下載應用程式
39.02% Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish) / Chapter 15: Chapter 15

章節 15: Chapter 15

"You should respect her," Pabulong ko na sambit ko habang nakatingin sa kanya nang masama.

Hindi sya nagsalita habang hinihingal pa rin kaya naman ay kumunot na ang noo ko at nilapitan sya.

"Ok ka lang?" Pag-aalala ko nang napahawak ito sa dibdib nya at napa upo sa kanyang kama.

"It hurts," Sambit nito habang naka hawak pa rin doon.

"Tatawag ako nang-"

"- Xy, ayoko nang doctor, wala ito." Inis na sambit nya kaya naman wala akong magawa kung hindi ang tumango.

Hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko at kinalimutan ko na rin ang galit ko kanina. Umupo ako sa tabi nya at niyakap sya. "I'm sorry," Sabay bulong ko sa kanya na ikinatingin sa akin ngunit napatigil din nang malaman kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

"It's fine, kalimutan na lang natin 'yon," Tumango ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Naramdaman ko naman ang kamay nya sa bewang ko at mas inilapit ako kahit na magkatabi naman na kami.

Ilang minuto kaming ganoon at parang hindi nangangalay sa pwesto namin ng magsalita ako. "Ang tagal mo nang nararamdaman yan, ayaw mo ba talagang magpatingin?" Tanong ko habang nakatingin sa magkawak naming kamay.

"Hindi gamot ang magiging solusyon dito, Xy."

"Natatakot kaba?" Sabay lingon ko sa kanya at tinanggal ang pagkakayakap sa kanya.

"Wala akong kinatatakutan, pero may inaalala akong tao" Buntong hininga nito at tinignan din ako.

"Minsan, isipin mo din ang sarili mo. Wag puro ang iba ang isipin mo. Please lang," Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito.

Nagulat ako nang yakapin ako nito bigla at ramdam kong bumigat ang kanyang paghinga.

"Can we stay in 5 minutes?" Tumango na lang ako at hinayaan syang nakayakap sa akin.

Matapos ang limang minuto ay kumalas na rin sya sa pagyakap sa akin at tinitigan ako. Nailang naman ako doon kaya hindi ko na maiwasang tanungin sya.

"May problema ba?" Paglalakas loob ko sa sarili ko.

"I just love your eyes, at hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa'yo," Bigla itong ngumiti kaya pinagtaasan ko sya ng kilay. Hindi ma gets ang pinupunto nya.

"Kung ibang tao man ako at hindi kita kilala," Pagbibitin nya.

"Ano?" Tanong ko at iniwasan ang maging mairita bigla dahil sa pagbibitin nya.

"Baka magustuhan na kita," Nagulat ako doon at nag iwas bigla nang tingin ng maramdaman ko ang init sa pisngi ko.

Naramdaman kong natawa siya sa reaksyon ko kaya naman nagsalita muli ako. "Tigilan mo nga ako sa pag jo-joke mo. Hindi nakakatuwa ah?"

"Kase nakakakilig na, ganoon ba?" Lalo syang natawa nang malakas sa reaksyon ko kaya naman kumuha ako ng unan at inihampas iyon sa kanya.

"I'm serious here Veil Ace! huwag naman yung ganyan biro please lang," Irap ko habang pinapanood syang matawa.

'Mas ok na sigurong nakikita syang masaya, kaysa naman palagi siyang malungkot.'

"Para namang hindi ka sanay? Ang tagal ko nang nagbibiro pero wala lang naman sa'yo ang mga biro ko ah?" Pagtataka nya at niyakap ang unan na ibinato ko sa kanya at kinabahan naman ako.

"Wala lang ako sa mood," Pagsasabi ko at tumingin sa labas ng bintana habang ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumabas ako at tumambay sa veranda upang magpahangin. Hindi ko na kinakaya pa ang mga biro nya at hindi ako natutuwa doon. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at para bang naiilang ako.

Ano ba ito?

"Biro lang, eto naman. Masyado ka nang seryoso ah?" Hindi ko alam na sinundan nya pala ako.

"Marami lang akong iniisip"

"Tulad nang?"

"Tulad ng, kung paano pa ako makakatakas sa kanila.." Pag-iiba ko nang usapan.

Sa limang taon na pagkakaibigan namin ni Veil ay halos saulo na namin ang isa't isa. Lalo na kapag may mga problema kami ay alam na namin sa isa't isa kung sino ang malalapitan at maaasahan. Ganoon din kay Lia na anim na taon ko nang kaibigan at mas nauna pa kay Veil ay halos magkakilala na kaming tatlo. Nagkaka sundo at kung may tampuhan ay idinadaan sa salitang 'bawi' o 'babawi' ako. Kaysa sa salitang 'sorry' dahil hindi na makakapag tanggal niyon nang sakit ng nararamdaman ng tao.

"Kaya mo yan, ikaw paba. Si Xyria ka at alam ko na kahinaan mo din ang pamilya mo. Bakit hindi mo subukan ipa realize sa kanila ang totoo?"

"Ano kaba? Parents ko iyon tapos pagsasabihan ko nang ganoon?"

"Ipapa realize mo lang naman, paano kung dumating yung lolo at lola nyo at malaman na naman ang kalokohan ng parents mo sa'yo, edi nagalit yon at mag-away na naman sila dahil sayo,"

Tanda ko pa noon na sinubukan nila akong i arrange sa ibang tao at si Mike iyon. Na cancel iyon dahil kina lolo at lola hanggang sa mag-away sila nina Mommy ng dahil doon.

"Ano kaba, Macey! Bigyan mo naman nang kalayaan ang anak mo! Wala sila sa sina unang panahon para diyaan," Sigaw ni lola noon habang ako ay nasa itaas at nakikinig sa kanila dahil sa lakas ng boses nila.

"Ma, kung hindi ko gagawin iyon ay baka kung sino sino nalang ang mahalin nang anak ko paglaki niya. Wala akong tiwala sa ibang lalaki na nakakasalamuha nya, ayokong masaktan ang anak ko," Pag iyak ni Mommy habang pinapatahan sya ni Daddy.

"Wala kabang tiwala sa anak mo?! Hayaan mo ang anak mo ang mag desisyon kung sino ang mamahalin nya! Hindi tama na pati ang mamahalin ng anak mo ay kontrolado mo na din! May karapatan silang mamili kung sino ang gusto nilang mahalin macey! Matanda kana at alam ko na alam mo na dumaan ka sa stage na iyan! at hindi kita pinalaking ganyan para lang kontrolin mo ang anak mo!" Pagsali ni lolo sa usapan.

"Naalala mo yon?" Tanong ni Ace habang hinihintay ang sagot ko.

Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kalangitan. "Yeah, and they doing it again,"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C15
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄