下載應用程式

章節 16: 16

"Aalis ka ulit? Ba't ang bilis naman ata? Saan ka nanaman pupunta? Babalik kapa ba? Kailan?" sunod sunod na tanong ni Sid habang naka pameywang na nakatingin kay Grant na ngayon ay nagpapa alam sakaniya na aalis muna raw at may aasikasuhing mahalaga.

Napangiti ito at napailing, "May tatapusin pa kasi akong mahalaga. Atsaka isa pa, babalik din naman ako. Hindi ko nga lang alam kung kailan. Wag kang mag alala, mag iingat ako." saad nito sakaniya.

Napailing siya at napasimangot rito, "Sus, mam bababae ka lang roon e. Kapag nakabalik kana, ako ang una mong puntahan ha? Pagkatapos ikuwento mo sakin mga nangyari." saad ko rito atsaka ako napa simangot.

Ngumisi siya at ginamit ang dalawang daliri para itulak ang noo ko kaya mas lalo akong napasimangot, "Oo na, ikaw rin. Mag iingat ka."

"Kailan ang alis mo?"

"Ngayon na."

Nanlaki ang mata ko, "Ngayon na agad? Ang bilis naman. Napuntahan mo naba si Tita?"

Tumango siya, "Oo, nagpa alam na'ko sakaniya. Nakausap ko narin siya."

"Paano ka aalis?"

"Teleport."

Napanganga ako, "Wow. Hindi parin talaga ako maka paniwalang may kapangyarihan ka. Puwede ko bang makita?"

Umiling siya, "Hindi puwede. Pumasok kana."

"Sige na, kahit isang beses lang naman e. Bakit ba ayaw mo? Pag bigyan mo na ako. Promise, isang beses lang talaga." Pag pupumilit ko rito.

"Oo na. Isang beses lang, atsaka hindi dapat dito. Wala dapat makakita na kahit sino. Baka bigla akong maging famous e hahaha. Tara na, mag punta tayo sa isang lugar na walang nakakakita." saad niya kaya agad akong tumango at sumunod sa kaniya.

Nagpunta kami sa isang madilim na eskinita. Pagka punta namin doon ay humarap siya sakin, "Paano ka uuwi? Kaya mo nabang umuwi ng safe mag isa?" tanong nito sa akin.

Tumango ako sakaniya, "Oo naman. Tatawagan ko nalang si Triton para samahan ako sa pag uwi." saad ko rito at ngumiti.

Tumango tango ito at umiwas ng tingin, "Kayo naba?"

"Hindi pa. Pero mukhang malapit na hahaha."

"Kailan pa kayo nagka mabutihan?" tanong niya.

Napalunok ako at napayuko, "Noong mga panahong wala ka. Hindi ko alam, bigla nalang nagising ako isang araw na gusto ko narin siya at bawat araw mas lumalalim pa ang nararamdaman ko sakaniya."

"Ganoon ba. Sige, mauna na'ko hahaha." tumango ito at lumayo ng ilang hakbang sa akin. Ngumiti ito sa akin at sa isang iglap bigla nalang siyang naglaho. Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko dahil doon.

Shit. Totoo nga.

-

"Dalian mo at baka mawalan na tayo ng sasakyan pauwi. Hindi mo pa naman dinala ang kotse. Napaka bagal mo kasi kumilos." saad ko kay Triton na nag aayos ng mga gamit niya. Sinuot niya ang bag niya at natatawang hinawakan ang kamay ko at naunang naglakad.

"Nainip naba ang girlfriend ko?" tanong niya dahilan para mapailing ako at mapakagat sa labi ko upang pigilan ang sarili ko sa pag ngiti.

"Girlfriend? Hindi pa nga tayo. Hindi pa kita sinasagot." saad ko sakaniya. Narinig ko ang pag tawa niya.

"Doon din naman patungo 'yon. Atsaka isa pa, malapit mo na 'kong sagutin. Alam ko 'yon, malakas pang amoy ko hahaha." saad nito kaya agad akong nailing.

"Ano ka aso."

"Oo, nauulol kasi ako sa'yo."

"Ha ha ha, korni mo."

"Hahaha, nakita ko lang sa internet 'yon. Tara na kumain muna tayo bago umuwi. Wag ka ng tumanggi, libre ko hahaha."

Nagtungo kami sa isang fishballan. Sabi niya libre niya kaya kumuha lang ako ng kumuha sa gusto ko. Bahala siyang gumastos.

"Yveon." tawag nito sa akin, napatingin ako sakaniya habang may nginunguya pa.

Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay ko, "Ano 'yon?" tanong ko sakaniya.

"Kaya mo ba akong hintayin ng ilang buwan? I mean, kung sakaling may pupuntahan ako. Pag balik ko ba ako parin?" tanong niya.

"Anong sinasabi mong aalis ka ng ilang buwan? Saan ka pupunta? At anong gagawin mo roon ng ganoong katagal?" tanong ko sakaniya.

Umiling siya, "Wala. Saka nalang siguro natin pag usapan. Sige na, kumain ka nalang diyan."

"Sabihin mo na." saad ko sakaniya.

Umiling siya at ngumisi, "Wala 'yon. Saka na kapag tuluyan na talaga akong aalis."

"So gusto mong biglain ako ganon?"

"Hindi, hahaha. Sige na nga, pag uusapan natin kapag nasa bahay na tayo. Kumain ka muna ng marami diyan." saad niya kaya agad akong tumango.

Habang kumakain, hindi matanggal ang kuwestiyon at kaba sa damdamin ko. Pakiramdam ko kasi may mang yayaring hindi ko inaasahan. May mang yayaring ayaw kong mang yari. Ewan ko kung ano 'yon pero kinakabahan talaga ako.

Pagka uwi namin agad kaming naglinis muna ng sarili namin. Wala pa roon sina Mama at ang kapatid ko, mukhang may pinuntahan na hindi man lang akong sinabihan.

Napaisip tuloy ako kung anong klaseng mundo kaya ang tahan ni Grant. All this time hindi pala siya tao kagaya ko. All this time naiiba pala siya.

Ano kayang feeling ng mag karoon ng kapangyarihan? Napailing ako ng maalala ang pag teleport nito kanina. Kung hindi ko lang alam e talagang matatakot ako. Ikaw ba naman makakita ng tao sa harapan mo tapos bigla nalang mag laho. Baka mapag kamalan ko pang multo kapag nagkataon.

"Diba nabanggit ko sayong hindi ako rito sa mundo ninyo nakatira? Na nakatira ako sa ibang mundo? Na may kapangyarihan ako? Na hindi ako kagaya niyong mga tao?" tanong niya sa akin. Nakaupo kami sa kama ko habang magkaharap sa isat isa, nakahawak siya sa kamay ko.

Tumango naman ako sakaniya bilang sagot, "Ang mga sinabi kong 'yon, totoo ang lahat ng 'yon. Noong una tayong mag kita, natatandaan mo ba? Sa kalye? Iyong bigla ka nalang nagtatakbo at napag kamalan mo akong rapist?" tanong niya kaya agad ulit akong tumakbo.

"Ang totoo niyan, nang galing ako sa kabilang mundo. Tarantado ako sa mundong 'yon, marami akong ginagawang katangahan para lang mainis ko ang Ama kong Hari. Sa sobrang galit niya sakin, pinadala niya ako sa mundo ninyo ng mag isa upang matuto." saad niya.

Napalunok ako. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko para rito. Ramdam na ramdam ko naman na kakaiba nga si Triton. Ramdam ko na hindi siya tao. Ramdam ko na nag sasabi siya ng totoo ng mga oras na 'yon ngunit nag hahanap ako ng proofs kaya hindi ko pa siya mapaniwalaan ng buong buo.

"Noong nandito na ako. Nagising ako sa isang lugar na punong puno ng basura. May naaalala ako sa nakaraan ko, naaalala ko ang pangalan ko at ang edad ko at kung tagasaan talaga ako. Sinubukan kong lumapit sayo upang humingi sana ng tulong kaso nga lang mukhang takot na takot ka talaga sa akin ng mga panahong 'yon." saad niya kaya hindi ko maiwasang mapa ngiti at matawa.

"Noong hindi na kita naabutan at hindi na talaga mapakiusapan. Kung saan saan nalang ako nagtungo hanggang sa mapadpad ako sa isang palengke. Naglilibot libot lang ako doon ng bigla kong makita ang Mama mo, nanakawan siya at tinangay agad noong lalaki ang bag niya. Ako naman, para naman kahit papaano may maitulong ako, ginamit ko ang kapangyarihan ko para mahabol ang lalaking 'yon. Sobrang suwerte ko nga na nag offer sa akin ang mama mo na manirahan muna rito."

"Pero bakit sinabi mo sakaniyang wala kang naaalala?"

"Sa tingin mo ba paniniwalaan niya ako kapag sinabi kong galing ako sa ibang mundo at pinadala lamang rito para matuto sa mga kahangalang nagawa ko? Hindi, diba? Kaya gumawa ako ng kasinungalingan upang maawa siya sakin at kupkupin niya ako. Wala akong kilala na kahit sino rito kaya niloko ko siya."

"Anong gagawin mo ngayon? Anong sasabihin mo kay Mama? Paano natin sasabihin sakaniya ang about rito? Baka mag histerikal iyon."

Umiling siya at napa kamot sa kaniyang batok, "Ang totoo niyan alam na nilang hindi ako tao. Alam na nilang nakatira ako sa ibang mundo."

Napanganga ako, "Anong alam na nila? Paanong nangyari 'yon? Kailan pa?"

"Matagal na. Nahuli kasi ako ng kapatid mo na umiilaw ang dibdib ko, nag sisigaw siya noon at agad ring pumasok sa silid ang Mama mo. Doon nila nabisto na hindi ako tao, wala akong nagawa kaya sinabi ko sakanila ang katotohanan."

"So all this time ako lang pala ang hindi nakaka alam?"

Tumango siya, "Pero triny ko namang sabihin sayo, kaso hindi ka naniwala."

"Bat hindi mo naipakita ang kapang yarihan mo sa akin noon?"

"Bagong lipat lang ako sa mundo niyo kaya hindi pa ako sanay. Tatlong beses ko lang pupuwedeng gamitin ang kapangyarihan ko. Nagamit ko na ang una sa pag tulong sa Mama mo, pangalawa noong muntikan ka ng mahagip ng isang kotse, pangatlo noong nasa canteen tayo, kaya noong pang apat wala na'kong lakas. Mahina nako."

Napa nganga ako sa sinabi niya. Kaya pala i have a weird feeling ng mga panahong iyon. "Anong dapat gawin upang lumakas ka ulit?" tanong ko sakaniya.

"Iyon ay ang bumalik sa totoong pinang galingan ko. May mga mahala rin kasi akong kailangang tapusin roon. Pagkatapos non, pinapangako kong babalik ako rito, babalikan kita. Magsasama ulit tayo."

Hindi ko na namalayan ang pag tulo ng luha ko. Naiisip ko palang na mawawala siya sa tabi ko ng ilang buwan ay nangungulila na agad ako. Namimiss ko na agad siya.

"Kung ganoon, nasa iisang mundo lang kayo ni Grant?"

Kumunot ang noo niya, "Anong ibig mong sabihin?"

"Kagaya mo, si Grant ay may kapangyarihan din. Nakatira rin siya sa ibang mundo. Baka nga ang tinutukoy niyong dalawa e parehong mundo. Kanina lang noong makipag kita siya sakin, pinakita niya pa nga sa akin ang pag alis niya ng parang bula."

"A-Anong ibig mong s-sabihin? K-Katulad ko siya?"

Tumango ako, "Oo. Bakit?"

"Kung ganoon, siya ang... Siya ang ipinapahanap sa akin." napabitaw ito sa akin at napaupo sa kaniyang upuan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakaniya. Umiling siya.

"Wala, matulog kana. Matutulog na ako. Goodnight." tumayo na ito at hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis.

Nagtataka akong napatingin sa pintuang ngayon ay nakasara na. Napapikit ako at pakiramdam ko ay nahihilo ako, maya maya lang ay naubo narin ako.

"Nasaan naba ang gamot ko."

-

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kinailangan mo pang ilihim? Alam mo naman pala pero mas pinili mong itago sa akin. Sino kaba para pahirapan ako? Baka nakaka limutan mong ako ang prinsipe ng Dinastiyang Hanyang?" saad ko habang nakatingin ng matalim sa babaeng ngayon ay nakatayo sa harapan ko, balot na balot ng maitim na kasuotan ang katawan niya.

"Inatasan ka ng Mahal na Hari na hanapin siya at patayin. Dahil isa siyang balakid. Hindi ko sinabi sayo kasi ikaw dapat mismo ang umalam. Ngunit ngayong alam mo na, anong gagawin mo, Mahal na Prinsipe?" tanong niya kaya agad akong napailing at napaupo sa kama ko.

"Ano bang kasalanan niya at kina kailangan ko siyang patayin? Ano ba ang nagawa niya? Hindi ba't simula bata pa siya ay nandito na siya nakatira sa mundo ng mga tao? Kung ganoon, bakit kinakailangan pa? Anong nagawa niyang mali? Naguguluhan ako."

"Simula bata pa siya ay dito na siya nanirahan sa mundo ng mga tao. Wala siyang nagawang mali sayo o sa kahit sino man. Pero ang pagka silang niya ang naging kasalanan niya."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sakaniya, "Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin diyaan? Paanong naging kasalanan ang pagka silang niya?"

"Dahil siya ang balakid sa pagkamit ng Mahal na Hari sa posisyon. Nasa Mahal na Hari na ang gusto niya, nasa sakaniya na. Ang katulad niyang tao, ay hindi mag aatubiling wakasan ang buhay ng taong alam niyang magiging balakid o magiging threat sa patuloy na pag upo niya bilang isang Hari."

"Ang lakas mong sabihin 'yan sa Hari. Alam mo bang kapag nalaman yan ng Amang Hari buhay mo ang kapalit? Hindi kaba natatakot? Sino kaba?"

"Ang batang iyon, ay ang anak ng dating Mahal na Hari."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "A-Ang dating Mahal na H-Hari? S-Sigurado kaba diyan?"

Tumango siya, "Oo. Siya ang matagal ng nawawalang Mahal na Prinsipe. Pero, hindi kaba nagtataka kung bakit bigla siyang nailipat rito sa mundo ng mga tao upang manirahan kaysa sa mundo natin upang maging isa siyang Prinsipe?"

"Ano sa tingin mo? Alam mo ba? Pupuwede mo bang sabihin sa akin?" tanong ko sakaniya.

"Ang Mahal na Hari ay isang tuso. Noong mga panahong ang Ama pa ng batang 'yon ang Hari, ang Ama mo naman ay isang Pinunong Ministro. Isa siyang tusong Ministro. Pinag katiwalaan siya ng buo ng Ama niya ngunit ginamit naman 'yon ng Ama mo upang paraan sa pagkamit ng trono."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Simple lang, gumawa ng grupo ang iyong Ama na pinamumunuhan niya. Ang grupong iyon ay ang mga sumasalungat sa paraan ng paghahari ng Hari. Gumawa sila ng plano at inatake ang Mahal na Hari upang patayin at makuha nila ang trono. Nag tagumpay silang mapatay ang Hari, ngunit ang anak naman ng Hari na susunod na Hari ay ipinadala rito sa mundo ng mga tao upang maprotektahan."

"K-Kung ganoon, ang ibig mong sabihin. Ang A-Ama ko ay isang mamamatay tao? A-Ang Ama ko, hindi niya pinaghirapan ang puwestong nasa sakaniya ngayon?"

"Tama. Isa pa, hindi lang ang batang 'yon ang inaalala ng Mahal na Hari. Meron pang isa."

"A-Ano 'yon?

"Hindi ano, kundi sino. Ang lalaking 'yon ay ang naka tatandang kapatid ng batang 'yon."

"May kapatid pa siya? Nasaan ang kapatid niya?"

"Iyon ang malaking kuwestiyon sa lahat. Bigla na lamang naglaho ang naka tatandang kapatid niya na 'yon. Hindi nila alam kung saan siya nagtungo. Ngunit ako, alam ko."

"A-Alam mo? Kung ganoon nasaan siya? Pupuwede mo bang sabihin sa akin?"

"Hindi ko puwedeng sabihin, ngunit ang masasabi ko lang, ay nakakasama mo ang taong 'yon."

Tumango ako at agad ng tumayo, "Kung ganoon, kina kailangan ko ng bumalik sa mundo natin. Kina kailangan ko ng tapusin ang mga katiwalian ni Ama. Kina kailangan ko ng tapusin ang matagal ko na dapat ginawa."

-

"Kung ganoon, paano tayo makaka pasok sa bulwagan kung may nagbabantay doon?" tanong ko sa isang matandang Ministro na nasa harapan ko. Siya ang tumulong sa akin sa mundong 'to, siya ang sumagot ng lahat ng katanungan ko.

"Sigurado akong papapasukin nila ako kapag ako ang nagpakita roon, Mahal na Prinsipe. May alam akong isang daanan kung saan maaari mong tahakin upang ikaw ay makapasok ng tuluyan sa bulwagan. Ako na ang bahalang pumukaw sa atensiyon ng mga kawal ng Hari." saad niya kaya agad akong napatango.

"Ngunit, hindi ba ang sabi niyo ay pinahahanap kayo ng Mahal na Hari upang ipapatay? Baka mapahamak lang kayo sa gagawin ninyo." ani ko.

Umiling siya, "Hindi mangyayari 'yon, malakas pa ako at marami pang alam sa pakikipag laban. Kaya makakaya ko pang ipag tanggol ang sarili ko. Atsaka isa pa, kukunin ko lang naman ang pansin nila, Mahal na Prinsipe. Sigurado akong magugulat ang mga 'yon kapag nakita nila ako hahahaha."

"Ngunit, Ministro, tawagin niyo nalang akong Grant. Ilang linggo ko na atang sinasabi sainyo ngunit ayaw niyo parin akong tawagin sa ganoong ngalan ko." saad ko kaya agad siyang natawa at napailing.

"Ang mga may dugong maharlika at makapang yarihang gaya mo Mahal na Prinsipe ay talagang ginagalang sa mundo natin. Atsaka isa pa, napaka hirap bigkasin ng iyong pangalan." saad nito kaya agad akong natawa.

"Siya nga pala, wala ka bang nakilalang kahina hinalang tao sa Mundo ng mga tao, Mahal na Prinsipe?" tanong nito sa akin.

"Wala naman, Ministro. Bakit niyo natanong?"

"Alam kong may pinadala sila sa Mundo ng mga tao upang patayin ka Mahal na Prinsipe."

"Patayin ako? At sino naman ang taong 'yon?"

"Siya ay ang kasalukuyang Prinsipe, ang panganay na anak ng Mahal na Hari."

Napatango tango ako, "Wala namang masamang nangyari sa akin roon, Ministro. Mukhang mahina naman ang Prinsipeng iyon, hindi niya man lang nagalaw kahit pa ang dulo ng daliri ko hahahaha."

"Sa totoo lang, naaawa ako sa Prinsipeng iyon."

"Bakit naman, Ministro?"

"Kahit pa anak siya ng Mahal na Hari. Ayaw niya sa pamamalakad ng sarili niyang Ama. Palagi niyang sinusuway ang utos nito sakaniya. Dahil siya ang taga pag mana ng trono, ginagawa niya ang lahat upang hindi maka upo roon. Hindi ko alam ang dahilan pero tinatanggihan niya ang pag upo sa trono." saad nito.

Napatango tango ako, "Kung ganoon, mukhang hindi siya magiging balakid. Baka bigla pa ngang kumampi sa atin iyon, Ministro hahaha."

Umiling siya, "Hindi rin natin alam, Mahal na Prinsipe. Kung minsan mahirap basahin ang tumatakbo sa isip ng batang 'yon. Atsaka isa pa, anak siya ng Mahal na Hari, ang pag salungat sa sariling Ama lalo na sa Mahal na Hari, ay buhay ang kapalit."

"Kayang ipapatay ng Hari ang sarili niyang Anak dahil lang sa pag salungat nito?"

"Oo. Ngunit depende sakaniya 'yon, depende sa Hari kung ano ang ipapataw niyang parusa, Mahal na Prinsipe."

Napaupo ako sa upuan at napatingin sakaniya, "E, ang Ama ko, Ministro? Paano siya kung mamuno?"

"Ang iyong Ama ay isa sa pinaka magaling humawak ng isang dinastiya. Napaka tahimik ng lugar dito ng siya ang namuno. Nagulo lamang ng mag tangkang humangad pa ng mas higit sa kapangyarihang taglay niya ang Ministro na kung saan ngayon ay isa nang Hari."

"Aish, Alam niyo Ministro. Malapit lapit na at makaka ganti narin ako sa Mahal na Hari na 'yan. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa mga nagawa niya. Gagamitin ko siya ng mala martial arts at magiging ako si Jackie Chan."

"M-Masyal? Ano? Ano ang mga salitang iyon, Mahal na Prinsipe?"

"Ang mga salitang iyon ay Ingles. Isa sa mga wika ng mga tao bukod sa ginagamit nating Tagalog." saad ko.

Tumango tango siya, "Kung ganoon, tara na at mag tungo sa paroroonan. Kinakailangan mo pang mag sanay. Hindi na dapat tayo nag sasayang pa ng kahit kaunting oras. Malapit na ang pag haharap at pag huhukom, Mahal na Prinsipe."

"Kung ganoon, tara na Ministro. Kanina pa ako excited na excited. Gusto ko na sumipa, watah!"

"Mahal na Prinsipe, gumamit kayo ng wika na maiintindihan ko."

"Oo na, tara na."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C16
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄