Saoirse's POV
Kinaumagahan*
Tulog pa si Sinead at nag iisip ako ng bagay na pwede kong gawin sakanya na pwede siyang kiligin at ma inlove saakin. Hmm wala na akong damit at kailangan ko munang manghiram sa kanya. Wala na akong mahika kaya maghahanap ako ng paraan.
Tinungo ko ang lalagyan niya ng damit at hinila ang isang malaking shirt at boxer. Masyadong maluwag saakin ang boxer kaya nag brief nalang ako. Pag hila ko ng damit ay may sumamang papel. Wait ano bato? Isang papel na naka silid sa isang plastic envelope, ano kaya ang laman neto? Listahan ng mga porn star? O listahan ng kayamanan ni sinead? Manakawan nga to minsan-joke! Dahil nga dakilang chismosa ako at magandang anghel ako binuksan ko ang envelope na may laman na papel.
Birth Certificate? Yan ang nabasa ko, ibig sabihin birth certificate to ni Sinead?
At may nakasulat na date of birth, June 19, 1999? Wait anong date ba ngayon?
Napatingin ako sa calendar na malapit sa cabinet, at nakita kong..... June 19 ang date ngayon! Hala anong gagawin ko? Dahil ipinanganak sya noong 1999 ibig sabihin ika 21 na nya ngayon? Dapat ma celebrate nya to, pero base sa mga kilos nya parang wala nmn syang pakealam.
Uhm. Ano kayang gagawin ko para ma celebrate yun? Magluluto nalang siguro ako, pero hindi niya gusto mga luto ko kahit masarap naman.
Hayst kalerking buhay to.
Magoorder nalang kaya ako! Kaso parang hindi espesyal. Sige na nga ako na magluluto. Bibili nalang ako sa tindahan ng kanyang cake. Sus tong lalaking to di man lang nag sabi na kaarawan niya. So dapat kumilos naako ngayon.
Naligo na ako at nagbihis. Siyempre wala akong pera, kaya kukupit nalang muna ako. Credit card nalang pala para sosyal.
Papunta nako ngayon ng mall para bumili ng aming kakailanganin. Naka oversized shirt ako at naka brief. Shhhh wala naman sigurong makakahalata na naka brief lang ako ngayon kasi di naman ako bubukabukaka don.
Nabili kona ngayon ang aking nga kakailanganin. 2 hotdog 2 itlog sinigang mix luya repolyo at marami pang iba. Mag eexperimento ako ngayon. Sinabawang itlog na may hotdog at repolyo na may luya at sinigang mix.
Akmang aalis nako ng mall ng may lumapit saakin, isang lalaki at hinipuan ako? Wait natameme nlng ako at tila di alam ang gagawin.
"Guaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrrrrrrrddddddddd!!" sigaw ko.
"Yes maam? "
"Habulin niyo yung lalaking yun(turo ko). Yung naka pula hinipuan ako. Napakamanyak niya sige na." pasigaw n apagsabi ko
Naghabulan silang dalawa. It takes 1 hour pa siguro bago mahuli ang manyak nayon.
Presinto*
"Uhm maam pwede po ba malaman pangalan niyo?"
"Saoirse po"
"buong pangalan po?"
Naku patay wala akong lastname bahala na.
"Saoirse Arevalo at boyfriend ko si Sinead Legaspi." pagmamayabang ko kahit di naman totoo.
"Uhm maam gusto niyo po bang ipakulong to? "turo ng pulis.
"Opo kuya."
"Maam wag po maawa po kayo sakin may pamilya pa po akong binubuhay at na curious lang naman po ako dahil wala kayong shorts at alam ko pong naka panty lang po kayo! " pagmamakaawa ng lalaki.
"Sus Sir sinungaling po siya! "
"E inako niya na kasalanan niya ha? " si police.
"Sirr. Hindi po ako nakapanty! Naka brief po ako. Gusto niyo ipakita kopa? " sabi ko rason na pagtawanan nila ako.
Ano ba ang masama sa brief at least ako nag uunderwear pa yung nagbabasa wala. Charrr
"Maam patawarin niyo na po ako." paiyak na pagmamakaawa ni kuya.
"O..." Hindi ko pa napatapos ang aking sinasabi ng may pumasok na isang gwapong lalaki. Si Sinead.
Pagdating niya ay nagulat ako sa ginawa niya. Kahit pulis ay natameme sa kanya. Sinuntok niya sa mukha sa tiyan at sa iba pang parte ang isang lalaki.
Huhh bakit niya ginawa yun.
"Sir ikulong niyo ito." sabay turo sa isang lalaki.
"Huh bakit po e janitor po namin iyan dito."
"Huhh e sino yung humipo sa kanya" sabay turo saakin.
"Siya po o" turo sa nakapulang humipo sa akin.
"Ay putangina."
Agad niya sanang susuntukin ang lalaking talagang humipo sa akin ng harangan ko ito. May gad bakit sa lahat ng pwede kong iharang mukha kopa. Imbis na dito lang kami sa presinto mukhang mahohospital pako.
Bigla nalang nandilim ang aking pananaw at nawalan ng malay. Sus ikaw ba naman suntukin sa mukha ng isang basag ulo siguro pati utak mo dadami.
Hospital*
Pagdiñat ko ng aking mga mata ay nakaupo lang ako sa isang silya kung saan ginagamot ang namamaga kong ilong.
"Bakit kapa kasi lumabas? "
"Ah eh alam ko kasi na birthday mo kaya nagplano ako na ipagluluto kita."
"Haystt pano mo nalaman? "
"Di na mahalaga yon, basta happy birthday. "
"Hmm Salamat.".
"Ok na po ang pasyente at pwede napong i uwi painumin lng po siya ng hamot at gagaling din agad iyan."
Sinead's POV
Kakagising kolang galing sa tulog at bumungad sa akin ang isang text message.
"Sir Sinead Legaspi your girlfriend Saoirse Arevalo was at the precinct to accuse the man who touched her private part at the mall. Were inviting you to come over here."
Thankyou..
Huh anong nangyari sa kanya? At bakit siya nagpakilala bilang girlfriend ko. Sus tong babaeng to mahal din pala ako. Siguro oras nadin para magtapat sa kanya.
Ang dapat kong gawin ngayon ay wag mag isip at umalis na.
Presinto*
Pagbaba ko palang ng sasakyan ay agad na nangdilim ang paningin ko sa lalaking mukhang adik at alam ko sa sarili ko na siya nga ang humipo sa girlfriend ko, i mean future girlfriend.
Tumakbo akong papasok at agad na sinuntok siya ng malakas.
"Sir ikulong niyo ito." sabay turo.
"Huh bakit po e janitor po namin iyan dito."
"Huhh e sino yung humipo sa kanya" sabay turo ko kay Saoirse.
"Siya po o" turo sa nakapulang lalaki.
"Ay putangina."
Agad ko na sanang susuntukin ang lalaking talagang humipo sa Gf ng harangan ito ni Saoirse.
Agad siyang nahilo at nawalan ng malay dahil sa sakit ng suntok ko.
Dinala ko siya sa hospital at umuwi na din kami matapos siyang gamutin. Sobrang awang awa ako sakanya sa rasong di ko alam. Sa lahat ng naging gf ko siya lang ang pinahalagahan ko ng sobra. Sus di pa kayo ni Saoirse, sinead wag umasa ng bonggang bongga.
Hope you guix vote and comment..
To be continued...