MATAMANG nakatitig ang binata sa bako-bakong daan, nasa harapan siya ngayon ng gate ng eskuwelahan. Kung saan siya nagtuturo bilang guro. Inilibot niya ang tingin, nakalatag na ang dilim sa buong paligid.
Sa mga ganoong oras ay wala ng napapadaan na pwedi niyang masakiyan pauwi. Lib-lib pa naman ang lugar kung saan nakatirik ang bahay niya.
Kilala ang kanilang lugar, hindi dahil sa marami ang magagandang makikita sa kanila. Kung hindi madami ang kababalaghang nakapalibot sa kanilang lugar.
Nagtataka nga siya sa tinagal-tagal na niya sa mundo ay wala pa naman siyang nararamdamang kakaiba o nakikita. Hindi na rin kasi bago sa kaniya ang gabihin, mas kumportable pa nga siya sa dilim. Ayaw na ayaw niya ng matao, ngunit dahil sa propesyon; napilitan siyang makibagay.
Ibinaling niya ang atensyon sa paparating na puting kotse, napakunot-noo siya. Tila napakapamilyar ng eksenang iyon sa kaniya, hindi niya lang matandaan kung kailan ito naganap. Hanggang sa tumigil nga sa kaniyang harapan ang puting kotse.
Nanatiling sakop ng mga malalabong alaala ang kaniyang isip, napadako ang pansin niya nang makita niyang kanina pa pala nakababa ang bintana ng driver at marahang nagsasalita ang babaeng nakasakay mula roon.
Nakita niya mula sa loob ang nakaupong dalaga na tantiya niya'y kaedad niya lamang. Kahit madilim sa kaniyang kinaroroonan ay napansin pa rin siya nito.
Mula sa dilim, napagmasdan niya ng maigi ang mukha nito, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Biglang sumikdo ang pagkasabik sa kaniya para kilalanin ang babaeng kaharap.
"Hai baka gusto mo lang makisabay?"Tanong nito sa binata. Maski ito man ay hindi inaalis ang malagkit na pagkakatitig niya rito. Tila nahipnotismo rin ang dalaga sa binata.
"Sige, by the way ako nga pala si Dexter, "pakilala ng binata sa dalaga.
Napangiti naman nang matamis ang dalaga pagkarinig sa pangalan ng kaharap. "Ah ako nga rin pala si Carrieline, tawagin mo na lamang akong Carrie. Kapangalan mo pala ang author ng paborito kong lumang libro si Dexter Lacus, "sagot ng dalaga rito.
Napangiti nalang ang binata at agad ng binuksan nito ang pintuan sa tabi nito para makaupo na rin. Nag-usap ang dalawa na tila matagal ng magkakilala...
Sa gabing iyon tuluyang naganap ang mga eksenang nakapaloob sa mga huling pahina ng librong isinulat ni Dexter. Kung saan nabanggit roon ni Carrieline na muli silang magtatagpo ni Dexter sa ikalawang buhay.
Kung saan muli nilang uumpisahan ang naudlot nilang wagas na pagmamahalan sa bagong takdang panahon...
A/N
Lahat ng nakasulat sa akdang ito ay pawang kathang-isip ko lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan.
Anuman ang pagkakahawig sa pangalan, lugar at pangyayari ay nagkataon lamang...
Hindi maaring gamitin sa kung ano mang kaparaanan ang akdang ito na walang pahintulot sa akin.
"Sin Mideo A La Muerte"
Written by:babz07aziole
Mystery/thriller/paranormal
Date started: July 23, 2019
Date End: September 16, 2019
— 結束 — 寫檢討