Nagtaka ito ng makita siyang tumatakbo hinabol siya nito at ng maabutan ay hinila nito ang kanyang kamay,
"Anuba ?" pinanlisikan niya Ito ng mata.
""Bakit ka tumatakbo?"
"Pati ba pagtakbo ko kailangan mo pang alamin ang dahilan?" "umalis ka na magtatrabaho pa ako, late na ako ,"
Saka lang siya nito binitiwan, "
"Saan ka ba nagtatrabaho"?
"Wala ka na dun"
Tumakbo na naman siya buti na lang at hindi na siya nito hinabol sa boarding house na siya umuwi, nag palit lang siya ng damit at dumiretso na siya sa trabaho niya, pagka tapos ng duty niya ay umuwi na kaagad siya at saka humiga na lang sa kama at nakatulog siya ng matagal madaling araw siyang nagising nagutom kasi siya pagmulat niya ay nandoon si Kristuff nakatayo lang sa isang tabi .
"Jack bakit hindi ka na umuwi sa bahay ?
"Kaylan ka pa dumating Kris? "
"Kahapon pa ako dito hinintay kita kagabi,"
"Kailangan kong magtrabaho Kris wala na akong.kapera - pera" marami akong pagka ka gastusan magbabayad pa ako dito sa boarding house, pati na rin ang iba ko pang mga panga ngailangan nag- iisa na lang ako sa buhay Kris, walang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang" "
"Sa bahay ka na nga lang para wala ka ng pagka gastusan," "Jack mag empake ka na uuwi na tayo", "ayoko" tangi ni Jack , "sa oras na ito Jack ako ang masusunod",
"Wala akong pakialam sayo umuwi ka na" "pag nagmatigas ka Kris mawawala na ako sa Cebu hindi mo na ako makikita kahit kaylan hindi pa ako nakaka pag ipon kahit konti nasaid nga ang bulsa ko dahil sa kagagawan mo di ba?"
"Hindi na ako uuwi doon sa inyo" "you ruined my life as for now hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula uli"
"Magkano ba kasi ang kailangan mong pag ipunan bibigyan na lang kita",
"Kristuff Gonzales alam ko mapera kayo kaya nga ako nag aalangan sayo hindi tayo bagay, "humanap ka na lang ng iba Kris yung ka level mo hindi ako yon" "at hindi ko kailangan ang pera ninyo kaya kong paghirapan ang bawat sentimo para sa mga pangangailangan ko sa buhay", " kahit wala ang tulong ninyo kaya kong mag survive tiyagaan lang yan ,"
"Jack anubang kasalanan ko sayo bakit pinahihirapan mo ako ng ganito? "Ano ang pwede kong gawin para mapatawad mo na ako please Jack I'm begging you mawawalan ng saysay ang aking buhay kung mawawala ka sa akin" pakiusap ni Kristuff kay Jack, problema mo na yon", sabi niya dito,
"Sige kung hindi ka uuwi sa bahay dito na din ako sa boarding house mo"
"Kristuff anuba umuwi ka na nga" pag hindi ka umalis Kris ako talaga ang aalis dito sa Cebu", wala na itong nagawa para mapabalik sa bahay si Jack,
Kinabukasan ng papasok na siya sa school ay naabutan nya sa room nila si Mrs. Gonzales walang ibang tao doon mukhang ginamitan nito ng empluwensya kaya hindi muna pumapasok ang mga kaklase niya naka ramdam siya ng galit palibhasa sa kanila ang paaralang ito magagawa nila kung anuman ang gustuhin nila hmp ,, galit talaga siya, Ito ang nagsimula ng conversation nila
"Jack anubang nangyari ayun si Kristuff naglalasing sa isang restaurant sa labas ng bayan may tumawag sa akin na nandoon daw si Kristuff ng tawagan ko ito hindi ako sinasagot Jack maawa ka naman kahit para na lang sa akin pakisamahan mo na lang muna si Kristuff" "kung anuman ang nagawang masama sayo ni Kristuff ,ako na ang humihingi sayo ng despensa but for now please puntahan mo siya sa restaurant iuuwi muna natin siya I'm begging you Jack , "
"Okey po pupuntahan ko na siya. tawagan ko lang po muna", pero hindi talaga Ito sumasagot,
Pinuntahan nga nila ito nakakaawa ang kalagayan nito ng maabutan nila sa restaurant naka yupyup na ang ulo nito sa table ng restaurant kaya ini uwi na nila ito ,pag dating nila sa Gonzales residence ay agad nilang ipinasok na sa kuwarto ang binata, maghapon lang silang nagkuwentuhan ng mommy ni Kristuff ng gumabi na ay nagpaalam na sana siya pero hindi siya nito pinayagan,"Jack puwede bang dito ka na muna matulog para naman pag gising niyan ay makita ka na para hindi na umalis, "okey po sabi na lang niya, Bago matulog ay naligo muna siya kaya nakatulog siya ng mabuti ,nagising si Kristuff ng madaling araw na gutom kasi ito pag sindi niya ng ilaw sa kuwarto niya ay nagulat siya naroon na kasi si Jack katabi niya sa kama, nawala ang gutom niya tumabi na uli siya dito at muling ipinikit ang mga mata hangang sa tuluyan na siyang nakatulog, kinabukasan pag ka gising niya ay hindi muna siya lumabas ng kuwarto pinag sawa niya ang kanyang mga mata sa katititig kay Jack "kahit pala natutulog ka lang Jack ay sobrang ganda mo pa rin", nagising bigla si Jack kaya biglang tumayo si Kristuff at agad na lumabas, "
"O, gising ka na pala anak maligo ka na para makapag almusal na tayo gisingin mo na rin si Jack para sabay sabay na tayong kumain,
Pagkatapos nilang kumain ay kinausap sila ng mommy ni Kristuff
"Jack lumipat ka na dito nakakatakot sa lugar nyo dalaga ka pa naman at napaka ganda mo baka pag interisan ka ng mga tambay doon at ikaw Kris tigilan mo na ang mga kataramtaduhan mo aba'y maawa ka naman kay Jack hindi pa nga kayo kasal pero andami na niyang nararanasan na paghihirap dahil sa kagagawan mo,"
"Kaya ko po ang sarili ko" sabi niya dito
"Jack hindi sa lahat ng oras ay makaka iwas ka, sa mga ito ang safety mo ang ini isip ko. Kaya drop that argument", "Kristuff ikaw na ang kumuha ng mga gamit ni Jack",
"Samahan ko na lang po siya mommy" paalam niya dito,
"O di sige dalian nyo na, nang nasa loob na sila ng sasakyan, ay sininghalan niya si Kristuff , "
"Kristuff papasok pa rin ako sa trabaho", sabi niya dito,
"Bakit? "wala ka na namang pagkaka gastusan"
Anong wala paano naman ang mga personal kong pangangailangan alam mo ba 20 pesos na lang ang laman ng wallet ko, ano ang mabibili ko dun?" kahit nga sanitary napkin ay kulang na yung twenty pesos na yun"
"Itong ATM card ko sayo na yan, diyan pumapasok ang mga sahod ko",
"Kristuff you're the very impossible person I'd ever known" "alam mo naman di ba na ayaw kong tumangap ng kahit na isang peso mula sa inyo",
"Jack ikaw ang imposibleng tao iyan na inaasta mong yan hindi ba imposible yan" "Nasa poder ka na namin kaya obligasyon na kita"
"Ahhh! napasigaw si Jack sa sobrang inis Kristuff mapapatay kita" "ayoko na huwag mong kukunin ang mga gamit ko sa boarding house hindi na ako lilipat sa inyo" biglang ibinalik at inihinto ni Kristuff ang sasakyan "
"Jack bakit ba napaka hard headed mo?" "Ano bang gagawin ko sayo ? "Jack kung hindi lang kita mahal"
"Ano?"tanong niya dito , "
"Wala " sagot naman ni Kristuff sa kanya, "
"Humanap ka na ng babae na hindi matigas ang ulo"
"Alam mo Jack sa totoo lang napakaraming babae ang gustong nasa lugar mo",
"Eh, di sila na lang ang patulan mo"
"Yun na nga Jack eh! Hindi natuturuan ang puso kung puwede nga lang sana pero hindi talaga uubra na ipagpapalit kita sa iba" "mahirap ang makisama sa taong hindi mo naman mahal" "Ikaw ba Jack kaya mong ipagpalit ako sa iba?" ilang sandali na hindi siya naka sagot.
"Kung lolokuhin mo ako siguro Oo pero pag nangyari yon mag mamadre na lang ako papasok na lang ako sa kumbento," "At hindi na ako iibig pang muli mahirap kasi ang pagpahilom ng sugat lalo na yung sugat sa puso, "hindi na ako mag papa loko pa ulit sa mga lalaking katulad mo" "Kris, ikaw na lang ang huling pagkakatiwalaan ko", "pagkatapos yun na nga mag ma madre na lang ako"
"Yun naman pala Jack para maging smooth na lang ang lahat tangapin mo na itong ATM ko"
"Ayoko"Bigyan mo na lang ako kung may kailangan ako,"
"Hindi basta kunin mo na ito Jack",ang ATM niya ang pinakukuha nito kay Jack,
Paano kung ikaw naman ang may kailangang bilhin?",
"Huwag kang mag alala sa akin may isa pa akong ATM yong galing naman sa kumpanya may share na kasi ako doon buwan buwan ay may pumapasok na pera doon mas malaki pa nga sa sinasahod ko",
"Pumunta na tayo sa boarding house at ng makauwi na tayo agad isusurender ko na ang boarding house Jack sa landlady mo at mag resign ka na rin sa part time job mo para hindi ka na nila aasahan pa", "dalhin mo na lahat Jack para hindi na tayo magbalik pa", "habang nag eempake si Jack ng iba pa niyang mga gamit ay biglang nagsalita si Kristuff ,
"Jack nakita ko si Darwin kanina yong papasok na tayo dito malamang na inaabangan ka niya",
"Pabayaan mo nga siya isa pa yan sa dagdag ng sakit sa ulo ko hus! kakainis, kaylan kaya matatahimik ang buhay ko?
Sabi niya , pagdating nila sa bahay nina Kristuff ay tuwang tuwa ang mommy ni Kristuff pagka kita sa kanya, "Jack salamat at sumama ka uli pabalik dito O sya dalian nyo na at ng makakain na tayo , pagka tapos nilang kumain ay pumasok na sila sa kuwarto ni Kristuff at agad na natulog mga bandang alas otso ng gabi ay nagising siya, ginising din niya si Kristuff ,"
"Kris gumising ka nga nagugutom na ako saan ako kakain?" lumabas tayo doon tayo kumain sa kinakainan ko dati sa tapat ng boarding house",sabi ni Jack kay Kristuff , "
"Wag na Jack magpaluto na lang tayo kay Nana Rosing", "
"Mang iistorbo ka pa ng natutulog na tao", sabi niya kay Kristuff ako nga inisturbo mo rin", "sige hindi na lang ako kakain",maktol niya, "Jack magbihis ka na spoiled ka talaga sa akin kaya tayo na kakain tayo sa gusto mong kainan kung saan ",
"Huwag na magpaluto ka na lang nainitan kasi ako maliligo muna ako para pag nakaluto na ay kakain na ako gaganahan pa akong kumain niyan," eh! di sige you're the boss,"
Nasa canteen na naman sila nina Annie at Sandra may lumapit sa kanilang babae naka uniform ng steward may binigay ito sa kanyang isang lunch box, " pinabibigay po ni sir pang lunch daw po ninyo", sabi nito , "sabihin mo sa sir mo na hindi ko kakainin ito kung hindi siya ang mag dadala nito sa akin ibalik mo yan" at siya ang magdala sa akin niyan", kung hindi siya na lang ang kumain niyan sabihin mo sa kanya, ibinalik nga ng babae ang lunch box at tinanong si Kristuff ng babae, "
"Sir naglilihi po ba si Jack?", "sobrang sungit po kasi", " siguro nga, mabuti nang magka anak kami para sa bahay na lang siya, sa school kasi andaming umaaligid", "sir sa ganda po kasi ni Jack kahit malaman ng mga ito na engage na kayo, talagang walang titigil na magkaka gusto kay Jack", "O, heto na pong pagkain nyo, spoiled na baby ko ". delayed na ang flight namin" "bakit may angal ka?"tanong dito ni Jack , "wala" sagot nito, eh wala naman pala, sige aalis na ako, sabay halik sa cheeks ni Jack, "bye honey" bulong nito sa kanya, kinilig ang mga kaibigan niya sa ginawi ni Kristuff, oras ng lunch sa canteen nga kumain sina Annie at Sandra,sinamahan kasi siya ng mga ito, habang kumakain sila ay pumasok naman sa canteen ang grupo ni Darwin at titig na titig ito kay Jack.
Si Annie ang kinabahan, "Jack palapit si Darwin, tayo ka na dyan, alis na tayo parang galit", natatakot na sabi ni Annie sa kanya.
"Annie wag kang pahalata sa kanya",
nakalapit na sina Darwin sa kanila, "
"Jack hindi ka na ba pumapasok sa trabaho mo?" ilang beses akong pumunta doon pero hindi kita naabutan, kung hindi ko pa tinanong yong isang crew doon, hindi ko pa malalaman na umalis ka na pala". sabi nito sa kanya,
"Hindi lang sumagot si Jack, "conversation with this man had been nearly impossible",
Lumayo siya bigla at niyaya ang mga kaibigan na umalis na, sa ginawang ito ni Jack ay biglang hinablot nito ang kamay niya,
"Jack mahal kita sabi nito, "
Hoy, Darwin, hindi ka ba nahihiya andaming tao", "mahiya ka naman"
"Bakit ako mahihiya totoo naman ang sinasabi ko,"sabi nito,
Darwin may fiancée na ako, "alam ko eh anu", "hindi pa naman kayo kasal", "ikakasal na nga kami", "hindi ba malinaw sayo yon". "
"Hindi " sabi nito.