Chapter 16 - The Thief
ZIRO
Lumabas ito sa madilim na parte ng puno at doon ko lang nakita ang mukha n'ya. Meron syang Tenga na parang sa pusa, buntot at nakasuot ito ng maskara na mukhang Fox.
"Pasens'ya kana kung natakot kita" Tumalon ito papunta sa harap ko at perpekto ang pagka-baba n'ya.
"H-huh? Hindi naman ako natakot"
"Isa akong manlalakbay na patungo ngayon sa bayan ng Eriel, Ikaw din ba?" Tumungo-tungo nalang ako kahit hindi ko alam kung ano ang lugar na iyon. Ngayon ko lang nalaman na may bayan pala ng Eriel. Napaka misteryo talaga ng lugar na ito.
"Ayy! oo nga pala, Ano yung sinasabi mo tungkol sa Dagger ko?"
"kakaiba ang dagger mo kaya mag-ingat ka marami ngayong gumagalang magnanakaw. Kung titingnan ang dagger mo siguradong mataas ang halaga n'yan," Naglakad ito papaalis ngunit napatigil din at umikot paharap saakin "Gusto mo bang makisabay na sa akin?"
"S-sige" Nauna na s'yang maglakad at sumunod nalang ako. Kakaiba ang suot n'ya para sa isang babae. May kulay pula na scart na nasa leeg n'ya at may Black robe pa. Halos balot na balot s'ya sa suot n'ya, Idag-idag mopa ang damit n'yang may mahabang manggas at pang-ibaba nyang hanggang paa.
"Ano pala ang pangalan mo?" tumaas ang tingin ko sa kan'ya ng magsalita ito.
"Ako si Ziro," Nakatingin lang ito saakin habang naglalakad at parang may hinihintay pangsabihin ako. Napabuntong hininga naman ako at inulit muli ang sinabi ko "Ako si Ziro, Ziro Ifrich" S'ya ang unang tao na sinabihan ko ng apelyido ko. Hindi ko sinasabi sa iba ang apelyidong iyon dahil narin sa bilin saakin ng tatay-tayan kong si Ginoong Zeron.
"Ifrich, Nakakagulat" mahina nitong sabi na parang alam n'ya ang apelyidong iyon. Siguro naman kilala n'ya ang arc knight, Sa kanya ko nalang itatanong.
"Kilala moba ang Arc knight? pwede mo bang banggitin ang buong pangalan nila?" Napatigil ako ng mapagtantong wala ngapalang nakakakilala sa mga Arc knight dahil mailap sila.
"Ang arc knight? Sige ba," Napasulyap ako sa kan'ya na nakatigil nadin ngayon. Medyo malayo s'ya saakin ngunit nagkakaintindihan naman kami. "Ang Leader ng Arc knight ay si Riku Verdillion, Isang babae na masasabi kong hindi magpapatalo. Hindi mo mababasa ang kilos n'ya dahil narin hindi s'ya nagpapakita ng kahit anong emosyon. Si Sandro Valdemori, Ang pumapangalawa kay Riku. Malakas s'ya ngunit mahina naman pagdating sa utak" Medyo natawa pa ako sa sinabi nya tungkol kay sandro.
"Grabe ka naman kay Sandro" Muli n'yang itinuloy ang sinasabi n'ya.
"Si Frey Demitillia, Tahimik na babae pero pag-ginalit mo siguradong mapapatay ka n'ya. Ang huli ay si Miya Everhart, Ang pinaka bata sa kanila pero malakas naman s'ya"
"Wow! Pano mo nalaman ang mga iyan?" Tumalikod ito saakin at tinanggal ang maskara nya. Hindi ito sumagot at tumingala lang upang pagmasdan ang asul na kalangitan.
"Magpatuloy na tayo" Hindi kona ito muli pang tinanong at nagpatuloy sa paglalakad.
Lumipas ang 2 linggo at nakarating nadin kami sa Bayan ng Eriel. Nasa pasukan palang kami ng bayan ay kita na ang ganda nito. Lalakad na sana ako papasok ng pigilan ako ni Lilith "Bakit?"
"Ang tulad mo ay hindi dapat nagpapakita dito, Itago mo ang mukha mo"Hinubad n'ya ang Black Robe nya at ibinigay saakin. Agad ko naman iyong sinuot at buti nalang ay kas'ya saakin.
"Bakit bawal ako dito?"
"Ang mga Mata mo ay kakaiba, hindi sila tulad ng iba lalo na ang buhok mo na mga Demon lang ang meron" Nagtataka man ay sinundan ko nalang sya papasok ng bayan. Payapa ang paligid at napansin kong puro mga Demi-monster ang nakatira dito. Sila ang mga halimaw na may katawang tao katulad ni Lilith.
Mayaman din sila sa mga metal, Gold at iba pang materyal para sa mga Armor at Weapon. "Ziro tingnan mo yun!" Napalingon naman ako sa direksyon na tinuturo nya ngunit wala naman akong nakita kundi puno.
"Anong meron dyan?," Natawa naman ito at mukhang inuuto lang nya ako. "Ha. Ha. Ha. Nakakatawa" Nagpatuloy muli kami sa paglalakad hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang blacksmith.
"Alam mo ang pangit ng suot mo, Halika! bumili ka ng armor mo" Hinila na nya ako at hindi kona nagawa pang magreklamo dahil nasa loob na kami.
"W-wala akong pera para d'yan, ang mamahal ehh" Napasimangot naman s'ya at pinakita ko ang pitaka kona may lumabas pang langaw dahil walang kalaman-laman.
Lumabas nalang kami sa blacksmith at nagpaalam na ito na magkakahiwalay na kami sa lugar na ito. May pupuntahan padaw s'yang napaka-importante.
Habang pagala-gala sa bayan ay napadako ang tingin ko sa isang tindahan ng mga magical stone upang i-level up ang mga Weapon.
Kumikinang ang mga iyon at parang gustong-gusto ko iyong gamitin agad-agad kaso wala akong pera. Puro mga Potion ang nakukuha ko sa mga monster na nasasagupa ko. "Iho, Gusto mo bang bumili?" Napailing nalang ako sa matanda
"Hindi po ako bibili, Wala po kasi akong pera" napakamot pa ako sa batok ko na ikinatawa ng matanda.
"Sayo na ito iho, Libre kona ito" Nagpasalamat ako ng nagpasalamat sa matanda at tinanggap ang bigay nya. Kinapa ko ang dagger na nasa aking bulsa kaso—
"Nasan na yun? Hala! saan koba nailagay yun?!," Kinapa ko na ng kinapa ang damit ko at sa mga pwede kong paglagyan n'yon pero hindi ko matagpuan. "Waah! minamalas nanaman ak—"
"Ziro tingnan mo yun!"
Ang babaeng yun! Magnanakaw sya!!!! Kainis nanakawan nanaman ako!
LILITH
"HIHIHIHI Ang dali nya talagang utuin!" Tinanggal ko ang maskara ko at itinago sa bag ko ang scarf na suot ko. "Saan kaya pwedeng ibenta 'to?" Nilibot ko ang buong Eriel upang maghanap ng pagbebentahan nitong dagger ngunit wala akong mahanap.
"Pst! Hoy bata," Napalingon ako sa aking gilid kung saan ay katabi ko ang isang madilim na iskinita. "Gusto mo bang magbenta sa black market?"
"Black market?"
"Sumunod ka sakin" Walang alin langan akong sumunod sa kan'ya papasok sa madilim na iskinita. Halos hindi kona s'ya makita dahil sa dilim, pati sarili ko ay hindi kona makita.
Habang patagal ng patagal kamimg naglalakad ay natatanaw kona ang liwanag na siguradong labasan.
Bumungad sa harap ko ang isang Palengke na ngayon ko lang napuntahan. Maraming mga Adventurer na nandoon na mukhang dito nagpapapalet ng item. Napatingin ako sa lalaking sinusundan ko at doon ko nakita ang mukha n'ya na ikinagulat ko."IKA—!" Agad n'yang tinakpan ang bibig ko at pilit na pinapasok sa loob ng isang bahay na katabi ko lang. Sya lang naman ang mga magnanakaw na naunahan ko sa bagay na gusto nilang kuhanin din, hindi ko alam na aabot sa ganito.
"Wag kana kasing magpumiglas!" Dumating pa ang mga kasama n'ya at pinagtutulungan na akong ipasok sa loob. "Sabing paso—" Akamang susuntukin na n'ya ako ng may kung sino ang pumigil sa kamao n'ya na nakaambang suntukin ako.
"Ganyan ba kayo rumespeto sa babae?"
"Aba! at sino ka namang pakiilamero ka?! Sugurin ny—A-ahhh! A-aray!," Walang kahirap-hirap n'yang dinurog ang kamay nung lalaki gamit lang ang kamay n'ya. "T-tulungan nyoko mga Ugok!!"
Napaatras ang mga lalaki na susugudin na dapat si Ziro ng tingnan sila nito. "B-bahala ka dyan! hindi pa kami baliw para labanan ang demonyong yan!" Kumaripas sila ng takbo at ang natira nalang ay ang pinuno nila.
"M-maawa ka naman, Paki-usap paalisin mona ako" Napabuntong hininga si Ziro at binitawan ang lalaki. Naki takbo nadin ito na takot na takot.
Nilapitan ko si Ziro na inaayos ang hood na tumatakip sa mukha n'ya "Pano moko nahanap?!" Napatingin ito saakin.
"Kung nanakawan mo ako siguraduhin mong hindi matapang ang pabango mo" Napaamoy naman ako sa aking sarili at tama nga s'ya ang tapang ng pabango ko. Ang talas naman ata ng pang-amoy ng lalaking 'to.
"Pero teka, bakit moko niligtas? Ninakawan kita diba?" Napakamot naman ito sa batok n'ya at hiyang-hiya. Kakaiba talaga sy'a.
"Hindi ko pwedeng pabayaan ang isang tulad mo na binabastos ng iba, Kinakabahan pa nga ako kanina ehh" Napatikhim ako at napailing-iling pa. Hindi s'ya tulad ng mga demonyo na nababasa ko o kaya ay nakakasalamuha ko, ibang-iba s'ya.
"Ibinabalik kona ang dagger mo, para ito sa pag-papakita ng tapang kanina at para naman sa pagliligtas mo saakin. Ituturo ko sayo ang mga nalalaman ko"
"T-talaga?!" Para s'yang bata na binigyan ng regalo, nagliliwanag ang mata n'ya sa sobrang saya .
"Ituturo ko sayo kung pano magnakaw"
"SERYOSO KABA?!!!"
Sa loob ng 6 na buwan ay tinuturuan ko si Ziro kung pano gumamit ng Dagger at kung pano kumilos ng mabilis. Napansin kona madali syang natututo at madali s'yang nakakasunod sa mga tinuturo ko, Siguro ngayon kona dapat sa kan'ya ituro ang skill na yon "Ziro," Tumigil ito sa ginagawa n'ya at humarap saakin "May ituturo ako sa iyong bagong Skill"
"Huh? Ano naman iyon?" Napabuga muna ako ng hangin at tumingin sa kan'ya ng diretso.
"Ang skill na ito ay tinatawag na 'Steal' " Pagkasabi ko non ay tiningnan n'ya ako na parang nagbibiro nanaman ako. "Makinig ka muna kasi!!"
"Opo master" Ngumuso ito at parang gusto kong hilahin iyon at itali. Nakakainis paminsan-minsa itong lalaking 'to.
"Magagamit mo ang skill na yon para kunin ang Sandata ng kalaban mo o kaya ay mga item nya. Magagamit moto kapag nagigipit ka katulad ng pagkuha ng potion o kaya ay Mana potion kapag naubusan ka ng Mana/HP"
"Ibig mong sabihin kapag naubusan ako ng potion maaari akong kumuha sa kalaban ko?," Tumungo-tungo naman ako bilang sagot. Nagulat ako ng bigla n'ya akong hawakan sa magkabila kong balikat at inilapit sa kan'ya ng konti "Turuan moko!"
Pinalo ko ang dalawa n'yang kamay upang ialis sa balikat ko at napadaing naman s'ya sa sakit "Tuturuan kita pero wag ka namang manghawak ng pabalikat,baka durugin mo ito katulad sa kamay nung lalaking manyak"
"Pasensya na, pero pwede mo bang ipakita kung pano?" Napangisi naman ako at nagpamewang. Ito na ang oras upang magpasikat Hihihihi
"Manood ka!," Hinawi ko ang kapa ko at tinakip iyon sa katawan ko katulad ng isang bampira. "Tada!" Sa isang iglap lang ay Inilabas ko ang kamay ko na ngayon ay hawak na ang pitaka n'ya.
"Teka, parang mahika lang yan ng mga payaso" Binigyan ko s'ya ng malakas na batok dahil sa sinabi n'ya.
"Sira! Mukhaba akong payaso?!" Habang namimilipit s'ya sa sakit ay parang may kung anong ideyang pumasok sa kokote n'ya at gumapang papalapit saakin.
"May alam ka bang halimaw na kayang gawin yan? kaso ang pinagkaiba level ang ninanakaw nya" Napaisip naman ako. Parang ngayon ko lang narinig ang halimaw na kayang magnakaw ng level.
"Sigurado kaba? baka naman sadyang mababa lang ang level mo"
"Nagkakamali ka! dati ay level 70 ako kaso bigla nalang naging level 20!"
"Hindi kapani-paniwala ang pinagsasabi mo, mukha kang pulubi nung nakita kita kaya pano ako maniniwala?" Napasimangot naman ito at mukhang naiinis sa sinabi ko.
"Wala lang akong pera pero hindi ako pulubi!"
"Ehh sa ayun yung tingin ko sayo eh"
"Waaahh! Nakakainis ka!!" Tinawanan ko ito at hinabol pa ako para sakalin. Buti nalang mas mabilis ako sa kanya hihihi. Bahala sya dyan basta ako mag-sasaya habang hinahabol ako ng munti kong aso.
Habang nag-kakatuwaan ay nakarinig kaming malakas na pag-sabog sa bayan. Nasa labas kami ng bayan ngunit sa lakas ng pagsabog rinig hanggang dito. "Ano yun?!"
"Nandito nanaman sila" Mariin kong sabi bago kumaripas ng takbo pabalik ng bayan. Sisiguraduhin ko na ito na ang huli nilang punta dito!