下載應用程式
75% Make Up, Murders, and Macchiato / Chapter 12: 12| t h e h a u n t e d p a l a c e

章節 12: 12| t h e h a u n t e d p a l a c e

12

t h e  h a u n t e d  p a l a c e

"ARE YOU SURE ABOUT THIS?" Tanong ni Astrid kay Felicity habang nakatingin sa Cassandra Palais gamit ang binoculars mula sa di kalayuan. Nagtatago sila sa likuran ng makapal na bush plant.

Even if they are too far from the palace the grandeur it emolate reeks,the exterior of the palace is filled with intricate and lavish decorations which resembles that of Versailles Palace. Halos lahat ng sulok na palasyo na iyon ay tadtad ng ginto at mamahaling batong kumikinang kahit nasa ilalim lang ng liwanag ng buwan.

"Yes," sagot ni Felicity habang itinatali ang buhok nito.

Felicity devised a plan in order for them to infiltrate the palais.

Si Felicity ang unang pupunta sa palais at magpapanggap na nawawala, she will lure the guards to leave its post and steal the I.D. Kairo will then enter the scene disguised as one of the guards of Cassandra Palais.

"Just to be clear , you want me to go inside that box tapos si Kairo ang maghahatid sa akin sa loob?" Ulit na tanong niya na halatang kinakabahan. This is breaking and entering at pag nagkataon na mahuli sila ay hindi matutuloy ang kaniyang lakad papunta sa New York para sa Fashion Week.

Hindi siya makapaniwalang papasok siya sa loob ng kahon na kunwari'y may laman na painting na siya namang ihahatid ni Kairo papasok ng Palais.

"Yes! Don't worry you will be fine, Kairo will use the ID that I stole to access the entrance," paliwanag ni Felicity.

Tinignan niya si Kairo at ngumiti ito sa kaniya, ngiting animo'y nanunukso.

Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang kaniyang tawa dahil sa suot suot na uniporme ni Kairo. Hindi niya pa rin lubos maisip na bagay na maging isang security guard ng Cassandra Palais ang binata.

"Why are you laughing?" Kunot noong tanong ni Kairo.

"Nothing. Your ensemble look familiar," sagot niya na pigil ang tawa.

Tumayo si Felicity at inayos ang see-through jumpsuit na suot-suot. Marahan nitong ginulo ang buhok upang makadagdag ng seductive vibes.

"Wait for me here, I will give you the I.D and after we get the clue we will rendezvous at the back of the palace mayroong secret exit door do'n." Wika ni Felicity at nag lakad na siya palapit sa mga gwardiya.

Gamit ang binoculars ay pinagmasdan niya si Felicity na ginagawa ang pagpapanggap niya. In just a minute she have established psychological connection to the guards which makes it more convincing.

"What's happening?" Tanong ni Kairo habang pinagmamasdan niya si Felicity sa kaniyang binoculars. Naramdaman niya ang paglapit ng balikat ng binata sa kaniya, muling bumalik ang kakatwang sensasyong kaniyang naramdaman noong unang binuhat siya nito ngunit agad niya nilayo ang kaniyang sarili kay Kairo at kinontra ang iniisip.

Hindi sumagot si Astrid bagkus ay ibinigay niya ang binoculars kay Kairo upang ito mismo ang sumagot sa tanong nito. Kinuha naman iyon ni Kairo at tinignan si Felicity na nakikipag-usap sa mga security guards.

"Ok! One down." Sambit ni Kairo, pinagmasdan ni Astrid si Felicity na naka-sunod sa likuran ng isa sa mga security guards, paniguradong nakuha na nito ang loob ng guard.

"Get ready, we have few minutes to enter the Palace," paalala niya habang inaayos ang suot suot niyang Dior metallic thread fishnet bomber jacket, halos makita na rin ang suot suot niyang statement t-shirt na mayroong malaking imprint na "WE SHOULD ALL BE FEMINIST!".

"Wala pa naman siya, I guess we can stay here for a minute or two," nakangiting wika ni Kairo habang inilalayo ang binoculars sa mga mata nito. Isinandal ng binata ang likuran sa bush plant at itinuwid ang mga paa nito.

Astrid threw a deadly glare at Kairo who was comfortably sitting on the ground. He looks like an unbothered kid relaxing on the beach. Pinigilan ni Astrid ang sarili na batukan ito dahil sa pagiging insensitive ni Kairo.

Kahit walang binoculars ay nakita ni Astrid ang isang lalaking naglalakad papunta sa front porch ng Cassandra Palais, nakasuot ito ng tuxedo. Matangkad ang lalaki at mukhang naglalaro sa mid 30's ang edad. Laking gulat niya nang humarap ito.

Its their governor.

"Is that Governor Vladimir?" Tanong ni Astrid. She squinted her eyes to see if its really their town congressman.

Sumilip din si Kairo at ginamit ang binoculars na hawak hawak.

"Yes, but what is he doing here?" Tanong ni Kairo.

Governor Vladimir Montenegro is the only son of the former Governor Harrison Montenegro and real estate company owner Barbara Montenegro. The House of Montenegro has been dominating their town for almost 30 years wherein every election hindi mawawala ang mga Montenegro sa listahan ng mga nanalo.

Their money also controls every corner of their dominion, from small businesses to big establishments that can help their fiscal resources increase.

Unfair justice system is also rampant, people who are working under the Montenegro and the Montenegro itself can bend the law, they can invalidate and disable it using their own influence and power.

"Official business I guess?" Nagdadalawang isip na sagot ni Astrid.

Agad na kinuha ni Astrid ang binoculars na hawak-hawak ni Kairo at itinutok sa lugar kung saan nakatayo si Governor Vladimir at may kausap mula sa cellphone nito.

"He was talking about the paintings," ani niya habang masusing pinagmamasdan si Governor Vladimir sa di kalayuan.

"How'd you know? Mayroon ka bang nilagay na wireless mic do'n or a lavalier perhaps?" Nagtatakang tanong ni Kairo.

"I know how to lip read," sagot ni Astrid.

"I am expecting that the paintings I purchased will be delivered today at midnight," sambit ni Astrid na sinusundan ang bawat sinasabi ni governor Vladimir.

"What painting?" Tanong din ni Kairo. Naramdaman nanaman niya ang marahang pag lapit ng binata sa kaniya.

Binaling ni Astrid ang atensyon kay Vladimir. "I have 10 paintings and it should be handled with care, those are very important," wika pa niya.

Biglang naalala ni Astrid ang painting na itinuro ni Dorothy sa kaniya, marahil ay parehas din iyon sa painting na Witch Circle na may mga clues na makakapag-turo sa identity ng killer.

Maya-maya pa'y may nagsalita sa kanilang likuran. Lumingon siya at nakita niya si Felicity na nakatayo at hawak hawak ang I.D "I am here," galak na wika ng dalaga.

"What are you up to?" Tanong nito sa kanila nang mapansing nagkukumpulan silang dalawa ni Kairo sa bush plant.

"Gov. Vladimir is here and he's purchasing some paintings," sagot niya

"Is he really a buyer?" Tanong ni Kairo

Felicity cocked her head. "Gov. Vladimir is really a legitimate buyer, matagal na itong bumibili ng mga paintings na gawa ni Sophia," sagot nito.

"I guess we need to proceed now because we don't have enough time." Paalala ni Felicity saka ihinagis ang I.D kay Kairo na nasalo naman agad ng binata.

"Another reminder, this palace contains decoy rooms. Sophia intentionally built decoy rooms to ward off uninvited guests. So be careful." Wika ni Felicity.

Naalala ni Astrid ang sinabi ng kaniyang Mom noong bata siya tungkol sa Cassandra Palais na puno raw ito ng kwartong diumano'y may sumpa. Nakaramdam ng excitement si Astrid.

"Magkita na lang tayo after one hour only! We should not stay there longer mahihirapan na tayong lumabas. We don't have a map." Ani ni Felicity at naglakad na ito patungo sa Palais.

TULAK-TULAK ni Kairo ang cart na mayroong kahon na ang laman ay si Astrid. Kairo traversed the long, narrow, and rough pathway covered with expensive lime stones leading to backdoor where all transfer and receiving of artifact takes place.

A security guard with strong built and broad shoulders stopped Kairo.

"Sa'n 'to didiretso?" Tanong ng gwardiya habang naka-harang sa pinto. Binalingan nito ng tingin ang kahon na nasa push cart niya.

Kairo remembered the floor plan of Cassandra Palais. "Section E , East Wing, Ancient Urns section," sagot ni Kairo. Nakahinga ng maluwag si Kairo nang biglang umalis ang gwardiya sa pagkakaharang nito sa pinto.

Gamit ang I.D na nakuha ni Felicity ay itinapat niya ito sa scanner na naka-mount sa wall. The scanner emitted a thin red lights and scanned the barcode, as soon as the scanner retrieved the information from the code, the glass doors opened.

Tinulak kaagad ni Kairo ang push cart at dali-daling nag lakad papasok ng Palais.

But he didn't expect the interior of the Palais. Sa laki at lawak ng palasyo ay kakailanganin talaga ng mga bisitang pupunta roon ng mapa and without the map you will obviously get lost and it'll probably take two weeks before you find the exit.

The interior of the Cassandra Palais shouts legendary design, details, and the expertise of craftsmanship in carefully engraving the finest and intricate sculptures on the wall, several overly dramatic giant mirror-clad arches with gold frames can also be seen on the hall. Kairo stared on the ceiling, his attention was nearly captured by the tapestry it holds, the dome shape structure of the ceiling are filled with paintings of astrological signs, astronomy, and other heavenly bodies.

Sophia Cassandra is really one of the most influential and rich woman in their town. Hindi niya akalain na kayang mag patayo ng ganoong kaganda at kagarbong establisyemento ang nasabing yumaong dilag.

No wonder why every people in their town wants to be Sophia.

Dumiretso si Kairo sa stockroom at binuksan ang kahong naka-selyo kung saan naroon si Astrid.

Astrid took a deep breath. "What took you so long?" Kunot noong tanong nito.

"May humarang," sagot niya habang inaalalayan si Astrid na lumabas ng kahon.

"I almost suffocated," reklamo ni Astrid at pinagpag nito ang dumi at alikabok na naka-dikit sa jacket.

Tumingala si Astrid. "Ok, here's the plan. Take all clues which seems suspicious or anything that might lead us to the identity of the killer," wika ni Astrid. Her voice is soft and quite almost in a whispering manner at hindi sanay si Kairo sa kaniyang naririnig.

Astrid tied her long wavy gray hair in a messy bun. Kairo witnessed how immaculate and divine her facial features are. He still don't understand why she didn't join a modeling camp since she got the looks, the height, and body.

Dahang dahang nag lakad papunta sa pinto si Astrid at bahagya itong binuksan upang tignan kung may mga gwardiyang naglalakad sa labas.

"There are no more guards, the remaining three went outside," sambit niya habang nakadungaw din sa siwang ng pinto na bahagyang nakabukas.

"Ok, I'll go to Sophia's bedroom at ikaw sa antique stock room," saad ni Astrid at lumabas.

Kairo felt something, he felt something unusual, his hand moved automatically and held Astrid's arm. The latter turned her head and crossed her brows.

"Take care." Tanging nasambit ni Kairo. Kahit siya'y di niya alam kung saan bang kategorya ng pagiging acquaintance nila mako-consider iyon.

Astrid took gently took her arms from his grapple. "You too," sambit nito at tinapi ang balikat niya na animo'y team mate niya sa soccer.

Sandaling natahimik siya at ni-process ang sinabi ni Astrid sa kaniya. Nagtataka siya kung bakit ito sumagot ng gano'n kagalang.

"Just stop being an idiot," dugtong pa nito at naglakad na palayo sa kaniyang kinatatayuan.

Kairo smiled.

Pinagmasdan niya si Astrid na maingat na umaakyat sa gintong hagdan ng palasyo. Hindi na nila alintana ang CCTV na sikretong nagtatago sa kada sulok ng palasyo dahil na-over ride ito ni Gianna ang kaibigan ni Felicity isa itong tech geek at miyembro ng AKT. Gianna used her technology prowess and injected CCTV feeds with different previously saved footage which basically concealed their illicit acts.

Binuksan ni Kairo ang kaniyang cellphone upang tignan ang mapa ng Cassandra Palais na kaniyang na-i-save, kasalukuyang nakatayo siya sa isa sa mga central gallery ng Cassandra Palais kung saan naroon ang mga paintings at ceramic pots na tinatago ni Sophia.

Kairo cocked his head, marahil ay may mga clue rin doon na nakatago.

He slowly walked towards the giant gold door and twisted the knob but it was locked. Ilang beses niya pa itong pinihit ngunit hindi pa rin bumukas ang pinto. He reached to his pocket and took a tension wrench, a small tool used for lock picking.

Lumuhod siya sa harapan ng pinto at ipinasok ang tension wrench sa loob ng key hole. He was breathing heavily, kahit bukas ang aircon ay pinagpapawisan pa rin siya dahil sa kaba. Malamang ay itatapon na siya sa Espanya kung malaman ng kaniyang ama ang ginagawa niyang trespassing at breaking and entering sa isang private property.

Kairo is carefully twisting the tension wrench, locating the perfect spot to correctly elevate the lock.

Maya-maya pa'y nakarinig siya ng dalawang taong nag uusap papunta sa second floor ng Cassandra Palais.

"Come on," Kairo nervously whispered while randomly rotating the pick. Lumingon ito upang i-check ang taong nag uusap. Sa boses pa lang nito ay alam na niyang si Gov. Vladimir iyon.

Nag umpisa ng manginig ang mga kamay ni Kairo nang marinig ang papalapit ng papalapit na boses ni Vladimir.

He was on the verge of giving up, he also planned on hiding himself to one of the giant statues standing on the hallway but he heard a click sound.

He immediately twisted the knob and open the door, pumasok siya sa loob ng Central Gallery at maingat na sinarado ang pinto.

Sinandal niya ang kaniyang likod sa pinto at marahang huminga ng malalim.

"That was close." Aniya nang makatakas sa pagkakahuli.

Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa harapan ay nagulat siya sa nakita. Hindi iyon pareho ng ibang kwarto na maayos ang pagkaka-display ng mga artifacts. There are random abstract paintings lying on the floor, some of the paintings depict a nightmarish creatures, random scribbles and lines, and colors which were messily placed on the canvass.

He took a painting lying on the floor it was an image of a well with two hands coming out of its mouth. The painting became more and more terrifying the longer he stare on it. Tinignan niya ang likuran nito.

There was a name engraved on it;

"Annaliza Cassandra, Schizophrenic Patient No. 49, Mental Clinic"

"Annaliza? Yung kapatid niya sa labas?" Tanong ni Kairo sa sarili.

Ang tanging natatandaan lang ni Kairo tungkol kay Annaliza Cassandra ay isa itong anak sa labas at matagal na itong nawala sa litrato ng pamilya nila. Annaliza was formally introduced to their family ngunit tutol ang Lolo at Lola nila Sophia kaya ibinalik ulit si Annaliza sa pamilyang pinagmulan nito, simula no'n ay naglaho si Annaliza. Hanggang do'n lang ang natatandaan niyang background sa nasabing dilag ngunit hindi niya alam na nasa isang mental hospital ito.

Kumunot ang noo niya at sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip niya, kung alam ni Sophia kung nasaan si Annaliza bakit hindi nito sinabi ang totoong kondisyon ng kapatid. Bakit mas pinili pa nitong itago si Annaliza.

Ibinaba ni Kairo ang painting na kanina'y kaniyang pinagmamasdan at tinungo nito ang pinaka dulo ng malawak na bahagi ng Central Gallery. His heart thudded like a wild animal.

Lumaki ang awang sa bibig ni Kairo nang makita ang pader na puro paintings ni Annaliza, random abstract painting, same nightmarish image can be seen caged in a golden frame.

"Why is she keeping these paintings? Ayaw niya bang ipakilala ang kapatid niya?" Tanong ni Kairo sa sarili habang iginagala ang paningin sa loob ng Central Gallery.

Hinila niya ang knob ng drawer at binuksan iyon. Makapal na ang alikabok sa loob kaya halos matakpan na ang mga gamit sa loob nito.

His hands rummaged through the things inside the drawer box, naro't may lumang lipstick, lumang suklay, bilog na salamin, lumang lalagyan ng polbo, at isang sobre na bukas.

Walang pangalan ang sobre, nguniy mayroon itong tatak na pareho sa wax seal mula sa sulat na ibinigay sa kaniya ni Sophia bago ito mamatay.

Kinuha niya iyon at hinila palabas ang papel na nasa loob nito.

Dear Ladies, 

I am probably dead by now or someone kidnapped me , buried me alive, or burn me at the stake on the other hand I want to tell you regarding a secret organization that slowly killing the direct descendants of our long protected coven... 

Hindi niya naituloy ang pagbabasa ng sulat mula sa drawer ni Sophia nang bigla siyang may narinig mula sa labas ng Central Gallery, a low murmuring sound.

 The knob twisted. 

He scoured his way and hide behind the huge antique wardrobe. Itinago niya ang sulat na nakuha sa loob ng kaniyang jacket. 

May pumasok sa Central Gallery at nag usap.

"He shouldn't left a thing that might pin him to Emilia's case." sambit ng lalaki. Maingat niyang pinakinggan ang boses ng lalaki ngunit hindi niya alam kung sino ang may ari ng boses na iyon, but it wasn't Governor Vladimir. 

He wanted to peep but he fought the urge. 

"Opo sir," sagot pa ng isang lalaki

"We have planned this for almost half a year pero dahil sa katangahan niyo may nakakita sa pagkamatay ni Emilia! Our boss instructed me to kill those people who are close with Emilia, your stupidity is making my job unbearable! Sa susunod na sasablay pa kayo, ako na mismo papatay sa inyo," galit na sambit ng lalaki. 

"I want you to find Astrid, kill her and leave no trace." dugtong pa nito.

Sa pagkakataong iyon biglang nanghina ang tuhod niya sa kaniyang narinig, hindi nanghina ang tuhod niya dahil sa na-trap siya sa isang kwarto kasama ang mga taong pumatay kay Emilia ngunit ang planong pagpatay kay Astrid. 

Huminga siya ng malalim alam niyang hindi mabuting ideya ang sumilip dahil makikita siya ngunit wala siyang magagawa kundi ang i-risk ang sarili upang makita niya ang mukha ng mga ito at ma-protektahan si Astrid sa panganib. 

Dahan-dahan siyang sumilip ngunit natabig niya ang painting na nakatayo sa kaniyang harapan. Bumagsak iyon at nabasag. 

Bago pa magsalita ang mga lalaki ay tumakbo na siya papunta sa isang pinto na di kalayuan mula sa kaniyang pinagtataguan, kung hindi man iyon bukas ay wala siyang magagawa kundi ang lumaban. 

He immediately twisted the knob ngunit ang dalawang lalaking kanina'y nag uusap ay hindi magkamayaw na nagtakbuhan papunta sa kaniya. 

Nang maitulak niya ang pinto at malamang bukas iyon ay napahinga siya ng malalim, agad niya itong sinarado.

"Buksan mo 'to!" Sigaw ng lalaki habang pinupulpog ang pinto.

Madalim ang kwartong pinasukan niya at halos di niya makita ang tinatapakan, hindi niya rin alam kung anong laman ng kwartong iyon.

"Wag mo kaming piliting patayin ka!" Dugtong pa nito.

Kinuha ni Kairo ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa ngunit hindi na niya iyon makapa. 'Saka niya lang natandaan na naiwan niya iyon sa loob ng drawer kung saan niya nakuha ang sulat.

"Shit!! Stupid!" He cursed.

Kinapa ni Kairo ang pinto hanggang sa may maramdaman siyang lock, itinulak iyon ng daliri niya upang masarado ng husto ang pinto.

Dahan-dahan siyang naglakad kahit pakapa-kapa pa siya sa dilim ngunit laking gulat niya nang bumagsak siya sa ibat ibang baitang pakiramdam niya'y nasa hagdan siya nahulog.

Kasabay ng sunod-sunod na pagbagsak niya ay ang malalakas na pulpog sa pinto ng dalawang lalaking pilit na binubuksan ang pinto.

Bumagsak si Kairo sa isang pool ng tubig.

The water tastes like sea water, it was salty, full of sodium chloride, because of the component of water he didn't drown but instead he floated, like a boat in the middle of calm sea.

Nakaramdam ng hilo si Kairo, his whole body became numb, his eyes were slowly starting to close.

Ang tanging narinig niya lang bago pa siya mawalan ng malay ay mula sa isang speaker sa loob ng kwarto.

"This is a Sensory Deprivation Tank, you will experience minimal sensory stimulation. Please stay calm during the whole process."

"Mom," ang tanging nabanggit ni Kairo habang unti unti na siyang nawawalan ng malay dahil sa kaniyang sunod-sunod nag pagka-untog.

Kairo fell unconcious and his sensory nerves started to numb.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C12
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄