下載應用程式
29.16% My Brave Pilot Beauty / Chapter 7: Chapter 6

章節 7: Chapter 6

  "Kailan ang balak mong umalis?"

"Mga dalawang araw po mula ngayon, may mga aasikasuhin pa po kasi ako,

Mag paalam ka muna sa mga kaibigan mo, para hindi naman sila mag alala sayo, Jack."

Nagpa alam nga siya kina Russell pero hindi niya sinabi kung saan siya pupunta hindi pa rin tumatawag sa kanya si Robert sa isip nya mabuti na yon para makaiwas na siya dito ng tuluyan, kahit mahirapan siya.

Tumawag na rin siya kina Margie para magpaalam, nabigla ang mga ito sa naging desisyon niya.

"Tawagan mo lang kami Jack kung magkaproblema ka ha! Jack tutulungan ka namin, alam mo naman di ba?"mahal ka namin Jack "

"Si Russell ay hindi siya pinapayagan, pero buo na ang pasya niya. wala na itong magagawa,"

"Jack kung gusto mo sasamahan kita, kahit saan, tutal tapos na naman ako ng pag aaral, naghihintay na lang ako na makapag board exam. Pag katapos ay papasok na ako sa company namin, ano Jack samahan na kita?"

"Huwag na tatawag na lang ako from time to time okey?"

Marami pang inasikaso si Jack,ng kukunin na niya ang mga credentials niya sa school ay ayaw sana siyang payagan, hindi niya alam kung bakit, kaya nagpasama siya kay Russell, mabuti na lang at napakiusapan ni Russell ang Dean nila kaya pinayagan na siya nito, nakapag usap pa sila ni Russell tungkol kay Robert,

"Jack kung hindi ka na balikan ni Robert nandito lang ako, pwede kitang pakasalan, alam mo naman di ba na mahal na mahal kita " sabi ni Russell sa kanya,

"Russell alam ko naman yon, kaya lang marami pa akong dapat gawin malay mo kapag natapos ko na ang mga yon at nagkatagpo tayo uli eh di pag usapan natin yan " kasi napa mahal ka na rin sa akin Russell, kaya lang mas mahal ko talaga ang loko lokong kaibigan mo ewan ko ba kung bakit minahal ko ng todo ang ungas na yon "

"Iyan siguro Jack ang tinatawag na " Power of Love", sabi sa kanya ni Russell.

" siguro nga ayon dito ni Jack,"

"Saan ka nga pala pupunta Jack?" tanong sa kanya ni Russell,

"Ayaw ko munang ipaalam kahit nga si ate Dory ay hindi ko muna ipapa alam kung saan ako pupunta, basta pagdating ko sa pupuntahan ko ay tatawagan kita agad, sabi niya dito.

May pa dispidida party si ate Dory sa restaurant na ginanap yon, ang mga kaibigan niya at mga kaibigan ni Robert lang ang mga dumalo.nagka palagayang loob na ang mga

kaibigan niya at mga kaibigan din nina Robert,

"Gusto ko ay maging magkakaibigan tayong lahat, kayo boys babantayan nyo ang mga kaibigan ko ha! kayo dapat ang magtatangol sa kanila, pag pinabayaan nyo sila mananagot kayo sa akin pag uwi ko, and Guys after two years ganitong buwan at ganitong petsa ay mag kita kita ulit tayo dito din mismo ano payag ba kayo? markahan na ninyo yan sa kalendaryo, para hindi ninyo makalimutan, ang hindi makarating ay may penalty ano payag kayo?"

"Aba good idea yan sabi ni Clark."'

Si Russell akala mo ay parang okay lang, pero pag nag iisa na lang ito ay hindi niya napipigilan ang mga luha hindi na yata niya kakayaning mabuhay pa kung mawawala si Jack sa paligid niya, yon bang kung gusto niya itong makita pupunta lang siya ng school ay makikita na niya ito, pero ngayon na aalis ito, paano pa niya ito makikita, ikamamatay niya yata ito gusto niya itong pigilan pero wala a siyang magawa,

"Jack huwag ka nang umalis magpakasal na lang tayo, sabi sa kanya ni Russell "

"Ikaw Russell ha, huwag mo akong bibiruin ng ganyan papatulan ko yan," sabi niya dito,

"Jack hindi ako nagbibiro, saksi kayong lahat, sigaw niya sa kanyang mga kaibigan, pakakasalan ko si Jack bukas na bukas din, kung papayag siya Jack ano papayag ka ba?"

"Sa pagbalik ko na lang Russell marami pa kasi akong dapat gawin."

Nakarating na si Jack ng Cebu at ang una niyang hinanap ay ang Aviation School, iyon ay ang Delano Air International Aviation Academy maganda rin ang school at malaki ang area nito, sunod niyang hahanapin ay boarding house na dapat ay nasa malapit lang ng school para hindi na siya sasakay para tipid na sa oras at sa pamasahe.

Sa kalalakad niya ay pinag papawisan na siya ng husto tanghali na kasi mabuti na lang ay may natanaw siya sa hindi kalayuan na signage ng Rooms for rent dali dali siyang nagpa tao po sa gate hindi naman nagtagal ay lumabas na ang may ari ng bahay nagka usap at nagka sundo na sila ng may ari nagbigay na din siya ng down payment dito kaya naipasok na niya ang mga gamit niya sa loob ng bahay.

Nagutom siya bigla kaya naghanap siya ng makakainan nakakita siya ng canteen sa may tapat na ng school na papasukan niya, pumasok siya at agad na umorder sa waitress na lumapit sa kanya, habang kumakain siya ay hindi niya napansin ang isang lalaki na hindi maalis ang tingin sa kanya, subo lang siya ng subo gutom na kasi talaga siya pagka tapos ay uminom na siya ng tubig at tatayo na lang sana siya para magbayad ay may biglang umupo sa tabi niya,"

Miss anong pangalan mo tanong nito sa kanya, hindi lang niya ito pinansin at akmang tatayo na naman siya ay bigla nitong nahawakan ang kanyang kamay upo ka muna kinakausap pa kita," bakit may problema ba ako sayo? tanong niya dito "wala" sagot nito sa kanya, eh! wala naman pala na, eh! di bitiwan mo na ako magbabayad pa ako ng bill ng kinain ko,

"Hindi na ,ako na ang magbabayad,"

"Bakit sobra na ba ang pera mo na kahit hindi mo naman kinain ay ikaw na ang magbabayad ? tanong niya dito

"Hindi naman sa ganun kaya lang ay nagandahan kasi ako sayo kaya yun ililibre kita,"

"Nairita si Jack sa ka preskohan nito kaya tinarayan na niya ito, "

"Hoy, magaling na lalaki wag mo akong paandaran ng pa libre libre mong yan ha! meron akong pambayad sa kinain ko, maka asta ka akala mo close na tayo?, sabay tayo niya at dali dali na siyang nag bayad sa counter,"

Hindi naka imik ang gwapong lalaki,

kinabukasan ay pumasok na siya sa school , ng maglabasan ay nagmamadali na siya kasi maghahanap siya na pwede niyang part time job at pwedeng ma adjust ang kanyang working hours natangap siya sa isang sikat na food chain,  kaya kinabukasan paglabas niya ng school ay dumideretso na siya dito para magtrabaho, Isang araw ng palabas na siya ay hinarang  siya ng isang lalaki yon yong nang asar sa kanya noon sa kainan malapit sa school nila,

"Jack teka muna, ako nga pala si Kristuff pakilala nito sa sarili bigla siyang natigilan ,"

"Ba't mo alam ang pangalan ko? tanong niya dito ,"

"Nakita ko sa enrollment form mo,"

"Paano mo nasigurong ako nga yon? tanong uli niya dito,"

"Hindi ko naman makakalimutan ang mukha mo may picture yon di ba?"

Hindi na niya ito sinagot kasi nagmamadali na siya para pumasok sa kanyang trabaho hindi niya namalayan sinusundan pala siya nito hangang sa pinag tatrabahuhan niya, paglabas niya sa counter ay bigla siya nitong nilapitan,

"Pwede ba akong umorder " sabi nito sa kanya"

"Hoy! kung mang aasar ka lang pwede ba umalis ka na, sita niya dito,"

  "Hindi kakain talaga ako,"

"Sige anong order mo? 

Kumakain na ito ay panay pa rin ang tingin nito sa kanya maya maya ay umalis na ito, pero ng papauwi na siya ay nakita niyang naka handig ito sa isang sasakyan na parang may hinihintay, siya  pala ang hinihintay nito,

"Jack halika ihahatid na kita, sabi nito sa kanya,"

"Huwag na malapit lang naman ang boarding house ko dito," tangi niya kay Kristuff .

"Hindi Jack I insist sumakay ka na itinuturo nito ang kotse sa kanya binuksan na nito ang pinto na katabi ng driver seat pero hindi talaga siya nito napilit na sumakay,"

Pero nang sumunod na araw ay hatingabi na siya pinauwi pag labas niya ay walang dumaraan na masasakyan, maya maya may biglang humintong sasakyan si Kristuff ang driver niyon bumaba ito at inalok siya nitong sumakay hindi sana niya ito papansinin ng

May dumaan na tatlong lasing natakot si Jack kaya bigla siyang pumasok sa loob ng  sasakyan ni Kristuff at pinagmadali niya itong umalis, habang daan ay tinanong siya nito kung taga saan daw siya, hindi lang siya umiimik kaya nakahalata yata ito na wala siyang balak na makipag usap kaya hindi na rin ito nagsalita, hangang sa dumating na sila sa boardinghouse

"Sige Jack aalis na ako, sabi nito,"

"Sige salamat sa ride and ingat din sa pag drive mo" sabi ni Jack dito,

Lunes papasok na siya sa school nakita niya palapit sa kanya si Kristuff iiwas sana siya pero wala na siyang nagawa kasi nakalapit na ito sa kanya at bigla siya nitong inakbayan "hoy" anuba, inalis niya ang kamay nito sa pagkaka akbay sa kanya, halika na ihahatid na kita sa room ninyo.

Isinama nga siya nito sa room kung saan siya naka enroll, marami na rin ang mga ka klase niya sa loob nakatingin ang lahat sa kanila , si Kristuff naman ay umakyat na sa itaas doon ang room nito graduating na kasi ito bawat uwian ay hinihintay na siya ni Kristuff pero tinatarayan niya ito lagi ,

"Ano na naman ang problema mo ba't mo ako inaabangan? sabi niya kay Kristuff,  bigla na naman siyang inakbayan nito," anuba " alisin mo nga ang kamay mo sa balikat ko sabi niya dito,"

Ngunit  diniinan lalo nito ang pagkaka patong ng kamay nito sa balikat ni Jack, binulongan siya nito, teka muna Jack palapit sa atin ang babaeng iniiwasan ko, ang babae ay maganda din pero mas simple at maganda si Jack kesa sa kanya, napaka ganda ng mata ni Jack ang hangang bewang at unat na unat na buhok nito ay lalong nag patingkad sa angking ganda ni Jack 5'8 ang taas niya pag ngumingiti Ito tiyak na maaakit ang sinuman na nginitian nito.

Sa Manila ay natataranta ang lahat kung nasaan na si Jack. Si Russell ay kumuha na ng private investigator, pero hindi talaga nila ma locate kung nasaan na si Jack,  Si Robert ay biglang umuwi pinauwi daw ng nanay nito kasi nga tumulong daw sa paghahanap kay Jack. Si Russell kasi ay pinag bibintangan ang nanay ni Robert na may kinalaman daw ito sa pag kawala ni Jack, nang magkausap, si Russell at Robert hindi muna ikinuwento ni Russell ang nangyari kay Jack, dahil sa kagagawan ng nanay nito, Si ate Dory ay wala ding alam kung nasaan na si Jack basta lang ang perang para kay Jack ay inihuhulog na lang niya sa bank account nito.

Si Jack naman ay pumapasok sa isang food chain kapag bakanteng oras niya, kaya halos ay nagkakasya naman ang budget niya, sa kanya ay ayos lang na magtrabaho para naman siya ay malibang. Sabagay ay maayos lang naman siya, maganda na sana ang takbo ng buhay niya kaso lang mayroon na naman siyang isang makulit na manliligaw si Kristuff kahit nasa trabaho siya ay laging naroon ito sa labas ng pinag tatrabahohan niya.

Si Kristuff ay nasa loob lang ng kotse niya sa labas ng food chain kaya hindi na niya ito natatakasan kasi laging naka park lang ang kotse nito sa labas. Isang beses ay nakatulog na ito,kaya ang ginawa ni Jack ay sumakay na lang siya ng taksi at iniwan niya ito , kinabukasan sa school ay inabangan siya nito na galit na galit sa kanya "

"Jack ginagawa mo na akong tanga " sabi sa kanya ni Kristuff, "

Hoy! ikaw Kristuff wala akong pakialam sayo ha" sabi niya,

"Jack alam mo maraming naghahabol na mga babae sa akin, pero hindi ko sila pinapansin " pero ikaw ginagawa mo lang akong gago "

"Eh di yong mga babaeng yon na lang ang patulan mo, mahirap ba yon?, tanong dito ni Jack ,"

"Oo mahirap dahil hindi naman natuturuan ang puso, sagot dito ni Kristuff," ikaw Jack ang hindi makaintidi na mahal na mahal kita, kaya kahit nagmumukha na akong tanga sayo go pa rin ako ", anong gusto mong gawin ko? tanong ni Kristuff sa kanya, lumuhod ako? sige luluhod ako,"

Bigla nga itong lumuhod sa gitna ng kalsada,

"Jack kahit ilang araw akong lumuhod dito hangang hindi mo pa ako sinasagot, gagawin ko, ano Jack?,"

Hinawakan nito ang dalawang paa niya habang lumuluhod at napaiyak pa ito, hindi ako aalis dito, sinipa niya ito,

" tumayo ka nga diyan, nakakahiya ka na,"

"Hindi ako tatayo dito hangang hindi ka pumapayag na maging Girlfriend kita."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄