下載應用程式
58.25% Supreme Asura / Chapter 420: Chapter 420

章節 420: Chapter 420

Naririto ngayon sa tapat ng malaking tindahan ang batang si Li Xiaolong ng Golden Martial Shop. Kakarating niya lamang habnag nakakubli na rin ang sarili niya sa makapal na robang suot niya at ang katauhan niya mula sa paningin ng nakararami.

Abala ang lahat lalo na at may mahalagang aktibidad ata sa loob ng Sky Flame Kingdom na alam na alam niya kung ano ito. Nakaugalian naman siguro ito lalo na at papasok na naman ang panibagong klima na siyang taglamig. Halos lahat ay mag-iimbak na naman ng pagkain at gagawa ng paraan upang malagpasan ang taglamig na ito ng ialng buwan bago magbago ang klima o bumali ang lahat sa dati. Medyo ilang linggo o buwan din siyang nawala kaya ganito na lamang niya nakaligtaan ang oras kung saan ang naghihirap na angkan niya maging ang buong Green Valley ay lubos ding mahihirapan sa pag-iba ng klimang ito.

Ang klima ng Sky Ice Kingdom sa mga buwang ito ay lubos na nag-aapekto sa tatlong kaharian lalo na ang Sky Flame Kingdom. Sa oras na ito, Sky Flame Kingdom undergoes a same climate as Sky Ice Kingdom. Hindi kagaya ng ibang kaharian ng Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom na sobrang layo pa ng land boundary ng mga ito na nasa hilaga at timugang bahagi ng direksyon.

Isinawalang bahala na naman ito ni Li Xiaolong dahil normal naman ito kung tutuusin. Hindi talaga ito maiiwasan lalo na at ang natural na sistema ng kapaligiran na mismo ang gumawa nito at hindi na ito mababali pa.

Sa kabilang banda, Mabilis man kung tutuusin ang naging paglalakbay niya sa pamamagitan ng paglipad sa himpapawid ay masasabi pa ring nakakapagod pa rin ang nasabing paglalakbay. Ang isang araw sanang normal na pagbabalik ay naging kalahating araw na lamang ito ay dahil sa naging advantage ng isang Xiantian Realm Expert na may natural na kakayahang lumipad. Having such tough journey in his early age can be said to be not normal for a small place he is living.

Sa nakuha niyang memorya o mga alaalang galing sa mga nangamatay na magigiting na mga manlalakbay na siyang soul fragments na lamang ang natira sa mga ito ay masasabi niyang ang kakayahang ito ay normal lamang. In his age, having a breakthrough to a boundary of Xiantian Realm is not a trivial matter. Normal pa ito sa normal lalo na at sa memoryang nakuha niya ay higit siyang nanliliit sa sarili niya. Tama ang misteryosong babaeng walang pangalan na nagsakripisyo alang-alang sa kaligtasan niya upang bigyan ng oras upang masupress ang nagbabagang init ng apoy galing sa Evil Fire Crow.

Sinubukan niyang manghalukay ng memoryang nakuha niya kani-kanina lamang at labis ang gulat maging ang manghang naramdaman niya.

Nakita niya sa alaalang galing sa mga soul fragments ang malabong imahe ng mga batang halos kaedaran niya ngunit nakatungtong na sa Xiantian Realm Expert, Purple Blood Realm Expert at higit sa lahat ay nakayang makaabot sa Purple Heart Realm gamit ang sarili nilang kakayahan lamang upang makapagbreakthrough ng walang iniinom na isang breakthrough pellet. Ganon katalentado ang mga batang martial arts experts noong kapanahunang buhay pa ang mga nagmamay-ari ng memoryang ito.

Pero imposibleng magawa niya iyon dahil ang pinakawala siya sa kasalukuyan ay ang napakaraming mga cultivation resources na naaayon sa edad maging sa kasalukuyang lebel ng cultivation boundary niya. Isa pa ay hindi normal ang cultivation level niya sa apat na kaharian at maikokonsidera lamang na above average lamang ang lebel ng cultivation niya sa loob ng Dou City.

Still, magkakaroon ng pagdududa ang lahat ng mga martial arts experts sa malaking progress niya kapag kakalkalin ng publiko o ng mga awtoridad ang impormasyon patungkol sa kaniyang pagkatao. Inaasahan niyang hindi maganda ang mangyayari sa oras na mangyari iyon. Magiging nakaw-atensyon na naman ang Li Clan o ang buong Green Valley dahil sa kaniya na hindi niya hahayaang mangyari sa kasalukuyan. Maybe he could be successful for a while but after that, hahabulin na naman siya ng napakaraming problema maging ang pagtangkang paslangin siya ay mamamarapating gagawin o isasagawa ng mga gusto siyang burahin sa mundong ito.

Ganito kalala ang umiiral na kalakalan sa maliit na mundong ito. Those who have a great power and background will be safe but he, from a normal yet poorest clan to be exact cannot have an equal standings to those who want him dead. Magiging banta siya sa apat na kaharian at maituturing na kakaiba sa lahat ng batang henerasyon sa Sky Flame Kingdom, Hollow Earth Kingdom, Sky Ice Kingdom at lalong-lalo na sa Wind Fury Kingdom. He maybe secretive about his identity but this is what he thinks a temporary solution to his problem. Sa oras na mabuko ang pagkatao niya, Green Valley will be wipe out in a blink of an eye.

Habang naglalakbay siya kanina ay binasa niya na ang nakasulat na impormasyong sa piraso ng papel galing mismo sa Feathers Guild. Hindi niya aakalaing sobrang lala na pala ng sitwasyon ng apat na kaharian yet no one is informing this to the public. Hindi na stable ang lagay ng treaty na nagsisilbing bagay na nagpapanatili ng kaayusan lalo na at lihim na ring gumagalaw ang tatlo pang kaharian upang hanapin ang salarin sa lahat ng problemang kinakaharap ng lugar na ito. Malaking problema ito pag nagkataon.

Alam na ng lahat ng kaharian ang existence ng miyembro ng Blood Skull Alliance. Namataan ng awtoridad ng mga nasa Dou City ang pagpasok ng iilang mga estrangherong mga grupo maging ang limang pagala-galang nilalang sa mga parte ng lugar na sakop ng malaking siyudad na ito.

Maging ang Sky Ice Kingdom maging ang mga karatig-kaharian nito na Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom ay alam na rin ang impormasyong ukol rito ngunit limitado lamang ang nakakaalam ng impormasyong ito. Liban sa Feathers Guild ay wala ng nakakaalam sa malaking suliraning itinatago ng mga awtoridad o sangkot sa problemang ito sa mata ng publiko.

Pinoproblema niya pa kung ano ang mangyayari kung sakaling malaman ng lahat kung sino ang pangunahing salarin sa pagkapasok o pag-infiltrate ng masasamang miyembro ng organisasyong ito? Sa suliraning ito ay alam niyang damay-damay silang lahat laban mismo sa galit ng tatlong kaharian and this time, siguradong mangingialam na ang Dou City sa malaking sigalot na ito na siyang dulot mismo ng mismong Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom.

"Magandang araw Ginoong Long, andito pala kayo. Bakit di kayo pumasok sa loob ng Golden Martial Shop nang makapag-usap naman po tayo." Nakangiting sambit ng magandang babaeng walang iba kundi si Binibining Bái Shu na siyang namamahala ng Golden Martial Shop.

Nagulat naman ang batang si Li Xiaolong sa biglaang pagsulpot ng pamilyar na imahe ng babaeng si Binibining Bái Shu ng Golden Martial Shop. Ngunit mabilis niyang iniayos ang sarili niya at tumango na lamang bilang pagsang-ayon. Isa pa ay napagod siya sa mahabang paglalakbay niya at marami pa siyang gustong gawin bago siya tuluyang umuwi sa Green Valley kung saan naroroon ang mga mahal niya sa buhay. Hindi biro ang suliraning sangkot ang mismong Sky Flame Kingdom at damay silang lahat na naririto sa oras na lumabas ang katotohanan sa publiko.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C420
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄