CHAPTER THIRTY ONE
Cyborg
BUMANGON si Raiko mula sa kanyang pagkakahiga noong marinig na nagsarado na ang pintuan ng kanyang kwarto, nagpakawala sya ng buntong hininga bago binalingan ang pintuan na nilabasan ni Xiyue.
Napahawak sya sa kanyang batok at tumingala sa kisame habang inaalala ang nakita sa batok ni Xiyue kanina. Hindi man sya sigurado ngunit alam nya sa sarili nya na may ibig sabihin ang nasa batok ng dalaga, kaya upang malaman na ni Raiko kung ano nga ba talaga ang nasa batok ng dalaga ay kinuha na nya ang kanyang cellphone na nasa gilid ng kanyang kama at tinawagan ang isang kaibigan.
Ilang ring lamang ay sumagot na agad ang nasa kabilang linya na si Cali. Huminga muna ng malalim si Raiko bago sumandal sa dingding ng kwarto at nagsimula ng magtanong kay Cali habang hindi pa nagsisimulang magmura ang dalaga, dahil alam ni Raiko na sa oras na magmura na ang dalaga ay wala na iyong tigil.
"How are you doin', Cali? I heard about what happened outside the City Academy, is everything okay now?" Pagsisimula ni Raiko sa pagtatanong bago ipinikit ang kanyang mga maya para pigilan ang mga pumapasok sa isipan nya.
"Hell no, Raiko. But I'm fine, thanks to my cloning ability. Insert sarcasm." Muling nagpakawala si Raiko ng buntong hininga noong marinig ang sagot ni Cali sa kanya.
"May malakas na lindol ang nangyari na nagpayanig dito, Raiko. Hundreds of people died. Gusto kong tumulong pero anong magagawa ng ability ko, hindi ba?" Halata ang inis at lungkot sa boses ni Cali sa kabilang linya na dahilan upang hindi agad makabawi si Raiko at makasagot.
Minsan lamang magalit si Cali dahil kilala ni Raiko ang kaibigan bilang isang kalmado at laging kontrolado ang emosyon, ngunit siguro ngayon ay malala na ang nangyari sa Mortal world dahilan kung bakit nawala na ang kontrol ni Cali sa kanyang emosyon. Isa rin siguro sa dahilan ay ang kagustuhang tumulong ni Cali ngunit wala syang magawa, katulad na katulad ni Raiko.
"Nakakainis. I know it's natural disaster, pero may napapansin akong kakaiba eh." Agad na nagsalubong ang kilay ni Raiko dahil sa sinabi na iyon ni Cali sa kabilang linya.
"What is it?"
"Kakatapos lang ng malakas na lindol, ngayon naman ay nag-aalburoto ang malaking bulkan sa kabilang bayan. Napansin ko rin kanina 'yung ulap na nagfo-form into circle? I know it's weird, and you might not believe in me, but i swear i saw it right after the earthquake. Do you think it's weird, Raiko?" Naigilid ni Raiko ang kanyang mga mata at tila pinoproseso ang mga sinabi ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya.
"Nakita mo na ba si Raixon at ang iba pa d'yan?" Pagbabalik ng binata ng tanong kay Cali, bahagyang natahimik ang nasa kabilang linya kaya naman tumayo na si Raiko at tumingin sa bintana ng kanyang kwarto.
"Yeah, nakita ko sila. But unfortunately, wala rin silang magawa. Pagkatapos nilang masiguro na ligtas na ang lahat, nagpaalam na rin sila na babalik na sila d'yan sa Academy." Nagtiim ang bagang ni Raiko habang pinagmamasdan ang kalangitan na unti unting dumidilim dahil sa maiitim na mga ulap.
"Okay, ako nalang ang magsasabi sa kanila." Sagot ni Raiko at muling bumalik sa kanyang kama, huminga sya ng malalim bago subukang i-open up ang mga katanungan na nasa isipan nya ngunit agad din naman syang naputol noong mabilis na tinanong sya ni Cali.
"Level 5 ka, diba? Bakit hindi ka kasama kayla Raixon?" Napakurap kurap si Raiko at hindi agad nakasagot, ngunit kalauna'y mahina syang napatawa bago sinagot ang tanong ni Cali.
"I hope i can, but I'm poisoned at kahit wala na ang lason at toxins sa katawan ko, kailangan ko parin daw magpahinga. They won't let me go out in my room, so... Yeah." Sagot ni Raiko na may katotohanan naman kahit papaano, dahil hindi talaga sya pinapayagan lalo na ni Xiyue at ni Aron na lumabas ng kanyang kwarto dahil baka may mga naiwan pa na toxins sa katawan nya na mas lalong ikalalala ng kalagayan ni Raiko.
"Kaya pala. But your ability is powerful, kayang kayang tanggalin ng kapangyarihan mo ang lason at toxins sa katawan mo. How i wish I have the ability like you guys, unlike this cloning ability. Useless." Matapos marinig ni Raiko ang sinasabi na iyon ni Cali ay tila may isang ilaw ang lumabas sa kanyang ulo at naghudyat na iyon na ang pagkakataon upang tanungin si Cali.
"About the cloning, paano ba malalaman kung clone lang ang isang tao?"
-
HINDI maiwasang hindi mapatingin si Aron sa kalangitan dahil patuloy lamang na nababalutan iyon ng maitim na ulap dahilan upang magdilim rin ang paligid. Walang ilaw at kuryente sa bawat bayan dahil sa malakas na pagyanig, kaya malaki ang pangamba ni Aron maski ni Raixon kung patuloy na magdidilim ang langit.
Kasalukuyang tinatahak nina Aron, Raixon, Westley, Mali at Xieke ang daan patungo sa isang liblib na lugar upang sana masiguro kung ligtas na ba ang lahat at wala ng naiwasan pa.
"I think this is weird." Saad ni Mali na nakapagpahinto sa kanilang apat at binalingan si Mali na nahuhuli na, mahina lamang ang pagkakasabi ni Mali ngunit dahil sa tahimik ng paligid ay agad na narinig iyon ng mga kasama nya.
"What weird, Mali? It's a natural disaster, malas lang dahil malakas ang naging pagyanig." Sagot naman ni Xieke at sumandal sa katawan ng punto at pinagmasdan ang mga kasama nya, dumako ang paningin ni Xieke kay Raixon na tahimik lamang at matatalim ang mga mata na nahuhuli nyang minsan ay sumusulyap sa kanya.
Nagtaas lamang ng kilay si Xieke at bumaling na lamang sa ibang direksyon. Ngumisi naman si Raixon dahil nakita nya ang ginawang iyon ni Xieke sa kanya, agad na kumuyom ang kanyang kamao at napailing. Kailangan nyang pigilan ang galit nya kay Xieke, dahil kung hindi lamang sila nasa Mortal na mundo at walang kalamidad na nangyari ay baka hawak na nya ang leeg ni Xieke.
"Damn this guy, he's really getting into my nerves." Mariing bulong ni Raixon at nagpatuloy sa kanyang paglalakad, nagakatinginan naman sina Aron at Mali dahil sa ginawa ni Raixon ngunit hindi na lang sila nagsalita pa at sumunod na lamang din sa paglalakad.
Huminto ang lima sa tapat ng isang ilog, hindi gaanong malalim ang ilog ngunit malawak iyon at ilang metro ang haba patungo sa kabila. Tahimik lamang ang lima at walang nagtatangkang basagin ang katahimikan dahil sa nararamdaman nilang tensyon kayla Raixon at Xieke.
"Something is really weird here, guys." Saad ni Mila bago pinigilan si Aron na naglalakad sa gilid nya.
Huminto naman si Aron at kunot noong binalingan si Mali na nakipagtitigan din naman sa kanya, unang nagbawi ng tingin si Aron at binalingan ang mga nauuna ng mga kasama nila.
"You're thinking too much, Mila. Tara na." Nauna ng maglakad si Aron sa dalaga, habang si Mila naman ay nakatingin lamang sa likod ni Aron na mabagal na naglalakad papalayo sa kanya.
Susunod na sana si Mila sa binata nang maramdaman nya nanaman ang kakaibang aura ng paligid at ng daan na tinatahak nila. Madilim na ang paligid, at wala silang dalang kahit na anong pwedeng gawing ilaw kaya medyo nahihirapan ang lima na makita ang paligid.
Nabaling ang mga mata ni Mila sa isang direksyon kung saan may malaking bato, at sakto naman na kumidlat dahilan upang kahit na sandali ay magliwanag ang paligid. Nanuyo ang lalamunan ni Mila noong maaninag kung ano ang mayroon sa malaking bato, at kahit na nanginginig ang tuhod dahil sa takot ay minabuti nyang dahan dahang puntahan ang bato na iyon.
Nanlalaki ang mga mata ni Mila dahil sa nakita, at akmang tatakbo na sana sya para ipaalam sa mga kasama nya noong mapatili sya ng malakas dahil sa malamig na kamay ang humawak sa kanyang pulsuhan.
Nagpupumiglas si Mila ngunit sadyang malakas ang kung sino mang nakahawak sa kanyang pulso at wala syang magawa kundi ang sumigaw na lamang.
"Hey, Hey. It's me, Mila. Calm down," tumigil sa pagtili si Mila at nanginginig na tinignan ang lalaking nasa kanyang harapan, nakahinga sya ng maluwag noong makita na si Aron pala ang nakahawak sa kanya at sinundan pala sya nito.
"What the heck is happening here?" Nabaling ni Mila ang mga mata sa mga kasama nila na habol habol pa ang hininga at halatang tumakbo patungo sa direksyon nilang dalawa ni Aron.
"And why the hell are you screaming like there's no tomorrow?" Dagdag na tanong pa ni Xieke sa sinabi ni Raixon bago binalingan si Mila na napa-upo na lamang at nagtakip ng kanyang mga mata.
"Marahil sa nakita nyang mga bangkay ng tao. Raixon, look. There's a body everywhere." Sagot ni Aron at tinuro ang direksyon kung saan tila naging tambakan ng mga katawan ng mga namatay na tao.
Nangunot ang noo ni Raixon dahil sa sagot ni Aron, binalingan nya muna si Xieke bago naglakad papalapit sa isang katawan na nakahandusay sa gilid ng bato. Iyon ang unang nakita ni Mila.
Nag-squat si Raixon upang siyasatin ang katawan ng tao habang si Westley naman ay tinulungan si Mali na makatayo upang ilayo sa lugar na iyon. Ramdam kasi ni Westley ang sobrang takot ni Mali sa mga natagpuang bangkay base pa lamang sa pagtili nya kanina.
"Calm down, okay? It's alright, tinitignan na nila Raixon ang katawan." Pagpapakalma ni Westley kay Mali na umiiyak parin hanggang ngayon marahil dahil sa takot.
Napabuntong hininga na lamang si Westley dahil hindi nya magawang patahanin si Mali, mabuti na lamang at lumapit sa kanilang dalawa si Aron na mas malapit at kilala si Mali.
"Ako ng bahala dito, West. Pumunta ka kayla Raixon para tignan ang mga katawan." Saad ni Aron na agad namang ikinatango ni Westley at tinapik sa balikat ang binata bago patakbong bumalik sa kinaroroonan nila Raixon at ni Xieke.
"Look at their eyes, it's all white." Narinig ni Westley na saad ni Raixon kay Xieke na naka-squat na rin upang tignan kung ano nga ba talaga ang nangyari sa mga katawan ng tao.
Lumapit na syang tuluyan sa dalawa at tinignan nga ang mga mata ng isang lalaking wala ng buhay, nanungot agad ang noo nya noong makita na puro puti na ang mga mata nito. Tumayo sya kasabay nina Raixon at ni Xieke, nagkatinginan ang tatlo na tila naguusap sila gamit ang kanilang mga mata.
"This is weird. Mayroong demonyong tao ang nasa likod ng mga pangyayaring 'to." Saad ni Raixon na agad sinang-ayunan ni Xieke.
"Right. Pakiramdam ko ay planado ang malakas na lindol at ang pag-aalburoto ng bulkan, kasabay pa ng pagdilim ng kalangitan. Someone is behind of all this shits happening." Dagdag pa ni Xieke na ikinatango ni Raixon, nagbuga naman ng hangin si Westley at nagpamewang habang nakatingin sa mga katawan na nakahandusay sa lupa.
"We need to go back to the Academy and ask about this to Raiko. I'm sure he knew what's happening, at sigurado akong alam na nya ang gagawin para mapigilan na agad ang masamang binabalak ng demonyong nilalang na 'yon." Sagot ni Westley bago mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan nila Aron at Mila upang ipaalam kung ano nga ba talaga ang nangyayari.
-
"Is that so?" Tanong ni Raiko na tila naninigurado sa mga sinabi sa kanya ni Cali na nasa kabilang linya, pumikit si Raiko upang mag-isip.
She's not a clone, but what's in her nape? Tanong ni Raiko sa kanyang sarili bago binaba ang cellphone na kanyang hawak.
Naalala nya muli ang sagot ni Cali noong tanungin nya kung paano malalaman kung clone lamang ba ang isang tao.
"Mahirap malaman kung clone lamang ba ang isang tao na nakakasalamuha natin, pero malalaman mo naman 'yon base sa kinikilos ng tao. At kung kilala mo ang tao na 'yon ay mas madali mong malalaman kung clone lamang ba o hindi. Pero sa sinasabi mong parang tattoo sa batok? Hindi ko alam kung ano 'yon, but I'm sure na hindi 'yun clone dahil walang makikita na ganon sa batok kahit clone lang ang isang tao."
Napapikit si Raiko at hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. Naguguluhan na sya, at isa lang ang naiisip nya na paraan para malaman kung ano nga ba talaga ang nasa batok ng dalaga.
Tumayo si Raiko sa kama at akma na sana syang lalabas ng kwarto noong marinig nya ang malakas na pagkabasag ng bintana, nang tignan nya iyon ay tumiim agad ang kanyang bagang dahil sa nakita.
"There you are, Raiko." Malalim ang boses nito, at kilalang kilala ni Raiko ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon.
May pakpak itong kulay puti, pero sigurado si Raiko na hindi isang anghel ang nasa harapan nya. Leo. Iyon ang pangalan ng lalaking nasa harapan nya kung hindi sya nagkakamali.
"Matagal ko ng inaantay ang pagkakataon na 'to, at ngayong wala ka ng kapangyarihan, madali na lamang sa akin ang patayin ka." Dagdag pa ni Leo at unti unting lumapit sa direksyon ni Raiko, samantala ang binata naman ay tahimik lamang at naghihintay ng susunos na galaw ni Leo.
"Sayang ang kapangyarihan mo, Raiko. Pumatay ka kasi ng maraming nilalang, 'yan tuloy... Naparusahan ka." Sinundan nya iyon ng isang pagak na tawa na ikinakuyom ng kamao ni Raiko. Masama nyang binalingan ng tingin si Leo na tumatawa parin hanggang ngayon sa kanyang harapan.
"Oo nga pala, narinig ko ang pinag-usapan nyo ng kausap mo. And guess what? I know what's in Xiyue's nape." Nakangising dagdag ni Leo na ikinatiim ng bagang ni Raiko, nakatikom lamang ang mga labi ni Raiko at nalalasahan na nya ang kalawang dahil sa diin ng kanyang pagkakatikom sa kanyang bibig.
"But it's too early to tell it to you. Maglaro muna tayo, you know I love games, right?" Hindi nag-aalis ng tingin si Raiko sa lalaking nasa harapan nya kaya madali nyang nakita ang paggalaw ng kamay ni Leo hudyat na gumawa na ito ng pag-atake sa kanya.
Ilang segundo lamang ay napahawak na sya sa kanyang leeg at naramdaman ni Raiko ang unti unti nyang pag-angat sa ere. Kahit na nahihirapang huminga si Raiko ay binibigyan nya parin ng mga masasang tingin ang lalaking nasa harapan nya, lumapit naman agad si Leo kay Raiko at ngumisi ng nakakaloko.
"Ano ang pakiramdam ng lulumutang?" Tumawa ito ng mala demonyo bago hinawakan si Raiko sa kanyang panga at malakas na inuntog ang ulo ng binata sa pader na malapit sa kanilang dalawa.
Ilang beses na ginawa iyon ni Leo kay Raiko hanggang sa magdugo ang ulo nito, pabagsak nyang binitawan si Raiko na agad tumilapon sa sahig. Napapikit si Raiko dahil ramdam na ramdam nya ang kirot at sakit ng kanyang ulo, alam nya na walang tigil ang pagdugo ng kanyang ulo dahil tumutulo rin iyon sa sahig kung saan sya nakasalampak.
"Sa tingin mo, Raiko? Ano ang nasa batok ng babaeng mahal mo?" Tanong ni Leo sa kanya na hindi naman sinagot ni Raiko.
Napadaing ng mahina si Raiko noong apakan ni Leo ang kanyang pisnge, walang magawa si Raiko kundi ang mapapikit na lamang dahil sa sakit na nararamdaman nya. Nanghihina na rin ito at umiikot na rin ang kanyang paligid gawa siguro ng malakas na pag-untog sa kanya ni Leo.
Kung may kapangyarihan lamang sya, ay kayang kaya nyang labanan si Leo na isang Earth Manipulator, ngunit tama nga si Leo na wala na syang magagawa dahil isa na lamang syang ordinaryo at mahinang tao.
Muling napadaing si Raiko noong hawakan ni Leo ang kanyang leeg at isinandal sya sa pader, unti unti ay umangat sya sa ere kasabay ng paghirap nya sa kanyang paghinga.
"She's not a clone, but she's a Cyborg. You hear me? She's a Cyborg. But don't worry, makakasama mo naman na ang babaeng mahal na mahal mo kapag pinatay na kita." Nawalan ng emosyon si Raiko, wala syang maramdaman kahit na sakit mula sa paghampas ni Leo sa kanyang ulo.
Paulit ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Leo. She's a Cyborg. At hindi sya tanga para hindi malaman at maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Leo na makakasama nya na si Xiyue kapag pinatay na nya ito. Xiyue is dead? No, that can't be. Hindi matanggap ni Raiko ang mga nalaman, gusto nyang hindi maniwala ngunit hindi nya magawa dahil kitang kita nya ang ebidensya.
Bumagsak ang katawan ni Raiko sa sahig, pinilit nyang bumangon at sumandal sa pader upang matitigan si Leo na tumatawa na sa kanyang harapan.
"I'm done playing, Raiko. Any last wish?" Nakangising tanong ni Leo kay Raiko na hindi sumagot, walang emosyon ang mga mata ng binata na nakatingin kay Leo at pinapanuod kung anong susunod na gagawin nito.
Ramdam nya ang galit sa kanyang puso, at unti unti na sya nitong nilalamon. Hindi na nya pinigilan pa ang galit na iyon dahil sa isip nya, anong magagawa ng isang ordinaryong katulad nya? Wala na syang kapangyarihan na kung hindi nya makokontrol ay makakapatay sya ng karamihan.
Binalingan ni Leo si Raiko na nakatingin lamang sa kanya at tila naghihintay na lamang na kitilan ng buhay, ngumisi si Leo ngunit agad din namang nawala ang ngisi na iyon noong makita ang mga usok na lumalabas sa katawan ni Raiko.
"No." Bulong ni Leo at agad na gumawa ng aksyon para agad na patayin si Raiko dahil sa nakikita nya ay hindi maganda kung papatagalin pa nya ang pagpatay dito.
Samantalang si Raiko ay nandidilim na ang mga mata, kaya hindi nya nakikita ang mga itim na usok na lumalabas sa kanyang katawan hudyat na nasa kanya parin ang kanyang kapangyarihan. Hindi na nya iyon makontrol, at ayaw na nyang kontrolin pa iyon. Nagpadala na si Raiko sa kanyang galit.
At noong sandaling tumayo si Raiko ay ramdam nya ang maitim na aura ang bumabalot sa kanya, napangisi si Raiko at mahinang napatawa at binalingan si Leo na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanyang direksyon. Tiim bagang ang ginawa ni Raiko at pinalabas ang kanyang weapon, at sa sandaling lumabas na ang kanyang armas ay lalo lamang syang napangisi dahil pati ang kanyang armas ay nababalutan ng itim na usok.
Alam ni Raiko na dapat syang kumalma, ngunit hindi na nya magawa pa iyon dahil sa mga nalaman kay Leo. Naputol ang pag-iisip ni Raiko noong makita na gumawa na ng pag-atake si Leo sa kanya, hinanda na ni Raiko ang kanyang sarili at sa sandaling tumama ang bato sa kanya ay agad nya iyon kinontrol at ginamit ang kanyang natitirang lakas upang ibalik kay Leo ang ginawa nitong pag-atake na nagtagumpay naman.
Bumagsak si Leo sa sahig, tanging ulo lamang nito ang nakikita dahil ang malaking bato ay tinatakpan ang kanyang buong katawan, sumandal naman si Raiko sa pader upang makakuha ng lakas ay siniyasat ang kanyang sarili bago tumalon mula sa nabasag na bintana pababa sa labas ng building.
Napahawak si Raiko sa kanyang ulo dahil sumasakit na iyon ng sobra at hindi na nya kaya pa, patuloy lamang sa pagdugo ang kanyang sugat sa ulo ngunit wala syang pakealam at mas binigyang atensyon ang mga boses na naririnig nya sa kanyang isipan.
"We need to go back to the City and tell Raiko about this."
"I saw it right. Nag-aalburoto ang bulkan pagkatapos ng lindol, at dumidilim rin ang paligid. It's weird."
"Look, their eyes are all white."
"Earth, Water, Fire, Wind."
Naidilat ni Raiko ang kanyang mga mata kasabay ng pagbilis ng kanyang paghinga, nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa mga narinig sa kanyang isipan na tila ipinapaalam sa kanya ang mga susunod na mangyayari.
"Earth, Water, Fire, Wind. Earthquake is Earth, Tsunami is Water, Volcanic eruption is Fire, while Hurricane and tornado are Wind." Mabilis na napakura si Raiko sa isang reyalesasyon sa mga napagtagpi-tagpi nyang nagaganap mula sa labas ng Academy.
"This is shit. It's connected to the devils sorcery in resurrecting dead bodies." Mabilis ang kamay ni Raiko na gumalaw at sa isang iglap ay naglaho sya kasabay ng pagdami ng mga itim na usok.
•