Akala ko kasama si Siggy sa dumating na Lizares brothers. But he wasn't with them, instead, iba ang nakita ko.
"Happy birthday Mikaelo Angelito Osmeña!"
Halos mapasapo ako sa sarili kong noo dahil sa malakas na sigaw niya.
The same old Kiara Montinola. Walang kupas, walang kabago-bago.
"Good thing you came, Kiara!"
"Happy birthday, Mikan!"
"Happy birthday, Mikoy."
"Superstar, happy birthday!"
"Kuya Deck, Einny, Ton, salamat. Salamat din sa pagpunta. Si Siggy? Balita ko nandito siya sa Manila, ah? I invited him, though."
"Oh, my God! Sandreanna!!"
Hindi ko na alam kung anong isinagot ng Lizares brothers tungkol sa whereabouts ni Siggy. Naagaw kasi agad nito ng sigaw ni Kiara ang lahat kaya ewan ko kung may naisagot sila o katulad ko ay napatingin na lang kay Kiara.
Malawak akong ngumiti sa kaniya at hindi pinahalatang interesado ako sa naging tanong ni Mikan tungkol kay Siggy.
"Kiki! Akala ko hindi mo na ako papansinin!"
Mahigpit naming niyakap ang isa't-isa at tuluyang nakalimutan ang kuryusidad ko tungkol kay Siggy. Kiara and I catched up and she also introduced me to her brother-in-laws. They're nice naman and I think ganoon talaga ka-sekreto ang relasyon naming dalawa ni Siggy that even his brothers didn't know about me, except that I am Kiara and Mikan's bestfriend, and I am the oldest daughter of Dr. and Dra. Hinolan.
But Tonton Lizares smiles differently. He wasn't a creep. May kutob lang talaga ako na iba ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Naabutan ko pa nga siyang titig na titig sa akin pero nang makita niya akong nakatingin na rin sa kaniya, bigla siyang ngingiti, kasing lawak pa 'yan ng plaza ang ngiti niya tapos iiwas din naman ng tingin. I don't want to assume but does he know about me? Hindi naman kasi parang may gusto siya sa akin ang tingin na ipinukol niya sa akin kanina. So, does he have an idea about my existence to the life of his brother?
Ano ba, Sandreanna, kung anu-ano 'yang iniisip mo. Praning ka lang.
I didn't make a fuss about it anymore. Agad din naman akong na-distract sa presensiya ni Kiara and others. Usapan dito, usapan doon. Napuno kami ng usapan ni Kiara dahil sa aksiyon niyang mga kuwento at kung anu-ano pa. Nakihalubilo na rin kami sa iba pang pinsan at bisita ni Mikan. Nakatutuwang makita na pati ang kaniyang mga magulang, iilang Tito at Tita, at mismong Lolo at Lola sa both sides ay nandito at animo'y mga teenagers lang na naki-party sa kanilang mga apo at kung sinu-sino pa.
Pero maya-maya lang din ay nagsimula ulit na tumugtog ang Mikaneko. Ang sabi part two raw ng Inuman Session nila pero nahulog naman na parang naging videoke machine ang banda dahil hindi lang naman si Mikan ang kumanta, pati ang mga pinsan niya ay kaniya-kaniya ring kanta tapos mayroon pa nga na kumanta 'yong Lolo Mado niya. Ngayon, alam na namin kung saan nagmana sa ganda ng boses si Mikan. Mana pala kay Senyor Mado, e.
The night was full of jamming, laughters, songs, and enjoyment. Nakikisabay kami sa kantahan na nagaganap at minsan namang nakikipag-usap pa rin kay Kiara. Wala ako masiyadong makuhang lesson sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang, panay ang kuwento niya sa kaniyang bagong pamilya. Basically, how her whole year went by.
Nakikinig naman ako sa kuwento niya pero nag-aantay kasi ako ng chance na ako naman sana ang pakinggan niya. But a part of me doesn't want her to be involved to my past family problem. Tapos na rin naman 'yon at wala ng sense na balikan pa kaya mas mabuti sigurong hindi ko na sabihin pa sa kaniya ang nangyari. Mukhang hindi rin naman kumalat sa lahat ang paglalayas na ginawa ko. Mas mabuti sigurong manahimik na lang talaga.
"Why did you cut your hair, by the way? I've been wanting to ask you that question since I saw you from the screen."
Kasalukuyang tumutugtog si Mikan kasama ang mga pinsan niya nang magtanong si Kiara. Napalingon ako sa kaniya at lumagok muna sa San Mig Light na hawak ko bago sumagot.
"Wala lang. You know naman na I've been wanting to cut my hair ever since, right? Mom just didn't allow it though."
"She approved it now?"
Natawa ako sa naging tanong ni Kiara. Napalagok ulit ako sa beer. Ibinalik ang tingin sa kaniya at ngumiti. She doesn't have any idea talaga.
"She doesn't know about it, Kiki."
"She doesn't? She don't check up on you anymore? That's impossible. 'Di ba they're so strict towards you that they always check on you from time to time?"
Tuluyan kong inilapag ang bottle ng San Mig Light and gave my full attention to her.
"Lumayas ako, Ki. I finally freed myself from the wrath of my parents," cool na sabi ko. Like it's really nothing at all.
"You what?"
I sighed. "Lumayas ako. Umalis. Tinakasan ko ang pagkakasakal na ginagawa nila sa akin. Hindi na kasi makatarungan ang pagko-control nila sa buhay ko."
"So, it was true then? I heard a rumor about you- I mean, nasabi sa akin ni Dahlia a few months ago na you and your parents had an argument daw and you ran away pagkatapos pero hindi ko agad pinaniwalaan dahil bigla rin namang binawi ni Dahlia, saying it's a prank daw. So, binalewala ko at hindi na naki-usyoso sa 'yo."
Lumagok akong muli sa beer bago nagsalita. "Hindi ba nasabi ng mga staff ng resort ng daddy mo ang tungkol sa biglaang pagpunta ko roon last year?"
"No. Wala akong narinig from them about your presence in our resort without our knowledge. Or baka nakalimutan ko? I don't know. I forgot lang siguro. Why naman, Sandi?" kibit-balikat na sabi niya.
"That was the time na lumayas ako sa bahay. Wala akong ibang mapuntahan kundi ang resort niyo kaya roon ako pumunta after. Hihingi sana ako ng tulong sa 'yo. But you weren't around. Instead, ang nakita ko nang dumating ako roon ay si Madonna at Siggy."
"Madonna and Siggy?"
"Yep. Nakita ko sila roon and humingi ako ng tulong dahil hinahanap ako that time ni Krane. Ayokong umuwi sa amin kaya nagtago ako. Good thing, they helped me naman. Siggy also helped me para makabalik dito sa Manila. In short, Siggy literally helped me with almost everything."
I expected na magugulat si Kiara sa naging kuwento ko pero pinakitaan niya ako nang nakangiwing expression sa mukha.
"Siggy? As in Freud Sigmund Lizares? My brother-in-law? Tutulong? Tinulungan ka? Sure ka?"
Ngayon, ako naman ang nakangiwi ang mukha.
"Ha? Bakit naman? He did help me, Ki."
"Sigurado ka? Baka ibang Siggy 'yon, ha? Hindi matulungin si Siggy Lizares. Hindi nga tinutulungan mga kapatid no'n, e. Ikaw pa kaya na mukhang hindi naman kayo close na dalawa?"
"Hindi ba talaga believable?"
"Nah uh. Not a chance. Hindi mo kasi naitatanong, and hindi naman sa bina-bad mouth ko siya ha, but he's the most selfish among the Lizares brothers. One inch na lang, magmamana na siya sa dugong nananalaytay kay Krane. And speaking of Krane, kaya pala mukha siyang tangang naghahanap sa 'yo sa city natin kasi 'yon na pala 'yon?"
Napa-iwas ako ng tingin kay Kiara. Napaisip sa sinabi niya tungkol kay Siggy.
Siggy Lizares? My Siggy? My pangga? Is a selfish? Bakit iba ang ipinapakita niya sa akin? It's a different Siggy. Do I really know Siggy that much? May iba ba siyang personalidad pagdating sa ibang tao? I don't understand.
"Hey… I'm asking you."
"W-What?" nagpakurap-kurap ako ng mata nang maramdaman ko ang tapik ni Kiara sa akin. Muli akong napatingin sa kaniya.
"I'm asking you if Krane's bothering you now?"
"Uh… hindi na naman. Even my parents. I stayed away from them, cut off my connection with them."
"Even with your siblings?"
"I just reconnected with Dahlia last new year."
"Ah. Grabe. Ang dami ko na talagang hindi alam sa inyong dalawa ni Mikan. Even this revelation of yours na lumayas ka pala and hindi pala stable ang relationship mo with your family now shocked me pa rin. Hindi naman kasi obvious sa mga Hinolan na may problema pala ang family niyo. Na-chika nga sa akin ni Mommy na she asked them about you and they said na okay ka naman and you're doing good sa UP."
"Mapagpanggap," napapa-iling na sabi ko.
"Are you fine now? Do you need my assistance?"
"Hindi na, Kiki. I am fine. Perfectly. There's nothing to worry about me. I am surviving this cruel world. And mukhang tama ang sinabi ni Mommy and Daddy kay Tita Kristine… I am doing good in UP."
"That's the Sandi I knew!"
Naputol lang ang chikahan namin ni Kiara nang marinig kong tinawag ni Mikan ang pangalan ko from stage. May maliit na spotlight na rin na nakatutok sa akin and almost everyone are looking at me.
"What… What happened?"
"Kantahan mo naman ako, buhangin!"
Anong trip na naman 'to?
Bigla akong pinapunta ni Mikan sa stage. Ang sabi niya, jamming daw kami. Kantahin ko raw ang favorite song naming dalawa. Or more like his favorite song since kanta ng paborito niyang banda ang kumanta ng paborito naming kanta.
"Hindi n'yo kasi naitatanong, hindi lang sa pagkanta, pag-acting sa teatro, at pagsayaw ang talento nitong matalik kong kaibigan na si Sandi. She's into instrument din talaga."
"Hoy gago, anong pinagsasabi mo r'yan?" Tinapik ko ang balikat niya pero natawa lang ang walang hiya.
"Since birthday ko naman ngayon, siyempre, hindi ko palilipasin ang araw na hindi siya tutugtog ng gitara. 'Di ba, buhangin?"
Aba't ngumisi lang ang gago sa akin. Kinurot ko na talaga ang tagiliran niya. "Ipatutugtog mo sa akin 'yong Martyr?"
"Oo. Kaya mo 'yan. Magaling ka, e. 'Wag ka matakot, sabayan mo lang ako."
"Gago!" I mouthed.
Wala akong nagawa kundi ang ang tanggapin ang gitarang inabot niya sa akin at umupo sa isang monobloc chair na katabi niya lang. Tatlo kaming nasa stage ngayon. Ako, siya, at ang pinsan niyang si Clee Osmeña na siyang nakaupo sa beat box. Tumango pa nga si Clee sa akin bago ako tuluyang nakaupo.
Mikan counted then sinabayan ko siya sa pag-strum ng guitar which is kind of aggressive pa naman. Hindi ako makatingin sa crowd dahil nakatingin lang ako sa kamay niya, sinusundan ang chords ng kanta. Kinakabahan ako sa ginagawa naming ito. Hindi ako ganoon kabihasa sa gitara. Mas forte ko ang beat box or ang drum set.
Bilib din naman ako sa sarili ko, nakakasabay sa kanta. Nakakabilib din si Clee, nakakasabay sa bilis naming dalawa.
"Ang almusal ay sigawan. Ang hapunan natin ay tampuhan. Ang merienda pagdududa. Pero mahal kita, wala nang hahanapin pang iba. Handa 'kong magtiis kahit na away-away na 'to."
"Kahit na sabihin na naliligo ka sa sampal. 'Di mo masasabi na hindi kita minamahal. Ang dami mong babae, wala ka pang trabaho. Ngunit kahit ano ay nandito lang ako…"
Masigabong na palakpakan ang iginawad ng lahat nang matapos kaming dalawa. May napatayo, may nag-whistle, may nagsigawan pa. Nakangiti naman silang lahat at mukhang tama lang ang ginawa naming dalawa.
"Sagad na natin 'to. Idiretso na natin sa Halik."
Ang next song namin ay parehong kanta ng paborito niyang banda. Hindi na ako nag-gitara. Siya na lang ang pinatugtog ko. Beat box naman ang hinawakan ko kasi bumalik na rin sa puwesto niya si Clee. Kaya dalawa lang kami ngayon sa stage. Entertaining the guests.
Siyempre, sinabayan ko rin sa pagkanta si Mikan. That's the sole purpose of my existence here on stage.
On our third song, ako naman ang pumili. Your Song ng Parokya ni Edgar and pinili ko. Alam naman ni Mikan ang chords no'n at nag-request back up na rin ako sa the rest ng Mikaneko since I'll be needing their help.
"Ako 'yong may birthday pero sige, pagbibigyan ko siya," pagbibiro pa ni Mikan.
Umiling na lang ako at sinimulan ang kanta.
Iginala ko ang tingin sa paligid. Inisa-isang tingnan ang mga taong nandito. Nasa amin ang lahat ng atensiyon nila. Seryoso silang nakikinig sa amin. Maliban sa mga taong nasa likuran.
I fixed my gaze on them. May taong bagong dumating. Masiyadong madilim sa side nila kaya hindi ko masiyadong maaninag kung sinu-sino ang mga nandoon. Pero nang makita ko si Kiara, doon ko napagtantong ang Lizares brothers pala 'yon.
At kasabay ng pag-beat ng drums ni Auwi ay ang pag-beat din ng malakas ng aking puso habang nakatingin sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin.
"I take one step… away. And I find myself coming back to you. My one and only, one and only… I take one step… away. And I find myself coming back… to you… my one and only, one and only… you."
Buong kanta, sa kaniya lang ako nakatingin. Hindi rin naman niya inaalis ang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos ng kanta at saka tumingin kay Mikan na nakangiti pa rin.
He's here! He's fucking here! My pangga is here!
Pinigilan ko ang sarili kong tumalon from the stage para mapuntahan siya. Hindi alam ng lahat na may relasyon kaming dalawa. And mas lalong hindi alam ni Kiara and Mikan ang tungkol sa aming dalawa. Nag-i-imagine pa ako kung anong magiging reaksiyon nila kapag ibinalita ko ang tungkol sa aming dalawa kaya hindi ko pa masabi.
Nandito ang mga kapatid niya kaya nandito rin siya!
Gusto ko na sanang umalis ng stage pero humirit pa muli si Mikan for another song. Pinayagan ko na. Nag-i-enjoy din naman ako.
The Mikanekos featuring Sandi PH hit Alumni Homecoming of Parokya ni Edgar.
Pero bago nagsimula ang kanta, tinawag ni Mikan si Kiara to join us. Aayaw pa siya no'ng una pero bumigay din naman.
It was all fun kasi maski si Ate Teagan, nakisabay na rin sa amin and she even sang the song kasama namin.
The night reminds me of my dream family and dream life. And I am so lucky that these strangers felt me that kind of feeling. Hindi ko man sila kadugo at hindi man nila alam kung anong epekto ng mga nangyaring ito sa akin, nagpapasalamat ako sa kanila. Especially the Osmeñas. They're the best family I never had.
Matapos yata ang limang kanta ay bumaba na ako, handa nang lapitan si Siggy pero hindi pa ako nakakaabot sa puwesto nila, Mr. Hector got into my way.
Nawala agad sa atensiyon ko si Siggy at ibinigay ang buong atensiyon ko sa mga pinagsasabi ni Mr. Hector. He's still nagging about what he talked kanina pero this time, it's more clearer and more naiintindihan ko na.
"You really are perfect for the role! Maganda na and super talented pa! Isasalang na kita bukas! Susunduin na rin kita para sure na sabay na tayong makararating sa venue ng shooting. Saan ba kita puwedeng sunduin?"
"Sa Addicting Nook po, sa may BGC?"
His brows furrowed. "BGC? You live in BGC?"
"Malapit lang po pero I have a part-time job sa Addicting Nook po." Addicting Nook is Nigel's coffee shop.
"You have a part-time? Stop it already. Magiging artista ka na and nakikinita kong sisikat ka after this gig of yours so stop that part-time of yours this early."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Mr. Hector. Masiyado naman siyang maagang mag-conclude? Ayoko nga'ng mag-conclude, e. For sure extra lang 'yong gagampanan ko sa shooting na pupuntahan namin bukas. At mas malala ay baka passerby lang ako. Araguy.
"Basta! You don't need to bring anything. Just wear anything you're comfortable of. Ako nang bahala sa glam team and stylists and clothings na gagamitin mo for tomorrow. It's just you, your presence, and your talent lang, sapat na ang lahat, Sandreanna."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. I am excited too pero hindi kasing excited ni Mr. Hector na kaya na niyang mag-conclude nang ganoon kabilis. Is he that confident talaga about me? E, mukhang hindi pa naman niya alam kung kaya ko ba talaga. 'Di ba dapat audition muna? Ganito ba talaga sa mundong ito? Ewan. Siguro.
"You are this industry's future face, Sandi! I am telling you."
~