Wag kang matakot doon, akong bahala."

Mabuti na lang at hindi nila nakita ang babae, deretso naman sila sa bahay ng dumating ng Cebu. Natulog na lang muna para mabawi nila ang kanilang pagod. Lagi  silang magkatabi sa kama ni Kristuff, gentleman ito sa kanya basta magkatabi lang sila ay kontento na ito ,Minsan nga ay ito pa ang nag pe prepare ng breakfast niya. Hindi na nga ito umaalis ng bahay minsan ito din ang sumusundo sa kanya. Maalalahanin  ito at malaga din sa kanya, last day na nila sa first semester. nakakuha na naman siya ng Certificate of Dean's Lister. Buong bakasyon ay mag kasama lang sila sa bahay minsan ay nag sa shopping din sila, alaga siyang masyado ni Kristuff ang pag-aalaga nito sa kanya ay ang nagpabalik ng pagmamahal niya dito pasukan na naman ng second semester hindi pa rin  sumasama si Kristuff sa mga biyahe, isang gabi na pag usapan nila ni Kristuff ang tunkol sa trabaho nito.

"Hindi ka na ba talaga tututloy sa paggiging piloto Kris?" Tanong niya dito.

"Natatakot kasi ako na baka masundan na naman ako ng bababeng yon. kahit hindi ako makapag patuloy sa propesyon ko wag kalang mawala sakin Jack"

"Kumuha ka kaya ng ibang course Kris, sabay na lang tayo sa Aircraft Engineering (Maintenance and Operation) madali na lang naman akong makatapos, kung gusto mo Kris mag-eroll ka na ngayon para meron kang pagkakaabalahan."

"Sa pasukan na lang Jack para sabay tayong papasok." dalawang biyahe ni Jack para makasabay na siya sa exam for CPL.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C16
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄