At sumabay na nga ring kumain ang mga kasambahay nila Chase sa kanilang pagkain ni Ricai.
"Ayos lang ba talaga na sumabay tayo sa kanila?" Ang pabulong na sambit ni Lucy kay Felly.
"Ere na tayo eh edi kumain na. Ayos lang yan si Sir Chase naman ang mag sabi na sumabay tayo sa kanila problema lang bakit dito din sila kumain sa kusina."
"Yun nga eh... parang kinakabahan tuloy ako baka kasi makita tayo ni Don Fernan."
"Hayaan mo na. Kumain ka nalang."
Tumayo si Ricai para sana kumuha pa ng isang plato pero bago yon tinanong muna s'ya ni Chase.
"Hmm? Kukuha ko ng plato bibigyan ko si Don Fernan."
"What? Why?"
"Ha? Bakit naman hindi di ba? Nakain tayo ditong lahat tapos s'ya hindi? Parang ang unfair naman natin."
"Ahm... Miss, kami nalang po ang mag bibigay para kay Don Fernan." Sagot naman ni Felly at sumangayon naman sa kaniya ang iba pang mga kasambahay pati na rin si Chase.
"Pero..."
"Don't bother okay? Dad will eat if he wants don't be too concern about him."
Ricai made a facepalm "I know! But you wasn't get my point pamilya tayo dito kaya dapat sabay- sabay tayong kumakain sa hapag kainan."
"Family? Huh! I'm done here. Felly, pakidalhan ako ng tsaa sa kwarto ko."
"Yes Sir."
At umalis na nga si Chase ng di na kumibo kay Ricai.
"Tsss! Problema ba nya? Masama bang kumain ng sabay-sabay ang pamilya? Ang hirap nyang espelengen!"
Ring... Ring...
"Ahm... Miss mukhang phone po ni Sir Chase yung tumutunog." Sambit ni Lucy.
At nakita nga ni Ricai ang phone ni Chase na naiwan pala nito.
"Hmmm? Ashley? Sinong Ashley naman to?"
"Gusto nyo po bang iabot namin kay Sir yung phone nya?"
"No need ako na tapos naman na rin ako kumain. Sige salamat sa pag sabay nyo sakin sa pagkain." Nag paalam na nga sya sa mga ito at nag tungo na kay Chase.
"Sobrang bait nya talaga." Sambit ni Chloe isa rin sa kasambahay nila Chase.
"Sinabi mo pa! Sana nga parati si Miss nandito no? Nagiging masaya kasi ang mansion." Opinyon naman ni Lucy.
Tumayo naman na si Felly "ayusin nyo na ang mga ito ako ng bahala mag bigay ng pagkain kay Don Fernan."
"Sige." Anila.
"Lucy yung tsaa ni Sir Chase mag prepare ka nalang mag dadala sa taas pagtapos ko mag prepare ng pagkain ni Don Fernan."
"Sige friend."
"Chloe, kayo na ang mag ayos dito."
"Oo."
Sa pag taas ni Ricai ng hagdan habang patungo sya sa room ni Chase biglang may tumawag sa kaniya na isang lalaki.
"Ysmael?"
"Sup?"
Bumaba namang muli si Ricai para i-hug si Ysmael "san ka galing? Kanina pa kita hinahanap."
"Sorry may ginawa lang kanina pa ba kayo dumating? Nabalitaan ko nga na uuwi kayo ng pinsan ko dito. Sorry kung di ako nakadalaw sayo. Ayos ka lang ba?"
"Um. I'm perfectly fine. Yun nga lang di pa rin mawala yung takot kasi naman bakit ang daming kaaway ng pamilya nyo pati tuloy ako nadamay."
"Sorry."
"No it's okay di mo naman kasalanan yung mga epal na may saltik na puro brutal ang alam sa buhay. Ganito ba talaga kapag mayaman maraming kagalit?"
"Sorry talaga hayaan mo habang nandito ka hinding hindi ako papayag na may mangyayaring masama sayo." Then he hugged her.
"Ah... Eh... Salamat."
Bigla namang dumating si Chase at hinila sa tabi nya si Ricai.
"Chase?!"Pagulat na sambit ni Ricai.
Ang sama ng tingin ni Chase kay Ysmael "get away from Ricai! She don't need you I'm always here to protect her!"
"Ano ba Chase?!"
"Go to my room!"
"No!"
"I said GO TO MY ROOM,RICAI!!!"
"Huh! Wag mo syang pilitin na sumunod sayo! Hindi s'ya robot!"
"Oh? Bakit sino bang may pake sa sinasabi mo?"
Nanggigil si Ysmael kaya kinuwelyuhan nya si Chase na inawat naman agad ni Ricai "tigilan nyo na yan!!!"
"No Ricai! He needs to know na nahihirapan ka na sitwasyon n'yong dalawa. Hindi mo kailangan na maging sunod sunuran sa isang yan!"
"Oh? Really? Bakit Ysmael? Sa tingin mo ba kapag sumama sayo si Ricai magiging masaya na sya?"
"At least ako marunong mag pahalaga sa tao. Ikaw ba? Alam mo ba yung salitang care?"
"Talaga?!" Pagalit na sambit ni Chase na sasapakin na sana si Ysmael ng bigla syang sinampal ni Ricai.
"ENOUGH!!!"
Naging parang library ang lugar sa mga sandaling iyon dahil sobrang naging tahimik at walang gusto kumibo sa nangyare.
"Mag pinsan kayo... Hindi dapat kayo nag aaway dahil pamilya kayo dito!!!" Sambit ni Ricai at nag tatakbo papalabas ng mansion.
At wala paring naging kibo yung mag pinsan hanggang sa dumating si Don Fernan na nakita ang mga pangyayare pero bago pa man s'ya nag pakita sa dalawa sinenyasan nya si Dante ang kanang kamay nya na sundan si Ricai dahil hindi parin sila secured sa mga taong gusto silang mapatay.
"Un... Uncle..." Ang kinakabahang sambit ni Ysmael at wala namang naging kibo si Chase na balak sundan dapat si Ricai ngunit biglang may sinabi si Don Fernan.
"Kayong dalawa... TO MY OFFICE, NOW!!!"
Meanwhile,
"ANO?! WALA SILA SA CONDO?" Pagalit na sambit ni Xitian kay Cymiel.
"Opo Boss, nasa mansion po sila ng mga Alcantara at hindi po basta-basta pinapapasok ang kahit sino sa Village nila."
"Malamang, exclusive lang yon sa mga Alcantara." Opinyon ni Wram na biglang sumingit sa usapan nung dalawa na nasa pool area.
"Si— Sir..."
"Sige na bumalik ka na sa ginagawa mo ako ng bahala sa Boss mo."
"Yes Sir."
At umalis na nga si Cymiel.
Nag hubad ng kaniyang damit si Wram para mag swimming rin sana pero umahon namang agad si Xitian.
"You stay here!"
"You won't stop me bro."
Sumenyas si Wram sa isa sa mga tauhan nila at nag paputok ng baril kaya huminto si Xitian sa pag lalakad.
"You can't go there or else hindi mo magugustuhan ang susunod kilala mo ko kapag nagalit na ko Xitian." At tumalon sa pool.
Ipinatong ni Xitian ang towel nya sa balikat na para bang badtrip na rin at bumalik sa pool para kausapin si Wram.
"What... DO YOU WANT?!!!!!" Sigaw ni Xitian.
Umahon si Wram sa kabilang side ng pool habang papalapit kay Xitian.
At habang papalapit si Wram kay Xitian dumating naman si Brillant.
"Anong nangyayare dito?" Tanong ni Brilliant sa isa sa mga tauhang nakabantay doon sa pool area.
"Oh... I see, so dito pala galing yung putok ng baril."
"Yes Sir."
Pinanood lang ni Brillant yung nag kapatid na gulat nalang ito ng pagkalapit ni Wram kay Xitian ay sinapak nito ang kapatid.
"Huh!" Reaction ni Brilliant at tumalikod na at umalis.
Gumanti naman ng suntok si Xitian at parehas na sila ng kuya nya na duguan ang mga nguso.
"You want more? Sige Xitian SUNTIKIN MO PA KO!!!"
Susuntukin sana nga ulit ni Xitian ang kapatid pero di nya nalang tinuloy at humarap nalang sa pool para kalmahin ang sarili.
"Sa tingin mo ba kapag nalaman ni Ricai na gusto mo sya sa tingin mo hindi sya lalayo sayo?"
"Enough! Wala akong gusto kay Ricai! So stop pushing it!!!"
"Oh... talaga ba? Paano ngayon hindi ka pwedeng maka pasok sa village nila. Anong gagawin mo bibili ka ng bahay Don para lang makita sya? Gaya ng ginawa mo sa condo?! Sa tingin mo ba pagiging asal kuya parin yang inaasta mo? STOP PRETENDING XITAIN!!! Wake up! Hindi na pagiging kuya ang gusto mo sa sarili mo para kay Ricai."
Tumalon si Xitian at sumisid...
"The great pretender..." Sambit ni Wram na umalis na at kinuha ang towel ni Xitian.
"AHHHHHHH!!!!" Sigaw naman ni Xitian matapos nyang sumisid.
Wram smirked ng marinig nya habang nag lalakad "so, what's your plan?" Bungad naman ni Brillant na bigla nalang lumitaw sa harapan ni Wram.
"Nothing. Why should I make plan for someone else?"
"Huh! Did I said it is for someone? Tsss! Magkapatid nga kayo ni Xitian."
"That's enough! Wala akong gusto kay Ricai to make it clear but I see her as my real baby sister matagal ko na rin natin syang kilala at mabait syang bata."
"Ohhh... Really? Kaya ba parati kang nag papadala ng pagkain sa kaniya?"
Hindi naman agad naka sagot si Wram...
"Bro, hindi ko naman kayo masisisi ni Xitian kung magkagusto kayo kay Ricai dahil kahit sino naman mahuhulog ang loob sa kaniya..."
"Kahit ikaw..."
"I guess so... pero alam ko kung san ang limit ko dahil alam ko kung ano ang pinagkaiba ng gusto sa mahal." Then he left.
Naiwan naman si Wram na nag iisip.
***
Naging tahimik si Ricai ng mga sumunod na araw parati lang syang nakatambay sa may gazebo at ayaw makipag usap kahit kanino....
"Kawawa naman si Miss nakulong na sya dito." Sambit ni Felly na nakamasid kay Ricai.
"Okay na rin yan para marelax sya mas safe dito kesa sa labas." Sagot naman ni Belj na nag mamasid rin kasama ni Felly na hindi ka layuan kung nasan si Ricai.
"You have a point naman pero kailan ba kasi matatapos ang ganito ng set up nila? Si Miss kasi ang nahihirapan."
"Hangga't hindi pa nawawala yang si Villarin hindi tayo pakakampante."
"Pero bakit kaso hindi pa mahuli huli yon hindi ba makapangyarihan ang mga Alcantara? Anong silbi ng yaman nila kung ang isang taong yon ay hindi nila madakip dakip."
"They using their money mahuli lang ang Villarin na yan ang kaso mailap may iba pa syang kakampi na tiyak na may galit rin sa mga Alcantara."
"Ang kumplikado naman..."
Natigil naman sila sa pag uusap ng makita nilang lumapit si Don Fernan kay Ricai.
"Anong ginagawa dito ni Don Fernan." Sabay sambit nung dalawa at medyo lumapit para makinig sa usapan.
"Anong gingawa nyo dito?" Bungad ni Chase.
"Ay kabayo!" Pag gulat na reaction ni Felly.
"Bo— Boss?" Sambit naman ni Belj.
"Hindi ba ang sabi ko bantayan nyo si Ricai!"
"Opo Boss, kaya nga po kami ni Felly kasi makikinig kami ng usapan nila Miss at ni Don Fernan."
"Nasan?"
"Ayun po sila sa gazebo kanina po mag isa lang si Miss dyan halos kalalapit lang po ng daddy nyo." Sagot ni Felly.
Lalapitan sana ni Chase yung dalawa pero pinigilan sya ni Belj.
"Bitaw!"
"Wag Boss."
"Ano? Karapatan kong lumapit dahil girlfriend ko si Ricai."
"At alam naman po yun ng lahat pero Boss isipin nyo kung lalapit kayong agad dun hindi na po natin malalaan ang totoo ng pakay ni Don Fernan kay Miss."
"Tsk!"
"Kaya kung ako po sa inyo mag hintay muna tayo sa mga susunod na mga mangyayare."
"Ahm... maiba po ako ano... may nabanggit po kasi sakin si Miss about kay Don Fernan."
Sabay namang napalingon yung dalawa kay Felly.
"Ano yon? Tell me."
"Ahm... Sir, nabanggit po kasi sakin ni Miss na simula nung nalaman nilang dalawa ni Don Fernan na may parehas silang birthmark parang naging magaan na daw po ang loob nila sa isa't isa."
"Wait... What birthmark are you saying?"
"Ahm... sa may braso po. Ang sabi po kasi sakin ni Miss may magkaparehas silang birthmark ni Don Fernan tapos po parehas din na nasa braso."
Napaisip si Chase kung anong birthmark yung sinasabi ni Felly.
"Ay, opo Boss parang meron ngang hugis puso na birthmark si Miss sa braso nya napansin ko yun nung isang beses Na nahiya sya sa daliri eh."
"Ano? Nahiwa sya? Kailan?"
"Matagal na po yun Boss ang angas nga po ng birthmark nya hugis heart nga. Ang cute po. Pero yung kay Don Fernan parang di ko pa yun na pansin. Kayo ba Boss?"
"Wala akong pakialam! The point here is bakit nahiwa ang daliri ni Ricai? Hindi ba ang sabi ko sayo wag mo syang pag gagawin sa kusina?"
Nagkatibginann sila Felly at Belj at sa isip-isip nila "yung hiwa talaga sa daliri ni Miss ang mas pinariority nya?"
"Guys!!!"
"Si—Sir?"
"Tsk! Fine you two stay here pupuntahan ko lang sila."
"Pero Boss mag intay nalang po muna tayo dito nag uusap lang naman po sila ni Miss. Mukhang wala naman pong binabalak na masama ang daddy nyo. Hindi po ba kayo na curious about sa sinabi ni Felly dun sa birthmark?"
"Should I need to panic? Because of that freakin' birthmark? Anonnaman kung parehas silang may bahay sa braso?"
"Pero Boss hindi nyo na narinig ang sabi ni Felly naging close yung dalawa dahil sa same birthmark nila. Kung ako po tatanungin di naman friendly ang daddy nyo sorry po pero ang gaya ni Don Fernan di nya ibaba ang lebel nya sa ka gaya ni Miss."
"Are you looking down to Ricai? Ha Belj? Yun ba ang gusto mong sabihin?"
"Boss naman hindi po sa ganun. Alam nyo namang mataas ang tingin ko kay Miss ang point ko lang po eh bakit ganun nalang kung mag bago ang attitude ni Don Fernan kay Miss kapag kaharap nya ito."
"Opo Sir pansin din po namin yon dito parang ang saya po ni Don Fernan kapag nakikita o nakakusap nya si Miss."
"See Boss, kahit sila Felly napansin yon."
Napaisip si Chase habang naka tingin dun sa dalawa nila Don Fernan at Ricai.
"What's with you dad? Bakit bigla kang naging close kay Ricai?" Chase thought.
"Boss?"
"Hmm?"
"Maiba po tayo si Sir Ysmael..."
"What about him?"
"Gaya nyo pina iimbestigahan nya din po ang daddy nyo."
"What?!"
"Pero sa tingin ko po hindi kayo parehas ni Sir Ysmael ng reason."
"I know, kilala ko si Mael gusto nya sya parati ang bida. Just be alert! Tell me everything about him na malalaman mo."
"Yes Boss."