下載應用程式
97.22% My Brutal Wife (Tagalog) / Chapter 35: New friend

章節 35: New friend

Mukhang effective 'yung pananakot ko dahil nanalo talaga sila! Nilapitan namin sila sa court.

"Pare ang gagaling nyo maglaro." Bati sa kanila nung pinaka malaki na nakalaban nila.

"Kayo rin." Sabi ni Stan.

Napatingin ako dun sa nangbangga sa kanya. Nakatingin din kasi sya sa akin. He looks familiar. Saan ko ba sya nakita? Bigla syang lumapit sa akin.

"Red Lamborghini?" Nakakunot noo nyang tanong.

"Ha?" Pati ako napakunot noo na rin ako.

"I remember you. Nag race tayo nun! We have the same car. Black Lamborghini?" Sabi nya na tuwang-tuwa. Lah! Anyare dito?

Black Lamborghini.. Black Lamborghini..

"Oo! Naalala na kita!" Pati ako na-excite. Sya nga yun!

"Anong nangyari sayo nun? Bigla kang nawala."

"Naaksidente kasi ako eh." Napahawak pa ako sa batok ko, nakakahiya kasi.

"What? Ok ka na ngayon?" Wow. Concern sya?

"Oo. Wala namang masyadong galos." Nginitian ko pa sya.

"Good to hear that. Nasaan na pala ang kotse mo? Ayos pa ba?"

"Pinaayos ng daddy ko, kaso ayaw na ipagamit sa akin eh." Mabait din pala to.

"Sayang naman." Talagang may halo ng panghihinayang yung tinig nya.

"Ehem.. Ehem.." Napatingin kami sa umubo. Si Stan.

"Ah.. Stan, naalala mo yung nabangga ako? Sya yung ka-race ko nun. Ano bang pangalan mo?" Kahiya, kanina pa ako nakikipag kwentuhan tapos hindi ko pa pala alam ang pangalan nya. Haha.

"I'm Jack." Nilahad nya yung kamay nya.

"I'm Rose." Nakipag shakehands ako.

"Really?" Nakangiti nyang tanong.

"Joke lang! Alex nga pala." Nakipag shakehands ako.

"Nice name."

"Thanks. He's Stan. My husband."

"Nice game pare." Masayang bati ni Jack. Shakehands.

"Ikaw rin."

Sabay-sabay kaming nag dinner lahat. Kasama rin 'yung mga nakalaban nila Stan. Mababait naman sila.

"Jack taga dito ka ba?" Tanong ko sa kanya. Kaharap ko lang kasi sya.

"Dito ako lumaki. Pero sa manila ako nag sstay, bakasyon lang ako dito."

"Ahh." 'Yun na lang ang nasagot ko. Pansin ko kasi na parang nakatingin sa amin 'yung mga kasama ko.

Lingon ako sa katabi ko, busy syang kumain. Nahagip naman ng mata ko si James. Ang loko nakangiti. Pero ibang ngiti, parang may halong pang-aasar. Dinilaan ko nga.

"Stop that." Suway sa akin ng katabi ko. Napalingon ako sa kanya pero nakadila pa rin.

Bigla nyang tinapik 'yung bibig ko. Hindi naman masakit. Napakagat labi na lang ako.

"Itigil mo nga 'yan Alex." Tinapik nya ulit yung bibig ko. Problema nito?!

Tinignan ko si James. Sya naman ang nandila. Loko 'to ah! Humanda lang sya sa akin mamaya.

"Guys baka gusto nyong sumama mamayang gabi? Magbabar kaming magkakaibigan. Hindi makokompleto ang bakasyon nyo dito kung hindi kayo makakapunta sa pinaka sikat na bar dito sa lugar namin." Pagyayaya ni Kuya Jerik. Pinaka matanda sa kanila.

"Hmmn. Sounds exciting. Gusto nyo ba?" Tanong sa amin ni Coach Gerald.

'Sige Coach.'

'Masaya 'yun.'

"Sige. 7pm. Dadaanan namin kayo sa labas ng hotel nyo."

Bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto para makapag handa sa pag babar mamaya. Pagpasok sa room ay humiga kaagad si Stan sa kama.

"Masakit pa rin likod mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Gusto mo hilutin kita?" Pinatunog-tunog ko pa ang mga daliri ko.

"Marunong ka ba?"

"Oo naman! Kapag napilayan ako sa pagt-taekwondo, hinihilot ako ng mga kasama ko. Kaya natututo ako."

"Sige nga." Tinanggal nya na 'yung damit nya at dumapa.

Wow! Likod pa lang ulam na!!

Kinuha ko yung lotion ko sa bag. Lumuhod ako sa gilid nya at inumpisahan ng lagyan ng lotion ang likod nya.

"Medyo masakit 'to ah?" Paalala ko.

"Hmmn." Tanging sagot nya.

Minasahe ko muna 'yung balikat nya. Hala!  Ang tigas! Pababa hanggang sa likod nya.

"Uhh.." Napa-ungol si Stan. Ang pangit naman ng ungol nya.

Pinisil ko ulit ang likod nya.

"Yan! M-Masakit dyan."

"Dito." Pinisil ko ulit yung isang parte ng likod nya.

"Ughhh.. Alex. Ang sakit."

"Wag ka ngang maingay!" Ang wirdo kasi ng ungol nya. 

Natapos na rin ako sa paghilot sa kanya. Tumihaya na sya. "Ang galing mo ngang manghilot babe."

"Sabi ko sayo eh. Bawal kang maligo ah?"

"Oo. Naligo na naman ako kanina eh."

"Good. Sige. Maliligo na ako."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C35
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄