Pagpasok ko sa loob ng classroom ay tinapunan ko agad ng masamang tingin si Hansel dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin kanina. Pero wala man lang reaction yung lalaking 'to. Minsan cute siya pero ngayon ko lang napagtanto na hindi pala. Alas cuatro veinte uno na ng hapon. At mukhang kanina pa bumaba ang first roomates para sa gaganaping pagpupulong mamaya. Habang kami namang natitira dito ay sige lang sa pag se-selpon. Wala kaming social media apps gaya ng facebook at instagram. Lahat ng social media platform na picture friendly. Pero merong twitter at Youtube. Under nga lang ng iisang account. At sa kung ano mang rason ay may lock ang play store ng selpon namin na maski sila Cyril ay hindi alam ang password.
"Hindi pa ba tayo bababa?" Ani ko saka umupo sa tabi ni Cyril na kanina pang nanonood ng it's showtime sa youtube.
"Wala pa namang four thirty. Ang aga mo naman" Pinagpatuloy niya ang kanyang panonood habang ako naman ay nakiki-nood nalang din sa selpon niya. Hindi ko nalang siya kinontra dahil kakatapos lang din ng maka-laspag na pagsasanay ni babaylang Julia. Kaya makakapag pahinga pa ako ng viente mahigit na minuto bago bumaba para sa pagpupulong. Nilabas ko ang selpon ko sa bag na binigay sa amin ni Michelle kanina. Wala akong ma-isip na gagawin maliban lang sa panonood ng mga videos sa youtube. Sawa na din akong manood ng mga replay ng teleseryeng kinaa-addict-kan ko ngayon. Napansin ko kasing pare-parehas lang ang plot ng istorya. Kung hindi agawan ng asawa ay tungkol naman sa dalawang magkasintahan na mahirap at mayaman. Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko ay bakit wiling-wili parin ako manood ng ganitong palabas. Ewan, siguro nasanay na yata ako. Nabaling ang atensyon ko sa bintana ng classroom. Nakakapasok parin ang sikat ng araw sa labas kahit kalahating porsyento ng bintana ay natatakpan ng mga sanga at dahon ng puno. Hindi malakas pero hindi rin mahina ang hangin, tamang presko lang. Habang sinasayaw nito ang mga dahon sa sanga ng puno. Natatandaan ko tuloy yung mga araw ko sa aming baryo. Tahimik, maaliwalas, presko at sagana sa mga halaman. Hindi tulad dito na mabibilang mo pa ang mga puno at mga talahib. Pano ko nasabi? Makikita mo naman yun kapag tumingin ka sa labas ng bintana. Sementado ang lupa at pili lang ang mga lugar na tinatamnan ng halaman.
"Teh! gising, bababa na tayo" Nagulat ako sa pagtawag ni Cyril sa akin. Maslalo na't sobrang lapit niya pa. Hindi niya naman kailangan sumigaw.
Ipinasok ko ulit ang selpon ko sa loob ng bag, bago ko tiningnan ang oras. Mag fo-four-fifty na pala, kaya isa-isa nang nag lalabasan ang mga kasama ko papunta sa ground floor kung saan gaganapin ang sinabing pagpupulong. Hindi ko alam kung anong pagpupulungan namin o kung anong mangyayari sa mga oras nito. Ang alam ko lang ay importante ito sa amin. Nang nasa baba na kami ng ground floor kung saan naka parada ang ilang mga sasakyan ay nag tungo agad kami papasok sa pintuan kung saan kami nang galing ni Hansel kaninang umaga. May ilang mga alabay na bumati sa amin sa loob ng hallway. At sa pagtapak namin sa main hall kung saan ginanap yung pagtatawag sa amin ni babaylang hulyo. Ang unang napansin agad ng mata ko ay yung dalawang ginintuang kawayan na nakalagay sa sentro ng stage. Yung kawayang, kung saan kami nang galing ni Hansel. Natandaan ko tuloy yung napag aralan ko sa elementary tungkol kay malakas at maganda. Ganun na ganun kasi yung nangyari eh.
"Magandang dapit hapon sa inyo mga anitu bata. Salamat at naririto kayo ngayon para makinig sa pahayag ng ating butihing punong babaylan na si Vanessa De Vera" Unang pagbati ni babaylang Gamboa bago siya pinalitan ng punong babaylan sa taas ng stage.
"Magandang dapit hapon sa inyo mga anitu bata. Alam kong hindi lingid sa kaalaman ni'yo ang tagumpay na pagtatawag kila Goma Mella at Hansel sa inyong pangkat" Tumingin ang matanda sa akin bago siya muli magsalita. "At nag papasalamat kami sa mga diyos dahil pina-unlakan niya kami sa aming kahilingan. Ngunit ikinababahala ko sa inyong sabihing" Huminto siya, bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Nalalapit na ang ating kawakasan"
Parang may dumaang kung anong anghel at nanahimik ang mga tao sa loob ng silid. Kaso ibang anghel ang humaplos sa aming mga labi. Dahil ang dapat na tahimik at kalmadong mga tao sa loob ay napalitan ng pag aalala at takot sa kanilang mga buhay. Napuno ng malakas na mga bulungan ang silid. Halos hindi na marinig si babaylang Gamboa sa commotion ng mga bata. At ang dapat simpleng pagpupulong ay nauwi sa kaguluhan.
"Tahimik!" Bulyaw ni Babaylang Gamboa sa gitna ng gulo. Umalingaw-ngaw ang kanyang boses sa aming tenga. Sing-lakas o higit pa sa ingay na nagagawa ng albulansiya. "Kung hindi niyo mararapatin anitu bata ngunit hindi pa tapos magsalita ang ating punong babaylan. Kaya iminumungkahi ko sa inyo ang panatilihin ang katahimikan hangang matapos ang pagpapahayag sa pagpupulong. Naiintindihan po ba ako!" Bulyaw niya na nag pataas-baba sa aming ulo.
Pwede pala siyang terror teacher kung gugustuhin niya. Sa lakas ng boses niya, ewan ko nalang kung may tarantado pang estudyante ang sasaway sa kanya.
Isang maamong huni ng hayop ang kumuha ng aming atensyon. Galing ito sa kulay asul at itim na ibon na kanina pang naka patong sa taas ng pillar malapit sa stage kung saan naka tayo ang mga babaylan kasama ng kanilang mga alabay. Kanina pa pala nitong nasasaksihan ang kaguluhan ng mga tao sa bababa kaya nang humupa na ang ingay ay duon lang siya humuni para sabihin sa amin kung gaano kami ka walan ng disiplina. Saglit-saglit lang ay lumipad ito papunta sa kamay ng punong babaylan pagkatapos siya nitong hikayatin na dumapo sa kanyang kamay.
"Sa pamamagitan ng tigmamanukan na ito ay ipinakita sa akin ni Abba ang kapalaran ng bawat isa sa atin. Lahat dadanas ng hirap, madudungisan ng dugo, at mapapaslang ang nakararami para sa hidwaan ng dalawang lahi. Ngunit trabaho natin bilang sugo ng mga diyos ang ayusin ang ganitong gulo. Kaya inaatasan ko ang pagsasama ng tatlong silid sa magaganap na digmaan. Nawa'y kaawaan kayo ni Abba at bigyan kayo ng sapat na kapangyarihan" Tahimik parin ang lahat kahit na umalis na sa harapan namin ang punong babaylan. Natatakot na baka isa sa amin ang tinutukoy niyang mapapaslang sa hidwaan ng dalawang lahi. Maski ako nababahala sa aking kalagayan. Ayaw ko pang mamatay, ilang beses ko nang sinabi 'yan. Pero hindi ko parin maalis sa aking sarili ang mag-alala. Maya-maya pa ay kusa nang nagsi-alisan ang mga tao sa loob at nagtungo na sa kanya-kanyang silid. Habang ako naman ay natirang nakatayo sa harap ng stage. Hindi alam ang gagawin. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Bukod kasi na hindi ako pamilyar dito ay hindi ko pa talaga nakikita ang kabuoan ng main hall. Meron pala itong chandelier sa gitna ng kisame at may anim na pillar na nakatayo sa magkabilang gilid ng silid. Hindi naka linya ang mga ito, kundi naka bilog. At nakatayo ako sa gitna nito. Aalis na sana ako nang biglang may lumitaw na grupo ng mga kabataan sa isa sa mga pilar. Hindi ko alam kung saan sila nangaling, kanina pa ako nakatayo dito at sigurado akong wala nang ibang tao dito kung hindi ako. At pinag tatakahan ko pa ay lahat sila nangaling sa likod ng pillar at bigla nalang lumitaw. Pito silang lahat kaya pano sila naka punta duon nang hindi ko napapansin. Bukod dito ay hindi ko pa sila namumukhaan. Pero ang nakapagtawag sa aking pansin ay yung babaeng may kulay silver na buhok at yung kanyang mga mata na magkaiba ang kulay.