下載應用程式
88.23% Breaking the wall between us / Chapter 15: CHAPTER 14

章節 15: CHAPTER 14

KYLINE'S POV

It's been a month since nagsimula ang pasukan.

Medyo mahirap mag-adjust lalo na't sa probinsya ako nagtapos ng junior high school. Iba ang pamamalakad at may mga activities din na meron dito na hindi ko naranasan dati.

Nagkaroon ako ng mga kaibigan lalo na sa mga kaklase ko pero wala ako nung pang-bestfriend na kasa-kasama ko minu-minuto.

May mga kabarkada na rin kasi sila halos lahat at ayaw ko nung masyadong maraming kasama. Kaya naman gusto ko minsan ako lang ang naglalakad sa campus.

"Good afternoon po ate Menchu!"

Bati ko sa editor-in-chief ng school publication pagpasok ko ng office.

Mabait siya pati na rin lahat ng mga oldies ng organization. Kaya naman madali na lang din para sa amin na makisabay sa kanila at mas makilala pa ang mga baguhan tulad ko.

"Good afternoon sa 'ting lahat. It's good to see you all sa meeting natin ngayon."

Pag-uumpisa niya sa gagawin naming meeting about sa nalalapit na Intrams.

"Since ilang buwan na lang at Intramurals na natin, we have to prepare already. Para sa kaalaman ng mga newbies natin, kami dito nina ate Mika at kuya Allan niyo ay mag-oovernight stay dito sa campus since madami talagang gawain 'yun. It's up to you na rin kung sasama kayong mag-overnight sa amin dito."

Pause.

"Now, we'll start on your sports assignment na iko-cover or gagawan niyo ng article. Una, si John at si Lavender sa Athletics. Si Carla at Sherwin naman sa Taekwondo. Then, kayo ni Brace, sa badminton kayo beh."

Sabi niya sakin kaya napatango ako at agad isinulat iyon sa notes ko.

"Noted po ate!"

Napatingin ako kay Brace na magiging partner ko pala sa first ever article ko as writer dito sa publication. Nagpang-abot ang mga paningin namin at hindi ko inaasahang ngingitian niya ako.

Masyadong tahimik siya at halos hindi kumikibo 'pag kinakausap ng ibang kasama naming except kina ate Menchu at ate Mika dahil inuuhan talaga siya nila ng pakikipag-usap.

Mahirap nga naman kasi mapanisan ng laway.

"Brace!"

Tawag ko sa kaniya nang siya ang pinakaunang lumabas ng office. Medyo napatakbo pa ako upang maabutan siya.

"Why?"

Sobrang walang ka-emo-emosyong tanong niya kaya medyo napaatras ang dila ko ng kaunti.

"Ahh.. hehe, wala naman. G-gusto ko sanang.. s-sabihin na.. n-na sana maging successful at m-maganda ang magiging first article collaboration nating d-dalawa."

Nauutal-utal ko pang sabi sa kaniya pero parang hindi naman niya naintindihan. Tinitigan niya lang ako nang walang emosyong makikita sa mukha niya.

Ni pagtango nga ay hindi niya ginawa.

Nakaka-awkward tuloy.

Hasssssh gwapo sana kaso para namang yelo sa sobrnag cold.

"'Y-yun lang.. naman. Hehehe. Sige uwi ka na. Ingat ka as a friend!"

Nahihiya ko pa ring sabi.

Agad na akong tumalikod dahil feeling ko namumula na talaga ang buong mukha ko sa sobrang hiya.

Hindi dahil sa crush ko siya ah pero ikaw ba naman magsasabing 'Ingat as a friend'. 'Di ba parang ang defensive naman agad nun.

Aaaagh! Kainiska Kyline. 'Di ka nag-iisip eh!

Hahakbang na sana ako papalayo pero naestatwa ako nang marinig sa wakas ang boses niyang kasing lamig ng yelo sa loob ng freezer.

"Ingat ka rin.. but not as a friend."

Napanganga talaga ako sa boses niyang sobrang manly. Kahit Brace pangalan niya pero sobrang linaw sa tenga ko ang sinabi niya.

Kung not as a friend ang 'Ingat ka' niya.. eh bilang ano?

AAAAAAAAH! Ewan!

Kyline, behave!

Ilang segundo ang lumipas nang nakahugot na ako ng lakas para harapin siya ay parang gumuho ang mundo ko nang makitang puro hangin na lang ang nasa kinatatayuan niya.

Paano siya nakaalis ng ganoong walang tunog? O baka naman... hindi siya naglalakad talaga?

WAAAAAAAAH!! 'Wag naman sana!

Mabilis akong naglakad sa kabilang direksyon baka makasabay ko pa siyang maglakad palabas at mapagkamalan ko siyang multo.

Medyo maputi siya, may katangkaran, manipis ang pangangatawan at maamo ang mukha. 'Yung panga niyang nakakalaglag panty este panga, 'yung pilikmata niyang parang babae sa haba, 'yung mga mata niyang kayumangging kumikinang, matangos niyang ilong tsaka 'yung maninipis niyang mga labi.

Para talaga siyang anghel na bumaba mula sa langit para lang maging partner ko sa gagawing article.

Hindi mawala-wala sa isip ko ang mukha niya kaya hanggang sa umabot narin ako ng apartment ko ay nakangiti pa rin ako.

Pagkatapos ilapag ang mga gamit ko ay pabagsak akong nahiga sa kama ko. Ilang sandali ko pang tinitigan ang kisame na nilagyan ko ng maraming mga glow-in-the-dark na stars at butterflies.

After kong magpalit ng damit, mag-dinner, magsipilyo at tapusin lahat ng dapat kong gawin ay ini-stalk ko na naman si Brace.

Actually, ilang linggo ko na ring ginagawa ko 'to simula nung nakita ko siya sa office ng publication.

'Yung pagiging tahimik niya ang nagtulak sa akin para mas kilalanin ko pa siya. Kaya heto ako't nababaliw sa kaniya kakatingin sa mga pictures niya sa Facebook.

Pagkatapos kong pagsawaan ang maamo niyang mukha ay umayos na ako ng higa sa kama para matulog na.

Maaga pa ako bukas sa trabaho ko bilang waitress sa isang fast food chain malapit lang dito sa apartment ko.

Every weekends lang ako pumapasok dahil 'yun lang ang free time ko at sa kabutihang-palad ay pumayag naman ang manager at may-ari kaya natanggap agad ako.

Kahit scholar ako gusto ko pa ring pagtrabahuhan ang magiging perang ipanggagastos ko dito. Gusto kong makapagpundar ng mga bagay na mula talaga sa pawis ko.

Para 'pag nagkita kami ni ate Menggay soon, magiging proud talaga siya sa akin.

Kinaumagahan, mga alas singko pa lang ay gising na ako. Nagluto agad ko ng almusal at naligo pagkatapos kong kumain.

Kailangan ready ako palagi kasi punuan kami kapag Sabado't Linggo dahil karamihan ay sa ganung araw nagpa-family bonding sa mall.

Nagpaganda lang ako ng kunti gamit ang mahiwagang liptint ko na blush on at the same time tapos gora na agad.

Dumating ako sa kitchen namin at as usual isa ako sa mga pinakaunang dumating.

Prepared na kami lahat dahil ilang minuto na lang ay magbubukas na ang kainan.

By the way, sa Mang Inasal pala ako sa may Ortigas Extension nagtatrabaho bilang part-time job ko.

"Good morning Ma'am. Good morning Sir. Welcome to Mang Inasal."

Bati ng kasama ko sa cashier.

Isa ako sa mga tagabigay ng additional rice sa mga naka-unli rice na customers at enjoy ako dun sa trabaho kong 'yun dahil marami akong nakakasalamuhang mababait na tao.

Nakapagserve na ako ng mga Mayors, School heads, mga artista at marami pang ibang kilalang mga personalidad sa lipunan.

"Ky, pakibigay 'to sa customer natin. Dun sa nakagawian."

Inabot sa akin ng kasama ko sa kusina ang isang paper bag na palagi kong dinadala sa customer namin.

Inilibot ko ang paningin sa mga taong nagsisidatingan. At nang mahagip siya ng mga mata ko, nasa paboritong mesa siya nakaupo na medyo nasa gilid ng bintana. Nakaupo rin siya habang may numerong nakabandera sa harap niya.

'Yung paborito rin niyang numero, ang 10.

Napahinga ako ng malalim saka sumilay sa labi ko ang isang malapad na ngiti.

"Hi, good day Sir! Ito na po ang order niyo."

Usal ko sabay abot sa kaniya ng paper bag.

Ayun na naman ang seryoso at nakakatunaw niyang titig. Kahit kasi palagi siyang naka-mask sa halos every Saturday niyang pagpupunta dito ay pakiramdam kong nanunusok ng puso ang mga titig niya.

'Yung mga tingin niyang alam mong kahit nakatago ang mga labi niya ay may ngiting nabubuo dito dahil sa mga mata niya ko ito nakikita.

Gayunpaman, kahit ganyan siya ka-charming at may pa-mysterious effect pang nalalaman, medyo nawi-weirduhan pa rin ako sa kaniya.

Hindi kasi niya tinatanggal 'yung face mask niya na iba-iba ang kulay kada araw na umu-order siya dito.

Hindi rin siya kumakain dito at palaging take out ang mga orders niya.

"Thank you."

'Yung dalawang salitang 'yun lang din talaga ang palagi kong naririnig sa kaniya after kong ibigay ang order niya.

Nakapagtataka nga eh pero hindi na rin ako nag-aabala pang magtanong sa kaniya. Tsaka privacy din naman niya 'yun at wala akong karapatan para manghimasok sa buhay niya.

O baka naman fashion style niya lang 'yun, malay ko ba.

Lumipas ang ilang mga araw at ganun pa rin ang routine ko. Apartment, school, apartment tsaka trabaho.

Excited na rin talaga ako dahil papalapit ng papalapit na ang Intrams naming. Ibig sabihin lang nun ay mas matagal ko nang makakasama si Brace my love ko.

"AS THE HEAD OF THE SPORTS AND EVENTS COMMITTEE, I HEREBY DECLARE THAT THE INTRAMURAL MEET 2019 IS NOW OFFICIALLY OPEN! LET US ALL COMPETE US ONE AND WIN AS ONE! THANK YOU!"

Napuno ng sigawan ang buong paligid. May mga bandera ding winawagayway ang mga estudyante sa bawat team.

Ilang sandali na lang din kasi a masisilayan na naman ang sinasabi nilang taunang pa-fireworks kapag ganitong magsisimula na ang Intrams.

Mapupuno na naman ang newsfeed ko nito ng mga posts nila at ima-my day na naman nila ang putukan ngayong gabi.

Hays kapagod na kaka-scroll eh.

Nahahati kami sa apat na teams. Ang Trespassers, Gatecrashers, Troublemakers at Peace Masters.

Medyo nega ang dating nung mga names pero sinadya daw nila 'yun para magtanda ang mga estudyante at kilalanin ang mga sarili nila kung saan nga ba sila nabibilang lalo na sa tuwing ganitong Intrams.

Team Gatecrashers ako samantalang Peace Masters naman si Brace. Napapaisip tuloy ako kung true-to-life ba 'tong kinabibilangan naming team.

"Ako na lang maglilista sa names ng mga players bawat team tapos ikaw ang magti-take down ng magiging scores nila. Tsaka sabay na lang tayong dalawa na mag-iinterview sa mga mananalo mamaya."

Sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa gate kung saan naghihintay ang shuttle bus na magdadala sa amin sa gym na magiging venue ng laro.

Tumango lang siya at ngumiti.

Teka lang. NGUMITI SIYA?

As in for real talaga?!

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sobrang gulat dahil sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang ganun ngumiti sa akin pa mismo.

'Yung ngiti niyang kita ang ngipin niyang kumikinang sa sobrang puti at pantay na pantay pa.

Grabe, tabaaaang! Mahihimatay yata ako nito.

+1 pogi point

Nang makarating na kami sa venue ay agad naming inilapag ang mga gamit namin sa bleacher malapit sa paglalaruan.

May mga monobloc chairs sa gilid kaya kumuha na rin dun si Brace. Nung una akala ko sa kaniya lang 'yung bitbit niya pero hindi ko inasahang magkatabi niyang inilagay ang dalawang upuan malapit mismo sa pupwestohan mamaya ng Umpire na siyang magiging referee ng laro.

+1 pogi point siya dun sa pagiging gentleman

Yiiieeee!

Ilang minuto pa ay nagsisidatingan na ang mga athletes ng bawat team. Nandito na rin ang isang representative ng Supreme Student Government (SSG).

Yellow ang kulay ng t-shirt naming mga Gatecrashers, blue naman ang Peace Makers, Red ang Trespassers at green ang Troublemakers.

Napa-stretch na rin ako ng mga braso nang magsimula nang mag-warm up at stretching ang mga athletes.

This will be a long day para sa aming lahat.

"LADIES AND GENTLEMEN, ON MY RIGHT IS CARLO GARCIA OF THE GATECRASHERS AND ON MY LEFT IS TROY VILLANUEVA OF THE TROUBLEMAKERS. GARCIA TO SERVE, VILLANUEVA TO RECEIVE. LOVE ALL, PLAY!"

Announce ng Umpire bilang hudyat ng pagsisimula ng laro.

Buti pa ang badminton mapagmahal pero siya, ewan ko na lang kalian niya ako mamahalin.

Napabuntong-hininga ako sa hugot kong 'yun.

Masyadong seryoso ang buong laro dahil parehong malakas ang dalawang magkatunggali. Minsan ay nauuna lang ng isa o dalawang puntos ang Tresspasers pagkatapos ay siya na naman ang maghahabol.

Sana lahat talaga hinahabol eh.

Hays naku. Kailan ba ako titigil kakahugot dito?

Brace my love pansinin mo naman kasi ang beauty ko.

Hindi naging madaling natapos ang unang game pero sa huli ay nanalo ang team namin, ang Gatecrashers.

Kinuha agad namin ang scores nila at panay pa ang picture at video ko sa laro para hindi ko makalimutan at may maisulat akong tama sa article.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng kaklase kong aabangan nila ang isusulat ko sa publication. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaunting pressure.

"Are you okay? You seem uneasy."

Halos tumalon na ang puso ko sa gulat nang tapikin ni Brace ang kanang balikat ko at kunot-noo akong tinitigan sa mga mata.

"Ahh.. O-oo. Syempre naman, okay lang ako."

Nangangapa ko pang sagot saka ko nakita ulit ang napakaputng ngipin niya sa nakakagwapo niyang ngiti.

"That's good. Medyo marami pa naman 'tong games today."

Tumango lang ako at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Hindi ako sanay ng ganitong kinakausap niya ako at may bunos pang ngiti.

Hay naku, pastilan!

+1 pogi point ulit dahil sa pagiging concerned citizen at caring

Pero huwag ka ngang pa-fall Brace. Baka ma-scam mo pa ako niyan eh.

Nakadalawang game na kami nang nagsisidatingan na ang mga snacks ng mga athletes sa bawat team.

Ilang sandali pa ay may pamilyar na lalaking lumapit sa amin at sobrang lapad ng ngiti na halos ikapunit na ng bibig niya.

"Hi Kyline! Snacks mo pala pinapadala ni ate Menchu. Huwag kang magpapagutom ha? Mamahalin pa kita."

Kahit wala pa man akong kinakain ay para bang nabubulunan ako sa mga sinabi niya.

Medyo kumulo na naman ang dugo ko sa isang 'to na palaging nagpapapansin sa akin sa school.

Sinusundan niya ako mula paglabas ko ng classroom hanggang sa canteen at library. Nandun lang siya sa isang sulok habang nakangiting nakatitig sa akin.

Nawi-weirduhan na nga rin ako sa kaniya. Minsan pa nga nung nasa rooftop ako nag-rereview para sa quiz namin ay umakyat din siya doon at nagsisisigaw na gustong-gusto niya daw ako.

Hindi ko naman sana iisiping baka nababaliw na ata siya kung hindi lang siya uma-acting na weirdo.

Sakto lang ang height niya at maputi din siya tulad ng karamihan dito. Malinis naman manamit, maganda ang pagkakaayos ng buhok at may itsura din naman.

'Yun nga lang may mga ginagawa siyang hindi ko nagugustuhan para lang maipakita niyang gusto niya talaga ako. Isama na natin 'yung palagi niyang pagsusuot ng eyeglasses niya. Nagmumukha tuloy siyang nerd na mas ikinaiinis ko pa.

"Sana all may tagahatid ng snacks."

Narinig kong bulong ni Brace kaya napalingon ako at halos maduling pa ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Juskoooo! Lumayo ka nga sa akin. Please lang.

Napasinghap ako nang maramdaman ang amoy menthol niyang hininga.

+1 pogi point, wala lang kinikilig ako to the bones eh hahaha

Agad namang nagwala ang mga alagang hayop ko sa tiyan.

Napaiwas agad ako ng tingin at nakita kong kumunot ang noo ni Darren, 'yung weirdo, habang naka-face palm na nakatitig sa akin. Hindi na rin maipinta ang mukha niya.

Buti nga sa'yo nang matauhan ka na.

Inilipat ko na lang ang paningin ko sa mga athletes na nagre-ready na para sa susunod na game.

Napasinghap ako dahil feeling ko naubusan ako ng hangin sa paglalapit ng mga mukha namin ni Brace. Animo'y hinigop niya lahat pati kaluluwa ko. Jusko!

"Huwag kang papagutom ha? Mamahalin pa kita. Lupeeet."

Bulong pa ulit ni Brace sa likod ko na para bang natatawa. Paglingon ko ay nakangisi na siya na may nanunuksong tingin.

Sinamaan ko siya ng tingin at inikutan ng mga mata sabay flip ng buhok at binalik ang tingin sa court.

Ke-tahi-tahimik na tao may tinatago palang sama ng ugali.

-1 pogi point, very wrong talaga my love

At nang muli pa akong lumingon ay bigla siyang kumindat sa akin kaya inis akong napaiwas sa kaniya ng tingin sabay ikot ulit ng mata.

Pero 'yung inis na 'yun ay inis na gustong-gusto kong ulitin.

Grabe ang harot mo na Kyline.

+1 pogi point

HAHAHA ang bilis bumawi agad eh!

Natapos na ang pangatlong game at feeling ko nangangalay na ang mga kamay ko kakakuha ng pictures at videos tapos magsusulat pa ako ng mga names ng athletes.

Isinandal ko muna ang likod ko sa monobloc chair para makapag-stretch muna ako ng mga buto kong nagsisimula nang mamaluktot.

"Chips?"

"Ayy kambing na may bangs!"

Halos mapatalon talaga ako sa gulat nang pagdilat ng mga mata ko mula sa pagkakapikit ay tumambad agad sa tapat mismo ng mukha ko ang isang Piatos na malaki.

Tiningala ko ang pinanggagalingan ng boses at ayun na naman ang kumikinang niyang mga mata sa likod ng makakapal na eye glasses sa tuwing sinusundan at pilit akong pinapakausap sa kaniya.

Nasisilawan ako masyado sa sinag ng araw sa likod niya na pumapasok mula sa naglalakihang mga bintana ng gym. Hindi ko tuloy alam kung para ba siyang anghel na nagmula sa liwanag o isang taong malapit nang kunin ng puting liwanag sa likuran niya.

Nanatili akong nakatingala sa kaniya at halos walang salitang mapulot sa gilid para sagutin siya.

"Take it. Baka ma-bored ka kasi. Masyadong mahaba pa ang game para sa araw na 'to."

Nakanganga lang akong nakatingin sa kaniya dahil sa pagiging airy ng boses niya. 'Yung parang jowa ko na pinapaalalahanan akong kumain at talagang huwag magpapagutom.

Pero this time, hindi ako naiinis sa kaniya. Instead ay para akong na-aamaze sa mga inaasta niya.

Napakapormal niya magsalita at hindi tulad nung sinusundan-sundan niya ako magpahanggang ladies CR para lang sagutin ko ang Hi niya sa akin.

Lunok.

Hindi ko na namalayang tinanggap na pala ng kamay ko ang inaabot niya at napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa maupo ulit siya sa pwesto niya kanina.

Ano 'yun?

+1 pogi point for Darren

Hindi ko talaga alam bakit nasama na siya sa point system ko pero bigla lang talagang pumasok sa isip ko 'yun. Promise.

Naibalik ko na lang ang paningin ko sa court nang hindi pa rin maka-move on dun sa ginawa niya. Napalingon tuloy ako kay Brace sa tabi ko dahil baka pagtawanan o tutuksuhin na naman ako.

Pero nagulat na naman ako sa naging reaksyon niya. Napatingin ako sa mga mata niyang kanina pa pala seryoso at matalim na nakatingin sa akin.

Naka-crossed arms lang siya at walang imik na nakatingin lang ng diretso sa akin. Bumuntong-hininga pa siya saka iniwas ang tingin sa mga naglalaro.

Ano naman 'yun?

Bakit nagiging weird lahat ng mga tao dito?

May mabigat at nagtatanong na dibdib akong napabalik ng tingin sa mga naglalaro na ngayo'y nagkakamayan na pala.

"For our game four, I have on my left Maverick Legaspi of the Trespassers and on my right is Calvin De Guzman of the Peace Makers. De Guzman to serve and Legaspi to receive. Love all, play!"

Announce ng Umpire at sa hindi ko malamang dahilan ay biglang umingay ang buong gym. Napalingon ako sa mga babaeng nagsisigawan na may dala pang mga banners at pom poms. Lahat sila ay iisa ang sinisigaw.

"MAVY! MAVY! MAVY!"

"MAVY MAH BABY FOR THE WIN!"

Napairap ako sa lakas ng mga boses nila. Kung ako lang siguro ang magsisisigaw ng ganun kalakas ay hindi magtatagal ang esophagus ko at mapuputol na sa sobrang stretched.

Kaloka sila grabe.

Napaposisyon na lang ako sa cell phone na bitbit ko para kunan sila ng photos at videos.

Bigla akong napangiti sa naiisip ko. Itong si Maverick Legaspi ang gagawin kong highlight sa magiging article ko total sobrang dami naman pala niyang fans. Bright idea 'yun kung sasabayan ko ang agos ng mga fans niya para maging maganda din ang image ko bilang newbie sa school publication.

At kung sino man siya, walang akong balak alamin.

Hmm.. That sound nice and it'll be a win-win situation. Mas sisikat siya dahil mafi-feature siya sa school pub at ako naman ay magkakaroon ng magandang feedback lalo na sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya.

BWAHAHAHAHA!

Sinimulan ko nang i-click ang record button ng phone nang magsimula na ang unang rally nila.

"Game point for the Trespassers. Play!"

Intense ang naging laban nila at halos lahat ay nagpipigil ng hininga dahil isang point lang ang lamang ng Maverick na 'yun sa kalaban niya at kung sakaling maungusan siya ay magkakaroon pa sila ng pangatlong set para sa decision.

"Away."

Senyas pa ng isang lineman gamit ang hand signal niya para sa smash ng kalaban na siyang nagpahiyaw sa lahat ng mga supporters niya.

"WAAAAAAH!!!"

"I LOVE YOU MAH BABY!"

Sigaw nila na halos hindi na marinig ang boses ng Umpire na nagdi-declare ng winner. Napatakip na lang ako ng tenga at napapangiti dahil sa sobrang wild nila.

Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganito kalalang mga fans sa isang badminton game.

"WE LOVE YOU MAVERICK!"

At ayun na naman ang sabayang sigaw nilang lahat.

"Oops, my Mavy, you woke up in my bed

Oops, we broke up, we're better off as friends

Now I accidentally need you, I don't know what to do

Oops, Mavy, I love you!"

Rinig kong sabay pa silang kumanta at napasabay naman lahat. May iba pang iwinagayway ang mga kamay sa ere para sumabay sa kanta.

Parang kabisadong-kabisado na talaga nilang lahat ang kantang 'yun na sa Tiktok ko lang naririnig minsan.

Natatawa pa akong bumalik ng tingin sa phone ko para i-end na sana ang nire-recod kong video pero biglang napatigil sa pagtibok ang puso ko nang makita kong nakatingin 'yung Maverick sa mismong camera ng phone ko.

Napalipat-lipat ako ng tingin sa phone ko at sa kaniya at hindi nga ako nagkakamali.

Nakatitig siya sa phone ko!

Itatago ko na sana ang cell phone ko nang bigla siyang ngumiti at sumilay ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

Nailapag ko agad ang cell phone ko sa hita at nasapo ang mga pisngi ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako sa sobrang init.

Ilang sandali pa ay halos bumaliktad na ang mundo ko nang mapansin ang mas lumalakas na tili ng mga babae sa likod. Nakita ko ang paglalakad niya papunta sa direksyon ko kaya napapikit agad ako.

Pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang pagtibok ng puso ko sa bawat hakbang niyang naririnig ko.

Para bang naka-full volume ang tunog ng mga yabag niya papunta sa akin.

Nagpang-abot pa ang mga kilay ko dahil sa sobrang kaba habang hindi ko man lang magawang tingnan ang mukha niya habang papalapit sa gawi ko.

Yiiiieeeeee!

Pero literal na huminto talaga ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ang yabag niyang nagpatuloy sa paghakbang, palagpas sa kinauupuan ko.

Unang naibuka ko ang aking kaliwang mata at sinilip kung nasaan na nga ba siya.

Napanganga ako nang makitang lumagpas nga lang talaga siya sa akin at tanging baho lang ng pabango niyang humalo at nanatili sa hangin ang huminto sa gilid ko.

Naibuka ko na rin ang kanang mata ko. Napakunot-noo ako.

Nandoon siya sa bleacher sa likuran ko, may hinahalungkat sa kaniyang bag habang hawak ang energy drink niya sa isang kamay.

Wala talaga akong masabi kundi 'Iba ka Kyline, prinsesa ka ng mga assuming!'

Nakakahiya! HAAAAASHHH!

Nakita ko pa ang mga babaeng halos maihi na sa sobrang kilig dahil sa sobrang lapit na niya sa kanila. Kulang na lang din talaga'y ihagis nila ang sarili mapansin lang niya.

Halos matunaw na rin 'yung Maverick kakatitig ko nang makarinig ako ng nakakaisturbo at nakakabahalang mahinang tawa sa gilid.

Masama ang tingin kong nakipagtitigan sa kaniyang hawak-hawak pa ang mga labi habang pinipigilang tumawa sa nakita.

"It's a prank!"

Bulong niya pa sakin at tumawa ulit nang walang katunog-tunog.

Nag-flip na lang ako ng buhok at pinaikot ang mata sa inis sabay tumalikod sa kaniya.

Bwisit na Brace. Kung sino pa ang sobrang tahimik sila din pala 'yung sobrang lakas ng tama.

Brace, -1 pogi point.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C15
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄