下載應用程式
89.7% Sexy but Dangerous completed / Chapter 61: Chapter LVIII

章節 61: Chapter LVIII

Please Vote!

FIGHTING FOR LOVE

"Oh! Here comes the heroine! Who saved the world from the bad guys!" Salubong sa kanya ni Kris sa opisina at inabutan siya ng bouquet ng bulaklak.

Pinako naman niya ito sa braso dahil sa exxageration. Lahat naman ng miyembro ng NBI sa office nila ay sinalubong din siya at pawang may ngiti sa mga labi maliban sa kanya.

"Oh, bakit naka sibangot ka? You save the world." Usisa pa nito.

"Dobrev, kamusta sugat mo? Magaling ka na ba?" Usisa naman ng mga kasamahan niya.

"Dapat nagpa pahinga ka muna. Dalawang linggo pa lang ng maka labas ka ng ospital. Kaya mo na ba?" Nag aalala naman tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

May ilan pa din siyang mga sugat na hindi gumagaling ngunit pinatanggal na niya ang cast sa kanyang kaliwang kamay dahil maayos naman na niya iyong na igagalaw.

"Ayos lang ako." Sagot naman niya at marahan na ngumiti.

"Huwag mo siya intindihan, Kimmy at masamang damo 'yan. Kaya ma--" Hindi natapos ni Kris ang pang aalaska sa kanya dahil siniko niya ito sa tiyan.

"Oh, mukhang ayos nga lang talaga siya." Natatawa naman na sabi ni Kimmy sa kanya.

"Nasa loob ba si Chief?" Tanong naman niya dito at alangan lang na tumango ito.

"Nasa conference room siya." Sabi naman ni Kimmy. At sa mukha nito ay tila gusto nitong bawiin ang sinabi nito.

"Paano, sa principals office muna ako?" Pamamaalam niya sa mga ito.

"Ahm...Heather bukas ka na lang pumunta daw pumunta kay Chief. Busy daw kasi siya." Harang naman ni Kris sa kanya. Ano kayang problema? Bakit ayaw yata siyang maka usap ng Chief nila.

"Nandiyan naman siya kaya bakit ipagpapa bukas ko pa ang sermon?" Nagtataka na tanong niya dito.

"Trust me, basta kasi.. " Pagtataboy pa nito sa kanya.

"The more you are being like that, the more I wanted to go." Naka ngiti naman niyang sabi dito.

At nag lakad patungo sa conference room. Nagtataka naman siya dahil napaka raming bantay sa labas at pawang mga armado ang mga ito. Bakit kaya?

"Heather, kasi nga.." Huli na para maawat siya nito dahil nabuksan na niya ang pinto.

"Now, I know why." Sagot niya dito ng malaman kung bakit siya pinipigilan nito.

Ang chief niya ay nandoon kasama ang head ng PNP, marine, AFP, at ang commander in chief-- president may mga media din na present sa kanila para saan sila ay hindi niya alam. Kaya pala maraming guwardiya sa harap nandoon pala ang Presidente.

At ngayon ay gusto niyang pagalitan ang sarili kung bakit siya tumuloy doon. Nakamasid naman ang mga ito sa kanya.

Pakiramdam niya ay may tensyon sa buong conference room. Nagulat ang Chief niya kung bakit nandoon siya.

"Magaling ka na ba?" Bungad na lamang ng Chief niya sa kanya at tumango naman siya.

"Mabuti. Now, let's talk." Seryoso naman na sabi nito. At tila kinukuwestyon ang oagdating niya doon.

Kaya pala ayaw siyang kausapin nito dahil iniiwas siya nito sa isang malaking gulo. Siya naman ay pinangunahan na lamang ito bago pa ito mag salita.

"Hindi ko po sinasadya na sunugin ang bodega sa Quezon. Na isip ko lang na iyon ang pinaka mabilis na paraan upang mapigilan ang sentro ng produkston ng droga sa banya at sa buong Asya."

"Hindi ko na inintay pa ang go signal niyo dahil natatakot ako na baka may isa na naman na kagaya ni Salley sa atin sa loob ng NBI. Tatanggapin ko ang lahat ng se----" Hindi niya natapos ang mga susunod pa na sasabihin dahil pinutol nito iyon.

"Na iintindihan ko." Pag sang ayon naman nito sa kanya. Na ikina gulat niya.

"Tala-- And he cut her again.

"Iyon ba ang gusto mong sabihin ko?! Huh? Dobrev?!" Singhal nito sa kanya na ikinalabas ng ugat nito sa leeg. Tila umaarte lamang ito na sermunan siya upang hindi na iyon manggaling sa iba pang kasama nila sa loob.

Siya naman ay nabingi yata sa bulyaw nito. Ang akala pa naman niya ay may himalang mangyayari at hindi na siya sesermunan nito. Lahat naman ng kasama nila sa conference room ay naka masid sa kanila.

"Sinunog mo ang bodega na nasa gitna public high way at napapalibutan ng puno sa gilid nito. Pagkatapos you expect me to give you my sympathy?! Huh?!"

"Paano kung may nadamay na sibilyan? Paano kung kumalat ang apoy?! Naku! Hindi yata masamang loob ang papatay sa'kin. Kung hindi ikaw!" Na iinis na sermon nito sa kanya at namumula na ito.

"Pagkatapos nang harang ka ng taxi at hindi ka pa nakuntento pinasabog mo pa ang isang sasakyan sa mismong tulay.."

"Paano kung bumigay ang tulay?! Saan na daraan ang mga tao?! Diyos ko! You really are the end of me!"

"Mabuti na lang at walang nadamay o nasaktan at hindi tuluyang bumagsak ang tulay."

" Kung hindi patay ako sa itaas baka pati presidente magalit sa magiging abala mo para sa buong mamamayan."

"And God! Ang dami ng damages! Milyon milyon!" Pahabol pa nito.

"Tama na 'yan." Awat naman ng Presidente sa kanila.

Tiningnan siya ng chief niya na parang sinasabi na "sumang ayon na lang siya at huwag kumibo sa mga sasabihin nito" dahil hindi talaga iyon ang main topic.

"There are almost forty men sa labas ng bodega. There are some of them hit by bullet at ang iba ay ginamitan lamang tranquilizer. At alam ko na hindi mo lahat makakaya ang mga iyon." Nagulat naman siya sa sinabi ng Chief ng AFP.

Hindi niya lubos ma isip na mari realize ng mga ito iyon. Ang akala niya ay natapos niya na ang lahat kaya dapat tapos na iyon ngunit hindi pa pala.

Ano naman kaya ang gusto palabasin ng mga ito? Naka masid naman sa kanya ang iba pang head at iniintay ang sagot niya.

She save the day. She save the generations. Now, she's being questioned? Is that how they thank her? Nalutas niya ang kaso. Everything. So, what are they saying?

"So, why don't you tell us the truth. Huwag ka ng mag palusot at huwag mo sasabihin na ikaw ang lahat na gumawa n'on dahil hindi kami tumanda ng ganito sa serbisyo para maloko mo." Segunda pa nito.

"Now, tell us kung sino ang tumulong sa'yo." Segunda naman ng Preseidente sa kanya.

So, this is really the point? Kaya may media sa loob. Gusto nilang mabaling ang sisi sa iba dahil hindi nila maaaring sabihin ang totoo na maraming koneksyon si Laud. Ayaw nilang pumangit ang image nila at mawalan ang tiwala ang taong bayan sa mg alagad ng batas.

Oo, there are some police officer and soldier like her. Makabayan at tapat. But, face the reality too. Marami din tiwali parang sa politika din. She's not doubting her co- soldiers kaya lang ay alam din niya ang totoong sitwasyon.

(A game? Fine, let's play your game.) She said to herself.

"I'm sorry, Mr. President. You don't need to know them. Let's just say that they are brave volunteers who walk in the right path.."

"Oh, Everything is fine. Wala naman silang nasaktan o tinapakan na tao." Paninindigan niya dito. Kumunot naman ang noo ng lahat ng nasa loob.

"Tinulungan lang nila ako. And they also save us troubles para mahuli ang lahat ng tauhan ni Black, iyon naman ang importante di' ba? Don't you think so?" Pangangatwiran niya sa mga ito. Nakita naman niya ang pag titimpi ng mga ito dahil may kaharap silang media.

"Don't give us that! Hindi iyon ang punto dito." Nagagalit naman na sabi ng PNP head sa kanya.

"The point is they are civilians. So, how can you make them d--

"Trust me, you don't need to know who they are." Sabi pa niya dito. At tila mas naguluhan ang mga ito.

"What do you mean?" Tanong naman ng Presidente sa kanya. Ang Chief naman niya ay napa hilot na lang sa sentido dahil siguradong katakot takot na sermon ang aabutin nito mamaya.

"Nothing. I just want to say that, they might be the one who give us comfortable lives, recreational activities, luxury or they may be the part of our daily lives. And we might can't live without them." Pagpapaliwanag naman niya ngunit tila parang bini biro niya ito. Kaya lalo naman itong naguluhan ang lahat at hindi siya maintindihan.

"It might be good if no ones knows who they are. Dahil hindi naman kaya nang ilan sa atin na mamuhay ng komportable kung wala sila." Pagtatapos niya dito.

At totoo iyon dahil si Ten at ang mga kaibigan nito ang pinaka malaking business tycoons sa bansa.

From hotel chains, houses, electricity, water supply, telecommunication, cars, aircraft, airlines, food industry, liquor, new gadgets and technologies, military supplies, banks and firms.

And even to hospitals, and medicines ay may kontribusyon ang mga ito.

Now, tell me. Mabubuhay pa ba sila ng wala ang kanilang mga naka sanayan? They are the one providing them everything at kapag pinalaki nila ang issue baka maraming mawalan ng trabaho. They also are the biggest tax payers.

"Huwag mo akong daanin sa paligoy ligoy mo." Napipikon naman na sabi ng Chief ng AFP sa kanya. Ngunit nag kibit balikat lang siya.

"I'm telling the truth, Sir." Paninindigan pa niya.

"Pinag tatakpan mo ba sila? If you're going to be like this, I can't guarantee anything for you." Tila pagbabanta pa ng Presidente sa kanya. At nag kibit balikat lang siya.

"Oh, you don't need to do that Mr. President. Dahil I just stop by to give this to my Chief." Sabi niya ng maalala ang ipinunta niya doon sa Chief niya. At ngumit sa mga ito.

"I want to file an early retirement po." Sabi niya dito at inabot ang isang folder dito. Tila naman nagulat ito sa sinabi niya. Tigalgal din ang lahat ng head sa sinabi niya. At ibig niyang matawa.

"But, you're just 30! No. I can't accept this. Marami ka pang ma iko contribute dito. You're our greatest agent kaya---" Siya naman ang pumutol sa sinasabi nito.

"Sorry, Chief. Nakapag decide na ako." Determinado niyang sabi dito with sincereness in her eyes.

"I can't believe this." Na iiling na sabi ng Presidente sa kanya. Malakas ang loob niya dahil maraming media sa loob kaya hindi naman siya maaaring pag bantaan ng mga ito.

Well, they've tasted their own medicine. Bakit pa kasi sila nag sama ng media in the first place? Ang akala marahil nila ay mai intimidate siya sa mga ito.

But, hell no. After what she've been through for the past couples of day wala na yatang maaaring maka takot pa sa kanya. Except if its about Ten.

"Pero, I would just about to say your promotion today. Are you sure about this? Kung nagdadamdam ka dahil sa ginawa namin na ito. Hindi na-- " Nanghihinayang na tanong nito sa kanya.

"Yes, I am. And about the promotion, siguro ibigay mo na lang kay Kris dahil mas matagal naman siya sa serbisyo sa akin." Tila baliwala niya sa promotion na sinasabi nito.

"Hindi ko talaga alam 'yang tumatakbo sa isip mo." Na iiling na sabi nito.

"Chief." Paki usap pa niya dito na sana ay maintindihan siya nito.

"Hay, kung ito ang desisyon mo. Sige, ikaw ang bahala." Nanghihinayang pa na dagdag nito.

"I just really need to do this. Kailangan ko na ayusin ang buhay ko bago pa mahuli ang lahat. At ito ang pinaka magandang pagkakataon para gawin iyon." Paliwanag naman niya dito.

"This office is welcome whenever you want to comeback." Bilin naman nito sa kanya at sumaludo na din sa mga ito para sa huling beses bago tuluyan na isara ang pinto sa labas ng conference room nito.

"Ano'ng sabi nila sa'yo? Ang tigas kasi ng ulo mo." Usisa naman ni Kris.

"Wala naman bukod sa sermon." Tipid niyang sagot.

At nag buga ng hangin dahil sa wakas naka survive siya.ang akala niya ay hindi na siya makakalabas ng buhay dahil sa daming bugatin na tao sa loob.

"By the way, congratulations on your promotion." Naka ngiti na sabi niya dito at tila naman hindi nito iyon makuha.

"I filed an early retirement, brother. Kaya ikaw ang sinuggest ko para sa posisyon na ibinibigay sa akin." Paliwanag naman niya dito at nagulat ito.

"Early retirement?! But, why?" Gulat naman na tanong nito.

"Basta, ihanda mo ang blow out namin. Gotta go, may pupuntahan pa ako." Pamamaalam niya dito.

Pagkalabas niya ng main office nila ay may bumungad sa kanya na mas maraming reporters ng iba't ibang istasyon. May mga dala itong video camera at kung ano ano pa.

At bigla siyang sinalubong at pinagkaguluhan. Nalilito naman siya at hindi ka isip kung bakit nagkakaganito ang mga ito. Hindi pa ba sapat ang media sa loob?

Sa pagkaka alam niya ay hindi naman siya artista nor celebrity kaya ano ang ginagawa ng mga ito dito. Wala naman siyang natatandaan na ginawang krimen para pag piyestahan siya.

"Miss Dobrev, ano'ng masasabi niyo matapos niyong mahuli ang pinaka malaking Drug Lord sa Asya?" Tanong sa kanya ng isang reporters. So, that is what this all about.

"Miss Dobrev, kahit kaunting reaksyon man lang para sa inyo dahil sa kabayanihan na pinakita niyo kahit na mag isa lang kayo." Tanong pa ng isa. Nagsimula ng magkagitgitan dahil sa pakikipag unahan ng mga ito sa bawat isa.

"Ano na ang mga susunod niyong plano?" Usisa pa ng isa. Hindi naman niya alam ang sasabihin sa mga ito dahil hindi naman niya na isip ang mga iyon.

"Actually, I just filed an early retirement a couple of minutes ago." Tuliro naman niyang sagot dito.

Pero mukhang mas nagulat ang mga ito dahil tila na estatwa at natahimik ang mga ito saka lamang siya tinitigan upang sabihin niya na nagbibiro lamang siya.

May isa ngang camera man na nakalimutan na nadiinan pala nito ang DSLR na camera kaya sunod sunod itong nag picture ng pa ulit ulit dahil sa gulat nito.

"Si Miss Dobrev, ang pala biro pala." Saway naman ng isang babae na reporter na pagak ng tawa.

"No, I'm dead serious. Totoo ang sinabi ko, kahit itanong niyo pa kay Chief." Seryoso niyang paliwanag dito.

"Pero..." Iyon na lamang ang na sabi ng isang reporter dahil sa gulat marahil sa inasta niya.

"Totoo ang sinasabi niya." Sabi naman ng kasamahan nito na in the middle of shock pa din at ipinakita pa nito ang video sa internet tungkol sa sinabi niya kanina sa loob. Marahil ay isa sa mga media sa loob ang nag post n'on.

"Oh, gotta go. I still need to save my happily ever after." Pamamaalam niya sa mga ito.

At saka isinuot ang helmet saka sumakay sa bago niyang Ducatti na pinabili sa Papa niya. Pinaandar niya iyon ng matulin upang pumunta sa opisina ni Ten na ibinigay ni Isabelle sa kanya.

How she knows that? Hindi niya alam. Wala naman nagawa ang mga ito kung hindi sundan na lamang siya ng tingin habang siya ay papaalis.

Mabilis naman siya nakarating sa main office nito sa Pasay. Ipinarada niya sa harap ng malaking building ang Ducatti niya at bumaba doon pagkatpos ay tinanggal niya ang kanyang helmet.

"Nandyan ba ang Boss niyo?" Tanong niya at dire diretso sana papasok sa opisina ngunit hinarang siya ng guwardiya.

"Sorry, Ma'am pero hindi puwede pumasok ang walang I.D." Salubong ng guard sa kanya.

"I just want to talk to your boss." Sabi niya sa mga ito at tinangka muli pumasok ngunit hinarang siya ulit ng dalawang malaking lalaki.

"Sorry, Ma'am pero hindi po talaga puwede." Pagmamatigas nito.

"Just tell him it's Heather James Dobrev. Kilala niya ako, gusto ko lang siya maka usap." Sabi niya sa guwardiya. Ngunit, pinagtawanan pa siya ng mga ito.

"What's funny?" Napipikon niyang tanong dito.

"Nice try po, pero gasgas na 'yan. Marami na din po mga babae ang nag sabi niyan. Na girlfriend daw sila ni Boss o na kilala nila ito. Pero, kayo po yata ang pinaka kakaiba ang ayos." Panunuya naman ng isa sa mga guwardiya sa kanya.

Naka all black kasi siya ngayon black jacket, pants, shirt at converse. At dahil hindi nagsu suot ng ganoon ang mga babae nito kaya marahil siya pinagtatawanan ng mga ito.

Hindi naman ma iwasan mag pintig ng kanyang tainga sa inis. Bakit nga ba niya nakalimutan na napaka babaero nito? Na baka marami na din babae ang gumawa ng ginagawa niya ngayon. Bakit?

"Seryoso ako, kilala niya ako. Kaya iradyo niyo na sa kanya na gusto ko siyang maka usap." Utos pa niya sa mga ito dahil sa inis.

"Ma'am, hindi nga po puwede. Ang kulit niyo naman." Saway naman sa kanya ng isa sa mga guwardiya.

"Why don't you just try telling him. Para maniwala kayo." Na iinis na din niyang sabi sa mga ito. At dahil nakukulitan na marahil sa kanya ang mga ito ay sinunod siya nito.

"Sir, John. Maki suyo nga po kay Sir Johnson. May babae kasing nangungulit dito. Kilala daw siya pero hindi namin pinapasok kasi walang ID. Heather James Dobrev daw ho." Magalang na sabi nito sa secretary ni Ten.

(Wala daw siyang kilala na ganoon na pangalan.) Narinig na,an niyang sagot ng secretary nito sa kabilang linya.

Pakiramdam niya ay napunta lahat ng dugo sa kanyang mukha dahil sa inis dito. Talaga bang ganoon na lamang ang pagka ayaw nito na makita siya? That moron!

"Ma'am narinig niyo po naman. Hindi naman daw kayo kilala ni Boss, kaya umuwi na kayo." Pagtataboy pa ng isa sa mga guwardiya sa kanya.

"Ah gano'n. He really wanted to do this in a hard way. So, be it!" Na iinis niyang sabi saka pumagitna sa dalawang guwardiya at dumiretso sa loob.

"Move!" Utos niya.

"Ma'am!" Awat sa kanya ng guwardiya at hinawakan siya sa braso ngunit ginamit niya ang kamay nito upang palipitin iyon mula sa likuran. Dumaing naman ito sa sakit.

Sumugod naman ang isa pang guwardiya sa kanya upang tulungan ang kasma nito ngunit sinipa niya ito sa tiyan pagkatapos ay sinipa ang isnag guwardiya na hawak hawak niya ang kamay pa punta dito kaya bumagsak parehas ang dalawa sa sahig.

"Where's the elevator?" Tanong niya sa babae na nasa reception area at tinuro naman nito ang daan gamit ang kamay nito. And she said "thanks" to her.

Lahat naman ng tao ay naka tingin sa kanya habang siya ay lumilikha ng gulo sa opisina nito. May ibang mga empleyado ang na alarma sa kanya kaya lumihis ito sa daraanan niya.

"Sinabi ko kasing pa daanin niyo ako. Ang kukulit niyo." Na iinis niyang sabi sa dalawang guwardiya na nasa sahig bago tuluyan umalis sa harapan ng mga ito at tumango sa elevator.

Narinig na,an niya ang pag radyo ng isang guwardiya upang humingi ng back up para mapalabas siya sa opisna.

Imbis na pansin ang mga ito ay sumakay na siya sa elevator. Kung tama ang tantiya niya ay nasa pinaka taas ito ng building dahil ito ang CEO kaya pinindot niya ang 23rd floor.

"Nasa elevator siya, currently on 11thfloor. Papunta siya sa 23rd floor."

"Kaya haharangin natin siya sa 13th floor. Men stand by." Sabi ng security personnel na naka masid sa CCTV sa loob ng elevator. Nag simula naman mag puntahan ang mga security doon.

Hindi na siya nagtaka ng kusang bumukas ang elevator sa 13th floor na kanina pa nga niya iniintay. Malamang ay haharangin na siya ng mga tauhan nito dahil wala naman siyang passage para makapasok dito.

"Look, what we got here. Ahm.. One, two, three...seven men. Not bad." Puri pa niya sa mga lalaki sa elevator na sumakay kani kanina lang. Lahat ay mukhang tigasin at pawang naka itim.

"Ahhhh!" Sugod sa kanya ng isang may katangkaran na lalaki na bibigyan dapat siya ng suntok ngunit na sikmuraan niya ito.

Sa likod naman niya ay may lalaki na sisipain sana siya ngunit na iwasan niya dahil sa mabilis niyang reflex at yumuko dito. Pagkatapos ay tinuhod ang mukha nito kaya bumagsak ito sa elevator.

Feeling naman niya ay gumalaw ang elevator dahil sa pagkakabagsak nito mukha kasi itong may kabigatan.

Ngunit marami pang natitira. May dalawang lalaki na sabay na sumugod sa kanya upang suntukin ngunit sabay niya sinipa ang mga ito gamit ang isang split.

Nasa ganoong ayos sila ng bumukas ang elevator sa 18th floor dahil may gusto sana sumakay na mga empleyadong babae. Patungo din pa itaas. She just smile slightly.

"Sa susunod na lang kayo sumukay." Sabi niya sa mga ito at mabilis naman na tumango ng ilang beses ang mga ito.

Nang sumara ulit ito ay akala mo naging pandemonium ang elevator dahil sa pakikipag basag ulo niya sa mga ito. Napa tumba na niya lahat maliban sa isang tigasin na magaling sumangga.

"Hindi ako pumapatol sa babae, pero kailangan kong gawin ito." Sabi nito bago tuluyan siyang pina ulanan ng suntok.

"That's the line I hated most." Naasar niyang sabi dito.

At saka ito binigyan ng isang malakas na sunyok sa mukha matapos ma iwasana ng magkaka sunod na pag sugod nito.

At dahil feeling niya ay ininsulto siya nito ay lumuwag ng konti ang tornilyo niya kaya hindi siya na kuntento at binigyan niya ito ng malakas na sipa sa dibdib na sakto naman pag bukas ng elevator kaya tumilapon ito sa labas niyon.

Narinig naman niya ang pag singhap ng ilang mga lalaki na empleyado sa harap niya. Pero, nag kibit balikat lang siya.

"You can use this elevator." Sabi niya pagkatapos ay lumabas doon dahil nasa 23rd floor na pala siya ng hindi niya namamalayan.

"Where's your Boss, office?" Tanong pa niya sa mga ito at tinuro naman ng mga ito kung saan iyon.

Pumunta naman siya sa direksyon na tinutukoy ng mga ito. At wala naman nagawa ang mga ito kung hindi sundan siya ng tingin.

Inayos pa niya ang sarili at ang buhok na naka tali upang mag mukhang presentable para sa pagkikita nila.

"Excuse me, is Mr. Johnson inside?" Tanong niya sa secretary nito matapos makapasok sa CEO office.

Nagulat naman ang nasa late forties na lalaki na naka Amerikana. Sa tingin niya ay si John ito ang secretary ni Ten na nakita niya noon sa Birthdya party nito.

"I'm sorry, Ma'am but you can't go inside." Magalang na pag aawat naman nito sa kanya.

"Sorry, but I don't need your permission. I'm quietly pissed off dahil sa amo mo kaya tabi diyan." Kibit balikat at determinado niyang sabi dito. Pero hinarang pa din siya nito sa pinto.

"What's that?" Gulat na tanong niya dito at may tinuro sa gilid.

Sumunod naman ang mga mata nito sa bagay na itinuro niya. Ginamit naman niya ang pagkakataon na iyon upang pa ikot na sipain ang ang pinto ng malakas ng opisina ni Ten at bumagsak iyon sa carpet floor. Narinig naman niya ang pag singhap ng matandang lalaki sa ginawa niya.

Bumungad naman sa harap niya ang nanlalaki ang mata na si Xerces.

Naka upo ito sa couch sa harapan ni Ten. Ito naman ay naka upo sa CEO's chair. Why does he looks so handsome? May be because she missed him so much. Pinigilan niya ang sarili na yakapin ito.

"You don't need to kick the door. Kung kumatok ka pagbubuksan ka din naman namin." Biro pa sa kanya ni Xerces.

"Hi!" Bati naman niya dito. Tumayo naman ito upang salubungin siya.

"Oh, here you are. I just saw you on breaking news. And you're as funny as ever. Is that true? Nag retired ka na talaga?" Usisa naman nito sa kanya.

"Yes, a couple of minutes ago." Pagapapliwanag pa niya dito. Kung ito ay sinalubong siya. Si Ten naman ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin. And it hurts.

"Ma..ma iwan ko muna kayo. Ten, I'll just send the blue print tomorrow. See you around, Heather." Pamamaalam nito at nginitian siya bago umalis.

Naka salubong naman nito ang ilang mga guwardiya na nag aapura papasok sa opisina nito. Nagtataka na lamang tinignan ni Xerces ang mga ito. Sumenyas naman si Ten na ayos lang ang lahat.

"Hindi mo manlang ba ako papansinin o titingnan man lang?" Baling naman niya kay Ten. At hindi pa din ito nagsalita.

"It's been two weeks mula ng huli tayong magkita. Don't you miss me?" Tila paawa effect pa niya dito. But, he still didn't budge.

"You really don't want to see me.. Kaya ba ayaw mo din ako papasukin?" Tanong pa niya dito.

"Is that how much you hate me? Na kahit boses o anino ko man lang ayaw mong makita o marinig?" Nasasaktan niyang tanong dito.

"I don't hate you." Simple naman na sagot nito.

"I said I'm sorry. Nagsisisi na ako. Hindi ko na uulitin. Won't you give me a chance? Nag retired na ako. Hindi pa ba sapat iyon?" Pagpupumilit pa niya ng sarili dito.

"I know, does it change anything?" Balik naman na tanong nito sa kanya na halos dumurog na sa buo niyang pagkatao.

"Should I congratulate you?" Sarcastic pa na tanong nito sa kanya. Tumayo ito sa upuan.

"I'm sorry, pero madami pa akong gagawin. Ma iwan na kita." Pamamaalam nito bago tuluyang lumabas ng opisina.

Kinagat naman niya ang labi upang mapigilan ang sarili sa pag iyak. At sa tantiya niya ay tuyong tuyo na ang kanyang mga luha dahil sa gabi gabi na pag iyak dahil dito. What's wrong with him? She misses the clingy Ten. The one who always make move just to make them closer.

"Sorry, for the troubles. Pasensiya na kung nag pumilit ako pumasok." Hingi niya ng tawad sa secretary nito at tumango naman ito dahil naiintindihan nito kung bakit niya nagawa iyon.

"From the past couple of weeks he's like a zombie coming to the office. Wala lagi sa sarili at malalim lagi ang iniisip. He's not his usual self." Kuwento naman nito sa kanya.

"I know it's not my business but, please save him. Bago siya tuluyan bumalik sa dati niyang sarili. And don't stop fighting for him. Sigurado ako na mahal ka niya. Marahil ay talaga lang nasaktan siya kaya ganyan siya."

"Kaya sana huwag kang sumuko." Pagpapalakas pa ng loob nito at ngumiti pa sa kanya. Kung hindi niya marahil naka usap ito ay talagang susuko na siya.

Pero, tama ito dapat niya itong ipaglaban hanggang sa patawarin siya nito. Kung kina kailangan ay sundan niya o kahit ligawan pa ito ay gagawin niya. Kagaya na lamang ng lagi nitong ginagawa para sa kanya. Basta patawarin siya nito.

"Salamat po, and I don't plan on giving up on him." Pag gagarantiya niya dito at ngumiti bago siya umalis.

*****

Tantanan tantanan tantanan tantanan

Tan tan tan.

Oh di' ba? Breaking news lamang ang peg ng ating bida.

Ha- ha.

Kahit sino ka pa, ano ka pa. Hindi ka uubra sa kanya.

Even the president.

Hmmm..

Malapit na ending kaya tutok na!

Marami pang mangyayari.

At walang bibitiw!


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C61
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄