Hay sa wakas natapos rin ang nakakabadtrip na araw na ito. Nasa pintuan na ako ngayon ng bahay namin at ine-expect ko na rin na sa pagbukas ko nito ay bubungad sa akin ang mukha ni Dad na nakatatakot at ready na akong bigyan ng sermon. But then, surprised!
Wala. Expectation failed.
"Magandang hapon, Lady Xeña," bungad sa akin ni Manang Lucia. Tumango na lamang ako sa kanya at nilagpasan na ito para dumiretso sa kwarto ko. Pero natigil ako sa paghakbang nang magsalita siya.
"Lady Xeña, gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na dalawang linggo pong wala rito ang inyong magulang dahil sa may inaasikaso silang negosyo sa Japan."
Oh! Kaya pala. Ibig sabihin, si Zyrille na naman ang makasasalamuha ko dito. Well, mga kasambahay na rin.
"As always," yun na lamang ang nasabi ko at umakyat na ako sa hagdan papuntang kwarto ko.
Pagbungad ko pa lang, tumihaya na ako sa kama kong may kulay turquoise na sapin. Nakatingin sa kisameng may mga snowflakes na design kung saan umiilaw ito 'pag nakapatay ang ilaw. Hay! This room really gives me comfort. Iidlip na sana ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko ito at nakitang nag-message si Dad.
'Such a shame.'
It's just a three words but I already get what he wants to point out.
As always, Dad.
Nabanggit ko na lamang hanggang sa nakatulog na ako.
--
Napabalikwas na lamang ako sa aking hinihigaan nang maramdaman kong kumukulo ang tiyan ko.
Haiist. Nakatulog na naman akong hindi nakakain ng dinner. Hinanap ko muna ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. It's just 5:00 in the morning.
Argghh. Gutom na ako pero siguradong wala pang nakahain na pagkain nito sa mesa ng ganito kaaga.
Pero bumaba pa rin ako. Nagbabakasakaling mayroon.
Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Manang Lucia na nagtitimpla ng kape.
"Napaaga yata ang gising niyo, Lady Xeña," halatang nagulat sa pagkagising ko.
"Manang, gutom na po ako," sa nasabi kong iyon, doon natauhan si Manang at siguradong naalala niyang hindi ako nakapagdinner kagabi.
"Ay sorry Lady Xeña, hindi kasi namin kayo magawang gisingin kagabi. Eto na lang po, ipaghahanda ko na lamang po muna kayo ng sandwich tapos mag-uumpisa na rin akong magluto," sabi niya at tumalikod na para maghanda.
"Ahm, ako na lang po ang gagawa sa sandwich ko. Mag-umpisa na lang po kayong magluto," kinuha ko na sa kanya ang tinapay at palaman na siyang hawak niya.
"Masusunod po," yumuko ito tsaka pumunta na sa ibang sulok ng kusina para maghanda sa iluluto niya.
Si Manang Lucia ang pinakamatandang kasambahay sa pamamahay namin na siya ring pinakapinagkatitiwalaan ng pamilya ko at siyang nirerespeto ng lahat ng mga kasambahay. Well, kahit kami. Sa sitwasyon ko, nagagawa niyang punan ang pagkukulang o sabihin nating ang hinahanap ko sa mga magulang ko. Yung parang sa kanya ko naramdaman ang silbi ko bilang isang anak.
Napangiti na lamang ako habang ipinapatong ang palaman sa tinapay.
Nag-uumpisa na akong kumagat sa sandwich ko nang may sumagi sa isip ko.
That damn guy yesterday.
I cannot help but to be curious on him. Aissh, Xeña you're not interested with him specifically on his name, right? But why is it that he looks so familiar? Ah, nevermind.
Well, after lang naman naming sumabay kumain kahapon ng umaga ay nauna na siyang umalis sa akin. Akala ko nga ay pupunta na siya ng room namin pero pagdating ko roon ay wala naman siya. Hanggang sa hapon naming klase ay hindi siya pumasok. Tss, having cutting class.
By the way, ano na naman kayang mangyayari sa araw ko ngayon? Probably, a bunch of flies again gossiping about me. Tss, makapagdala nga ng headphone mamaya.
"Already eating, huh?"
Tss, Zyrille. Inirapan ko na lamang siya.
"Magandang umaga, Lady Zyrille," bati ni Manang sa kanya.
"Magandang umaga din, Manang," bati niya together with her oh-so-sweet smile.
"And also to you my dearest sister," Yeah. She's also sweet when it comes with me. Hindi siya galit o may problema pagdating sa akin. Sadyang ako lang talaga ang mayroon. And I know na alam niya yun, but then heto sinusuklian niya pa rin ako ng magandang pakikitungo. Kagaya ngayon, hindi ako tumugon sa pagbati niya na parang wala man lang akong narinig. Well, sanay na rin siya sa pagiging cold ko at sa madalas kong di pagpansin sa kanya.
Umupo siya sa upuang nasa harapan ko at gumawa rin ng sandwich.
"Oh, by the way, I already put on your bed the two pairs of formal school uniform which is preferably you need to wear one of it today and also your P.E uni is there," she said then ate her sandwich.
"Yeah."
Well, she's the SC Prez and she's already using her position now even though we're not on the school yet. Tss, great.
--
Nandito na kami ngayon sa academy. Well, kami because I am with my sister now. Hinatid kami ng aming personal driver. Nauna na akong bumaba ng sasakyan at lumakad na papuntang classroom ko. Tss, ang daming usyosa. Isinawalang bahala ko na lamang ito at diretsong lumakad na.
Yeah, naka-uniform na ako. It is just a gray-colored coat with a white long sleeve inside paired by a black mini-skirt and I just wear a white rubber shoes as it suits on the uniform. Infairness, I find their uniform cool.
Pagpasok ko pa lang ng room, nasa akin na agad nakatuon ang mata ng mga kaklase ko. Tss, whatever guys!
Nagkibing balikat na lamang ako at dumiretso sa kinauupuan ko. Pagkaupo ko, may narinig agad akong nagsalita.
"Baguhan pa lang, nanlalandi na agad," mula yan sa babaeng nasa unahang gilid ko.
Aha! Para ba sa akin yan? Ako nanlandi? Di nga?
Ang headphone na nakalagay sa aking leeg ay isinukbit ko na lamang sa aking ulo para di na makarinig ng kung ano-anong magpapasira sa araw ko. At isa pa, hindi naman ako guilty para patulan ang sinabi niya.
Maaga pa naman, kaya napapikit na lang ako habang dinadama ang kanta.
Pero maya-maya'y may kumuha na lang basta sa headphone ko kaya bigla akong napamulat.
"What?" Inis kong tanong sa babaeng pinaparinggan ako kanina.
"I'm talking about you, bitch," mataray niyang sabi sa 'kin.
"Well, then I do not talk to another bitchy, bitch," sagot ko sabay hablot ko sa kanya ng headphone ko. Tss.
"Huh, what did you say?" Hamon niya at nagcrossed arms pa.
"Bingi ka ba o di mo lang matanggap?" inismiran ko na lamang siya at marahas akong tumayo para talikuran siya at lumabas muna.
"Don't you dare turn your back on me bitch!" Sigaw niya at hinablot niya ang kamay ko para paharapin ako at...
Marahas kong nakuha ang kamay niya na akmang sasampal sa akin.
"And don't you ever try to slap me, bitch," tinulak ko siya ng bahagya bago bitawan ang kamay niya at dumiretso na sa labas.
Aisshhh! That girl.
--
Pabalik na ako ng room ngayon. Galing lang naman akong comfort room at nag-ayos lang naman ng sarili ko.
Pagkapasok ko, maya-maya'y pumasok din si Ma'am mula sa kabilang pintuan.
"Good morning class."
"Good morning, Ma'am."
Sumulyap siya sa katabing upuan ko.
"Hmm, Mr. Faulker is not yet here, huh. Anyway, get your book and turn it to page 56 then answer the problems there in a 1 whole sheet of paper," sabi ni Ma'am.
Napatingin ako sa kabilang upuan. Faulker? What the --! He's a Faulker? The one who owns this damn school? Pshh, I'm not interested.
Kinuha ko na din ang libro ko sa bag. Well, kahapon ko lang din naman 'to nakuha.
Kinuha ko na din ang ballpen at papel ko. Tiningnan ko ang nasa pahina and there 10 Math problems lang naman. Psh, easy! At dahil sa ginaganahan ako ngayon, napagpasyahan ko na lamang sagutin lahat ito.
Matapos ang 45 minutes, natapos ko na ang problems at tumayo na para ipasa kay ma'am. Napapasulyap naman sa akin ang mga kaklase ko.
"Hmm, Miss Fuentella, bilis ha," komento niya na nginitian ko lamang siya.
Pabalik na ako sa upuan ko nang magsalita siya.
"By the way, your next subject teacher is not around so Miss Fuentella, you can go now if you want. Anyway, 13 minutes left," saad niya.
Sa sinabi niyang iyon, niligpit ko na ang gamit ko at umalis na.
Dahil sa wala naman akong klase sa loob ng isang oras, pinili ko na lamang pumunta sa cafeteria.
At pagdating ko dun, I'm disappointed.
Akala ko magiging tahimik ang cafeteria sa ganitong oras pero heto, marami na ang nakatambay. Ok, i don't have choice. Nagutom ako sa pag-solve eh.
Umorder ako ng chocolate drink at 2 slices of pizza. Then umupo malapit sa may bintana.
"Can we sit here?" May nakalapit na palang dalawang babae sa 'kin. Hindi ako kumibo. Umupo sila sa harapan ko.
"New student?" Tanong ng babaeng kaharapan ko. Tss, obvious. Nanatili akong walang imik.
"You're the girl yesterday right? Together with our Alas?" Tanong naman ng isa. Alas, huh? Tss.
Fuck!
"Oops, sorry nadulas."
Napatingin ako sa damit ko. Damn! Binasa lang naman ng babaeng nasa harapan ko ang aking uniporme. Sinadya niyang matumba ang basong may orange juice sa direksyon ko.
Napatayo na ako but then, hindi ko naman inaasahan ang susunod na tatama sa akin.
"U-oh, sorry, natapon," hirit naman ng isa.
Napapikit na lang ako. Itinapon lang naman ng babaeng ito ang spaghetti sa mukha ko.
"Infairness, it suits you girl."
"Suits for a bitch, hahaha."
They are really losing my patience here. Kaya naman, ang dalawang slice ng pizza ko ay itinapon ko sa mukha ng babaeng nagtapon sa akin ng spaghetti at ang chocolate drink ko naman ay sa babaeng nagtapon ng juice sa 'kin. Sabay kong itinapon yan sa kanila, ha.
"Shocks!"
"Oh my gosh!"
"Then, it's fair, bitch," sinukbit ko na ang bag ko at akmang tatalikod.
"YOUUU!" Nahila ng isa ang buhok ko kaya hinawakan ko ang kamay nito at binalibag bago siya itulak sa sahig.
"FREAAKKK!" Sugod naman ng isa para sampalin ako pero hinawakan ko lamang ang kamay neto at itinulak ng marahan.
Kaso nasipa naman ng nauna ang paa ko at nagmadali siyang tumayo at ako naman ang napasalampak sa sahig. Aissh!
Akmang susugurin na naman niya ako ulit pero bigla naman siyang napatigil.
"Do or die."
Mula yun sa isang boses na nagmumula sa likod ko.
"A-alas."
"S-scarlet P-primos."
Halata sa dalawa ang matinding pagkagulat gayundin ang takot sa kanilang mukha. Napansin ko rin na biglang naging mabigat ang atmospera sa loob ng cafeteria. Naging tahimik ang paligid na para bang natigilan ang lahat sa presensiya ng dumating.
Nanatili akong nakaupo sa sahig at hindi magawang tingalain ang lalaking nagmamay-ari ng boses na yun na siyang nagpatigil sa kumosyong nagaganap sa cafeteria.
"Such a great welcome for us, huh," boses ng isa pang lalaki. Ibig sabihin, hindi lang isa ang nandirito sa likod ko. Marahil ay isa itong grupo kaya ganyan na lang kabigat ang nararamdaman ng lahat.
"That girl, she--"
"Three."
Walang kung ano-ano ay bigla na lamang napaatras ang dalawa at nagmadaling lumayo sa kinaroroonan namin.
Damn Faulker.
Itinukod ko ang kamay ko sa sahig para magawa kong makatayo pero may humawak naman sa aking braso na nagawa akong patayuin.
"Hey, you alright?" Isang lalaking may maputing balat, blonde ang buhok at may pagka-singkit ang mata nito. In short, he's like a Korean guy. Psh, tinanong pa talaga ako kung okay, huh. Inalis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Here's your bag, Miss," isang lalaking may katamtamang kulay, maitim ang buhok, at napakaamo nitong tingnan. Kinuha ko sa kanya ang bag ko.
"Err, gross," napataas ako ng kilay dun. Kalalaking tao ang arte. Well, infairness huh, he's such a gorgeous guy. With his white complexion, black hair, and having a cross-design earring in his left ear.
"So, how's the feeling of being welcomed like that?" Tss. He's the guy who commented a while ago that made me think that it's not only one guy who made the atmosphere in this cafeteria heavy. Well, he looks like a badass. Having a brown complexion with his red-dyed hair and then added by an earring circling on the top of his right ear. Inirapan ko na lamang ito.
Napadako naman ang tingin ko sa lalaking tumikhim. Well, nasa harapan ko lamang siya at yan na naman po, binibigyan na naman niya ako ng nakalulusaw na tingin.
Psh, it's really his fault, eh.
"Damn you! It's all about you, Mr. Faulker. Kung pinabayaan mo lang sana ako kahapon, it's not going to happen then. Damn, your bitchy fangirls," sinadya kong sagiin ang braso niya at lumakad na. Nagbigay naman ng daan ang mga kasamahang nasa likuran niya.
Fuck, hindi ako makalakad ng maayos. Mali yata ang pagkakatumba ko kanina. Heck that freaking bitch.
Pero ang loko may pahabol pang sinabi.
"I thought you're not interested on my name."
Tss, what is he thinking?
Tumigil ako pero hindi ako humarap sa kanila.
"Well, I'm not. It's just that I know your surname but not your full name in a not to be avoided way, --fuck!"
Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang sarili kong umangat.